Kaya lang, sablay na naman ang mga kolokoy;
Una; libreng political ad campaign ito sa mga Party List na katunggali't kaaway ni Ate Glo't administrasyon para sa 2007 election. Sapagkat, imbis na itakwil, hintakutan ang mamamayan, maniwala't sumang-ayon ang mga botante sa propaganda, baka ma-challenge pa nga na iboto ang mga kalaban ng palasyo. Tulad sa nangyaring kaso kay Cong Allan Peter Cayetano, ang pagpapatanggal, ang kasong demanda't pangbu-bully ni Unang Ginoo't tanging esposong si Mike Arroyo, imbis na makasama kay Cayetano, lubhang nakatulong pa ito (name recall at acceptability) upang maiangat sa magic 12 winning chance ni Cong Cayetano sa Senatoriable race sa May 2007 election.
Pangalawa; bukod sa masidhing demoralisasyon, totoong politicalized at basag-basag na ang hanay ng AFP. Dahil sa isyu ng illegimacy (Ate Glo), nahati sa hindi mabilang na factions ang hanay ng AFP at PNP. Mula sa grupo ng mga sagad-saring alipores ni Ate Glo, may malaking grupo ngayon sa hanay ng mga junior officers at retiradong mga opisyal sa AFP ang patuloy na nananawagang ireporma ang institusyon ng Kasundaluhan at may ilan na gustong pabagsakin ang kasalukuyang nakatayong pekeng pangulo ng Pilipinas.
Bukud sa sira na rin ang pagtitiwala't kredibilidad, Ilan ang susunod at maniniwala sa panawagang “anti-komunista” ni Norberto “Saging” Gonzales? Si Saging na sagad-saring maka-KANANG pasista, pekeng SOC-DEM, ang sosyalistang impostor, ang recruiter, ang abono, ang kanal na pinanggagalingan ng lamok ng insurection at rebellion sa Pilipinas.
Mas mainam pa sigurong asikasuhin na lamang muna ni Saging ang sariling kampanya bilang Gobernador o Kinatawan sa probinsya ng Bataan (pupulutin sa kangkungan) at palakasin, i-overhaul o ilibing na lamang sa kasaysayan ang laos na anti-komunista, ang ampaw, walang numero at hindi manalo-nalong party list sa election, ang Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP).
Pangatlo; dapat matuwa't magdiwang pa nga ang administrasyon. Sapagkat kahit paano'y pinagkakatiwalaan, kinikilala pa, binibigyan pa ng pagkakataon ng mga Komunista ang "demokratikong proseso't institution," ang lehislatura at higit sa lahat ang arena't porma ng pakikibaka ng ELECTORAL POLITICS. Isang tagumpay ng isang bansang lulugo't malapit-lapit ng malugmok sa kumunoy ng kapariwaraan ang isinasagawa at partisipasyon ng mga komunista sa election.
Hindi maiaalis sa isipan ng mga nag-aaral, nagsusubaybay (political scientist) ng ating lipunan na may posibilidad na may namumuong "ideological debates sa loob ng prtido tungkol sa strategy and tactics o ang tunggalian hinggil sa kahalagahan ng political movements, ng electoral politics," sa pagitan ng paggamit ng "armadong pakikibaka versus sa paraan ng pakikibakang parliamento o ang electoral politics.
Pang-apat; mas bibilib,mas maibabalik ang respeto't kredibilidad ng country, ni Saging at ilang matataas na Heneral ng AFP kung imbis na partisan politics (ipanalo ang KAMPI at Lakas-NUCD), mawagan at magkampanya sana ito ng “voter's education,” tulad ng balak gawin ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng CBCP at iba pang NGO initiated campaign for transparency, accountility at good governance.
Isang napakahalagang tungkulin dapat ikintal sa kokote ni Gonzales at pamunuan ng AFP, ang pagtatakwil ng Traditional Politicians (TRAPO), political clan, ang pagboykot sa mga pulitikong Padri-padrino, ang kawalan ng accountability at 'di pagtugon sa plataporma de gubyerno ng malalaki at dominanteng Partido, ang paggamit ng salapi, vote buying, ang sindikato ng “hello garci controvercy” at pagtataguyod ng reform minded, progresibo, seryoso at responsableng mga kandidato. Isa ito sa mga ugat at dahilan kung bakit namamayagpag ang insureksyon sa bansa.
Ang suma total, tumulong si "Saging" sa panawagang clean, honest, peaceful at anti-trapong election sa May 2007 election.
link: “Apolitical AFP”
http://www.malaya.com.ph/jan18/edit.htm
"AFP brass backs call to shun Reds-linked bet in polls"
http://www.tribune.net.ph/nation/20070119nat1.html
http://www.geocities.com/pinoysocdem/pa.pdf (propaganda)
(e.g."Abra and Zambo del Norte are practically PDSP countries")
Doy Cinco / IPD
Jan 18, 2007
No comments:
Post a Comment