Sa kabila ng mayroon tayong sapat at murang renewable energy na mapagkukuhaan sa bansa, nakakalungkot isipin na ang gubyernong GMA ay hostage, nakagapos sa napakamahal, marumi, nakakalason at maanomalyang Independent Power Producers o IPPs (lokal at dayuhan na gumagamit ng fossil fuels).
Sa kabila ng patakarang DEREGULATION, privatization, ang limang (5) taong ng umiiral na batas EPIRA (Electric Power Industry Reform Act ng 2001), ang maanomalyang IPPs at manipulasyon, katiwalian sa NAPOCOR, ang State run Power sector Assets and Liabilities Management corporation o (PSALM), pumangatlo tayo sa may pinakamahal na kuryente sa buong Asia, una ang Cambodia, sumunod ang Japan. Buti sana kung kasing yaman tayo ng Malaysia, Thailand, Japan o China.
Ang nakaka-intriga at nakakapagtaka, habang sinasabing “may malaking kakulang daw ang Pilipinas sa kuryente,” tuloy ang pag-eengganyo sa mga mamumuhunang dayuhan na magtayo ng power plant (kahit sinasabi ng ilang experto na sobra-sobra't may surplus na tayo ng enerhiya), na ang kadalasa'y lokohan, goyoan, katiwalian at may kondisyones na “sovereign guarantees.”
Ayon sa ilang inhenyero kakilala ko sa larangan ng enerhiya, bukud sa mura't makakatipid ang estado, “may malaking reserbang kuryente pa ang mga Geothermal at Hydro electrical companies (gubyerno't pribado) sa bansa ang 'di napapakinabangan ng country, hindi namamaximized (less 20- 50%) ang kanyang kapasidad at ang malungkot, itinatapon na lamang ang sobrang energy production sa hangin o sa dagat!”
Ang tanong na dapat linawin, bakit parang nililimita't ayaw sagarin ng gubyerno ang pamimili ng sariling kuryenteng nagmumula sa mga Geothermal at Hydro electrical energy?
Ito ba'y dahil lamang sa naipako (kontratang pinirmahan) na ang gubyerno na bilhin ng napakataas na halaga ang kuryente sa mga IPPs na pag-aari ng mga Lopez at mga dayuhan? Kung totoo ang balitang ito, isang karumaldumal na krimen at isang NANAY ng mga anomalya na dapat panagutan ng gubyerno sa mamamayang Pilipino. Dahil ba sa walang dilhensya't makukurakot sa renewable energy?
Kailan tayo magkakaroon ng isang malawak na constituencies, matibay-tibay, solidong "environmentalist o GREEN votes" sa bansa?
Tignan din ang; "Environmentalists push renewable energy bill"
http://www.manilatimes.net/national/2007/jan/27/yehey/top_stories/20070127top8.html
Doy Cinco / IPD
Jan 27, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment