Saturday, January 06, 2007

Malakanyang:"laban ni Erap at GMA ang 2007 election (Round III)?

Huwag n'yong ikahong simpleng laban lamang ni Erap at ni Ate Glo ang 2007 election. Ayon kay Cong Peter Cayetano, “laban ito kung sino ang tama at mali. Laban ito sa pangungurakot at good governance at kontra pangungurakot at laban ito ng mamamayang nadaya ng kasalukuyang nakalukluk sa Malkanyang.”

Maaaring may kababawan ang labang binabanggit ni Cong Cayetano, sapagkat kung ganito ka kitid, ka personality oriented, ka zarzuela't kenkoy ang 2007 election na gustong isenaryo building ng Malakanyang, ni Sec Ninyo bonito Mike Defensor, walang dudang mananaig lamang ang kasalukuyang nakalukluk na administration candidate.

Napakahalaga ang 2007 election, dahil dito nakasalalay ang pagbabagong minimithi ng mamamayang Pilipino, maliban sa isyu ng illegitimacy, ang political at electoral reform, ang democratization at kaunlaran at ang kinabukasan ng susunod na henerasyon, ng kabataang Pilipino. Magsisilbi ring isang edukasyon o voter's education ang 2007 election upang maikintal ang mahalagang papel pampulitika ng bawat isa, bilang aktibo at responsableng mamamayan, lalo na ang hanay ng kabataang Pilipino.

Mas matalas, mapanuri at kritikal na ilarawan
ang 2007 election bilang tunggalian ng dalawang magkaiba at magkabilang dulo ng interest; ang malawak na MAMAMAYAN PILIPINO at ang PAGBABAGO versus sa ELITE na pinangungunahan ng pangkating GMA at paksyong trapong oposisyong labas sa kapangyarihan ng estado.

Mamamayan Pilipinong Naghahanap

ng PAGBABAGO

Administrasyong ELITE ni Ate Glo at ilang OPOSISYON

BAGONG PULITIKA
Program Oriented at Democratic participation
Progressive at Political Reform Agenda
Progresibo, seryoso at responsableng KANDIDATO
Malakas na Partido Pulitikal
Responsible at bukas na PAGGUGUBYO
Gubyernong Tumutugon at may PANANAGUTAN
Institusyunlisasyon ng Partisipasyon ng mamamayan

TRADITIONAL POLITICIANS (TRAPO)
Dominanteng Sistemang Politika, ang 4 Gs (guns, gold, goons, girls)
Elitista, ANGKANAN (Clan politics)
Paggamit ng Kapangyarihan, SALAPI, makinarya at Popularidad
Kawalan ng Pananagutan, Pangungurakot at 'di tumutugon sa Plataporma de Gubyerno
Konserbatibo (atrasado) at Bureaucratic
Personality oriented at Indibidwalista
Sistemang Padri-padrino
Kasal, Binyag, Libing (KBL)

Doy Cinco / IPD
Jan 6, 2007

No comments: