Tuesday, January 09, 2007

Electoral propagandist ng administrasyon, buluk

Nagbabala, muling nanakot at nagpropaganda ang Malakanyang na "lalala't lulubha raw ang krisis pulitikal at sasadsad ang ekonomya ng bansa" kapag magtagumpay ang opposition sa May 2007 election. Ganitong-ganito rin ang istilong buguk na PROPA nuong isinusulong ang Cha Cha at Pipol Inisyatib (PI) ng palasyo, sino ang naniwala?

Ito ang pagyayabang na pahayag nuong isang araw ni Gabby Claudio, ang presidential adviser on political affairs ni Ate Glo. Parang sinabing ang tanging direksyon, ang tanging lunas, ang tanging solusyon, ang tanging tagapagligtas ng sansinukub at hulog ng langit ay walang ng iba kundi si Ate Glo.


Maliban sa napakaBUGUK at sirang plakang istilo ni Claudio (ala, red scare tactics ng diktadurang Marcos), lasing sa kapangyarihan, wala sa hulog, manhid at walang pakirandam, walang sensitivity, out of touch at nasa ibang planeta, galaxy. Mas kapani-paniwala pa ng mahigit isang libong beses na “isang malaking trahedya ang kasasapitan ng ating country kung walang pagbabago ng sistema't magpapatuloy hanggang 2010 ang pekeng pangulong si Ate Glo.”

Sa kabilang banda, nangako namang “ibabalik ng oposisyon ang dignidad sa Kongreso” kung sila naman ang mananaig sa 2007 election, talaga? Kailan ba nagkaroon ng dignidad ang Kongreso? Simula't simula ng maitatag ang gubyernong walang paninindigan at tuta ng imperialistang Kano, elitist-traditional politicians (TRAPO) na ang palagiang tumatangan ng Kongreso.
Ang tanong ngayon, sino sa dalawa ang mas kapani-paniwala at mas may kredibilidad sa mata ng taumbayan?


Kung popokusan natin ang kasalukuyang rehimen, ano ang napala't nabago sa loob ng anim na taong nag-iisquat si Ate Glo sa Malakanyang?

1. Lomobo ng mahigit P4.0 trilyon ang utang panlabas ng bansa, ang pinakamalaking utang sa kasaysayan ng Pilipinas kahit pagsama-samahin ang lahat ng mga inutang ng nagdaang apat na presidente (40 years); President Marcos, Tita Cory, FVR at Erap. Mahigit P400.0 bilyon taung-taong ang naiseserbisyo para ipambayad na sana'y dapat napupunta sa delivery of basic services at pagsasa-ayos ng mga (LGUs) lugar na prone sa kalamidad (dange zone: baha, bagyo, lindol, mga squatter sa tabi ng estero, tabing bulkan, bundok, epidemyang sakit).

2. Sa loob ng anim na taon, naangat bilang suma cumlaude sa pangungurakot ang bansang Pilipinas sa Asia. Mahigit trenta hanggang singkwenta porsiento (30-50%) na salapi ng bayan ang nilulustay ng mga pulitiko, ng mga nakaupo sa Malakanyang mula sa mga proyektong pambayan.

Pilipinas ang may mas pinakamahal na highway sa balat ng lupa (sa Asia), ang Diosdado Macapagal blvd.

3. Mahigit apat hanggang limang libong Pinoy/pinay (4-5,000) ang kapit sa patalim na lumilisan araw-araw upang maging katulong, caregivers o OFW. Sa panahon ni Ate Glo ang may pinakamalaking bilang ng mga (mga bagong graduate) doctors, nurses, managers at professionals, imbis na pakinabangan ng country, ang lumalayas upang magtrabaho sa ibang bansa.

4. Pangatlo tayo sa Asia na may pinakamataas na singil sa kuryente!

5. Ang Pilipinas ang pinakamabilis na may paglaki ng insidente ng Karalitaan sa Asia, mula 37% nuong panahon ni Erap Estrada, lumagpas na ito sa 50%. Lalagpas na sa 10% ang average na pamilyang nasasadlak sa hirap, ang unemployment rate, inflation rate at nagugutom na Pilipino.

6. Ang Pilipinas ngayon ang pinaka-baog na bansa sa Asia. Tayo na ang sumasalo ng basura (scrap) ng Japan, Australia at ilang mayayamang bansa. Tayo na ang numero-unong bagsakan ng mga itinapon-pinagsawaang damit ng mga kalapit bansa (UKAY-UKAY ECONOMY) at pinakamalaking importer ng used na sasakyan (Subic) sa Asia.

7. Ang Pilipinas na ang pinakamalaking SQUATER'S COLONY sa ASIA. Isa sa may pinakamalaking bilang ng child labor sa buong mundo. Bukud sa may pinakama-traffic na lunsod sa Asia, tayo pa ang may pinakamaduming public toilet sa Asia.

8. In terms of science, technology at mathematics, milya-milya na ang agwat sa'tin ng China, Japan, S.Korea, India, Pakistan, Singapore, Taiwan at Malaysia, maski pa sinasabing ang huhusay nating mag-ENGLISH. Pang-world class na ang kanilang napro-produce na estudyante habang tayo'y nagyayabang na COMPUTER HACKERS at CALL CENTERS!

Wala tayong maipagmamalaking STEEL INDUSTRY na sana'y magbibigay daan upang makagawa ng makina na magpro-produce ng panibago pang makina, tools/ gamit pambahay at kasangkapan, barko't katawan man lang ng eroplano! Walang sariling gawang Pinoy na automobile. Puro na lang abuloy ang barko de gera ng Phi. Navy at eroplanong pandigma't helicopter ng Phil. Air Force.

Ang Pilipinas na ang mas may pinakamalaking importation ng bigas sa kasaysayan ng agrikultura. Humigit kumulang na "isang milyong metriko tonelada ang inaangkat-biniling bigas kada taon" sa Vietnam, Thailand at sa ibang bansa. Ibig sabihin lamang nito na hindi naging matagumpay ang rice production program ng Dept of Agriculture (DA)? Ang problema, pati ang bigas, ang staple food ng masa ay ginamit sa pamumulitika (political survivor) ng palasyo, isang halimbawa ang kaso ni Joc joc Bolante.


9. Ang Pilipinas na ang pinakamapanganib (segunda sa Iraq) na lugar sa mga peryudista, mediamen at political activist. Dahil sa "no permit-no rally," ang Pilipinas ang isa sa pinakamapanupil na lugar sa mundo. Nagpapatuloy ang paninikil sa kalayaan sa pamamahayag at pag-asembly.

10. Ang Pilipinas na ang pinakamadugo, pinakamagastos at pinakamadayang election sa buong Asia.

11. Tayo ang may pinakamaraming mga SCAM incidents (government procurement scam) sa mundo; pyramid scams, PIATCO scam, Northrail projects, Independent Power Producers (IPPs), sovereign guarantee scam, IMPSA scams ($14.0 million) at mga bangkaroteng mga Pre-need plans.

12. Ang Pilipinas na ang SHABU manufacturing center ng Asia at isa na sa mga sentro ng prostitusyon ng mundo.

13. Ang Pilipinas ang “the longest running maoist insurgency sa mundo.”

14. Ang Pilipinas ang may pinakamalaking unpaid pension sa mga retirado sa AFP at PNP (P17.0 bilyon).

15. May pinakamaraming gambling establishment at lords sa Asia, ang casinos at weteng/STL.

Idagdag pa ang political UNCERTAINTY, POLITICAL INSTABILITY ng country. Kung ito ang mga pagbabago at record breaking achievements ni Ate Glo sa loob ng anim na taon, hanggang kailan titiisin ng taumbayan at ano naman ang alternative agenda ng opposition?

Doy Cinco / ipd
Jan 10, 2006

No comments: