Sa isinagawang Permanent People's Tribunal (PPT) sa The Hague, the Netherland kamakailan lamang, nahatulang guilty of gross violations of human rights, economic and social rights and transgression of the national sovereignty ng sambayanang Pilipino ang rehimeng ni Ate GLO. Batay sa investigation, natuklasan ng anim na JURY na bumuo ng PPT na pinamunuan ng Presidenteng si Francois Houtart, "halos magkakambal, magkapareho ang sitwasyon sa kasalukuyang gubyerno ni ate Glo at nuong panahon ng paghahari ng diktadurang Marcos."
Ayon kay President Houtart, “dahil sa inposisyon ng martial law nuong panahon ni Marcos, maliwanag sa mundo na may diktadurya at may malawakang paglabag ng karapatang pantao, sa ngayon, may total denial sa bahagi ng estado, itinatangging may diktadurya habang walang dudang halos magkatulad ni Marcos na nilalabag ang karapatan ng mamamayang Pilipino.”
Dumating na sa yugto na kung saan ang BUONG MUNDO na ang bubusisi sa pang-aapi't pang-aalipusta ng isang gubyerno (isang independent, soberanyang bansa) sa kanyang sariling mamamayan. Parang "kaparallel" na natin ang Somalia, Sudan, Bosnia, Sierra Leone, Afghanistan, Iraq at Burma, mga bansang pinanghimasukan at nilalamutak ng mundo, mga lugar kung saan mahina't bagsak ang estado (weak at failed state), lalo na sa larangan ng human rights.
Kung ating babalikan, walang nangyari sa "Task Force Usig" at Melo Commission na itinatag ni Ate Glo mismo, pumasok sa eksena ang Amnesty International na nakabase sa London, sumaklolo na ang United Nation special envoy-rapporteur Philip Alston, pumasok sa eksena ang International Parliamentary Union (IPU) na nakabase sa Geneva, nagpatuloy ang political killings. Nanghimasok si Uncle Sam, kung saan ang US Senate (Foreign Relation) na ang nag-investigate, nanghimasok, nakialam sa investigation, nagpapatuloy ang political killings. Ang nakakalungkot, walang paki-alam, dedma, patay malisya at hindi kontrolado, wala sa kontrol ni Ate Glo at Malakanyang ang sitwayon.
Inaasahang mag-iiscalate ang pagkilos at preassure ng mamamayan ng mundo, kasama ang mamamayang Amerikano laban sa GMA government na maaring humantong sa panawagang itigil na ang US military Aid sa Pilipinas at magkaroon ng sanction mula sa iba't-ibang multilateral funding agency ng mundo sa gubyerno ni Ate Glo. Wala na tayong pinagkaiba sa North Korea, sa kanila ang isyu ng nuclear power, sa Pilipinas, ang pagiging berdugo sa sariling mamamayan.
Masyado ng kahiya-kahiya ang estado poder ni Ate Glo. Dumating na sa yugto kung saan, nawalan na ng pangangatwiran at rasyunal, nawalan na ng moral ascendancy ang gubyernong inagaw lamang nito sa pamamagitan ng malawakang pandaraya't pananakot nuong 2004 presidential election. Dahil sa lumalaking bilang ng populasyon ang disgusto't walang naniniwala sa kanyang sistema ng paggugubyerno, upang masawata ang malawakang protesta, gumagamit ng dahas, panunupil at pananakot .
Ang TANONG ngayon, sino ang mas may kredibilidad, pagtitiwalaan ng mamamayang PIlipino? Si Ate Glo, "Saging Gonzales, si siRaulo Gonzales, ang Malakanyang o ang mga bansang nag-aantabay at nagmomonitor (Permanent People's Tribunal, UN Human Rights Commission, Amnesty International -AI), US Senate hearing-investigation o ang mundong nagmamalasakit sa lumalalang kalagayan pampulitika't pang-ekonomya ng bansa?
Aasahang total denial uli ang Malakanyang sa kaliwa't kanang inbistigasyong isinasagawa ng pandaigdigang mga tribunal. Ang mas malupit pa rito, muling paparatangang isang "kanggaro court, walang representasyon sa bahagi ng gubyerno, ginagawa na ng gubyerno sa pamamagitan ng mga task forces ang problema ng extra-judicial killings, sasabihin pang natural at inaasahan ang verdict laban sa pangulo dahil mga Kaliwa't militante lamang ang siyang bumubuo ng Permanent People's Tribunal sa Europe."
Tulad ni Marcos, dahil sa political uncertainty, tanging ang mga security forces, ang militar at kapulisan na lamang ang tanging bumubuhay, sumasalba't nagbibigay “katatagan” sa kanyang gubyerno at kung mawawala ang suporta ng mga 'to, walang dudang tataob ang bangka, tanggal na, bagsak na, na-overthrow na si Ate Glo sa poder ng Malakanyang.
Source: ‘Arroyo regime worse than Marcos era’
BY LOUI GALICIA / ABS-CBN Europe News Bureau
Link: http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=71394
Doy Cinco / IPD
March 25, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment