Masyado ng ginagawang gago, tanga, ng KAMPI ang partidong Lakas at ibang partidong malapit sa administrasyon. Dahil sa PONDO at LOHISTIKA, nagugulangan, ginagapang, nakakahoy, nagbabaligtaran ang mga tigasing Lakas at NPC patungo sa KAMPI. Sa kasalukuyan, mas nakalamang na ang ilang kandidatong KAMPI kung ikukumpara sa kandidatong Lakas na halos may sampung taong (10 years) ng namamayagpag sa lugar. May mahigit kumulang na walumpong (80) congressional candidates at ilang daang LGUs ng administrasyon ang bumaligtad at nakangkong na ng KAMPI.
Ang pinakamalungkot, mas binubusog, paldo-paldo (daang milyon kada isa) ang pondo at lohistika ang mga kandidatong KAMPI lalo na sa ilang malalakas at estratehikong mga probinsya kung saan naagaw nito mula sa LAKAS ang kontrol sa Panggasinan, Isabela, ang Southern Tagalog - Batangas, ang Central Luzon – Pampanga, Kabiculan, Cebu at Mindanao.
Hindi nasunod sa halos lahat ng probinsya't distrito mula Aparri hanggang Jolo ang “equity of the incumbent” na unang naging kaisahan, binagsakang patakaran ng Malakanyang. Mas naloko nito ang marami sa Lakas ng pakunwaring idiniklara raw na “zona libre” sa halos karamihan na tinatawag na “magugulong” lugar, mga administration candidate ang naglalaban-laban.
Dahil mawawala na sa mayorya ang partidong Lakas, walang dudang matatanggal sa pwesto bilang “speaker of the house” si Cong Joe de Venecia” at KAMPI stalwart na ang maghahari sa bansa, tulad nung nangyari sa partidong Kilusan ng Bagong Lipunan (KBL) noong panahon ng Martial Law (70s) at diktadurang Marcos, kung saan ang mayorya ng partido ay kontrolado ng KBL.
Hindi mapapatawad ang kataksilan, ang kalapastanganan, ang panggugulang at kasakiman sa kapangyarihang ginawa ng KAMPI, Unang Ginoong Tanging esposong si Mike Arroyo, Tong Villafuerte, Sec Puno at ibang pusakal, gangster na pulitiko lalo na sa nalalapit na May Midtern election. Wala ng ibang dapat gawin ang pamunuan ng Lakas-NUCD, NPC at LP kundi pag-isipan, pag-aralan kung paano mababalanse, kung paano makakabawi, makakaganti, makakakurot man lang sa KAMPI.
Ang isang paraan, sumama na sa opposition sa panawagang muling pagsasalang ng impeachment proceeding, ang pam-finale, ang lola ng pagbabalikwas laban sa elihitimo, iligal, imoral, ang peke at anti-Pilipinong pangulong si Ate Glo. Sa ganitong kabayanihan, sa ganitong paraan lamang tunay na mapapatawad sila ng taumbayan.
Doy Cinco / IPD
March 18, 2007
No comments:
Post a Comment