Sa huling electoral survey ng Pulse Asia, SWS at sa mga naunang mga survey nito, numero uno, NAMUMURO, lalong tumatatag at namamayagpag ang Bayan Muna (BM) na muling manalo sa nalalapit na Party List election sa Mayo. Ito'y hindi pa sa husay ng mga electoral cadre, sa husay at galing ng strategy and tactics ng mga operator ng BM, hindi pa sa dahilang naniniwala ang mga tao sa Kaliwa, hindi sa dami ng command votes, sa husay ng mensahe (propaganda), projection at imaheng ipinapakita nito, hindi pa sa dami ng suportador, hindi pa sa husay ng organisasyon at electoral na makinaryang taglay-taglay nito at higit sa lahat hindi pa sa laki at paldo-paldong pondo at lohistikang pinangtutustos sa kampanya, kundi dahil pa sa KATANGAHAN, sa KAGAGUHAN at sa kabobohan ng mga anti-kumunistang nakaupo sa gubyerno, tulad ni Secretary of Justice siRaulo Gonzales, National Security Adviser Norberto “saging” Gonzales, Interior Secretary (DILG) Ronaldo Puno, Ex Sec Ermita at DND Sec Ebdane at Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon.
Napanood ng milyung-milyong Pilipino't ng buong mundo (TV, Radio, Internet at pahayagan) kung paano ginago, trinato, inalipusta, paratangan, tiniris-tiris, kinaladkad, pinasista't inapi ng gubyerno ni Ate Glo si Cong Satur Ocampo. Mababa na nga ang pagtingin ng Pinoy sa gubyerno, lalo pang winawarat ni Ate Glo ang sarili sa epekto ng sunud-sunud na kaliwa't kanang atake laban sa kanya, ang weak governance, ang epekto ng ng Melo Commission, Amnesty International, ng United Nation Human Rights watch, ng US Senate investigation, ng Hong Kong-based Political and Economic Risk Consultancy (PERC) na nailagay sa valedictorian ng pangungurakot ang Pinas sa Asia at panghuli, ang lumabas na survey na lumalaganap ng mabilis ang kagutuman sa Pilipinas.
Silang lima (5), ang sa totoo lang ang tunay na nag-aasist, kumakalinga, nagmamalakasakit, kampanyador, recruiter at nagmamahal sa Bayan Muna at sa mga kumunista, sosyalista't anarkista. Sa akalang mabubura ang Bayan Muna at iba pang maka-Kaliwang partido sa Party List, sa akalang hihina at manlulupaypay ang Bayan Muna, sa maling akalang kakakagatin ng mamamayang Pilipino ang propagandang anti-kumunista at sa pag-aabolished ng sistemang Party List, lalo lamang pinalalakas nito ang naturang mga kalaban sa pulitika. Ang matinding pang-aapi't panggigipit kay Satur ay walang kaduda-dudang magbuboomerang sa pagmumukha ni Ate Glo sa Malakanyang.
Dahil sa awa kay Satur, kahit saan tignan, walang dudang ang "hearts and mind" ng mga Pilipino ay lubhang nakaapekto't wala na sa Malakanyang! Dahil sa iligal, ilihitimong pangulo-weak governance, sandamukal na pangungurakot, panunupil at katiwalian, anim (6) na taong krisis pang-ekonomya't anti-Pilipinong patakaran ni Ate Glo, mayorya ng mamamayan (65-70%) ang gusto ng ibagsak at lansagin ang gubyerno ni Ate Glo sa anumang kaparaanan (impeachment, KUDETA, insureksyon o Electoral), kundi man tumitingin, pumapaling sa kabilang bakod at nagsisimpatya sa sinumang oposisyon at katunggali nito sa pulitika.
Tulad ng kaso ni Cong Allan Peter Cayetano, dahil sa panggigipit, harashment at pang-aapi, sari-saring dirty tricks tactics na ginamit;
1. ang pagpapatanggal bilang Congressman
2. ang kapangalan nitong si Cayetano sa bogus na partidong KBL,
3. na kesyo isang dayuhan si Allan Peter Cayetano at kung anu-ano pang mga kaparaanan
Ito'y maliwanag na nanggagaling sa utus ng isang tirador ng palasyo, kay Unang Ginoo at Tanging Esposong si Mike Arroyo. Dahil sa panggugulang at harashments, nagiging bayani, mas nagiging popular sa masa si Cong Allan Peter Cayetno. Mas lalo lamang naipupwesto sa matibay na posisyon sa ikatlo hanggang sa ikalimang (3rd-5th) posisyon sa mga electoral survey sa Senatoriable race at dahil dito, naniniguro't panatag na si Sen Allan Peter sa Senado, pasalamat siya sa katangahan at kabobohan ng mga operador Mike Arroyo sa Malakanyang.
Dahil sa kaso kay Satur, dapat magpasalamat ang Bayan Muna sa mga buguk, gago at siraulong adviser ni Ate Glo sa Malakanyang.
Doy Cinco / IPD
March 20, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment