Hindi pa nga nakakabawi sa negative-zero credibility perception ng mamamayan Pilipino sa Comelec, may panibagong alingasngas na naman itong isinagawa. Ayon kay Commissioner Borja, "ito na raw ang pinakamababang pagtanaw at pagtitiwala ng mamamayan sa ahensya sa buong kasaysayan nito."
Batay sa mga ulat-pahayagan, ilan sa mga naabo sa sunog ay ang mga importanteng dokumento, mga vital evidence na lubhang kailangan sa kasong kinakaharap na irregularidad ng Comele, ang mga nakapending na kaso ng pekeng kaapilyidong Cayetano ni Allan Peter, isang un-identified na Aquino ni Noynoy Aquino, mga contentious cases, mga election cases noong 1995-2004 election (transcript at stenographic notes), Supreme Court cases pertaining sa mga naganap na '87 - 2005 election. at iba pa.
Ayon sa initial na ulat ng mga Bumbero (fire marshall), "walang dudang PANANABOTAHE ang nasabing sunog." Nakakatawang isiping may ilang metro lamang ang layo ng Comelec (kapitbahay) sa istasyon ng Bumbero, at sa panahon bago (madaling araw) masunog ang Comelec, ang mga Marines na naatasang magbantay sa Comelec ay nawala sa pwesto. Isa ring maaring anggulo, malinaw na may kaugnayan sa SUNOG at ang SUMA TOTAL ay ang walang katapusang isyu ng P1.3 bilyong Automative Counting Machine (SCM) ng Mega Pacific SCAM, ang poll modernization projects, ang procurements ng mga supplies na isinagawa at kailangan sa 2007 election at ang mga dokumento't ebidensya ng malawakang dagdag-bawas, anomalya ng 2004 presidential election.
Maaring isang mensahe, sinyales ng panununog ay “gusto pa rin, may pagtatangka pa ring ipatigil ng Malakanyang ang May midterm election bunsod sa inaasahan nitong pagkatalo sa nalalapit na election sa Mayo." Halos kasunod ng insidente ay ang resulta ng SWS, Pulse Asia at sariling kinomisyong nitong mga Survey kung saan lubhang nalagay sa kulelat, mababang rating-performance ng kanyang senatoriable-administration Unity Ticket.
May panahon pa (less than 2 months) upang maibalik kahit paano ang pagtitiwala ng mamamayan sa halalan at Comelec, dalawa lamang ang maaring itugon ng Administrasyon sa minimum, agad i-overhaul, pagresignin ang lahat ng commissioners sa Comelec, pansamantalang palitan ng impartial, independent at kilalang mga huwaran, subuk na mga sibiko't mga non governmental organization pipol na may matagal ng may advocacy-pagsusulong ng political at electoral reform sa bansa. Pangalawa, magkaroon ng mabilisang inbistigasyon sa katiwalian at ipakulong ang lahat ng mga salarin sa ahensya.
Doy Cinco / IPD
March 12, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment