Tinatantyang may mahigit kumulang na P200.0 milyon/each ang inaasahan campaign budget (90 days) ng mga senatoriable candidates na nakapakat sa administrasyon-Unity Ticket. Walang dudang may ganito rin ilang kandidato ng Genuine Opposition (GO). Ayon kay Pichay, "dahil sa archipelagic condition ng bansa, 70% ng kabuuang budget nito ay kanyang ilalaan sa political Ads. " Kaya naman valedictorian sa gastusan ng lahat sa senatoriable candidates si Pichay, P35.0 milyon sa unang dalawang linggo (first wave) ng kampanyahan. Katumbas na ito ng mahigit 10,000 scholarship, deserving at matatalinong mga bata, sa kolehiyo! May P250.0 milyon na sa kabuuan ang nawawaldas ng mga kasama ni Pichay sa kampanya, sumunod si Villar at pumangatlo si Recto at may natitira pang walong (8) Linggo sa electoral campaign.
Ang tanong, magkano ang ibinigay na contribution ng mga Padrino (campaign donors), ng Partido (Malakanyang) at ng sariling bulsa? (estimate: padrino-80%, partido- 18%, sariling bulsa- 2% respectively)
Ayon kay Mike Defensor, "hindi makatarungan ang 120 minutes Pol Ad limitation sa kabuuan o sa panlahatan TV-Radio ayon sa isinasaad ng "Fair election Act." "Dapat sa iisang network lamang ito ipatupad, paano ang maliliit na Istasyon?" Ayon sa kanya, "nakokopong lamang ng malalaki at dambuhalang Media network (GMA 7 at ABS-CBN) ang nasabing Pol Ad ng mga senatoriable candidates na may kakayahang (may mga donors at supporters) gumastos. Ibig sabihin, kung papayag ang Comelec, handang gumastos at may kakayahan pang magwaldas ng mahigit anim na raang milyong piso (P600.0 milyon/each) sa Pol Ad si Ninyo Mike at iba pang mga nasa tiket ng administrasyon at oposisyon. Sa totoo lang, hindi nila pinoproblema ang gastusin sa Pol Ad, sapagkat ito'y inaako't sinsagot ng mga PADRINONG Chinoy-Taipan at ilang mga supporters na campaign DONOR.
Tulad ng inaasahan, kalat na ang balita na mga Chinoy- TAIPAN ang pangunahing mga PATRON na gumagastos sa May election. Umuugong ang balitang nagbigay na ng P300-450.0 milyon ang tatlong Taipan; si Lucio Tan ng PAL, Gokonwei ng Cebu Pacific at Gaisano (Gaisano Mall) kay Cong Pichay na walang dudang hindi makalulusot sa 'magic 12'. Lumalabas na P100-150.0 milyon ang bawat isa sa kanila, hindi pa kasali rito ang pangongotong nito sa AFP at ang text book controvercy. Wala pang konpirmasyon kung magkano ang ibinigay ni Henry Sy ng SM at si Boss Danding ng SMC.
Sigurista ang mga Padrino, tumataya ito sa magkabilang bakod, meaning kung nagbigay ito kay Pichay, walang dahilan upang hindi pagbigyan ang limang (5) senatoriable candidates na may winning chance sa Unity Ticket. Wala ring dahilan upang hindi ito mag-abot sa 10 oppositon (GO) na nasa magic 12 (may winning chance). Kung titilad-tilarin, sa 16 senatoriable candidates na binigyan ni Lucio Tan, imultiply natin 16 x P100.0 million/each, ang suma total, P1.6 bilyon sa kabuuan, hindi pa kasali rito ang apat na Taipans.
Sa mga padrinong Chinoy-Taipan pa lang ang ating pinag-uusapan. Magkano naman ang parte ng padrinong mga GAMBLING-weteng Lords, ng Drug Lords at Prosti Lords? Tinatantyang may tatlo hanggang Limang bilyong piso (P3-6.0 billion) ang kayang idonate nito. Walang dudang tutumbasan nito ang halagang hinahatag ng mga Taipans.
Kung sa Local Political race; kadalasa'y mga SUPPLIERs at Kontratista ang mga CAMPAIGN DONOR sa congressional, governatorial at city mayoralty position. Malaki rin ang papel ng Weteng at Drug Lord bilang mga PADRINO sa LOCAL POLITICS. Normally, pumapalo ito ng P20-50.0 milyon kada mga DONORs kada kandidato na my winning chance at habang maliit ng kaunti (P5-10.0 milyon) sa alanganin o sa talunang kandidato. Kung may 2 seryosong naglalaban at ang iba'y saling-pusa, lahat sila aabutan at bibigyan.
Kung ang mg Padrino ang sumasagot sa budget ng isang kandidato, baligtad naman ang kaso ng Iglesia. Nasa ktegoryang SWING VOTE, meaning may solitidong ilang milyong "command votes" ang Iglesia ni Kristo (INK). Kung ang mga business interest at mga Lords ang nagbibigay, sila naman ang tumatabo, tumataggap at nakikinabang sa tuwing may election, kapalit ng pag-endorso. Kaya lang, sinisigurado nito na winnable ang isang kandidato at ang isang paraan upang makatiyak, tulad ng SWS at Pulse, nag-eelectoral susurvey rin ito.
Ano ang inaasahang kapalit ng mga PADRINONG tumataya bilang mga campaign donors? “Wag nitong lokohin ang taumbayan na isang pagkukusang loob (“good samritan”) ang bilyung-bilyong pisong inihahatag nito sa mga kandidato. Ang nakakatakot dito, sa bawat pisong donasyon mula sa Padrino, walang kaduda-dudang limang (P5.0) piso ang ganasya't kapalit nito sa anyo ng PAVOR, CONCESSIONs at Kontrata o sa madaling sabi, ang walang katapusang PANGUNGURAKOT.
Ano ang epekto ng PATRONAGE POLITICS (ang utang na loob-grattitude), mababang koleksyon ng buwis (lalaganap ang tax evation), tataas ang singil ng serbisyo publiko, kuryente, tubig, matumal at mababang kalidad na INFRA projects, walang maipatayo o kung mayroon man kulang at mababang kalidad na mga gusaling Hospital, kulang at walang gamot at duktor, paaralan na walang mga guro, aklat, mabahong toilet at kulang na facilities, mga pulpol na kagamitan ng AFP, bumabagsak na helicopters, mahinang serbisyo sa mga magbubukid sa kanayunan at marami pang ibang karumal-dumal na katiwalian sa country.
Mahalagang matalaky at maipasa sa 14th Congress ang inaamag na BILL na nakapatungkol sa "Campaign Finance, strengthening of political party " sa ilalim na isinusulong na political at electoral reform, sapagkat ang taumbayan ang kawawa, bilyun-bilyong piso ang naitatapon na salapi sa walang kapararakang adhikain, mga pekeng kinatawan-pulitiko, elitista, mayayaman lamang ang nananalo at nahihikayat sumali sa buluk at undemocratic na election.
Kung hindi masasawata ang ganito karumi, kaburikak na klaseng laro ng PATRONAGE POLITICS na taglay-taglay ng buluk (unreformed) na sistema ng pulitika at election, wala ng nga tayong pag-asang umunlad pa.
Doy Cinco / IPD
March 4, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment