Alam ng marami kung gaano karumi lumaro ang pusakal na operador ni Susano na si Taddy Palma, ang madalas bumiyahe sa abroad-Amerika, ang siga-siga, ang maton, ang “gate keeper kuno,” ang “old school” na tacticians sa electoral politics ng QC. Ang KAPERAHAN, ang TRAPO politics na pamumudmud ng salapi at salapi lamang ang solusyon sa pananagumpay na alam na teknolohiyang electoral ni Tandang Palma." Para bagang ang lahat ng labanan ay madadaan sa pera, ang lahat ng kaluluwa ng tao ay kayang bilhin at ikalakal. Ganito ang laro ni Taddy Palma noon may ilan dekada na ang lumipas at magpahanggang ngayon.
Sa kanyang ipinagayayabang at ipinagmumudmurang SURVEY noong pang Enero ng taong kasalukuyan, ginamit ito upang "lokohin, pahinain ang loob" ng mga pulitiko, ng mga Kapitan ng Barangay sa 2nd District. Ayon raw sa resulta ng “Survey,” may 35% raw ang performance rating ni Tongreswoman Susano sa Kongreso at 75% naman ang kay Mayor Belmonte? Ang isang tanong ng marami, bakit hindi pumarehas sa RATING si Susano Kay Mayor SB. Ipinapakita lamang na may problema at mababang- mababa ang pagtingin ng tao kay Susano. Ganito rin mismo ang pagdududa ng Malakanyang sa mga lumalabas na survey firm sa senatoriable race.
Granted na tama si Taddy Palma at survey, ano ang ginamit na metodolohiya, paano minadyik at nangyari ito? Pangalawa, maaga pa (january survey) ang laban upang magdiwang at magsalita ng patapos. Mas may katotohanan ang survey kung ito'y isinagawa sa panahon ng campaign period o limg araw bago ang election day.
Alam ng marami na nangitlog, nagbutas ng bangko lamang si Susano sa Kongreso at ang pinaka- nakakahiya, ipinasubo nito ang 2nd District sa pagkatuta nito sa inilakong Cha Cha, People Initiative ng Sigaw ng Bayan, DILG at administrasyon ng wala man lamang pakikipagkonsultasyon sa mamamayan ng QC na nasasakupan nito. Alam ng mga tao na pawang infra-horizontal projects na produkto ng PORK BARREL ang inatupag ni Susano at sa totoo lang, walang dudang kumita pa nga ito sa anyo ng komisyon at kurakot.
Hindi nakasisigurado si Taddy Palma at Susano na komo ino-ohan sila na mga pulitiko, mga Kapitan ng Barangay ay equivalent o equals “CONVERSION” na boto agad ito sa mamamayan sa darating na halalan sa Mayo. Mas kapani-paniwala pang kinukwartahan lamang sila at sa pag talikod ng mga ito'y minumura sila at babaling na ibang kandidato.
Nababaliw na, nagkakamali't praning na si Tady Palma, kung noon (60s-90s), may ilang dekadang umubra ang maayos at conversion factor ng mga Kapitan-LGUs sa baba. "Hindi na awtomatikong maasahan sa delivery votes ang mga pulitiko (LGUs)." Ayon sa ilangkaransan at pag-aaral na isinagawa ng mga electoral tacticians at operator nuong dekada 90, mukhang nagbago at ptuloy na nagbabago ang terrain at botante lalo na sa kalunsuran.
Sa ilang findings, mas mataas na ang lima hanggang sampung porsiento (5-10%) ang conversion- factor-delivery votes ng mga opisyal ng gubyerno sa baba na ihahatag na boto papataas, meaning botong ibabato nila sa Kongressman at Senado (National). Ang isang dahilan, ang karanasang paulit-ulit silang nagogoyo't napapako ang mga pangako ng mga pulitiko at ang kanilang kahabag-habag na kalagayan. Kaya't walang dudang ang marami sa kanila ay “nag-iisip na, may pansariling disposisyon na, hindi na umaasa at higit sa lahat, nagsusuri at matatalino na ang mga botante."
May ilan ding mga kadahilanan kung bakit nagbabago ang pagtingin ng mga botante sa electoral politics. Una, ang epekto ng krisis na tinamasa ng mamamayan, bumaba ang kredibilidad at pagtitiwala sa mga pulitiko dahil sa korapsyon at katiwalian, ito ma'y kapitan ng Barangay, Councilors, Mayor hanggang Gobernador. Ang mga tao for the past 5 years ay naunsyami, nanglupaypay at nawalan na ng AMOR sa mga pulitiko na nagpanggap na representante.
Pangalawa, "may certain level ng awareness" na tumaas ang pananaw ng mga botante na binaboy, sinalaula ng mga pulitiko ang institusyong Kongreso, lalo na nung dalawang beses itong nagkagulo sa impeachment proceedings. Sa kanila, ito ang punut dulo, at sumira sa kanilang pagtitiwala lalo na sa inaasam-asam na kaunlaran at kaginhawaan bilang maralita.
Doy Cinco / IPD
March 12, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment