Thursday, March 08, 2007

Part I: Pro-GMA at TRAPO ang magdodomina ng Congressional race sa Kamaynilaan

(Part I)
Hindi hiwalay ang Metro Manila sa kabulukan, TRAPO, perahan-machine politics, personality oriented na labanan electoral sa buong bansa. Mukhang nahihirapan ang administrasyon na resolbahin ang gusot at swapangan sa kapangyarihan ng kapangyarihang dulot ng iba't-ibang kahariang pulitikal na nakatanim sa mga lugar sa LOCAL.


Hindi umubra ang arbitration committee ng Malakanyang at upang makaiwas na mapusoy, ididiklarang “free zones” ang mga lugar. Kung may nagaganap na girian at tunggalian ng mga pekeng partidong Lakas, Kampi at NPC sa halos kalahati ng probinsya sa bansa. Ilan sa kilala; Batangas, Pampanga, Laguna, Ifugao, Camarines Sur, Island of Mindoro, Cordillera Region, Pangasinan, La Union at iba pa, hindi ligtas at halos ganun din ang sitwasyon sa Kamaynilaan. Ang malungkot, mukhang makokopong, madodomina ni Ate Glo't administrasyon ang Metro Manila congressional election. Sa initial na pagsusuri;

Caloocan City
Posibleng apat ang maglalabanan sa mayoralty election; Incumbent Mayor Echiveri, si Cong Baby Asistion, graduated sa 2nd District, babalik ang mga dating mga Mayor na si Malonzo at ex mayor Boy Asitio. Kung may labanan ng mgRecto, may labanan din ng mga Asistio sa Caloocan.
1st District:
Bagamat nakakaungos ang TRAPO at incumbent candidate na si Oscar Malapitan (Lakas), babangga ito sa isang bagitong anak ni Mayor Recom Echiveri na si RJ Echiveri na isa ring pro-administration ticket sa 1st District. Si Oscar Malapitan na dating PMP, ang partido ni Erap ay lumundag sa Lakas ng malamang hindi na makakabawi't bagsak na ang kampo ni Erap at FPJ.

Kung magagawi kayo sa bahay ni Malapitan, araw-araw sa ginawa ng diyos, parang may nasunugan o may kalamidad sa lugar, ang haba ng pila ng mga tao na nanghihingi ng abuloy. Mula sa solicitation letter ng kung anu-ano, reseta ng gamot o health services, humihingi ng tulong, mga pautang at iba pang serbisyong ala-DSWD.

Kaya't kung bukas na ang election, walang dudang si Malapitan na ang panalo. Batay sa kasaysayan ng pulitika't election ng Caloocan , may pattern na mahihirapan maipanalo ang may dalawang entity o magkasabay na labanan sa Mayoralty at congressional district. Ito ang mapait na karanasan ni Mayor Malonzo nuong 2004 election. Kung aayusin at bubuwelo, may adjustment sa kampanya ang Echiveri, posibleng magiging mahigpitan ang labanan.
2nd District
Dahil binakte na ni Cong Boy Asistio, babalik ang talunan at dating kinatawang si Edgar Erice (LP-pakpak ni Drilon). Babanggain nito ang anak ni exMayor Boy Asistio na si Maca Asistio. Nakapaghanda't nakapag-ipon na ng malaking salapi si Erice para sa 2007 election dahil sa WETENG operation. Ang problema, siya ngayon ang puntirya ng grupong Simbahan at moralista ng Caloocan. Magiging mahigpitan ang labanan dito.

Quezon City
1st District:
Dahil sa mahina ang mga kalaban, siguradong panalo ang incumbent Congressman na si Vincent Crisologo, nag-abstain nuong impeachmwent proceeding, kaalyado ni Mayor Sonny Belmonte at isang kaibigan ng dating Presidenteng si Erap.
2nd District:
Inaasahang ididiklarang “free zone” ng administrasyon at magiging kapana-panabik ang apat (4) na maglalaban-laban. Maliban sa incumbent na si Cong Annie Susano (Lakas), kalahok ang paboritong pamankin ni Mayor SB na si KIT Belmonte, ang manok ng LP-Drilon, ang dating Abugado ng Magdalo, ang may malawak na network sa UP at Alpha Sigma Frat. Babalik ang ex Cong Chuck Mathay at ang graduating councilor, anak ng weteng lord na si Allan Francisco. Kung bibitbitin ni Mayor SB (walang kalaban) si KIT, siguradong panalo na ito at mukhang ganito ang senaryo. Lalabas na si KIT at Chuck Mathay ang mahigpit na maglalaban. Nakasakay sa makinarya ni Mayor SB si Allan Francisco at Cong Susano na napabalitang tatakbo na lamang sa pagkaVice Mayor.
3rd District:
Sigurado ng panalo ang incumbent Cong Matias Defensor, ang ama ni Mike na tumatakbo sa Senatoriable race. Hawak ng angkang Defensor ang 3rd District, unang hinawakan ito ni Mike at sinundan ng ng kanyang kapatid na babae. Si Franz Pumaren na dati ng tinalo ni Mike Defensor at ang Councilor na si Jun Banal ang nakahanay na lalahok sa labanan.
4rt District:
Walang dudang panalo na ang incumbent na si Cong Nannete Daza (Lakas), ang manok at super kaalyado ni Mayor SB. Muling pupulutin sa kangkungan si Bong Suntay at kung saka-sakali ang anak ni Cong Edcel Lagman (tatakbo sa Albay) na si Edcel Lagman jr.

Valenzuela
Sigurado na ang panalo ni Bobbit Carlos (Lakas) sa 1st District.parehong pro-Admin candidate sa 2nd District, ang dating kinatawang si Magtanggol Gunigundo at Gatchalian, ang milyhunaryong “plastic man” at ang tinalo ng nasirang Cong Serapio nuong 2004 election. Nakalalamg ng kaunti si Gunigundo.

Malabon-Navotas (Lone District)
Dahil graduate na si Cong Sandoval (spice boys ni GMA), ang kanyang kapatid na mayamang si Federico Sandoval (Lakas) ang hahalili sa kanya. Dahil mahihina ang magiging kalaban, mukhang nakalalamang at itutuloy ng Sandoval clan ang kapangyarihang pulitika sa lugar.

San Juan (Lone District): Walang mababago't ang incumbent Cong Ronaldo Zamora ang paniguradong mananalo.

Pasig (Lone District)
Magpopokus at naniniguro na si Cong Dudut Jaworski sa mayoralty position. Ang kanyang makakaharap ay ang anak ni Mayor Eusebio. Three corner fight ang Pasig, ang llamadong si Mayor Enteng Eusebio (graduated), si Roman Romulo (pro-GMA) at Noel Carino, pro-GMA at dating KNP, ang tinalo ni Dudot nuong 2004 election. Dahil sa malalim ang Political clan ng Eusebio sa Pasig, pusibleng manalo ang matandang Eusebio.

Paranaque
1st District: Walang mababago sa dalawang distrito. Sigurado na ang incumbent Cong Eduardo Zialcita (Lakas- pro-admin). Ang kanyang katunggali ay isa ring pro-admin na si Jun Banaag. Walang dudang mananalo ang incumbent Cong Roilo Golez (GO) sa 2nd District maski pa't bumalik sa pulitika ang dating senador na si Freddie Webb (pro-GMA).

Makati
Halos walang kalaban sa 1st District ang incumbent Cong Teddy Locsin jr. Kaalyado siya ni Mayor Binay at isa sa mga speech writers ni Ate Glo. Mahigpitan ang labanan sa 2nd District. Ang anak ni Binay na si Abegail Binay at Erwin Genuino, ang nagtatapon ng pera at anak ng PAGCOR chair na si G. Genuino. Inaasahang babaha ng pera't iba't-ibang campaign gimmick sa Makati.

Marikina (lone district): Sigurado na ang incumbent Cong Del de Guzman (pro-GMA). Deputy floor leader sa Congress at isang mahigpit na kaalyado ni Bayani Fernando.

Mandaluyong (lone district): Nagpapalitan lang ng pwesto ang magka-alyadong si Ben Hur Abalos at Neptali Gonzales jr. Parehong astig at anak ng makapangyrihang pulitiko.

Muntinglupa (lone): Apat na serious candidates ang mahigpit na maglalabanan; Ang incumbent na si Ruffy Biazon (GO), Ignacio Bunye (pro-GMA), Fresnedi (pro-GMA) at Dong Puno (Abs-Cbn exec, kapatid ng DILG Sec Puno at dating Press Sec nuong panahon ni Erap). Kung magtutuloy ang 3 pro-GMA contenders, mabibiyak ang boto ng administrasyon at masosolo naman ni Cong. Biazon.


2007 electoral team
Institute for Popular Democracy
March 8, 2007

No comments: