Maliban pa sa pagmamagic ng election returns, daan milyong piso ang kinikita ng COMELEC sa raket na pagbebenta ng COMPUTERIZED VOTER'S LIST (CVL) at Project of Precint (PoP), mga electoral data na lubhang mahalaga sa “poll watching,” o panahon ng Vote Delivery at Vote Protection frame. Ito pala ang dahilan kung bakit ayaw ng ilabas ng Comelec (websight-internet) ang CVL at PoP, dahil may pera't pagkakakitaan pala sa CVL.
Sa panahong nasa homestrech o dalawang Linggo na lamang ang nalalabi bago ang May midterm election, normally ang diin ng mga kandidato ay maprotektahan ang kanilang boto laban sa daya. Kaya lang, sinasamantala ng Comelec ang kahinaan at paranoya ng mga pulitikong nagkukumahog na manalo sa Mayo. Dahil dito, aasahang bubundat na naman ang mga tiyan ng mga personnel ng Comelec dahil sa raket na pagbebenta ng mga datos at dokumentong pang-electoral (CVL) na kakailanganin ng mga kandidato.
Maliban sa “the price is right,” o ang iskimang pagbebenta ng boto o “dagdag bawas,” (hello garci) mula P5.00 /boto, tumataas ito sa panahon ng bilangan at canvassing, nagiging P50.00 / boto. Kung ikaw ay isang pulitiko at nasa bingit ang chansang manalo o inaasahang maliit ang winning margin, para makasigurado, mamimili ka na lamang ng boto sa Comelec.
Sa totoo lang, public documents ang CVL at Project of Precint at serbisyong libre na dapat iginagawad ng Comelec sa mamamayang Pilipino. Ang tanong ng country, BAKIT IPINAGKAKAIT, PINAGKAKAKITAAN ang mga datos, mga datos na pag-aari ng mamamayan Pilipino! Kung sa bagay, hindi na bago ang practice na ito. Sa totoo lang, may dalawang dekada ng hanapbuhay ito ng Comelec.
Kamakailan lang, may na down load ako sa Comelec na Listahan ng botante sa QC at nakakapagtaka, biglang nawala ito sa Comelec websight. Sana man lang, upang mawala ang pagdududa at kredibilidad ng Comelec, muling ilabas agad ito sa websight, hindi lamang sa Voter's List ng Metro Manila maging sa lahat ng probinsya't malalaking lunsod, mula Aparri hanggang Jolo.
May mga ulat sa ilang probinsyang malalaki (Pangasinan, Pampanga, Davao at iba pa) ang bilang botante na mukhang ginulo, ikinalat at nawawal ang iba. Ang dating magkakasama at magkakamag-anak na botante sa listahan sa kada presinto ay nagkasabog-sabog at ang iba ay nawawala pa.
Ang isang bayan sa kanayunan na may kabuuang bilang na botante na 50,000 o pitumpung libung botante, nagkakahalaga ang Computerized Voter's List ng P4,000.00 kung walang resibo at kung ligal at may resibo, P10,000.00 o kulang-kulang P20.00 / precint. Sa isang probinsyang may isang milyon ang botante, aabot sa P100,000.00 ang CVL. Kung district level na may 300,000 ang botante, aabot sa P25,000.0 at kung kabuuang listahan ng botante sa Pilipinas, mukhang aabot ng isang daang libong milyon (P100,000,000.00). Kung ganito kamahal ibinebenta ang CVL, paano maa-afford ng isang ordinaryong kandidato ang CVL at Project of Precint?
Mahigit kulang-kulang sa tatlong libo (3,000) ang bilang ng kandidato ang naglalaban-laban sa iba't-ibang position; municipal councilors, mayors, Bokal, Vice Governors, District representatives, Senatoriables at kung ang karamihan nito ay bibili ng CVL, 'di hamak na may daang milyon pisong maliwanag na RAKET, dagdag na kita ng mga personnel at opisyales ng Comelec, 'di pa kabilang ang kita sa xeroxing ng materials at dagdag-bawas o pagbebeta ng boto.
Doy Cinco / IPD
April 28, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Wonderful blog! I found it while surfing around
on Yahoo News. Do you have any tips on how to get listed in Yahoo News?
I've been trying for a while but I never seem to get there!
Thank you
Have a look at my web-site :: blogging website
Post a Comment