Ilang beses na, ilang taon paulit-ulit na sinasabi “tatapusin na ang laban sa Abu Sayaff (ASG),” durog na ang ASG, wifeout na ASG, nagkawatak-watak na, bilang na ang mga araw ng Abu Sayyaf, pero eto na naman sila, ang daming aliby, ang daming excuse at paduding. Ang duda ng marami, may colisyon ba, may conivance ba, may conspiracy ba ang AFP, CIA at Abu Sayyaf?
Patay na ang mga astig na leader ng ASG, mula kay Abu Sabaya at si Khadaffi Janjalani, maging ang kinasusuklamang Copmmander Robot at si Mujib ay napaslang na rin. Idagdag pa ang palagiang ulat ng AFP na "marami (ilang daan) na ang nalalagas, napapatay na miembro ng ASG sa mga enkwentro." Idagdag pa ang presensya at suporta ng American troops sa lugar. Ang tanong, bakit nanatiling buhay at kumikikig ang ASG? Kung ating papansinin, one sided ang mga lumalabas na ulat mula sa mass media. May censorship, kontrolado't pawang galing sa AFP ang mga balita galing sa "gera." Kung sasakyan natin ang dami ng bilang na napapatay na ASG at kung totoo nga ang mga blita, ayon sa AFP, ubus na dapat ang ASG.
Ngayon, headline sa mga pahayagan ang karumal-dumal na pamumugot ng ulo ng ilang construction workers na nagtatrabaho sa isang infra projects ng kasalukuyang Governor ng Jolo at kaduda-dudang ibinagsak malapit lamang sa isang detachment ng militar. Ang nakakatawa, sa dinami-dami ng tropang militar sa lugar, nagagawang malusutan ng ASG ang mga ito? Hindi pa msiyahan, pinaputuk ang isyu kay Commander Malik, isang renegade commander ng MNLF, sa ilalim ng dating pamunuan ni Nur Misuari na tumatakbo ngayon sa pagka-gobernador ng Jolo. Hindi mauubusan ng palusot, hindi maubusan ng alibi?
Kung ating babalikan ang mga samut-saring kwento't maikling kasaysayan ng ASG. Taong 2000, buwan ng Marso: sa udyok ng militaristang Heneral, ipinag-utos ng dating presidenteng si Erap Estrada ang isang malawakan at malakihang military offensive laban sa MILF (Moro Islamic Liberation Front), isang “state of siege, recruitment of paramiltary troops, complete closing of roads, banks closed, no flights in certain areas, arbitrary arrests ang isinagawa. Ilang buwan mataapos ang operation (January, 2001), napatalsik sa poder si Erap Estrada.
Buwan ng Setyembre, 2000: matapos ang Sipadan hostage crisis, idiniklara ng AFP at ang Central Mindanao Command ang isang “TOTAL WAR” laban sa MILF upang iterrorized ang mga civilians sa paligid ng lunsod ng Jolo. Layon nitong paunlarin ang strike power ng binuong Counter-Terrorist Force (CTF) laban sa hostage-taking at kidnapping. Pinondohan ng Washington sa anyo ng “foreign aid” ang CTF at ang military command na binubuo ng dalawang companies ng AFP na sinanay sa counter insurgency expert ng tropang Amerikano. Kung saka-sakaling mangailangan ng tulong, susuportahan ng Marines ang dalwang companies na nabuo.
Nobyembre, 2001: Sa ilalim ng bilateral “Visiting Forces Agreement (VFA),” dinagdagang ang pwersa , presence at pagkilos ng lahat ng miembro ng FBI, CIA, at American GI's na nasa Pilipinas.
Enero, 2002: ganap na nagsimula ang maniubrang militar ng tropang Amerikano sa Pilipinas. May 600 tropang Kano at 4,000 tropang APF ang nagsagwa ng malakihang opensiba laban sa wala pang dalawang daang tropa ng ASG sa Zamboanga.
Pebrero, 2002: Dumating sa Basilan ang mahigit 30 elite American troops. Ito'y sinundan ng mahigit 150 tropang Amerikano sa isla na ang tungkulin at sanayin sa laban kontra terorismo sa jungle ang tropang APF sa lugar.
Abril 2002: Tatlong bomba ang pinsabog sa pampublikong lugar sa lunsod ng General Santos, labing lima (15) ang namatay at mahigit pitumpo (70) ang sugtan.
Agosto 2002: isang grupo ng mga Jehovah's witness Christian sect na nagbabahay-bahay ang kinidnap ng pinagsusutpetsahang rebeldeng Muslim sa Jolo. Isa pang grupo ng tatlong kalalakihan at limang kababaihan na nagtatrbaho sa isang cosmetic company ang dinukut sa byan ng Patikul.
Pebrero 2004, tatlong buwan bago ang 2004 presidential, national election: Isang grupo ang umamin na nagtanim ng bomba sa isang barko na nasunog sa kalagitnaan ng Manila Bay. Mahigit isang daan (100) ang namatay na binansaganag isa sa pinakagrabeng teroristang atake sa Pilipinas.
Disyembre 2004: isang malakas na bomba ang sumabog na kinamatay ng labing-apat (14) na katao at 70 sugatan nuong Disyembre 12 sa General Santos, isang maunlad at predominantly Christian city na may kabuuang populasyon na 500,000.
Pebrero 2005 (Valentine's Day): tatlong (3) magkakasunod na bomba ang yumanig sa bansa. Ala 6:30 ng gabi sa General Santos, ala 7:00 ng gabi sa Davao at alas 8:00 ng gabi sa Makati. 12 ang ang namatay at mahigit 140 ang sugatan na inamin agad ng lider ng grupong Abu Sayaff na si Abu Solaiman.
Lubhang kailangan ng Malakanyang ang operasyong militar sa Mindanao, sapagkat kung mawawala ang gera, para na ring sinabing patay at inutil ang military, maliban pa sa mawawala ang mga dilhensya at pangungurakot.
Alam ng mga taga-Southern Philippines na PERAHAN, palabas at zarzuela lamang ang labanan sa Jolo at Mindanao. Yung nga lang $5.0 milyung (P250.0 milyon) bounty ng mga Amerikano sa pagkakapatay kay Janjalani, (maliban sa milyung dolyar na halagang iiwang armamento ng US Army sa AFP) ay parang mga gutum na asong nagkumahog na agad ang pamunuan ng militar kung paano pagpaparti- partihan ang kwarta. Kung may pera sa basura, the same manner na may pera rin sa GERA.
Ayon sa ilang civil societies na nakausap ko sa Zamboanga, maliban sa isyu ng sabwatan at koneksyon,“simple lamang ang lohikang ng gera sa Mindanao at ang laban “global war on terrorism” ng Estados Unidos na bulag na sinusuportahan ng AFP, kung walang “gera, walang pera, kung walang proyekto na inilulunsad laban sa ating mga kapatid na Moro, walang happening. Ang Estados Unidos nga, sa kabila ng may pinaka-abanteng kasangkapang pandigma ay di matalo-talo, 'di maneutralisa, masugpo ang insureksyon sa Iraq at Al Qaeda ( pinagdududahan din ng mundo ang ugnayang Al Qaeda at CIA), sa Pilipinas pa?”
Ang koneksyon ng CIA
Si Senator Nene Pimentel ang unang naghayag na may posibleng may koneksyon ang ASG-CIA at AFP. Kumakalat din ang ilang inpormasyon nagmumula mismo sa ilang sources (kababayan) at sa mga umiikot na mga babasahin nakakalap sa internet na “ang ASG ay itinatag, creation ng CIA at ilang piling matataas na opisyal sa military nuong kapanahunan ng administrasyong President Fidel Ramos.
Isang US covert operation na posibleng konektado sa CIA ang nagbibigay suporta sa anyo ng salapi at armas sa ASG. Pinaghilaang isang principal courier mula sa sugo ni Usama Bin Laden ang regular na nagbibigay ng pondo at armas sa ASG. Isang coleague ni Bin Laden na si Ramzi Ahmed Yousef, isa sa mga na-implicate na nagpasabog ng bomba sa World Trade Center ang isa sa binanggit na kahilingan ng ASG na palayain ng mga Amerikano kapalit ng pagpapalaya ng mga turistang hostage sa Sipadan.
Ayon sa ilang awtoridad ng gubyerno, matapos ang 9/11, pinuntirya ng gubyerno ang Internationl Islamic Relief Operation (IIRO), at isang NGO na sumusuporta sa IIRO, nagsagawa ng humanitarian aid sa Mindanao at pinatatakbo ni Mohamed Jamal Khalifa, isang brother in law ni Bin Laden ang isa sa pangunahing nagfi-finance sa ASG. Ang mgTraining Program na nadaluhan ng ilang ASG members na ginawa nito sa Mindanao ay pinondohn ng IIRO. Alam, kilala at tinanggap ng gubyerno na si Khalifa ay nanirahan ng matagal sa Mindanao nuong 1996 at magmula nun, biglang nawala at nagtago.
Ayon sa ilang matataas na opisyal sa AFP, may reliable na inpormasyon na binigyan ng military intelligence services ID, safe-houses, safe conduct passes, firearms, cell phone at iba't-ibang uri ng suportang pinansyal ang ASG partisans. Paano ba naman madudurog, mawa-wipeout, mahuhuli ang ilang matataas na opisyal ang ASG kung kinakalinga't itinatago lamang ito ng sikretong grupo sa AFP?
Matapos ang local election nuong 1995, inamin sa publiko ni Edwin Angeles, (dating ASG sa Basilan) na responsible nga ang ASG sa isang raid at panununog sa munisipyo ng IPIL, Zamboanga in early 1995. Dagdag pa niya, naging succesful ang RAID dahil sa provision ng military vehicles, mortars at mga assorted na armas na ginamit nito mula sa military.
Ayon sa ilang INFORMERS, nagsilbing mga “assets” ng AFP ang ASG laban sa iba pang Muslim insurgents sa Mindanao (MILF, MNLF at NPA). Sa book na “Under the Crescent Moon: Rebellion in Mindanao ni Marites Vitug at Glenda Gloria, “hawak” at least ng tatlong military at police officers (isang dating commanding general ng Marines na si Brig. Gen Guillermo Ruiz (retired), Chief Supt.Leandro Mendoza (kasalukuyang Sec DOTC) at Chief Supt. Rodolfo Mendoza ang ASG partisans.
Bukud sa hawak at asset, kinakalinga, sinasanay, pinoprotektahan, binibigyan ng military equipment at pondo rin ito ng CIA, ilang support network at posibleng mula sa intelligence fund ng AFP. Istratehiyang devide and rule tactics ang gamit na paraan laban sa Muslim insurgency sa Mindanao.
Tulad ng Comelec, napakababa ang kredibilidad ng AFP, 'di lang sa isyu ng political killings, maging sa isyu ng pangungurakot at upang mabura ang ganitong perception, kailangang patunayan ng AFP ang open secret na alegasyong siya ang nag-organized, kumakalinga't “may sabwatan” ito sa ASG?
Doy Cinco / IPD
Link: http://www.rms-gs.de/phileng/history/abu.html
April 22, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment