Kung sawang-sawa ka na sa TRAPO, asiwa sa maagang panggagapang, pamumulitika, sa mga pagmumukha ng mga pulitikong laman ng political AD TV commercial, nakabitin sa kawad at nakadikit sa poste't punong kahoy, kung alangan ka na sa kandidatong may tatlong “Gs”- guns, gold, goons, padri-padrino, political clan at utang na loob. Kung asiwa ka na sa “kasal, binyag, Libing.”
Kung badtrip ka na sa ELITE, personality oriented na pulitiko at gusto mo ng “pagbabago't bagong pulitika,” hinog at walang dudang progresibo, mayaman sa REFORM Agenda, wala nga lang Political Party, walang aampong TRAPO, ulila at hindi maisasama sa Senatorial tiket ng administrasyon at oposisyon, kay TRILLANES ka na!
Lider ng Magdalo, nag-alsa, halos ibinuwis ang buhay alang-alang sa prinsipyo at naglantad ng katiwalian, anumalya sa gubyerno, partikular ang pangungurakot sa military. Kaya lang, patuloy na nakapiit at nabibinbin sa bilangguan, hindi makakapag- kampanya, walang makinarya, resources, panuhol at poll watchers ang MAMA. Malamang itratong nuisance candidate ng Comelec at walang dudang madi-disemfranchise ang boto at malamang maidadagdag lamang (dagdag/bawas ops) sa ibang kandidato ang kanyang boto.
Bilang pagbabalikwas sa sistema, bilang paghihiganti sa kabulukan ng pulitika at election, ganti laban sa kabulukan ng TRAPO, kahit wala sa "magic 12" ng SWS at Pulse Asia survey, kahit alam kong matatalo, alam kong dadayain, iboboto ko pa rin si TRILLANES sa Senado. WALA LANG!
Kung 'di ako boboto (walang mapagpilian?) sa May 2007 election, sayang din. Kung seseryosohin ko ang pangangalap ng boto para sa sariling manok, nagtry akong mag-imbentaryo ng kakayahan kong maabot-makapagkumbinsi-conversion ng boto, tantya ko sa pamilya't kamag-anak, may 60 votes, kumpare't barkada, mga 24 votes, kilalang lider aktibista, mga 20 votes, multiply ng 10 (influenced) = 200 votes. Hindi pa kasali rito ang posibleng maaabot ng electronic campaign prop at mga kapitbahay. Ang suma total, may minimum 284 ding boto, para kay Trillanes.
Kung may mahigit isang libo akong katulad kong asiwa't ayaw ng bumoto at makukumbinsi pang mag-aktibo't gumampan pa ng political task (kahit sa pagboto, magbantay ng mga boto) para sa country, baka umabot tayo ng kalahating milyon boto? Wala lang...............
Tignan din; "UNO eyes Trillanes in senatoriable race"
http://www.gmanews.tv/story/28263/UNO-eyes-Trillanes-in-senatorial-slate
Doy Cinco / IPD
Jan 11, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Kumusta ka, kaibigang Doy?
Ako ay nagpapasalamat sa iyong pagbabalangkas ng mga isyu tungkol sa eleksyon, kasami pati ang aking pagkandidato sa Senado. Malayo ang mararating nito tungo sa pagpapalawak ng kaisipan ng ating mamamayan para sila’y maging ganap na ma-prinsipyo’t mulat na botante.
Nawa’y sa balang-araw, ang iyong mga pagsisikap ay tutungo sa ika-aayos ng ating bansa.
Mula sa kaibuturan ng aking puso, ang muli kong pasasalamat. Patnubayan ka nawa ng Diyos, kasama nang iba pang sumusuporta sa atin.
(lgd.) ANTONIO “MAGDALO” TRILLANES IV
Mula sa:
Bagong Katipunero
Post a Comment