Maaring seryoso ang palasyo sa kanyang electoral forecast. Bago magsimila ang kampanyahan, hayagang inanunsyo ng Malakanyang na matsutsugi ng kanyang “SUPER MACHINERY” ang opposition sa Congressional district, local at Senatoriable candidates. Sa isang midterm election na ang nakataya ay ang ULO, ang political survival ni Ate Glo, tulad nuong 2004 election, walang dudang ipapanalo nito ang kanyang mga alipores sa Kongreso't LGUs sa pamamagitan ng kanyang PARALLEL machinery o sapin-saping makinaryang naka-ugat sa barangay;
1. Ang makinarya para sa Partido (Team Unity: 5 dominant party) na posibleng hawakan ni Sec Gabby Claudio.
2. Ang makinarya sa Government Agency (kasama ang AFP-PNP) na posibleng hawakan ni Sec Ed Ermita.
3. Ang makinarya sa civil society, simbahan at higit sa lahat,
4. Ang makinarya sa mobilization
5. Ang makinarya sa super regions, sa barangay (grassroot) hanggang sityo at
6. Ang makinarya sa SPECIAL OPERATION, ang dirty tricks department na posibleng hawakan ni Sec Norberto 'saging' Gonzales.
Ang suma total, tinatantyang may hanggang anim na "war rooms" o mga makinarya na naka-parallel at may closed coordination mula kay Ate Glo, ang tumatayong Over-all Campaign Manager at ang kanyang esposong si Mike Arroyo, ang tumatayong Finance Officer.
Ayon kay Sec Gabby Claudio, dahil sa inaasahang maayos na vote delivery sa baba, special operation at lakas ng makinarya, "9 : 3 sa panig ng administrasyon." Bukud sa pondo, makikinabang ang administrasyon sa kabulukan ng sistemang pulitika at election; ang sistemang padrino, political clan, political negotiation, personality at TRAPO politics (5 Gs: guns, goons, golds, garci at girls). Para sa kanya at posibleng totoo, "nasa MAKINARYA ang susi, ang magpapasya sa halalan at hindi ang botanteng Pinoy" at ito na ang malungkot na nangyayari ngayon sa baba.
Kaya lang, ayon sa sunud-sunud na inalalabas ng SWS at Pulse Asia electoral survey, naglalaro sa 7 : 5, 8 : 4 , hanggang 9 : 3 sa panig ng opposition. Anumang klase ng makinarya, pandaraya't panggugulang, ayon sa oposisyon, tatlo lamang ang papasok sa administrasyon, 9 : 3. Dagdag pa nito, "ang tao pa rin ang magpapasya."
“Local Machinery”
Totoong malawak, malalim, matibay at subuk na ang local machinery ng administrasyon. Pinatunayan ito nuong 2004 presidential election, ang nabulilyasong pagpapapirma (8.0 milyon), pagsusulong ng People's Initiative at Cha Cha ng Sigaw ng Bayan, Union of Local Authorities (ULAP) at Liga ng mga Probinsya, Lunsod at Municipalities. Kaya lang, kung 'di maayos na
mapanghahawakan, baka ito rin ang maging dahilan upang ikatalo't magkawatak-watak gaya ng nangyayari sa sigalot ng KAMPI at Lakas.
May anim na partido sa ilalim ng ruling coalition; Lakas, KAMPI, Nationalist People's Coalition (NPC), Liberal Party (Atienza wing), Nacionalista Party, at Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP). Ang nakakatawa rito, halos karamihan sa mga partidong ito ay naggugulangan, nagpanglaban sa isa't-isa at nagtalaga ng sari-sariling kandidato't manok laban sa incumbent, kamag-anak incorporated at mga incumbent local officials.
Dahil sa kasakiman sa kapangyarihan, hindi nakayanan ng itinayong “arbitration committee” ang sigalot, nauwi sa “free zone ang kalakhang mga balwarte” at ang ilan dito'y nakangkong ng oposisyon. Ang inaasahang balwarte't suportang paniguro ng administrasyon sa lokal (machinery) para sa kanyang Senatoriable tiket ay mukhang nauwi sa wala, mauunsyami, sasabog at magkakalabo-labo.
Bagamat nagtagumpay sa pagpapa-atras ng ilang kandidato, tulad ng retiradong Heneral na si Arturo Lumibao sa planong pagsagupa nito kay Cong Joe De Venecia at Atty Kit Belmonte laban sa incumbent Cong Annie Susano ng 2nd District, Quezon City, bigo naman ito sa pagtakbo ng dating kaalyado ng administrasyong si Mayor Benjie Lim ng Dagupan City, dating presidente ng Duty Free Philippines at malapit kay FVR. Lumipat sa PDP-Laban si Mayor Benjie Lim at siya na ang babangga sa pundador ng Lakas-NUCD na si Cong Joe de Venecia.
Ganito rin ang sitwasyon sa Nueva Ecija, sa Kamaynilaan at sa iba pang malalaking probinsya. Sa kasalukuyan, may 120 KAMPI candidates ang ilalaban sa local na malamang bumangga sa partidong Lakas, NP at NPC at upang hindi mauwi sa labu-labo, idiniklarang “Free Zone” ng administrasyon.
Vote delivery ng Local machinery?Dalawa lamang ang posibleng senaryo't pakinabang sa local machinery ng administrasyon;
Una, walang kasiguruhang may Vote delivery ng local machinery na maihahatag sa national senatoriable candidates. Survival instinct angkadalasa'y iniisip ng isang local candidates. Nakasalalay at prioridad nito ang sariling survival. Wala siyang paki kung anong Partido ang dadalhin at lalong wala siyang pakialam kung ito ma'y opposition o administation candidates. Para sa kanila, ang mahalaga, makakapaghatag ng pondo sa kanyang kampanya, may malalim na relasyon namamagitan sa isang kandidato o dili kaya'y sundin nito ang preferencial vote ng maiimpluwensyang tao sa kanyang lugar (INK, other religious groups, middle forces at iba pa).
Walang gagong senatoriable candidates ang lubus-lubusang magtitiwala, magdedepende't aasa sa isang Mayor, Governador at barangay Captain para lamang makapag-gather ng boto para sa kanila. Dapat din tandaan na ang "opposition ang kadalasa'y nananalo sa tuwing may midterm election sa Senado. "
Mahigit sa kalahati ng campaign funds (billion of pesos) ng mga senatoriable candidates ang iniasa sa TV spots, sa mga political campaign Ads sa print at broadcast (radio at TV), sa kanilang votes generation. Isa na itong sinyales na may pagdududa nga ang mga nasa national candidates sa pinagyayabang na vote delivery ng local machinery.
Pangalawa; kung mumudmuran ng sapat na lohistika't resources, walang dudang may kakayahang magVote delivery ang local machinery. Kailangang makatuklas si Sec Gabby Claudio ng mga bagong pamamaraan, monitoring tools at teknolohiya upang mabago ang electoral history, ang katusuhan at kalokohan ng local candidates at local machinery.
Ayon sa ilang mga experto ng electoral politics, more than 2/3 ng boto (75%) sa local election ang maaring paglabanan sa national senatoriable race. Sa pag-eestimate at kung titilad-tilarin; mga 5 % ang command votes ng mga nagtutunggaliang kandidato sa lokal (2-4 corner fights) = 15-20%; 40-60% ang undecided-market votes (walang pinapanigan) at 10-20% swing votes.
Maaring makasiguro't seryosohin ng Malakanyang ang vote delivery ng local machinery patungo sa national, kaya lang mas pangunahing sesentruhan nito ang laban sa congressional district at local election. Bagamat mahalaga ang gagampanang papel ng local machinery, nananatiling MARKET VOTES ang magpapasya sa senotariable election at hindi ang machine politics. Sa kalagayang rural ang setting o ang terrain at sagad-saring TRAPO politics ang kalakaran, mas epektibo ang local machinery sa local election.
Ang tanong ng taumbayan, kung electoral machinery (machine politics) ang susi sa electoral politics, "nasaan ang mamamayan, nasaan na ang papel ng botante, nasaan ang DEMOKRASYA at ipinagmamalaking representative democracy, kailan magiging patas at FAIR ang election sa Pilipinas? Kung ganap na mawawala ang kapangyarihan ng tao sa halalan at pawang pagmamanipula ng ng MAKINARYA ang kalakaran, hindi natin masisisi ang maraming kababayan, lalo na ang OFW na seryosohin ang pagboto sa Mayo.
Doy Cinco / IPD
March 27, 2007
3 comments:
golden goose sneakers
golden goose outlet
moncler jacket
hermes birkin
yeezy shoes
nike lebron 16
kd 12
nmd
vans shoes
yeezy boost 700
official site navigate here recommended you read visit the website go now from this source
t3x16w2f47 w8r96q0v00 w8a37q4i67 e1k59j2u04 o2j20l0n42 z0z53p8p50
Post a Comment