(Part III)
Region 9, Zamboanga Peninsula: Ang mga Amatong clan ang pinkamatagal at naiwang siga-siga ng Zamboanga de Norte. Kung nalusaw ang mga Adasa at Carloto at Jalosjos clan, may mga bagong nagpapasikat, Yebes at Olvis clan. May ilang datihang umuusbong; Ceriles at Arriosa clan na may hawak ng Zamboanga del Sur. Maimpluwensya pa rin ang Lobregat clan sa Zamboanga City, ang city of flowers habang mukhang nasa retirement mode na ang mga Climaco, Cainglet at Real clan. May kontrol ang mga bagong sibol na Famor at Hofer sa Zamboanga Sibugay, ang bagong tatag na region.
Region 10, Northern Mindanao: Ocampo at Paylaga clan ang may kumpas ng Misamiz Occidental. Lalaban din ng sabayan ang Parojinogs, Claretes at Ramiros clan. Nawala sa eksena ang dating Chiongbian at Catane clan. Humina ang mga Emano at Pelaez clan, nagsulputan ang maraming clan sa Misamiz Oriental; ang Moreno, Calingin, Calo at De Leon clan. Ang isa sa dapat ikunsidera ay ang Guingona clan sa katayuan ni Cong TG Guingona. Walang dudang malayo ang mararating sa pulitika ng batang-batang si TG. Zubiri at Acosta clan (2nd generation) ang may hawak ng Del Monte Bukidnon province. Muling bumabalik ang Tabios clan, ang siga nuong panahon ni Marcos. Lolong Romualdo ang may hawak ng Camiguin.
Hindi mawawala sa labanan ang pinakamatagal na Dimaporo clan (3rd generation) sa Lanao del Norte. Mula kay Ali (panahon pa ni Marcos) hanggang kay Bobby Dimaporo at ang asawang si Imelda lamang at wala ng iba.
Region 11, Davao Region: Ang pobreng Davao Oriental ay hawak sa leeg ng grupong TRES MARIAS; Almario, Palma-Gil at Malanyaong clan. Pilit pinababagsak ang isang pundador, siga-sigang mga Lopez clan, ang dating may kontrol ng ilang dekada sa probinsya. Ang dating tigasing Rabat clan ng Mati, ang kapitolyo ng probinsya ang malamang tumabla sa tatlo.
Imimintina ng Floreindo clan ang hegemoniya (2nd generation) sa Davao del Norte. Ang dating astig na traditional politician na Del Rosario clan (Rodolfo at Antonio) (2nd generation) ay nagpaplanong makabalik at makapagkonsolidad sa politika. Ang siga-siga't maton ng Davao City na si Duterte ang tiyak na mananatiling may kontrol ng pulitika.
Amatong clan ang may may traditional na may hawak ng Compostel Valley, subalit may bagong umuusbong na tigasin, ang Caballero clan, ang governor (last termer) . Mga anak (proxy) nila ang magpapang-abot sa governatorial position (Amating-Caballero fight) at kontrol ng Diwalwal na ugud ng yaman sa ginto. Gustong makisingit ang Trinidad at Gentuyaga clan.
Region 12, Soccsksargen: Maswerte ang Gen San at hinawakan ito ng astig, palaban na mga Fuentes at Antonino political clan. Pikon na pikon na ang Malakanyang sa South Cotobato, kaya't pati si Pacquiao, na walang kamuang-muang sa pulitika ay garapalan, pilit na ipinasusubo kay Cong Darlene Custodio. Hawak ng Dominguez-Alcantara clan ng Davao ang lugar ng Saranggani. Nagbabalak bumalik sa eksena ang dati at traditional politician na Chionbian clan. Ang Ilonggong Montilla clan, Muslim Mangudadatos at Delangalen clan ang magpapang-abot sa Sultan Kudarat. Gustong makisali ang maliliit at umuusbong na Ligo, Publico, Angkanan clan.
Region 13, Caraga Region: Pichay at Pimentel ang may kontrol sa Surigao del Sur. Barbers clan ang may hawak ng Surigao del Norte. Tatapatan sila ng mga Matugas, Serings at Navarro clan. Hinati ng Plaza at Amante ang kaharian ng Agusan del Norte, nawala sa labanan ang Rama clan. Hawak din ng Plaza ang Agusan del Sur. May mga bagong litaw; Corvera, Cupin at Soliva clan.
ARMM: Dynastiyang tradisyon ang naging kalakaran, bago't mula pa nuong panahon ng Kastila hanggang sa kasalukuyan. Ang mga “halal” na political leaders sa rehiyon hanggang lokal ay palagiang kaututang dila, kaalyado ng Malakanyang, kung sino man ang nakaupo. Dito mailalarawan ang classic na Political clan na 4 Gs (guns, gold, goons at garci). Ang warlord, ang balitang may bata-batalyong private armies, ang sagadsaring TRAPOng Ampatuan clan (2nd generation) ang walang dudang mamamayani sa Maguindanao. May mga dati at bagong litaw at nagpapalakas; ang Candao, Matalam at Sinsuat clan.
Adiong, Lucman at Mutilan clan ang ilan sa mangingibabaw sa Lanao del Sur. Ang mga dati at bagong clan; Misuari, Tan, Loong, Anni at Sahidulla ang mga mukha sa Sulu. Napabalitang tatakbo sa Sulu Governatorial race si Nur Misuari, ang legend at founder ng muslim resistance movement sa Mindanao, sa nalalapit na May midterm election at kung magiging malinis ang election, walang dudang mananalo si Nur.
Wahab Akbar, Ampao at Salipudin clan ang lilitaw na mga angkan sa Basilan. Samantlang mga Abduraham, Matba, Tan, Sali at Albani clan ang lalaro sa pulitika sa Tawi-tawi.
Mayroon bang lilitaw na matatapang, sinong aktibista, astig at progresibo ang maaring makipagsabayan, maipangtapat sa mga pulitikong Political Clan. Kadalasa'y nakakatiempo na lamang tayo ng ilang matitino't palaban na pulitikong kabilang sa political clan na makabago't nasa 3rd generational. Kaya lang bilang sa daliri ang mga ito at ang mayorya, 99% ng mga ito'y TRAPO”T status quo ang orientation.
Malayo pa ang susuungin ng political at electoral reform sa ating bansa....
Doy Cinco / IPD
March 3, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Been reading all your posts on political dynasties. I think it's the most complete list I've seen so far, though I'm dubious about the "Fuentes clan" because if you're referring to Gov. "Inday Daisy" Fuentes of South Cotabato, I think she doesn't have any other relatives in politics, either on her husband's side or her side, the Avances. You might want to check this out: http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Political_Dynasties because we linked to your blog entries as references. Hope you can tell us about your sources for the info about the political clans. You can always leave a message on the talk page of the political dynasties article, and you are very much welcome to contribute as well. Thanks!!
Μy programmer is tryіng to pеrsuade me to moѵе to .
nеt from PHP. I havе always disliκеd the idеа bеcause of
thе expenses. But hе's tryiong none the less. I've beеn using WorԁPress on sevеral ωebsites foг about a уeaг and am nervouѕ about sωіtching to another platform.
Ӏ have hеard very good things about blogengine.
net. Is there a wаy ӏ can import all mу
wоrdpгess cоntent intо it?
Any helр would be greatly aрprесiated!
My web-ѕitе; boom trucks
My homepage ... bucket trucks used
I ԁon't know whether it'ѕ ϳust me or if perhaps
everybody else experienсing problems with youг websіte.
It appеarѕ aѕ though some οf the text in your content aгe running off the ѕcreen.
Can somеone else please commеnt anԁ let
me knοω if thiѕ is happеning to them as ωell?
This coulԁ be a isѕuе with my broωser because Ӏ've had this happen before. Kudos
Here is my web blog: taxi service irving
Post a Comment