Kamakailan lamang, matapos maibasura ang Palace Initiatives (PI), napabalitang kamuntik raw na maiconvene at magkaroon ng resolution sa House ang tungkol sa ipinipilit na Con-Ass, ang problema walang qourum, walang numero at kinapos ng tao.
Hati at dalawang version ang nasabing resolution sa House; ang 1230 ni Tong Salaula-Jaraula (Lakas-CMD) at HR 1285 sa version ng paksyon ni Tong Prospero Pichay (Kampi). Bagamat 'di gaanong magkapareho ang probisyon, parehong CHA CHA ang direksyon at puntirya. Pareho ring umaasa, nababaliw at napapraning na makaka-kalap pa ng 195 na pirma. Dahil walang sumisipot at abala na sa gawaing TRAPO at pamumulitika sa 2007 election sa kani-kanilang constituencies, ang resulta, parehong tiguk, bulilyaso!
Kung totoo ang ipinagyayabang ni Tandang Villafuerte (Kampi) nuong nakaraang Oktubre na 195, bakit 'di masimulan ang sesyon para agarang ma-aamyendahan na ang Constitution? Ang totoo, ang nais ng mamamayan ay mawala na ang 150 pulitiko (Kampi at Lakas-CMD) sa Tongreso. Ang kakakapal, pinagtatawanan na't bistadong dinero, pondo't pera-pera lang ang katapat ng mga Trapong ito.
Mangangailan ng mahigit-kumulang na DAANG MILYONG PISONG pansuhol na "pork barrel" uli si Pichay at si Tainga de Venecia para mabilisang mapirmahan ang isa sa mga resolution. Magkakaroon lamang ng QUORUM kung may DATUNG na pangKOTONG. Susugud ang mga TRAPONG yan sa Tongreso kung may SARO na, kung may Notice of Cash Allocation (NCA) na maliwanag, naniniguro lang!
Walang problema sa isinusulong na charter change, Constitutional reform tungo sa parliamentaryong pagbabago ng sistemang politikal, basta't sabay ring babaguhin, irerepormang tunay, mapapawi sa pwesto ang kasalukuyang TRAPONG nakalukluk sa gubyerno, igagarantiya ang karapatan at palalakasin ang kapangyarihan ng mamamayan.
Ang nakakatawa, kayo-kayo at sila-sila pa rin, napaka-brutal, garapal at pansariling interest. "Political survival" ang habol ng ilihitimong nag-uukupa ng Malakanyang. Sa isang banda, layon nitong burahin sa kasaysayan ang krimen, katiwalian, linlangan, political killings at 'hello garci controversies, habang kapit sa tuko sa kapangyarihang magtagal sa poder, chugiin, durugin ang mga kaaway sa politika, aktibista man o oposisyon.
Doy Cinco / IPD
Nov 21, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment