Pulit-ulit nating sinasabing hindi na mapipigilan ang election sa 2007. Maliban sa nakagawiang takbo ng pulitika, hindi malayong mangyaring mauwi sa SHOWBIZ entertainment lingo ang 2007 election. Maliban sa boksingerong si Pacquiao, dudumugin, idodomina at katakot-takot na endorsement ng mga sikat na showbiz entertainment industry ang labanan at kampanyahan sa 2007 election (opposition at administration ticket), iba pang usapin kung ito'y talo panalo.
Inaasahan ding makikisawsaw sa labanan ang mga retiradong matataas na puno ng AFP, PNP at ilang mga recycled na pulitikong gustong bumalik sa pulitika.
Dahil sa mga lumalabas na electoral SURVEY, kapraningan, tarantitay, desperado at kahibangang, mas vulnerable na patakbuhin ng administrasyon (Lakas-CMD at KAMPI) ang mga artista, 'wag lamang mapahiya't ma-zero sa inaasam-asam na magic 12 sa Senado at sa mababang kapulungan. Kaya ngat minsan naiisip nating “tunay nga bang inihahalal, tunay nga bang kinatawan, tunay nga bang masasabing representante ng pipol ang mga hinayupak na pulitikong ito?” Maliban sa pandaraya (pre-campaign period-Election/canvassing period), vote buying, padri-padrino't pamimigay ng bigas at noodles, sinasamantala ng mga TRAPO ang labis na kahirapan, karalitaan ng botanteng Pinoy makaupo lang sa poder.
Habang may ilang malalaki at maliliit na regional party ang malulusaw, dahil sa laki ng hiwaga ng "pork barrel" at proyekto, malaking bilang ang mag-aalsa balutan (turncoatism) at lilipat sa partidong malapit sa Malakanyang, ang KAMPI, mapanatili't maprotektahan lamang ang pansariling interes. Isang buhay na trend ang maramihang paglipat ng partidong naghihingalong Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP), NPC, LP at iba pa.
Ang partidong KAMPI ni Ate Glo ang siya ngayong paboritong paglipatan ng mga TRAPO, siya ngayon ang patok, nananagana, lumalakas at lumalawak dahil sa pork barrel at dahil sa pangggapang, pamimirata, pangangangkong at pananaraydor na iniuutos ng makapangyarihang punong nag-uukupa sa Malakanyang.
Habang sinisimulan na ang pandaraya, dirty tricks o special ops (PRE-CAMPAIGN period) ng Malakanyang, inaasahang darami pa ang kakampi ang Kampi sa mga lugar kung saan matatagpuan ang may malalaking bilang ng boto (Pampanga, Batangas, Isabela at Visayas at Mindanao).
Sa mauunlad na bansa, sagrado't ideolohikal ang Partido Pulitikal (hal. Communist Party, Social Democratic Prty, Liberal Democratic Party, Labor Party), sila ang nasa likud, susi at utak ng pagdidisenyo ng demokrasya at kaunlaran. Sa Pilipinas, baligtad ang sistema, ang Political Party ang sumasagka, ang sagabal sa demokratisasyon, kaunlaran at sumisira ng mga institusyon. Dito, pansariling interes, nakakatawa't buluk, showbiz, TRAPO, pinatatakbong parang pamilya't negosyo ang partido.
Nuong panahon ni Marcos, ang Kilusan Bagong Lipunan (KBL) ang nagdomina ng politika at silungan ng TRAPO, nuong panahon ni Tita Cory, magnetic pole ang Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP), nuong panahon ni Tabako-FVR, naglipatan ang karamihan sa Lakas-NUCD, kambyo sa Partido ng Masang Pilipino (PMP) at Nationalist Peolple's Coalition (NPC) sa panahon ni Erap Estrada at ngayon, paparami ang kumakamping TRAPO sa KAMPI, ang partido't pinamumunuan ni Ate Glo.
Doy Cinco / IPD
Nov 25, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment