-Edwin Tabora
Isang kaibigan at responsableng kasapi ng Partidong Akbayan!
Bago ang ‘Hello Garci’, ang nanawagan sa pagbaba ni Gloria ang grupo ng CNU at ng KMLG at tumatagos ang mobilization money nila patungo sa iba’t-ibang ‘left groups’. Ungguyan karaniwan ang mga mobilization, pinakamataas na ang 20% sa target mob ang dumadalo at ang badyet na nakuha ay gamit naman sa consol activities ng maraming grupo.
Nag-trigger ang ‘hello garci’ sa iba’t-ibang unity/alliances at lumarga ang serye ng mga ‘mass mobilizations’. Nabuo ang LnM, UNO, Hyatt 10/Black and White at ang mas malawak na Bukluran para sa Katotohanan. Nagsasariling kilos ang CNU at may sariling disenyo ng ‘revolutionary council’, ang isang grupo ay nakisawsaw sa UNO at sila ang nag-secretariat sa united moves kasama ang RA.
Ang bawa’t grupo ay may kanya-kanyang modelong itsura ng gobyernong ipapalit, mula sa TRG ng LnM, nagsulputan ang iba’t-ibang pangalan at variations kung ano ang ipapalit.
Hindi bumulwak ang masa sa kalsada, nyutral ang posisyon ng CBCP, hati ang malalaking negosyo, nasa transisyon ang liderato ng AFP, mula kay Gen. Abu naisalin kay Gen. Senga. Hindi umubra ang ‘Resign, Impeach at Oust’ na panawagan, litaw na watak-watak ang elitistang oposisyon, hindi bumubuhos ang pondo, naghihintayan kung sino ang bibigay.
Lumarga ang pagsandig sa ‘extra-constitutional’ na pagkilos kasama ang mga progresibong militar sa loob ng AFP ng halos lahat ng nasa oposisyon mula sa mga elitista pati na ang ekstremistang kaliwa, bigo rin ito.
Sa lahat ng mga pagkilos na ito ay may panapat na pangontra si Gloria, CPR, EO 464 at PP1017 o SoNE, gamit ang pinansya at mga institusyon ng gobyerno, lumilitaw na siya ang nangibabaw sa labanan.
Humupa ang labanan sa kalsada, tumiklop ang mga junior, rumatsada ang ChaCha dinala sa barangay ang labanan, kaalinsabay na idineklarang iligal ng SC ang CPR, EO464 at maging ang PP1017.
Sa ChaCha lahat ng baraha ay tinayaan ni Gloria matiyak lang ang panalo, gamit ang PIG, kaladkad niya ang DILG at ULAP sa panukalang ConAss kabig niya naman ang House of Rep at ang birador niya sa Senado na si Miriam T.
Nagsalita ng kontra sa PIG ang CBCP, El Shaddai at maging ang INC, sumabay din ang ilang taga-malaking negosyo, umalingawngaw muli ang posibilidad ng ConAss at maging ang ConCon bilang pamalit.
Sa mga nangyayari sa kasalukuyan, may bumubulong sa hangin ng posibilidad ng ‘snap election’ o ‘special elections’, samantalang patuloy na dumadami ang pinapatay sa hanay ng Bayan Muna, mga journalists at may ilang nadamay na progresibong mga lider.
Sa gitna ng mga pangyayari ng patuloy na pagpatay sa mga open leaders, gamit ng AFP ang isyu ng ‘purging’, wala ring matingkad na pagtuligsa mula sa masa, simbahan at iba pang organisasyon o maging kritikal na opinyong publiko habang patuloy na dumadami ang bangkay, tila ba may nilulutong pakulo na ang kalalabasan ay kasabwa’t ang ilang progresibong kilusan at kukulapulan ng uling ang ibang Partido.
Sa mga nagaganap, mukhang kailangan umupo at pag-aralan ang mga kamay na may pakana at nagpapakilos sa likod ng lahat ng ito, ano ba talaga, ChaCha o Special Elections, Kudeta o US intervention, ‘what’s happening’ may engrande bang pakulo na nakaambang maganap, marami pa bang susunod na target ng karahasan. Tuloy-tuloy ang likidasyon, inaresto maging mga lider ni erap, hindi alam ng mga alipores ni Gloria sa AFP ang nangyari, sino ang tumitira, black army ba, ang US, ang perfect storm design ba ni FVR.
‘Hitlist”
Ang listahang kinapapalooban ng 50 pangalan at ‘john does’ na inilabas ng gobyernong Arroyo at nagsasabing mga lider ng sabwatang kaliwa at kanan na nagplanong patalsikin siya sa pwesto sa pamamagitan ng kudeta ay nagsisilbing ‘hitlist’ na ginagamit ngayon ng mga ‘loyal intel operatives’ sa kanilang ‘legit operations’ upang hulihin ang mga nasa ‘underground’ at ilubog naman sa kung anu-anong kaso ang mga ‘open leaders’.
Litaw na ang layunin ng paglalabas ng listahan ay upang takutin o pahupain ang serye ng mga pagkilos sa kalsada ng mga oposisyon at mga grupong nananawagan upang patalsikin si Gloria sa pwesto. Sa kabilang banda ay mai-project naman na nangingibabaw o nananalo na sa labanan at may matibay na kontrol sa kapangyarihan si Gloria.
May mga inaresto, may nanatili sa pwesto at kabi-kabila ang banta sa mga prominenteng lider ng oposisyon
Current Picture of the Philippine Society
Mula sa presentation ng national situation ni Ronald Llamas, taga-Pangulo ng Partido Akbayan, sa isinagawang 2-araw na pulong pagtatasa at pagpo-programa ng komite sa kongreso ng Akbayan sa UP Bonsai Garden.
Pinasadahan niya ang mga karakter sa lipunang Pilipino, ang mga nagtutunggaliang pwersa, mga indibidwal na maimpluwensya, mga tradisyunal na partido, ang kaliwang demokratiko, ekstremista at kanilang mga proyekto, ang masa at ang may mga mapagpasyang papel sa pagpihit ng opinyong publiko at klima ng labanan.
Ayon sa kanyang pagtalakay, ang nagdaang taon ng Hunyo ‘05 at Hunyo ’06 ay kinatampukan / kinakitaan ng mga pangyayaring dati ay hiwa-hiwalay kung maganap batay sa kasaysayan ng mga pampulitikang pakikibaka at pag-aalsa dito sa ating bayan.
Bago naganap ang unang pag-aalsa sa EDSA taong 1986 ay ilang dekada na ang nagdaan matapos ang “First Quarter Storm” ng 1971. Ang EDSA 2 ay naganap matapos ang 15 taon pero ilang buwan lang ay naganap ang ikatlong pag-aalsa sa EDSA.
Ang nakaraang taon ng krisis pulitikal ay kinatampukan ng banggaan ng mga elitista at mga mukha ng trapong kumakatawan sa mga elitistang paksyon nasa kapangyarihan man o oposisyon. Naging matingkad din naman ang guhitan ng linya ng mga pwersang nasa kaliwa at kumakatawan sa uring api at mayorya ng mamamayang Pilipino.
Sa panghuli ay inilatag niya ang hamon sa ating Partido, mga pagsusuri at analisis sa sitwasyon, mga pagkilos na kailangang tugunan at saan ang lugar na dapat kalagyan ng ating Partido matapos humupa ang alikabok ng tunggalian, lilitaw ba tayong higit na matatag at handa sa mga darating pang pagsubok o talunan. Nasa atin ang pagpapasya.
Political Spectrum Landscape
Ø Portrait of the Power-controlling Elite
Ang larawan na halatang plastik ang ngiti at boses ng niyuyuping lata ay siya ring itsura sa totoong buhay, Gloriang-Gloria ang dating saan mo man sipatin. Ang elitistang kapit-tuko sa kapangyarihan at kaharian ang turing sa Malakanyang. Sa itsura pa lang ng mukha ay halata na ang kasalanan pero kailanman ay hindi aaminin abutin man ng pagkabaliw kapag natanggal sa kapangyarihan. Maaliwalas na ekonomiya at bagong sistema-pulitikal ang ipinangangalandakan at ang kabiguang umangat ay bunga naman ng panggugulo ng mga nasa oposisyon at maka-kaliwang grupo. Wala siyang kasalanan sa krisis, pawang kabutihan lang ang kanyang iniisip para sa bayan.
Ang rehimeng GMA ay napapalibutan ng mga mukhang pinasikat ng midya, ang larawan ng korapsyon ay mukha ni Mike, Iggy at Mikey Arroyo ang litaw, natatanaw mo ang mga construction deals, business transactions, smuggling, gambling, sa madaling sabi ay kontrol sa lagayan bago payagan, mula ligal hanggang iligal ay mukha ng mag-anak ang nangingibabaw.
Ang elitistang larawan ng hunyango, si Chavit Singson at mga trapong ang tawag ay pragmatiko at mga kunwang progresibo, tumagal ang buhay mula sa rehimeng diktadura tungo sa isang pina-unlad na tipo ng diktadura muli. Bulag sa kapangyarihan ang itsurang tampok. Miriam Defensor, JDV, Puno, FVR, Enrile, Atienza, Evardone…
Ang mukha ng elitista na ang hawak sa kapangyarihan ay hindi dulot ng eleksyon kundi ng pagiging malapit, kaibigang maaasahan at mistulang masunuring aso labas ang dila at kakawag-kawag ang buntot, itsura ng sobrang kayabangan at malapit sa kabaliwan, Mike Defensor, Gonzales, Ermita, Bunye…mukhang inosente… Senga, Panganiban, Cruz…
Nariyan din ang mukhang ang itsura ay halata mong nasobrahan na sa paghimod sa amo, ang mga salitang namumutawi sa tuwing kailangan nilang magpaliwanag sa mga kapalpakan ay ‘siya po’, ‘sila po’ at ang mga kamay ay may daliring nagtuturo. Kung nakakamatay lang ang mura at alipusta tiyak na sila ang mauuna sa dami ng nagmumura sa tuwing bubukas ang kanilang mga bibig…Bunye, Abalos, Gonzales, Abcede.
Mahigpit ang kapit, tila mga buwayang ayaw bitiwan ang nginangasab na pagkain. Maririnig mo ang kanilang pagtatanggol sa mga polisiya ng gobyernong Arroyo na pinapaboran ang kanilang mga interes sa negosyo at kapital, tiyak nila ang pakinabang habang si Gloria ang nasa katungkulan. Ito ang mga elitistang nasa likod ng mga pulitikong taguyod ang makaluma at konserbatibong sistema ng lipunan. Meron ding tumataya sa magkabilang panig ng kanilang mga kauri, sinuman ang nasa ibabaw pareho ang pakinabang.
Ø Pictures of the Elite Opposition
Ang elitistang larawan ng isang asong malakas kumahol, labas ang pangil pero bahag ang buntot, itsura ng oposisyon at ang mga parating na ‘modernizing trapo’ …gamit ang makalumang pormula ng pakikipag-alyansa sa mga kaliwang pwersa kasabwat ang ilang dating mukha rin ng kaliwa, para sa mobilisasyon at ingay sa pagtuligsa pero nakahanda ang iba pang istratehiya ng pakikipagsabwatan makuha lamang ang kapangyarihan.
Itsura ng matandang pilosopo, ang larawan ng mga lokal na trapo, nangangaral sa kawastuhan ng katapatan basta may katapat, pera, proyekto at pwesto, itsura ng progresibong naging trapo o ‘hustler’ ang dating… …sangkap din sa grupo ang ilang dating mga aktibista, tumatayong secretariat sa mga alyansa at united front.
Larawan din ng pag-uurong-sulong ang iba pang bahagi ng elitistang oposisyon, nagngangalit ang panga at tikom ang kamao pero malumanay at kunwang sibilisado sa mga binibitawang pahayag…Cory, kumupas na kaya ang taglay na mahika ng dilaw? Susan…naghihintay sa hudyat mula sa Nazareno kung pangungunahan ang taumbayan o magmu-mukmok na lang muna…
Itsura ng mga nilipasan ng panahon ang mga kampon ng elitistang oposisyon, nagpupumilit magpakita ng tigas ng paninindigan pero halatang laos na at pera na lang ang gumagana para kumilos pa pana-panahon ang mga bayarang makinarya.
Ang aali-aligid at mistulang mga anino, bumabangga sa mga konserbatibo at nagpapahayag ng mga kontra-agos na posisyon, nagtataguyod sa isang malinis na gobyerno, ang mga ‘modernizing elites’ ay naka-antabay, umaasam na makakamit ng kanilang mga kakamping lider-elitista ang gobyernong magtataguyod sa kanilang pangarap na lipunan.
Ø Sketches of Major Power Brokers
Hindi rin mawawala sa mapa ang iba pang player at aktor sa ating lipunan na hindi na matatawaran ang papel sa mga mapagpasyang sandali ng tunggalian sa elitistang kapangyarihan, naka-abang sa mabilisang pagpihit ng sitwasyon, larawan ng isang nakangiting nagsasabi na nakaisa na naman ako, ayos talaga ang timing, kagalang-galang ang dating…simbahang katoliko, el shaddai, iglesia ni cristo, ilang lider-heneral ng AFP, ang midya, big business at US.
Iba ang dating ng simbahan sa kasalukuyang labanan ng mga elitista, pinalabnaw ang kanilang posisyon at hinayaan ang pagpapasya sa mamamayan. Ang patawing-tawing na posisyon ay lumikha ng opinyong suportado ng simbahan ang rehimeng Gloria, nagpalala sa pagiging pasibo, kanya-kanyang buhay muna kahit na matindi at hindi nagbabago ang negatibong persepsyon.
Organisado at malakas ang dating pero hindi pa nasubukang tumayong mag-isa…ang AFP…maging mga ‘junior officers’ ay sumasandig sa pipol power, pumihit man ng katapatan ang sentrong pamunuan, tinitiyak nitong ang nagkakaisang kilos ng mamamayan ay mahusay na kober at pananggalang. Nagdudunung-dunungan pero sunud-sunuran.
Itsura na laging nakatawa sa panahon man ng kalungkutan at kagipitan, iyan ang larawan ng midya, humuhubog sa pakiramdam ng taong-bayan, mapagpasya rin sa labanan, bumibira o kaya’y kumakabig ang imahe, mahusay sa balanse, alam kung kailan kailangang tumawid na ng katapatan at sambahin ang dumarating na bagong kapangyarihan. Sa midya mo mararamdaman kung matagal pa ang kiskisan ng mga nag-aagawan sa kapangyarihan.
Itsura ng sigurista, ang dating ng mga organisasyon ng malaking negosyo, ang bahagi ng ‘modernizing elites’ ay hindi mo halos marinig ang boses, hindi mo maramdaman ang kamandag ng kanilang kapangyarihan, umaambon lang at hindi umuulan, pinakikiramdaman ang pag-gastos, nakataya sa lahat ng nagtutunggalian, kaiba sa naging pagkilos nila noong panahong ang kalaban ay si Erap.
May sopistikasyon at diplomatikong dating ang itsura ng projection ng Estados Unidos o ang kanyang representante dito sa ating bayan, bumibira sa midya, nakikipag-usap sa oposisyon, tinatantya ang lakas ng bawa’t grupo at indibidwal na kalahok sa ‘power play o ‘political crisis’. Pinipitik pakonti-konti ang rehimeng GMA, nagpaparamdam ng galit, nagbibigay ng disimuladong pag-asa sa elitistang oposisyon, simple pero rock ang aktitud, hindi pa makitaan ng alternatibo mula sa oposisyon pero may duda sa kapasidad ni Gloria.
ØThe Left Broken into Pieces
Larawan ng tibay at disiplinang bakal, kunot ang noo at may istuka sa mukha ang ekstremistang kaliwa, nilalapitan, nakikipag-ugnayan maging kaaway sa uri, malabo ang hugis ng kung sino ang nagsasamantala at pinagsasamantalahan sa nabuong relasyon. Gamitan ang ekspresyon ng larawan, mainit ang pakiramdam na may lihim na motibo sa pakikipag-relasyon, pwersa kapalit ng pera o pag-abante ng ultimong layunin. Sa pananaw ng karaniwang tao, hindi na maintindihan kung ano ba talaga ang ipinaglalaban. Dati kaaway si Marcos, si Erap, ngayon kasama nila sa mga nabuong organisasyon laban kay Gloria, ano ba talaga ang gusto.
Naghahanap naman ng masusulingan ang nagkadibi-dibisyong kaliwa na nagpoproyekto sa kasalukuyan ng isang malawak na kaisahan upang tumingkad ang lawak ng lilim, larawan ng seryosong pakikipag-relasyon ang mga nasa demokratikong kaliwa, pero kahit laging may dudang kasama nabuo pa rin ang Laban ng Masa. Nagpupumilit gumuhit sa ekstra-konstitusyunal na daan, nagpapalaganap ng transisyunal na rebolusyonaryong gobyerno kapag kinayang pabagsakin ang nagbabanggaang mga elitista. Libre ang mangarap.
Ø Akbayan Citizen’s Action Party: The New Fulcrum of Unity?
The picture of the ‘modernizing left’, Akbayan Citizens Action Party, aspiring to be projected as the democratic left, the alternative and progressive party – list with pluralism as basic party foundation and using multiple lenses in defining Philippine society relations. Sa kasalukuyan ay pumapapel na magneto ng relasyon sa loob ng Laban ng Masa at may atraksyon din sa iba pang organisasyong ayaw namang madikit sa ibang kaliwang grupong nasa loob ng LnM.
Ø The Picture of the Unorganized but Decisive Factor
Larawan ng pagkainis at kawalang pag-asa ang itsura ng ating panggitnang pwersa, cynical, dudoso, walang tiwala, pumapalatak ng panghihinayang habang inaayos ang visa patungo sa ‘greener pastures’, parang nagsasabing ayan na naman kayo, wala namang nangyayari sa buhay. Ang mga organisadong kasama sa kilusang galit sa mga elitista ay ang karampot na impluwensyado ng sana sumikat din ako sa larangan ng pulitikang nagtatanggol sa masa pero kaunti lang ang abot ng impluwensya.
Ang kabataan, tipikal ang itsura na hindi pa alam ang patutunguhan, naguguluhan, ang dating balwarte ng intelektwal na pag-iingay at progresibong paninindigan sa mga kritikal na isyung panlipunan ay tila ba mapurol na kutsilyong ang talab ay nasa maliit na bahagi lang at hindi pa solido ang likhang tabas. Mga kabataan mula sa maralitang komunidad ang karaniwang itsura ng mga mobilisasyon, larawan ng sunod sa agos, tapang na wala sa lugar, takbuhin pag nakaramdam ng panganib. Hindi rin marinig ang opinyon ng pag-asa ng bayan, nasasayang, napapariwarang buhay, may maiksing memorya sa kasaysayan, mababaw ang pagka-makabayan, may pangarap na yumaman sa pangingibang – bayan. Epekto marahil ng mababang kalidad ng kalusugan at edukasyon.
Ang OF, itsura ng maskara sa pelikula, ang larawan ng tuwa at luha, ng panghihinayang, pero marahang tumatango at sinasabing tanggap ko na, kanya-kanya muna. Ang kanilang mga remittances ay mayor ang ambag sa pagpapanatiling nakalutang ang ating ekonomiya, nakapagpapalakas sa linya ng serbisyo. May bagong kultura ang nahuhubog mula sa mga pamilya ng OF at mga komunidad na kanilang kinabibilangan, ang hindi pag-asa sa gobyerno na maisasaayos pa ang kabuhayan ng mamamayan.
Ang masa, ang masa, itsura ng hukot na katawan, blangko ang larawan ng mukha, pagod at subsob sa paghahanap ng ikabubuhay, ayaw makialam, pasibo at tila nagsawa na sa mga pangakong pagbabago sa tagumpay ng pag-aalsa. Palalang kahirapan, kawalang pag-asa, kanya-kanya muna ang sagot sa mga panawagan, sasama lang kung may panawid – gutom, pandugtong sa walang katiyakang buhay. Pesimistiko ang tanaw sa kinabukasan, hirap pakilusin, naghahanap ng mukhang masasandigan, may tibay ang paninindigan at hindi mang-iiwan sa kagipitan. Hindi ito makita ng masa sa mga mukha ng pwersang naglalaban-laban sa kapangyarihan sa kasalukuyan, kaya minamabuti na munang manahimik at itaguyod ang kanya-kanyang buhay muna.
Iyan ang larawan ng ating lipunan, talamak na kahirapan, away-away sa paghahatian sa natitirang yaman ng ating bayan ang mga elitistang higit sa 5 dekada na ang kontrol sa sistemang malupit sa ‘working people’ at ‘toiling masses’. Nabubulok na lipunan, siphayo at kawalang pag-asa ang nararamdaman ng mamamayan. Patuloy pa ang krisis. Litaw na ang bulok na sistema. Hindi ‘Party-List o ‘Patches of Green’ ang kasagutan sa kalagayang ito ng ating lipunan, ng ating bayang Pilipinas.
Binigyang-diin ang kakaibang sitwasyong umiiral sa ating lipunan, ang hindi pa maresolbang krisis pulitikal, sa bawa’t pag-ahon/pagsalag ni Gloria sa hamon ng oposisyon at progresibo ay hindi nagbabago sa ibaba ang rating sa mga sarbey, walang epekto kung naligtasan man ang problemang kinaharap.
At ang katotohanang hindi krisis pang-ekonomiya ang magti-trigger sa inaasam nating ispontanyong pagkilos ng mamamayan para palitan na ang bulok na sistema. Nasa 30 milyong indibidwal ang direktang nakikinabang sa padalang pera ng mga OF, maaaring nakakabawas sa pulutong ng mga Pilipinong gutom.
Hindi mawawala sa equation ang namamayaning persepsyon sa mayorya ng mamamayan, walang tiwala sa gobyerno ni Gloria pero walang makitang kapalit, bukod pa sa pakiramdam na nagagamit lang pero wala namang nagbabago, o ayon kay Prof. Randy David, tumatalino na ang mamamayan hindi na basta-basta mapapasunod, nag-iisip na.
Sa kabila niyan, patuloy ang paglala ng kahirapan. Hindi ito katulad sa mga naunang pag-aalsang pulitikal na nilahukan ng ispontanyo, kapalit ni Ninoy si Cory, kapalit ni Erap si Gloria kahit binaluktot pa nila ang depinisyon sa konstitusyon sa tulong ng Korte Suprema. Ngayon, kapalit sana ni FPJ ay si Susan pero ayaw, mataas ang popularity rating pero mababa ang konbersyon sa boto kasi walang anunsyo kong interesadong maging kandidato.
Kung kaya walang klarong mukha na pwedeng ipalit, lahat halos ay luma at gasgas na, walang mapag-pilian kailangan pang gawin, likhain ang imahe ng isang alternatibong lider na maaaring kumakatawan din sa isang alternatibong sistema.
Sa sumada pa lang ng sitwasyon gusto mo nang itanong, paano nga ang gagawin, ayaw ngang sumama. Nawawala ang mga MF, naguguluhan ang YS, nanonood lang ang mga OF, busy ang mga manggagawa sa pagbilang ng araw bago dumating ang ika-limang buwan, ang mga magsasaka ay nawawalan na ng pag-asa, ang urban poor, bahala na. Ang elitistang oposisyon, mahigpit ang kapit sa bulsa, ayaw tumodo ng taya umaasa pa rin na may negosasyon mapanatili lang na mangibabaw ang sistemang elitista.
Ø Mga kaganapan at pagkilos ng iba’t-ibang pwersa
Sa Hunyo 27, muli na namang isasampa sa House ang impeachment kay Gloria. Noong nakaraang taon, bigo ang proseso ng impeachment, hindi umabot sa 79 na pirma ng mga kongresista para sana maisampa sa Senado at matiyak ang pag-usad nito. Ginawa ni Gloria ang lahat, mula sa suhol hanggang sa pananakot sa mga kongresista pati na sa mga pamilya nila.
Ang laro sa impeachment ng elitistang oposisyon ay nagpakita ng pagkakahati-hati, ang partido ni Erap na PMP at Imee Marcos ay hindi pumirma. Bukod pa sa pananabotahe ni Lozano at ang malabong interpretasyon ng Korte Suprema. Sa huling balita ay larga ang pagbili ni JDV sa boto ng mga nasa oposisyon bukod pa sa pag-ipit sa pondo ng pork barrel sa mga matitibay na naninindigan. Kaya sa malamang ay wala na namang mangyari sa usaping ito ng impeachment, pero kailangan natin itong lahukan at himukin ang paglahok ng mamamayan.
May malayang inisyatiba na isinasagawa ang mga anti-Gloria mula sa panggitnang pwersa na pagsasampa ng kasong impeachment sa pangunguna ng mamamayan, iiendorso naman ito ng mga oposisyunistang kongresista sa loob ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Hindi nag-file si Lozano, nanggagalaiti naman si Cong. Nograles—majority floor-leader- sinasabi niyang sa Hulyo pa maikokonsidera ang ika-isang taon ng impeachment case, bukod pa sa wala namang naiba sa mga kasong isinampa kaya tiyak niyang ito ay mababasura lamang—nagbanta naman si dating VP Guingona na magkakaroon ng civil disobedience kapag walang nangyari sa kaso.
ChaCha ang sagot sa bulok na sistema, ito ang linya ni Gloria para ibenta ang pagpapalit ng konstitusyon at tipo ng gobyerno, kapag naaprubahan, magiging parliamentary at unicameral ang tipo ng gobyerno natin, lusaw na ang senado at may karagdagang superpower si Gloria para huwag mapatalsik sa pwesto. Sa ating pagsusuri sa layunin ng chacha ni Gloria, klaro ang gustong tumbukin, una maging lehitimo ang panunungkulan o kontrol sa kapangyarihan, ikalawa, ibigay ang gusto ng US, IMF, WB at WTO o sa madaling sabi ay maging ligal ang pagmamay-ari ng dayuhan sa ating ekonomiya at ikatlo ay panatilihin ang elitistang sistema ng paghahari.
Kontra ang CBCP, El Shaddai, maging ang INC, kasama rin sa mga kumokontra ang mga personalidad na nyutral sa usapin ng pagpapatalsik kay Gloria pero ngayon ay anti-ChaCha.
Naglabas naman ng bayad na pahayag sa Phil. Daily Inquirer ang grupong ‘One Voice’, kasama sa mga nakapirma si Arsobispo Angel Lagdameo ng Simbahang Katoliko at kasalukuyang taga-Pangulo ng CBCP kasama ang higit sa 80 lider indibidwal na kumakatawan sa burgesya, laban sila sa ChaCha ni Gloria.
Batay sa mga bagong pangyayari may pag-atras na ang palasyo na kaya pang maganap ang pagbabago ng konstitusyon ayon sa kanilang timeline, maraming ibinalabag sa riles ng chacha train kung kaya ang express ay naging ordinary at hindi makakarating sa takdang oras.
Ganunpaman laging nakalutang sa arsenal ng mga taktika ang ChaCha, sa sandaling malingat tayo ay bigla na lamang nakahain sa ating harapan.
Idineklarang iligal ng Supreme Court ang paggamit ni Gloria sa kanyang mga ekstra-kapangyarihan tulad ng CPR laban sa mga kilos-protesta, EO464 laban sa mga ipinapatawag na imbestigasyon ng Kongreso at ang PP1017 na pwede niyang supilin ang lahat ng kalayaang – sibil ng mamamayan, ganunpaman patuloy niya pa rin itong ginagamit at walang maingay na pagtuligsang maririnig. Litaw ang hangarin ni Gloria nang pagpapatuloy sa kapangyarihan anuman ang maging kapalit.
Ratsada at tuloy ang arangkada ng pagtumba at pag-aresto sa mga lider at kasapi ng kaliwa at kanang grupo na nagplano ng kudeta laban kay Gloria noong nakaraang Pebrero, naging mahusay na kober ang dahilang may sabwatan ang ekstremistang kaliwa, CPP/NPA/NDF at kanilang mga ligal na organisasyon sa mga grupo ng kanan na kinakatawan naman ng mga ‘tiwaling opisyal’ at kasapi ng AFP, aktibo at retirado, ang RAM, Magdalo atbp para ibagsak ang gobyerno ni Gloria.
Kamakailan lang ay may dinampot na limang lider ng UMDJ, isang organisasyong pinopondohan ni Erap ang mga pagkilos, nagkabuhol-buhol ang palasyo at AFP sa pagpapaliwanag na hindi nila alam kung nasaan ang 5 sa dahilang wala silang kinalaman sa pagkawala ng mga ito, pero pare-parehong nalunok nila ang kanilang mga dila ng aminin ng ISAFP na sila ang dumampot sa limang lider ni Erap. Para makabawi sa blunder, ipinagpilitan ng AFP na ang target nila ay ang pinuno ng CPP sa Manila- Rizal at may atas na itumba si GMA sa lalong madaling panahon. Sa kahihiyan ay pinalaya nila ang lima kahit sariwa pa ang mga marka ng tortyur at bali ang dalawang tadyang ng 60-anyos na lalaking pinaghinalaan.
Maging ang UNORKA, isang progresibong organisasyon ng mga magsasaka ay may 6 na lider ng napatay, pinakahuli sa talaan ay ang kanilang pangkalahatang kalihim na si Ka Eric Cabanit, malubhang nasugatan ang anak na dalaga sa isinagawang pananambang ng 2 kalalakihan, ayon sa ulat ay nakilala na at hawak na ng mga pulis. (sa tagal matapos ng papel na ito, inabutan na ng deklarasyon ni Gloria na nagbigay ng P1B karagdagang pondo sa AFP upang lipulin ang kaliwa sa loob ng 2 taon, walang duda kasama tayo tiyak sa listahan).
Nadagdagan na naman ang lider ng TFM sa Negros ang pinatay, si Wilfredo Cornea, pinagbibintangan ng CPP-NPA na ang tumira ay ang RPA-ABB.
Sa Bulacan, sinunog ang effigy ng ating representante na si Risa Hontiveros-Baraquel sa isang ‘peace rally’ na pinamunuan ni Gen. Palparan, kumander ng 7th IB PA na naka-deploy sa Central Luzon. Bago pa ito ay sinuyod na ng mga militar ang tirahan ng mga lider at kasapi ng AKBAYAN sa Nueva Ecija, pinagsabihang itigil na ang kontra sa gobyernong gawain ng AKBAYAN at sapilitang pinasama rin sa ‘peace rally’ sa plaza na may hawak ng plakard na itinatakwil ang AKBAYAN.
Bago lang ang naganap naman sa Isabela, pinulong ng mga lalaking nakasakay sa isang military truck na 6x6 pawang mga naka-fatigue at may baril na mahahaba, ang labinlimang magsasakang naroon sa paligid at winarningan sila na huwag ng sasama sa rali laban kay Gloria at itigil na ang pag-oorganisa sa mga magsasakang nasa lupang pag-aari ng Hacienda Gerena sa higit sa 200 ektaryang lupang sakahan ng palay at gulay.
Hiwalay pa ang pangyayaring pangha-harass ng mga hindi kilalang lalaki na sakay ng isang owner-type jeep na kulay fatigue sa isasagawang asembliya ng seksyon ng AKBAYAN sa munisipalidad ng Ramon na pinamumunuan ng division chair na si Charlie dela Cruz. Nang malaman na ang pagtitpon ay para sa AKBAYAN, nag-order ang mga hindi nagpakilalang lalaki na ‘itigil na ang gagawing pagpupulong upang huwag ng humaba pa’. Itinigil na ang seksyon assembly, kahit na sa loob pa ng DAR Municipal Office isinagawa ang pagpupulong at alam ng punong administrador ang paggamit dito. Mas malala pa ang nagaganap ngayon sa Bondoc Peninsula, Quezon, nakakulong ang mga lider at kasapi ng mga magsasakang nasa ilalim ng pag-oorganisa ng PEACE, matapos sampahan ng kasong kriminal ng CIDG sa Kampo Crame.
Ang mga nabanggit na pangyayari ay kagyat na tinutugunan, isinasaayos, isinasalansan at pinag-aaralan pa ng AKBAYAN Legal Committee upang malapatan ng angkop na hakbang at upang pigilan at labanan ang mga paglabag sa karapatang – pantao ng gobyerno ni Gloria.
Ang galaw na ito ni GMA ay sopistikadong pagdadala sa sinasabing ‘creeping martial law’, maraming aral ang hinalaw niya mula sa mga negatibong dulot ng lantarang pasistang paghahari ni Marcos noon at mahusay niya itong iniiwasan, ikalawa ay ang ubod-galing na paggamit sa kultura ng kawalang-tiwala at pagkakanya-kanya, ang nangingibabaw na pangkalahatang persepsyon ng mamamayan at panghuli ay ang katotohanan na maraming kadreng nagmula sa iba-ibang ‘shades of left’ noon ang nasa kabinete ni Gloria at mas matindi pa sa mga heneral kung mag-isip kung paano pupulbusin ang paglaban ng organisadong mamamayan, ‘know your enemies’ ika nga ni Sun Tzu.
May mga pangkat naman na nagsusulong sa panawagang ‘snap elections’ na ka-back-to-back ng kasong impeachment. Binigyang katwiran ito sa dahilang kung impeachment lang ang isasalang, madaling mangibabaw ang pagkontra ng mayorya sa mga kongresista sa magkanong kapalit ang paninindigan. Pero kung nakasalang ang senaryo ng ‘snap election’ sa equation ng mga posibleng pagresolba sa political crisis ay maaaring tumibay ang paninindigan ng marami sa mga ‘pragmatikong kongresista’ na sumang-ayon sa impeachment sa dahilang popogi ang dating nila at maiiwasang makasama sa patuloy na negatibong pandama kay Gloria ng taumbayan sa 2007 elections kung matutuloy.
Sa ating paghahanda sa pagharap sa mga isinalang na problema ng elitistang paghahari sa katawan ni Gloria, komprehensibo ang nararapat na paghahanda at pagtugon sa mga hamon. Ang naka-ambang diktadura, ang ChaCha, ang impeachment, ang 2007 elections at maging snap elections pati na ang ‘extra-constitutional options’ na magbibigay posibilidad sa TRG.
Ø Pagsusuri at Pagkilos ng ating Partido Akbayan
Litaw na ang pagkabulok ng sistema, matindi ang away ng mga elitista, malala ang kahirapan, isolated sa mamamayan ang gobyerno ni Gloria, lahat ng pwersa ay mahina, nakakapangibabaw lang si Gloria dahil sa hawak niya ang kontrol sa pinansya at mga susing institusyon. Isa sa mahalagang salik ay ang kawalan ng alternatiba na papalit sa kanya, umiiral ang kawalang tiwala ng mamamayan, maaaring agam-agam dulot ng nagdaang mga pag-aalsa sa EDSA na wala ring pagbabagong naibigay sa buhay ng karaniwang tao liban sa patuloy na hirap at kawalang kapangyarihan.
Ilagay na natin sa agenda ang pag-agaw sa pampultikang kapangyarihan sa malapit na hinaharap. Ang darating na eleksyong 2007 kung matutuloy ay larangan ng ating paghahanda upang magpatampok ng mga alternatibo, progresibo at popular na kandidato sa pambansang saklaw.
Sa umiiral na walang patumanggang krisis pulitikal sa ating bansa ay may kabilang bahagi ito ng mga pampulitikang oportunidad. Ang hamon sa atin kapag wasto ang naging tugon at pagkilos ay malaking pag-igpaw ito sa katayuan ng ating Partido at paghahanda sa papel natin bilang alternatibo sa bulok na elitistang paghahari. Ang katuparan ng ‘Participatory Democracy, Participatory Socialism’ tungo sa maunlad na Pilipinas.
Handa ka na ba?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
10 comments:
Aw, this was a very nice post. In thought I would like to put in writing
like this moreover - taking time and actual effort to make an
excellent article…
however what can I say… I procrastinate alot and under no circumstances seem to get one thing done.
Feel free to surf to my web site ... http://www.nosdonnees.fr
This is very interesting, You are a
very professional blogger. I have joined your rss feed and sit up
for searching for more of your
wonderful post. Additionally, I've shared your web site in
my social networks!
Also visit my weblog :: villa sonrisa finestrat
excellent publish, very informative. I'm wondering why the opposite specialists of this sector don't realize this.
You must continue your writing. I'm sure, you've a great readers'
base already!
Have a look at my website ... entrewiki.net
very nice publish, i definitely love this website, keep on it
Visit my page zhelide.kz
Whats up this is kinda of off topic but I was
wanting to know if blogs use WYSIWYG editors or if you have to manually code
with HTML. I'm starting a blog soon but have
no coding know-how so I wanted to get advice from someone with
experience. Any help would be greatly appreciated!
My homepage spain river ebro
I not to mention my pals happened to be examining the great procedures from the blog while instantly developed an
awful feeling I had not expressed respect to you for those strategies.
These guys
came so excited to study all of them and have sincerely been taking advantage of these
things. I appreciate you for really being
indeed accommodating and then for
getting
these kinds of beneficial guides most people are really needing to be informed on.
My very own sincere regret for
not saying thanks to sooner.
Here is my web page :: www.noamik.de
Have you ever thought about adding a little bit more
than just your articles? I mean, what you say
is important and everything. However
imagine if you added some great pictures or videos
to give your posts more,
"pop"! Your content is excellent but with images and clips,
this website could
definitely be one of the most beneficial in its field. Great blog!
Feel free to visit my blog ... www.barknetwork.com
I was more than happy to search out this
internet-site.I needed to thanks in your time for this
glorious read!! I undoubtedly having fun with every
little little bit of it and I've you bookmarked to take a look at new stuff you
weblog post.
Here is my webpage: www.ncsfd1.com
Excellent read, I just passed this onto a colleague who was doing some research on that.
And he
just bought me lunch since I found it for him smile So
let me rephrase that:
Thanks for lunch!
My web blog :: www.biofalu.hu
Very nice post. I just stumbled upon your weblog and
wanted to say that I've
truly enjoyed surfing around your blog posts. In any case I will be subscribing to your
feed and I hope you write again soon!
My weblog :: spanish riviera real estate
Post a Comment