Thursday, November 23, 2006

Outdated at Outmoded economy

Totoong outdated na ang modelong ginagamit na pang-ekonomya ng gubyerno. Hindi na uubra, hindi na kwela o 'wa EPEK na sa mamamayang Pinoy ang paulit-ulit na ipinagyayabang ng Malakanyang, ng NEDA, ni Ate Glo ng mga pulitikong nakakubli sa saya nito, na kesyo gumaganda't lumalakas ang Piso at stock market ay gumaganda na ang ekonomiya.

Palagiang ginagamit din sa panloloko ang taunang 4-6% TANTOs (rating) na Gross National Product (GNP) at Gross Domestic Product (GDP) ng ating ekonomya na kung tutuusin, ayon mismo ng United Nation Development Program (UNDP) ay isang OUTDATED na panukat ng kaunlaran, malayong 'di makasasapat at suntuk sa buwang magtri-trickle down effect sa baba o sa naghihikahos na mamamayang Pilipino.

Tignan at suriin na lamang ang ibinabandila ng “elitist” na World Economic Forum (WEF), ang version ng World Social Forum na dinadaluhan ng mga alternative progressive forces, civil society ng mundo. Sinasabi mismo ng WEF na nakapag-come up na ito ng makabagong mga measures na kahit paano'y may katuturan sa paglago ng ekonomya ng mundo.Ayon sa kanila, “sa mga nagdaang panahon, may paghina, pagbagsak ng international barriers sa daloy ng goods, services, capital, labor, may pagmarka ng pagbilis ng kumpas ng technological at scientific progress...may pagbawas sa halaga ng transport at communication... Against this backdrop of rapid systemic change.... we have seen shifts in the relative importance of those critical factors which determine the evolution of productivity and hence growth."

Sa usapin daw ng national competitiveness, tinalakay sa WEF ang pangunahing mga bagay na nagdedetermina ng antas ng pag-unlad o produktivity ng isang bansa. Ang mga ito ayon sa kanila ay mga saligang factors-SALIK, patakaran at INSTITUTION." May siyam (9) na pillars na sinasabing critical factors sa pag-unlad ng ekonomya; una ang pagpapalakas ng Institutions, Macro economy, Health and primary education, Market efficiency, Technological readiness, Business sophistication, at ang Innovation. Klinassified nila ang unang apat bilang basic requirements, bilang efficiency enhancers ang sumunod na tatlo, habang ang salik ng innovation at sophistication ang huling dalawa.

Ipagpalagay na nating may istabilidad ang macro economic factors (fiscal) na ikinokokak ng Malakanyang, pero sa ibang anggulo't larangan walang dudang WEAK-lumpo ang ating INSTITUTION, (lalo na ang democratic at political institution) infrastructure at ang pagkontrol ng pangungurakot na sinasabing siyang salik sa panlulupaypay ng ating ekonomya. Nakahanay ang Pilipinas sa mga bansang tinaguriang “banana republic” o ang kabaligtaran ng propang "strong republic" ni Ate Glo.

Sa mga nabanggit na institution, ang peace and order ang numero unong kailangang mairepaso. Bagsak ang kredibilidad ng AFP at PNP, mga bantay salakay at isinisisi sa malawakang pangungurakot-katiwalian sa weteng, “hello garci tape controvercy, ilihitimong gubyerno," political killings at panunupil ng demokratikong karapatan. Ang AFP at PNP na siyang dapat gumampan ng tungkuling protector of the pipol at Constitution, ang siyang promotor, fertilizer at canal na pinanggagaliangan ng lamok ng insureksyon at rebelyon.

Binabanggit din ang kahalagahan ng citizenry, ang aktibo at reponsableng papel ng mamamayan (active citizenry) na sasawata at magfifiscalized sa lumalalang kadimonyohan sa gubyerno, kaTRAPOhan sa Kongreso, sa lumalalang crisis ng representation (electoral politics) at institusyon ng Hustisya't hudikatura ng kasalukuyang dispenzation.

Sa dinami-dami ng batas na nakapatungkol sa safe guarding ng mga institusyon, preservation ng karapatang pang-tao, electoral process at pagbaka ng kurapsyon, wala itong nagawa, nagmistulang inutil, butas ang mga batas. Ang malalaking maimpluwensyang politikang angkan, oligarkiya, casique at warlordismo ang siyang nakapangyayari, kumatay at sumasalaula ng “rule of law at regulatory provision ng mga batas.”

Ang mga Pinoy na kabilang sa sinasabing middle class, na siyang dapat isa sa mga nangunguna sa panawagan (advocacy) ng good governance at kaunlaran ay napanghinanaan ng loob. Iilang porsiento na nga lang ng populasyon, nagsipaglikas (migration) pa ang malaking bahagi. Marami sa kanila'y matatagpuan sa mayayamang bansang tulad ng Amerika, Canada at Europa.

Wala sa PI, Con-Ass at CHA CHA ni Ate Glo, ni Tainga de Venecia at elite sa Tongreso ang SUSI, bagkus sila pa nga ang sanhi, ang pangunahing dahilan kung bakit lumala ng gadambuhalang sari-saring krisis ang country.

Mahalagang pag-isipan ng gubyernong papalit (kung sino man 'yon) ang “alternative development strategy” na matagal ng isinisigaw ng mamamayan. Pag-isipan ng ibasura ang kinakalawang na modelo ng ekonomyang sinusunod ng kasalukuyang umuukupa sa Malakanyang. May mahigit apat na dekadang kontrol ng elite ang gubyerno, wala na tayong narinig sa mga bukang bibig ang palagiang pagbibigay emphasis sa; macroeconomic stability (price at exchange rate stability, sustainable fiscal and balance of payments balances), trade liberalization, privatization, deregulation, and creating free markets, na sa totoo lang ayPASO na, 'di lang OUTMODED, OUTDATED pa.

Doy Cinco / IPD
Nov. 24, 2006

11 comments:

Bonn Juego said...

Ang galing, Doy! Mabuhay ka!

Tama ka, kailangan nga ng bansa natin ang matagal na nating inaasam-asam na alternative development strategy. Ngunit, kinakailangan itong i-guhit ng mga progresibong grupo at indibidwal, kasama ang mga mamamayan. Ito'y mahirap linangin at isulong; ngunit nararapat lamang para sa ikauunlad ng pinakamamahal nating bayan.

Napakarami na talagang panukat ng pag-unlad ang ginagamit ngayon lalo na ng mga elitistang institusyon tulad ng WEF -- mga panukat patungkol sa 'development', 'competitiveness', 'innovation', at iba pa. Ngunit ang mga panukat na ito ay napaka-ideological, kumikiling sa neo-liberalismo. Kaya nga sa ngayon, parang ninanais kong bumalik sa 'classic' na panuntunan ng buhay mula sa mga Griyego noong sinaunang panahon: ang sukatan dapat ng pag-unlad ay kung ano ba ang magandang buhay o ang 'good life'. Itong sukatan na ito ay nararapat lamang at kinakailangang hubugin ng lahat ng mamamayang Pilipino.

Ingat lagi,
Bonn Juego
24 Nob 2006, Tallinn (Estonia)

Anonymous said...

I am not sure where you are getting your information, but good topic.
I needs to spend some

time learning more or understanding more. Thanks for
excellent

info I was looking for this information for my mission.


My website ... click through the following internet site

Anonymous said...

I'm really inspired together with your writing skills and also with the format to your

blog. Is this a paid subject matter or did you customize it

yourself? Either way keep up the nice quality writing, it’s

rare to look a nice weblog like this one these days..

Feel free to visit my web page ccfa3071.blogspot.fr

Anonymous said...

Keep functioning ,fantastic job!

Also visit my web blog: vre employment

Anonymous said...

Attractive component of content. I simply stumbled

upon your site and in accession capital to assert that I acquire in

fact loved account your weblog posts. Anyway I’ll
be subscribing to your augment or even I achievement you get admission to
consistently quickly.

Feel free to surf to my homepage ... property law zimmer rule

Anonymous said...

certainly like your web-site but you need to check the

spelling on several of your posts. Several of them are rife
with spelling issues

and I find it very troublesome to tell the truth nevertheless I will surely come

back again.

my web site :: http://www.glowtrend.com/LubaNelson88/info/

Anonymous said...

I like the helpful information you provide in your articles.
I will bookmark your weblog

and check again here frequently. I'm quite certain I’ll learn a lot of new stuff right here! Best of luck for the next!

Feel free to surf to my page; calpe floods 2007

Anonymous said...

I haven’t checked in here for a while since I thought it was getting boring, but the

last several posts are great quality so I guess I’ll add you back to my daily bloglist.


You deserve it my friend :)

Feel free to surf to my website :: http://socialfy.lbriones.com

Anonymous said...

Its like you read my thoughts! You appear to understand so much about this, such as you wrote the e book in it
or something. I

think that you just could do with a few p.c.
to

pressure the message house a bit, but instead of that,

this is fantastic blog. A great read. I

will definitely be back.

My webpage http://Linkpro.Allalla.com/user/profile/tuknight72

Anonymous said...

I loved as much as you'll receive carried out right here. The sketch is tasteful, your authored

material stylish. nonetheless, you command get bought an shakiness

over that you wish be delivering the following. unwell unquestionably come more formerly again since exactly

the same nearly very often inside case you shield this hike.

Also visit my blog; fedora-linux.nl

Anonymous said...

We're a gaggle of volunteers and opening a new scheme in our community.

Your site provided us with helpful info to work

on. You have performed an impressive process and our whole

community will probably be thankful to

you.

Feel free to visit my blog post fbvp.me.ly