Thursday, November 02, 2006

Pulitikahan, TRAPOHAN at kampanyahan na

Wala na nga talaga ang 'Oplan No-El'. Bukud sa binasura na ito ng Korte Suprema, naghahanda na ang Comelec sa manu-manung halalan sa 2007 election. Kaya lang, para sa ULAP (nagamit at pinang-bala sa kanyon ng Malakanyang), sa Liga ng mga Ehekutibo sa Pilipinas at sa mga alanganing mahahalal sa 2007, isa itong biyernesanto at nakakapanglumong balita.

Sa celebration (kahapon-Nov 1, 2006) sa araw ng mga patay, maliban sa mga naghanap buhay, pagtitinda ng pagkain, sandwicth at inumin, tulad ng inaasahan umarangkada ule ang pamumulitika, ang maagang pangangampanya sa 2007 election.

Mula sa North Cemetery sa La Loma, sa South Cemetery sa Makati, sa Bagbag cemetery, Himlayang Pilipino sa Quezon City, Kaloocan City at sa iba pang sementeryo mula Appari hanggg Jolo, kapansin-pansin ang isinasagawang pangangampanya. Nandiyan ang iba't-ibang gimik; may libreng serbisyo para sa medical check-up, siyempre pa ang pagbati na “happy haloween” sa isang tarpuline streamers, may namimigay ng Rosary, libreng sakay mula sa mga pulitiko at iba't-ibang mga pakulo mula sa mga kandidato par. A sa Mayoralty, District Rep hanggang City Councilors.

Kung seryoso ka nga namang kandidato sa 2007, kailangang ngayon pa lang ay inaayos na ang 'campaign machinery', ang pre-campaign activity, angpagseserbisyo na sa mga tao. Layuning nitong makapagsagawa ng propaganda, 'name recall' at 'political visibility' na tactically mahalaga para sa winning ng isang kandidato.

Maliban sa mga nauna (one year before) ng pamumulitika, dito sa QC, naglalakihang ang mga pangalan ng mga incumbent politicians sa mga waiting sheds, tarpuline streamer na nakabitin sa mga strategic corners ang kani-kanilang pagbati, tulad ng Happy Fiesta, happy graduates, happy birthday Mayor. May mga karatulang tarpuline na nakahambalang sa mga kanto na kung saan, ipinakikita ang kanyang track record, ang kanyang mga nagawa, mula sa patubig, path walk, overlay o pagpapa-ispalto ng daan. Kun tutuusin, trabaho at gawain ito ng isang ehekutibo at hindi pang-lehislatura.

Ilang buwan na lamang ay election fever na't kampanyahan na. Nakasaad sa Omnibus Election Code ng Comelec na bawal ang pangangampanya at nakasaad mismo sa batas na 45 days lamang bago magbotohan ang 'campaign period'. Nagsisimula ng bumuhos ang pera ng mga pulitiko; mga abuloy, mga paluwal sa mga fiestahan at padrino ng mga iba't-ibang mga aktibidad.

Dito pa lang, talo ka na agad sa harangkadahan ang mga maliliit at walang pera. Nakalalamang na ng ilang milya-milya ang mga TRAPONG kandidato. Kung ika'y isang aspirante, walang lohistika o walang atik at nagdadala ng makabagong pulitika, mag-isip-isip na kung itutuloy mo pa o iaatras mo na labanan. Kung sa bagay, kung mahusay ang electoral operator, may nakaka-tsamba, may nakakasilat, nananalo.

Sinasabi natin ng tahasan na elitista, sa may mga pera't koneksyon ang umiiral na 'sistema ng halalan' sa Pilipinas . Hindi ito para sa mga may prinsipyo, adbokasiya, sa mga may alam at seryosong mga lingkod bayan. Kailan mairereporma ang sistemang eleksyon sa Pilipinas. Bagamat positibo, masaya na matutuloy na nga election sa 2007, minsan tulad ng sinasabi ng mga nasa KALIWA, naiisip ko rin minsan na 'hindi ang election ang nakakapagbigay, makakapag-garantiya ng demokratisasyon, kaunlaran at paggugubyerno sa bansa.'

Inaasahang titindi ang pamumulitika ng mga kandidato sa pasko at bagong taung darating. Sa mga kababayan, mgkapatid sa pananampalataya, sa mga nagsusulong ng 'BAGONG POLITIKA' o alternative politics, ikalat ang mensaheng itakwil ang kabulukan ng pulitika.


Doy Cinco / IPD
Nov. 2, 2006

No comments: