Mas madaling unawain ang JPEPA kung mailalarawan natin sa ganitong (analogy) sitwasyon. May dalawang magkapit-bahay, may dalawang (2) bakuran. Nakatayo sa isang bakuran ang isang bahay na "bahay kubo" at ang isang bakuran ay naglalaman ng isang bahay na malaki, bungalow, mala-palasyo.
Ikaw ang nakatira sa isang bahay Kubo. Ngayon, papayag ka bang pagtapunan ng mga toxic waste, basurang ala-Payatas (umaalingasaw sa baho) ang iyong bakuran (likuran ng bahay mo) na manggagaling sa isang kapitbahay mo na malaki, bungalow na ang magiging kapalit ay iyong dalagitang anak na aalilain, gagawing katulong, gagawing aliping sagigilid at malamang sa hindi, gagahasain?
Sinong siraulo, gagong magulang, sinong taran... nilalang sa planetang ito, sa galaxyng ito ang tangang papayag na ibugaw, ibebenta ang sariling dalagang anak na babae, kapalit ang DOLYAR, paninilbihan at NAKAKALASONG basura?
Anong bansa, sinong head of state ang gago, ang baliw, ang nasisiraan ng bait na sasang-ayon sa ganitong karumaldumal, 'di pantay na kondisyones na tratado sa pagitan ng mga Sakang na Hapon, ang super kontrabersyal na JPEPA?
- doy / ipd
Nov 29, '06
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment