Tuesday, November 14, 2006

Pwersang GMA ang magdodomina sa 2007?

Malabong sabihing nobenta porientong (90%) matutulad o magkakaroon ng “part 2” ang nangyaring pagkatalo ng Republican Party ni Bush sa nalalapit na May, 2007 election. Sinasabi ng oposisyon na “preview lamang ang 2007 mid-term election ang US at sabihing mas masahol pa ang dadanasing lagapak-pagkatalo ng GMA administrasyon sa 2007.” Bagamat sinasabing may katiting na pagkakahawig ang sistemang pulitikal sa US at sa Pilipinas, ibang-iba ang laro ng politika sa Pilipinas, malayong-malayo ito sa usapin ng konteksto't mga larangan pang-election;

Una; Sa Pilipinas, pangunahing kompetisyon ng personalidad, kapangyarihan, padrino at makinarya ang katangian ng election sa Pilipinas. Kung baga, labanan lamang ito ng mga traditional politicians (TRAPO) at makabagong elite, labanan lamang ng mga politikang angkan (political clan), oligarkiya, indibidwal at hindi ng partido o plataporma. Mas brutal at garapal ang kalakarang election sa Pilipinas kaysa sa Amerika.

Masyadong partisano, sobrang gastos, divisive, madugo, showbiz, over acting at magastos ang election sa Pilipinas. Walang election na hindi nagkaroon ng dayaan at patayan. Bilyon piso ang nawawaldas sa election. Normally, naglalaro sa ilang daang milyong piso ang kakailanganin budget sa isang electoral campaign para sa isang Senatorial bet at ilang milyon piso para sa isa lamang 3rd hanggang 5th class municipality.

Pangalawa; "di tulad sa US, pare-pareho at walang bagong inihahatag na alternatibo ang magkabilang panig (oposisyon at administrasyon). Kung baga, parang coke at pepsi, produktong parehong cola. Sinuman ang manalo sa dalawa , walang katiyakan, kasiguruhang magkakaraoon ng pagbabago, repormang tunay at radikal na pagbabago sa sistemang politika.

Maliban sa Senatoriable slate na walang dudang makokopong ng oposisyon, may tatyang muling mananaig ang tiket ng administrasyon, si GMA sa congressional district at local election kung sakaling bukas na ang election. Meaning, malaking posibilid na mananaig ang mga anti-impeachment Tongresmen, mga galamay nito sa ULAP at Liga ng mga lokal na ehekutibo sa Pilipinas. Ngayon sa tanong kung bakit, ang ang salik at kadahilanan?


Ang local politics sa Northern Luzon

Ang Northern Luzon (NL) ay binubuo ng 3 rehiyon, Ang Region 1 - Ilocos Region, Region 2 – Cagayan Valley at CAR Cordillera Autonomous Region. Ang R1 ay binubuo ng 4 na probinsya, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan. May kabuuang 11,402 clusterd precints at total na 2,323,285 rehistradong botante.

May limang (5) nasasakupang probinsya ang NL; Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Viscaya ang Region 2. May 7, 180 clustered precints at may kabuuang 1,498,780 rehistradong botante. Ang Cordillera Autonomous Region (CAR) ay may 6 na probinsya; ang Abra, Kalinga, Apayao, Ifugao, Mt Province at Benguet. May 3,861 clustered precints at m kbuuang 762,268 rehistradong botante.

Katulad sa kalakhang mga rehiyon sa Pilipinas, (exception ang NCR), TRAPO ang labanan at walang gaanong pagbabago sa Northern Luzon (NL), kung sa bagay hindi na ito balita. Meaning, ang 2007 election ay inaasahang laro lamang ng mga dati, lumang pulitiko at mga makabagong TRAPONG elite. Mga pulitikang angkan (political clan) naghari nuong panahon ni Marcos at namayagpag, nagpatuloy at nakapagkonsolidad hanggang sa panahon ni GMA.

Ang NL ang larawan ng political dynasties, oligarkiya't political elite, sa madali't sabi TRAPO. Bawat probinsya o tahi-tahing mga distrito hanggang mga kabayanan ay pinaghaharian ng isang maliit na political clan o kahariang politikang angkan.

Nuong panahon ng diktadurang Marcos, nabansagang “Solid North” ang NL, sapagkat sa tuwing may labang electoral sa pang-panguluhan at Senado, “naissosolido” nito (command politics) ang boto para sa isang kababayan tangan ni Marcos, ang Ilokano factor na kadalasa'y binibitbit na parang kanila at kapatid. Kaya lang, sa nakalipas na dalawang dekada, unti-unting nabago ang political landscape at hugis. Bagamat nawala na ang ilang sagadsaring galamay ni Marcos sa poder, may kahalintulad na humalili at panibagong padron sa pulitika sa katayuang ng kasalukuyang dispensasyon.

Basically, MACHINE POLITICS ang electoral tactics at istratehiyang gagamitin sa rehiyon, meaning, kung may mahusay kang makinarya't lohistika't mukha-popularidad, nakalalamang na ito ng mahigit 20 porsiento na winning chance. Subukan nating isa-isahin ang kabuuang larawan ng rehiyon.

CAGAYAN

Kilalang Enrile Country ang Cagayan. May clout din sa lugar si Danding Cojuanco, mga dating malalapit kay Marcos na ngayo'y nakahanap ng panibagong padron, si GMA. Hangga't naise-secure ang economic interest ng dalawa at walang nakikitang bantang gibain ito ni GMA, aasahang makikipag-landian si Danding at Enrile sa mga nakaupo sa Malakanyang.

Sa tatlong distrito ng Cagayan, mamanipulado't mapapanatili ni Enrile at ni Danding Cojuanco ang Cagayan hanggg sa 2007 election. Kung baga, walang makakalusut sa probinsya na hindi man lang dadaan, magmamano o walang basbas na manggagaling sa dalawa. Alyado ni Enrile ang gobernador (Gov Lara-Nationalist People Coalition), Mayor Randy Ting ng Tuguegrao City at Cong Vargas sa 2nd District.

Dahil graduating na si Jacky Enrile, ipapalit sa pwesto ang asawang (magpapalit) si Salvacion S. Enrile. Mananatili't may isa pang term si Gov Lara. Hawak ni Enrile at Lara ang botong manggagaling sa 3 malalaking bayan ng Baggao, Gattaran, Lallo at Aparri na bumubuo ng halos kalahati ng boto sa Unang Distrito. Maliban sa Vice Gov Oscar Pagulayan (LDP), kontrolado ng dalawa (NPC) ang kalakhang bilang ng provincial board member, punong bayan hanggang barangay.

Matatag ang pwesto ni Cong Florencio Vargas (Lakas-NUCD) sa Distict 2. Bagamat may dalawang term pa, may posibilidad na patakbuhin nito ang kanyang anak na si Arlene Vargas. Ang suma total, Lara-Vargas ang magtatandem sa 2007.

Hawak ng angkang Mamba ang pulitika ng 3rd District. Bago si Manuel mamba, may sampung taong hinawakan ng kamag-anak na si Francisco Mamba ang pulitika ng distrito. Kahit magpapatuloy ang tampuhan nila ni Gov Lara at mga Enrile, mayroon siyang masasandalang alyadong Mayor Ting ng Tuguegrao. Malaki ang posisbilidad na umastang oposisyon (LP-Drilon wing) ang Mamba.

Sa kabuuan, 2 : 1 ang posibleng score card sa Cagayan, pabor kay GMA.

ISABELA

Walang dudang makokontrol ng GMA administrasyon ang probinsya ng Isabela. Nanatiling kontrolado at dominado ng mga Dy ang Isabela. Mula ng namatay ang matandang Faustino Sr nuong 1993, nakakalat sa iba't-ibang posisyong politikal ang mga anak nito. Hinawakan ni Faustino Jr ang Probinsya habang ang isa pang Faustino III ay kinatawan sa isang Distrito. Ang iba pang kapatid tulad ni Alexander at Caesar ay naging punong bayan ng San Mariano at Cauayan, mga malalaking bayan at botante sa Isabela. Ang Pamanking nitong si Benjamin jr ay naging Mayor din ng Angadanan.

Kaya lang nuong 2004 election, nakatikim ng mapait na pagkatalo ang mga Dy kay Gov Mary Grace Padaca, isa sa pinakamakasaysayan at pinakamalaking electoral upset na binantayan ng sambayanang Pilipino. Nawala rin ang mga Dy iba't-ibang lugar tulad ng Cauayan at sa San Mariano. Pinagtulungan ng lahat ng pampulitikang pwersa, ang oposisyon, partido't administrasyon at CPP-NPA ang mga Dy sa Isabela. Bagamat sinasabing kabilang sa Aksyong Demokratiko si Padaca, walang dudang manok siya ni GMA. Babalik ang mga Dys sa 2007 upang agawin ang pampulitikang kapangyarihang naagaw sa kanila ng mga Padaca .

Political kingpin at trusted ally ni Danding ang mga Dy sa Isabela. Nandiyan ang mga Albano, Uy at Miranda forces sa lunsod ng Santiago. Kaya lang, kung todong susuportahan ni GMA ang administrasyon ni Gov Padaca, baka mahirapang makabawi ang mga DY sa probinsya.

Manantili uli sa pwesto si Rodolfo Albano III (KAMPI) sa 1st D. anak ng matandang pulitikong angkan na si Rudy Albano Jr, isang survivor na Marcos ally at malapit kay Danding Cojuanco. Hinawakan ng matandang Rudy Albano jr mula nuong 1987 hanggang 2001 Congressional election ang distrito. Mula sa NPC, isa na siya ngayong KAMPI at malapit kay GMA. Matapos maipasa sa anak ang trono, naipwesto pa ito ni GMA sa Malacanyang, bilang sunud-sunurang tupa't puno ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Magiging mahigpit ang labanan ng mga TRAPO sa 2nd D. Wala ng maipangtatapat kay Edwin Uy (Lakas-NUCD) kundi ang mga Dys. May isa pang termino si Edwin Uy bago maggraduate sa 2010 at kung hindi makapaghihintay si Faustino DY jr, malamang siya ang makalaban nito sa 2007. Hinawakan ng dalawang termino (nuong 1992 at '95 election) ni Faustino jr ang distrito bago naagaw ng mga UY. Kung si Uy ang magiging manok ni GMA, walang dudang manalo ito ule.

Panghahawakan ng isa pang Dy sa katauhan ni Faustino DY (Lakas-NUCD) ang 3rd D. Upang masigurado ang suporta ng administrasyon, lumipat sa Lakas-NUCD mula sa NPC. Siya na lamang ang nalalabing DY na may mataas na katungkulan sa Isabela at malapit sa adminstrasyon. Graduate na at posibleng umakyat sa governatorial race sa 2007 upang tapatan si Padaca o patakbuhin na lamang ang isang kamag-anak. Maari ring bumalik ang mga Respicio. Dating may hawak ng distrito (3 terms) bago nakuha ng mga Dy.

Mahigpit ang labanan sa 4rt D. Kung marami ang magpapanakbuhan, posibleng mabiyak ang boto at manatili ule si Anthony Miranda, dating PDP-Laban, anak ng malaking angkan ng mga Miranda (PDP-Laban), isang pulitiko't sampung (10 years) taong "nanilbihan" bilang punong lunsod ng Santiago (economic at trading center ng Region 2 at ilang bahagi ng CAR). Dahil sa laki ng banta na maagaw ng mga kaaway sa politika (pwersang Danding), si Cong Miranda ay lumipat sa saya ni GMA at pumaloob sa partidong KAMPI.

Ganunpaman, maaring 4 ang maglaban sa 4rt District; maliban kay sa incumbent na si Miranda, baka magka-interest si dating Sen Heherson Alvares, si Gigi Agabao (NPC) ang manok ni Danding at palagiang katunggali ng mga Miranda, ang bagong graduate na mayor ng Echague, si Leoncio KIAT (NPC) at pamilyang Abaya.

Kung magkakaisa, pagtulungan at maisosolido ang anti-Miranda paksyon, mga NPC candidate, papanig ang kampo ng Mayor ng Santiago na si Amelita Navarro at mga angkan ng Abaya (dating Congressman nong 90s), malalagay sa alanganin si Miranda sa 4rt D at pwede niyang plan B, option ay tularan ang kanyang Ama at lumaban at panghawakan na lamang ang mayoralty election ng Santiago City.

Sa kabuuan, magtutulungan ang LAKAS, KAMPI at NPC upang durugin ang kampon ng mga alipores ng oposisyon. Posisbleng 4 : 0, pabor sa administrasyon ni GMA ang Isabela.

Nueva Viscaya

Lugar ng mga Agbayani ang probinsya. Ang Lakas-NUCD at Kampi ay posibleng magtutulungan laban sa kung sino man ipang-babangga kay GMA. Walang dudang mananatili sa pwesto ang incumbent na si Rep Rodolfo Agbayani (LDP-KNP). Kung 'di marerecover ng LDP-Angara ang probinsya at magkakaroon ng kasunduan kay GMA, mahihirapang magkaroon ng pagbago sa Nueva Viscaya. Mahalagang maikunsidera rin si Gov Luisa Cuaresma (LDP), may tangan sa probinsya. Pro-GMA administrasyon ang probinsya.

Quirino

Hawak ng mga Cua (LP-Atienza wing) ang Quirino. Mula pa nuong panahon ni Cory hanggang sa kasalukuyan, ang gobernador at mga ilang bayan sa probinsya ay pinagpapasyahan ng mga Cua. Malapit kay GMA ang mga Cua. Kung mayroon man katapat ang mga Cua sa probinsya, ito'y posibleng mggaling sa Diffun na si Mayor Maya Calauan o ang Governor Pedro Bacani. Cua-Bacani tandem pa rin at walang mababago sa 2007 election sa probinsya.

Batanes

Walang gaanong pagbabago sa Batanes. Ito'y patuloy na panghahawakn ng mga Abad, isang consistent oposisyon ng administrasyon. Si Florencio Abad (LP-Drilon wing) na kabilang sa Hyatt 10, ang kinikilalang political kingpin ng lugar.

Sa kabuuan, sa anim na probinsya ng Cagayaan Valley Region, ang Batanes lamang ang masasabi natin mapanghhawakan ng oposisyon.


ILOCOS Region

Mga Marcos at TRAPO ang magdodomina ng pulitika sa rehiyon, partikular sa Ilokos Norte,Sur at La Union.

Graduating na si Imee Marcos sa 2nd Distrito habang may natitira pang isang term si Roquito Ablan jr sa 1st D. Basically, maaring magpalit lamang ng mga pwesto ang mga ito. Kung babalikan, bago maging gobernador kinumpleto ni Bongbong Marcos ang termino sa 2nd D bago isinalin sa kanyang ateng si Imee.

Graduate na rin si Imee sa 2nd at kung 'di makukuha sa slate ng oposisyon sa Senado, malamang magpalit na lang ule ng posisyon sila ni Bongbong. Magiging tabla ang laban ni GMA at oposisyon.

Ilocos Sur

Dominado ng mga Singson ang Ilocos Sur. Hawak ni Chabit ang 1st District habang na sa 2nd District naman ang Eric Singson (LP), ang kanyang nakababatang kapatid. Nung magGobernor si Chabit, pina-ubaya't ipinasa nito ang pwesto sa kanyang mga galamay, una kay Mariano Tajon na naka-dalawang termino, sumunod na pinasok si Salacnib Baterina jr (Lakas-NUCD), isang mahusay na abugado at masugit na alipores ni Chabit.

Hanggang kasalukuyan, mga Singson pa rin ang makakapangyari sa lugar at kung magkaroon man ng mga pagbabago, ito'y sa konteksto pa ng pagrerelyebo ng mga tao at pagbibigay ng mga pwesto sa Malakanyang. Maari nating sabihing 2 : 0 ang Ilocos Sur sa panig ni GMA.


La Union

Mga Ortega at Dumpit pa rin ang may kontrol ng pulitika sa probinsya. Bagamat may namumuong tensyon sa pagitan ng Ortega (NPC) at Dumpit (Lakas-NUCD), itinuturing mga galamay ito ng administrasyon at walang epekto sa katatagn ni GMA. Kung magpapatuloy ang pananakop ng mga Singson sa pagkontrol ng Poro Pt. (Bases Conversion-al Clark) sa San Fernando City, baka maubligang mag-oposisyon ang ilan sa dalawang makapangyarihang pulitiko sa La Union.

Hawak ng mga Ortega ang Governor, Victor Ortega habang na kay Manuel Ortega ang 1st D. Sila rin ang may malaking inpluwensya sa malalaking bayan sa probinsya. Mula sa San Fernando City (ang bumubuo ng halos kalahati ng botante sa probinsya), Bauang, Agoo, Naguillan, Rosario at Luna. Hawak ni Tomas Dumpit (KAMPI) ang 2nd D.

Dahil parehong last term (graduated) na ang dalawang kinatawan sa kongreso, posibleng pumasok sa eksen ang Purungganan, isang dating militar at matapat na kaalyado ni GMA. Posible ring patakbuhin na lamang ng dalawa ang kani- kanilang kamag-anak para maiwasang magbanggaan sa probinsya (governatorial race). Kung magka-interes bumalik sa pulitika ang mga Aspiras jr sa 2nd D, ang anak ng matandang Jose Aspiras at dating crony ni Marcos. Hinawakan ng matagal ng matagal na panahon ng angkang Aspiras ang La Union nuong kapanahunan ni Marcos.

Ang suma total; 2 : 0 sa panig ni GMA ang La Union.

Pangasinan

Pinakamalaki at vote rich province ang Panagasinan sa Northern Luzon. Masasabing mga Agbayani, Estrella at Ramos country ang Pangasinan. Matagal ng namuhunan ang mga Agbayani't Estrella sa lugar (Marcos years). Dahil sa laki ng ayuda ng Malkanyang, isa na sa masasabing balwarte ng administrasyon ang Pangasinan. Mula sa Lakas-NUCD, marami sa mga kinatawan dito ay lumipat na sa KAMPI. Si Arthur Celeste (KAMPI) ng 1st D, Amado Espino (may isa pang term) ng 2nd at ang last term/graduate na si Generoso Tulagan ng 3rd D. Hawak ni Joe De Venesia ang 4rt D. May isa pa siyang termino, habang si Mark Cojuanco (anak ni Danding) NPC at si Conrado Estrella sa natitirang dalawang distrito ng Pangasinan.

Ang mg Estrella, tulad ng mga Cojuanco ay apo ng mga matatandang pulitikong si Robert Estrella nuong 1969, lolo nito si Conrado Estrella Sr, ang dating gobernador, assemblyman at cabinet member ni Marcos. Dahil sa laki ng probinsya, maaring may nagtitimon sa anim na distrito ng Pangasinan (Estrella o si Joe de Venecia?). Maliban kay Tulagan (graduate) ang lima sa kanila ay may isa pang termino.

Malaki ang posibilidad na magkaroon ng pagbabago, makikigulo't maghahangad ng position sa Pangasinan, ang lugar na maaaring magiging panatag si GMA. Kaya lang, may kumakalat na usapang na malamang “game of the generals” ang 2007 election sa Pangasinan.

Malamang magbanggaan ang mag-Mistah na sina Lomibao at Pangasinan Rep. Amado Espino sa gubernatorial post ng Pangasinan. Bukod sa dalawa, kabilang rin sa mga dating heneral na tatakbo sa lokal na halalan sa Pangasinan ay sina retired army Lt. General Alberto Braganza, dating kumander ng Southern Luzon Command; dating PNP Deputy Director General Reynaldo Velaso at dating Vice Chief of Staff Lt. Gen. Jose Calimlim na nagsilbi ring hepe ng Presidential Security Group (PSG).

Magkaklase at malapit na magkaibigan sina Lomibao at Espino, dating colonel ng PNP at kumander ng Region III na minsang nakahuli kay Bayan Muna Rep. Satur Ocampo noong aktibo pa sa underground, sa Philippine Military Academy Class ’72.

Kung tutuloy si Espino na may nalalabing isang termino bilang kongresista sa gubernatorial post, inaasahang magpapalit sila ng tatakbuhang posisyon ni Gov. Victor Agbayani, isang last-termer, habang posibleng bumaba naman bilang vice governor ang maybahay ng huli na si Jamie.

Inaasahang may plano ring tumakbong gobernador nina incumbent Vice Gov Oscar Lambino at sixth district Rep. Conrad Estrella. Kakalabanin ni Braganza si incumbent first district Rep. Arthur Celeste habang sa ika-limang distrito naman bilang kongresista ang nais na takbuhan ni Velasco at hindi pa matiyak ang posisyong tatargetin ni Calimlim.

Makakalaban ni Velasco sa posisyong iiwanan ni last termer Rep. Generoso Tulagan sina Rachel Arenas, anak ng socialite na si Rosemarie “Baby” Arenas, Bayambang Mayor Leocadio De Vera, Customs Deputy Commissioner Gallant Soriano at Generoso Tulagan, Jr. Matunog rin ang pagtakbo ni Dagupan City Mayor Benjamin S. Lim sa ika-apat na distrito para kalabanin si incumbent Speaker Jose De Venecia, Jr.

Sa kabuuan, mga paksyong maka-GMA ang maglalaban-laban sa limang distrito ng Pangasinan, so 5 : 0 sa panig ni GMA.


Cordillera Region


Kalinga-Apayao

Bagamat malakas ang kilusang progresibo sa lugar, nanatiling si Elias Bulut jr (NPC) country ang Kalinga-Apayao. Isang negosyante si Bulut. Matapos hawakan ng mga Clever ang lugar, agad naagaw ng mga Bulut ng mahigit isang dekada ang dalawang probinsya, bago nahati ito noong 2001. Nung hinati (2001) at binuo ang Apayao (lone district pareho), si Laurence Wacnang (LP), isang abugdo ang humawak dito.

Graduate na si Bulut habang may isa pang term si Wacnang. Kung sak-sakali, malamang magkroon ng rigudon at hawakan lamang nito ang probinsya na kasalukuyang hawak ng kanyang amang si Gov Elias Sr o dili kaya'y patakbuhin ang kani-kanilang kamag-anak. GMA territory ang Kalinga – Apayao at kung walang papasok na bagong pulitika sa baba, malamang walang mababago sa lugar.

Ifugao

Mainit ang pulitika sa Ifugao. Bagamat matatanda na ang mga dati at lumang pulitiko sa lugar, tulad ng mga Lumauig maraming nsulputang mga bago at mayamang pulitikong angkan sa Ifugao. Incumbent Rep sa ngayon si Solomon Chungalao (LP), isang maka-GMA. May isa pa siyang term at posibleng siya pa rin ang tumangan sa probinsya. Dating hinawakan ang probinsya ni Benjamin Cappleman (Lakas-NUCD) ng dalawang termino bago siya tinalo ni Chungalao.

Mt Province

Victor Dominguez (KAMPI), Pilando clan ang malalaks sa lugar. Mga alipores lamg ni GMA ang maglalaban-laban dito. Si Victor Dominguez ay anak ng political clan ng mga Domingez nung panahon pa ni Marcos. Bago niya hawakan ang Mt Province, kinontrol din niya ng tatlong termino ang probinsya at ng maggraduate, lipat naman siya sa pagiging kinatawan. May dalawa pang termino si Dominguez

Benguet

Angkang Dangwa-Cosalan country ang Benguet habang Domogan-Vergara tandem ang may kontrol ng pulitika sa Baguio City (lone District).

Sa kabuuan, iba ang dynmics ng local politics. May iba siyang karakter at konteksto na ang hirap itulad sa nagganp na pangnasyunal na konteksto. Ang Northern Luzon ay basically, paghaharian ng TRAPO at ito ang tutungtungan ng adminstrasyon GMA.

Doy Cinco / IPD
Nov 14, 2006

Paalala sa mga Kasama: kung may maidadagdag o maibabawas, o maling info hinggil sa kwentong NL sa 2007. mangyari pong ipagbigay-alam at magkomentaryo. Malaki ang maitutulong natin sa isyung ito. Salamat. - doy



5 comments:

GCU said...
This comment has been removed by a blog administrator.
GCU said...
This comment has been removed by a blog administrator.
GCU said...
This comment has been removed by a blog administrator.
GCU said...

Corrections lang...

Faustino Dy, Jr was congressman of the 2nd district from 1992-2001. He ran for gov and won in 2001 and lost in 2004

Rudy Albano was Congressman till 1998. Rodito Albano succeeded him in 1998. Rudy Albano was congressman again in 2001 then Rodito ran in 2004 again

Faustino Bodjie Dy is not yet a graduate in 2007... he still has one more term


Alexander Dy did not win in San Mariano. Benjamin Dy, Jr did not win in Angadanan

GCU said...

pahabol na correction:

Si Congressman Miranda ay hindi anak ni Pempe Miranda... magkapatid po sila.