Friday, October 12, 2007

Credible Solution: Debt Moratorium

Ang pagbabayad ng iligal, maanomalya at immoral na utang na itinuturing ugat, "lola ng mga suliranin" at isang karumal-dumal na krimen hindi kailanma'y mapapatawad ng mamamayang Pilipino. May P6.0 trilyon ang kabuuang utang ng Pilipinas, halos P44,000.00 sa bawat Pinoy, sanggol o matanda ang may utang na. (larawan sa kaliwa:news.bbc.co.uk/.../img/2.jpg)

Dahil sa halimaw na AUTOMATIC APPROPRIATION,
masahol pa sa kapinsalaan dinanas ng mga Pilipino ang debt trap kahit pagsamahin pa ang trahedya ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WW2) at Philippine-American War.
1.libong sanggol ang namamatay araw-araw.
2.daang libong daliginding ang itinutulak sa prostitusyon taun-taon.
3. limang libong Pinoy araw-araw ang nag-o-OFW
, matakasan lang ang kahirapan at kawalang hanap-buhay.
4.
13.4 milyong pamilya o 87.5% ng kabuuang pamilyang Pinoy ang dumadanas sa karalitaan ayon sa National Wage Commission.
5. 20-34% ng 74.2 milyong Pinoy ang dumaranas sa kagutuman o under-nourished, ayon sa Food and Agriculture Organization (FAO), taong 2000. Mas malala pa ang Pilipinas kung ikukumpara sa Indonesia, Myanmar, Thailand at Vietnam kung saan mayroon lamang 5-19% ang nagugutom.

Aminin man ni Ate Glo o hindi, dahil sa pagbabayad ng ilihitimong utang, nasa terminal na, nasa malubhang karandaman na at isang bangkaroteng estado na ang Pilipinas. Mangangailangan ng isang radikal na pagbabago (radical shift) ng patakaran ang gubyerno at kung 'di agarang maagapan, isang panlipunang bulkang Mayong sasabog ang bansa
.

Kung ang bansang Brazil, Argentina, Jordan at Rusya, mga itinuturing middle at high income countries ay buong giting na inilaban ang debt moratorium, Pilipinas pa kaya kung saang, “isang kahig-isang tukang income,” punong-puno ng kapighatian at karalitan at tatlong dekada (3 decades) ng binabayo ng sari-saring krisis pang-ekonomya't pulitika.

Tanggapin na ng Malakanyang na isang bangungut na "kailanman'y hindi na mababayaran ang mga utang panlabas kahit ilang henerasyon kung mananatili ang kasalukuyan lagay ng pulitika at makalumang moda ng patakarang ekonomyang niyayakap ng Malakanyang."

Kailangang tupdin ng gubyernong Arroyo ang lumalakas at lumalawak na popular na panawagang debt moratorium at wakasan na ang 'di makatao, ang 'di napakinabangan at iligal na mga utang na hanggang ngayo'y pasan-pasan ng mamamayang Pilipino. Hindi lamang ang sariling mamamayan, maging ang buong mundo ang magdiriwang kung maisasakatuparan ang matagumpay na DEBT MORATORIUM o cancellation ng utang 'di lamang sa Pilipinas, maging sa mga 3rd world countries na baon na sa pagkakautang sa mga international na ahensya ng pananalapi.

Sa katanungang sino ang makikinabang sa hangaring ito? Imposibleng makinabang ang IMF-WB, lalong hindi rin kapani-paniwalang makikiparte si Presidente Bush, malabo ring sabihing mga mayayaman at makapangyarihang bansa ang mabibiyayaan nito, lalong katawa-tawang sabihing mababalatuhan sa debt moratorium ang NGO community, civil society at mga insurekto o rebeldeng grupo? Maliwanag pa sa sikat ng araw na walang ibang makikinabang sa debt moratorium kung di ang buong country, ang mamamayang Pilipino, mayaman (middle class) at mahirap.

Sa pinakabagong pinapanukalang alokasyong P1.227 trilyong budget ng Kongreso, ang pinakamataas na budget sa kasaysayan, magkano ang awtomatikong ipambabayad (Automatic Appropriation) sa utang ng Pilipinas? P600.0 bilyon ang principal na ilalaan sa mga utang. Hindi pa kasali rito ang P114.0 bilyong tinatawag na “unprogrammed funds” at ang 20-40% ( P300.0 milyon) nakalaan na sa katiwalian o pangungurakot (komisyon, kickback at pork barrel) ng tiwaling opisyal ng pamahalaan. Ang mapait na katotohanan, interest na lamang at hindi ang principal ng kabuuang $54.2 billion (P6.0 trillion sa kabuuan) utang ang natutugunang bayaran ng Pilipinas.

Kung susumahin, kulang-kulang P900.0 bilyon ang nawawala sa kabang yaman na halos pumapatak na 80% ng kabuuang budget. Ayon kay Cong Edcel Lagman, "halos kulang-kulang na P300.0 bilyon na lamang ang totoong pinaglalabanan sa budget na ginagamit sa actual na pagpapasweldo, operational at maintenance ng burukrasya." Ito'y mga 20% ng kabuuang sapi o share sa budget na walang dudang kapos na kapos para sa mga bagong capital expenditures na lubhang kailangan upang umunlad tayo at magamit sa mga development projects para sa country.

Isang malaking kalokohan ang sabihing isang "balance budget" ang binubunong budget ng Malakanyang, sa tulad na pinagyayabang ni Ate Glo. Ang maliwanag na nakikita ng marami, isang maka-dayuhan, hindi fair - pabor sa mga kasapakat nitong mayayamang elite at anti-Pilipino ang budget na pinanunukala sa Kongreso.


Paano magiging balanse't makatarungan ang budget kung kakapiranggot lamang na 20% o P300.0 bilyon (sa kabuuang P1.227 trilyon) ang totoong mapapakinabangan sa kabang yaman ng mamamayang Pilipino? Ang nakaka-intriga, ang solution at tingin ng mga teknokrata at ng Malakanyang (ganito ang kalakarang panlunas ng elite na gubyerno mula pa kay Quirino hanggang Arroyo), muling mangutang at mamamalimos ang gubyerno sa China at sa mayayamang bansa sa Amerika, Europa at sa Hapon. Ang paulit-ulit na pangungutang raw ang pupuno sa kulangan upang ma-off set at maipangtustus ang gubyerno. Tinatantyang may P300.0 bilyon ang target na utangin ng gubyerno.

Ang rehimen ni Ate Glo ang siya ngayong may tangan record na may pinakamalaking inutang na presidente sa kasaysayan ng bansa. Pagsama-samahin pa ang inutang ng kanyang ama, si Diosdado Macapagal, Ferdinand Marcos hanggang kay Erap Estrada, hindi uubra o wala sa kalingkingan sa pangungutang inabot ni Ate Glo.


Dahil paulit-ulit na hindi natutugunan ang inaasam-asam na target koleksyon o maliit ang nakokolektang buwis dahil na rin sa katiwalian, taun-taon dumaranas ng budget deficit ang gubyerno, meaning malaki ang ginagastos kaysa sa pumapasok na atik. Kaya't imbis na mabawasan, patuloy na nadadagdagan at lumolobo ang utang. Halos baon na, umakyat na sa P6.0 trilyon na ang utang ng Pilipinas.(larawan sa baba: www.unesco.org/courier/1999_01/photos/37.jpg)
Kung nagagawa ang debt moratorium at may buto sa gulugud ang mga presidente sa halos lahat ng bumubuo ng mga bansa sa Latin Amerika, Africa at Asia walang dahilan upang hindi mag-inisyatiba at magpasiklab ang Malakanyang, mag-astang AKTIBISTA at isulong ang kapakanan at kagalingan ng mamamayang Pilipino.

Hindi ba mas lalong kahiya-hiya kung ang mamamayang taga-Europa, amerikano na ang mananawagan ng debt moratoriun sa mga
3rd World Countries o kung si Bono ng U2, isang rakista ang kikilos para sa adhikaing ito?

Ang P328.0 bilyong ibabayad sa utang ay lubhang kailangan ng mamamayang Pilipino upang kahit paano'y maresolba ang kahirapan at kagutuman. "Reresolbahin nito ang kakulangang badget sa edukasyon, kakulangan sa maiinum na tubig, kamahalan ng kuryente at milyong murang pabahay sa buong kapuluan, reresolbahin nito kahit paano ang malnutrisyon at masidhing kakulangan ng hospital, gamot, duktor at nurse sa mga health center na matatagpuan mula Appari hanggang Jolo at siyempre, ang imfrastructure, ang f
arm to market road, post harvest facilities, transportation-matinding traffic sa Kamaynilaan at komunikasyon." (larawan sa kaliwa:www.indymedia.ie/cache/imagecache/local/attac...)

Ang popular na panawagang itigil pansumandali (kahit man lang 3 years) ang pagbabayad ng mga iligal, immoral at 'di napakinabangang mga utang ang "lola ng mga solusyon ng problema ng bansa," ang rebelyon at insureksyon, bukud pa sa political at electoral reform. Sa debt moratorium lamang maibabalik ang kabyanihan, dangal, prestiho at pagrespeto ng ikatlong daigdig sa mundo at mamamayang ng mundo sa mga Pilipino.

Kaya lang, sa kalse't uri ng mga nakaupo sa Kongreso at burikak na pangulo, mukhang imposibleng mangyari ang debt moratorium. Abangan natin kung kung sino ang susunod na uupong AKTIBISTANG presidente sa 2010 (Mar Roxas, Manny Villar, Loren Legarda, Noli de Castro, Trillanes o Ping Lacson) na maninindigan sa makasaysayang isyu ng UTANG'na.

Basahin:
Philippines eyes more local borrowings in 2008

http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=96129
Philippine Sept budget deficit P14.5B
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=96127


Doy Cinco / IPD
October 12, 2007

3 comments:

Dacillo, Mhel M. said...

napakamarubdob ng inyong pagsusuri sa umaapaw na utang ng ating bansa.

lubos itong makakapagpagising sa natutulog at nawalang pag-asang mapaghimagsik na puso ng mga Pilipino.

sone said...

recommended you read a2e31m2l57 replica bags online replica bags china replica bags lv her response s7h37q3m75 replica bags philippines greenhills replica bags in pakistan replica hermes bag p0l71m6h92 7a replica bags

theesea said...

look at here now replica bags thailand their explanation replica bags new york navigate to this website replica bags blog