Saturday, October 27, 2007

Pardon ni Pres Erap Estrada, political survival ni Ate Glo

Kung si Erap ay may midnight cabinet, krudo't tanga raw, popular at maka-masa ang turing, hindi masinop, babaero, sugarol, Pinoy ang lengwaheng gamit at barumbado; May GREASE MONEY administration-lame duck-sitting duck administration, may tusong esposo, sinungaling, madiskarte, maingat, organisador , madasalim (nagpa-pray gabi-gabi), SPOKENING DOLLAR, PhD at bode-bodegang diploma, mataas ang pinag-aralan at kaklase pa ni Pres Clinton, mahusay at kayang magsalita sa United Nation General Assembly ang Gloria Macapagal Arroyo. (Larawan sa Itaas: Dating Pres Erap Estrada / http://www.tribune.net.ph/ at GMA / http://www.balitangmarino.com/images/gma.jpgg)

Kaya lang, halos walang pinagkaiba ang dalawa, parehong dambuhalang ELITE, DOROBO't utak pulbura, KURAKOT/plunder, burikak/nagpagamit sa mga dayuhan, immoral, namumudmud ng pera at nanalaula ng demokratikong INSTITUTION ng bansa.

Mukhang kayang malusutan ni Ate Glo ang sabay-sabay na pampulitikang krisis na kumukubabaw sa Malakanyang.Sa loob ng anim na taon sa Malakanyang, tulad ni Erap Estrada (3 year terms), may mahigit sampung bilyong piso (war chest) itong ipangsusuhol, manatili lamang sa poder. Maliban sa weak at devided ang political opposition, junior officers sa AFP, kalat-kalat, patuloy ang sigalot sa kilusang progresibo at kanya-kanyang lakad ng social movements. Kung sa bagay, sa loob ng anim na taong punong-puno ng gusot at mismanagement (bad governence) sa gubyerno, maliban sa devide and rule tactics, natuto't may kasanayan sa "malikhaing pampulitikang maniubrang" si Ate Glo.

Ang pagkakapardon kay Erap, ang propagandang LET'S MOVE ON, "patapusin sa mandatong hanggang sa 2010 ang pangulo, "gumaganda raw ang ekonomiya, ang lumalakas na piso't stock market at kawalang nakikitang alternatibang papalitna lider sa bansa at ilan lamang sa estratehiya't taktikang bubuhos ng malamig na tubig sa nagbabagang apoy ng kaguluhang pulitikal sa bansa."

Ang apat na isyung ito ang malamang na magpa-neutralisa sa ano mang planong "impeachment complaint" ng elite political opposition laban sa pangulo. Ano man ang sabihin ng mga kaalyado't kaaway ni Ate Glo, "political suicide man ito o reconcilliation, ang mahalaga sa lahat, tulad mga naunang kahalintulad na krisis na pinagdaanan nito ay ang political survival."

Ganun pa man, may nagsasabing hanggang tatlong Linggo at may pumupusisyong maaring tumagal
pa (the least, 1st quarter of 2008) hanggang Enero - Febrero 2008 ang kaligayahan ng pangulo sa Malakanyang? Abangan na lang natin ang susunod na kabanata. Kaya lang, sino ang makikinabang dito? Ang taumbayan ba?

Naniniwala ang lahat na ang pagkakapardoned sa dating pangulong si Erap Estrada na trinabaho ng mersenaryo at operador na si Kalihim Ronaldo Puno ng DILG ay bahagi ng political survival ni Ate Glo, ang taktikang makabig ang ilang section ng Pro-Erap hard core at sympatizer na Urban Poor organization na alam naman ng lahat ay naghihingalo't demoralisado na. Kung sa tantya ni Ate Glo't kanyang mga political operator na mababawasan ang political tension sa pagkakapardoned ni Erap, mukhang hindi sila nakakatiyak.

Maaring tignan sa positive side, "mas delikado, mas tatapang at mas lilinaw ang political line ng iba't-ibang pampulitikang pwersa na mas itulak na patalsikin sa poder si Ate Glo at pursigihin ang pagbabago ng sistemang pulitikal sa bansa."


Kung political survival at political reconcilliation ang nais ni Ate Glo, bilang iiwang legacy sa country, pakawalan niya ang lahat ng BILANGGONG POLITICAL (Kaliwa), ilabas (patay o buhay) ang mga dinukut at iprosecute ang lahat ng salarin sa ilang daang insidente ng POLITICAL KILLINGS at palayain ang dalawang pu't walong (28) mga junior officer, Capt Faeldon, ex-Army Scout Ranger chief-Brig. General Danilo Lim, Col. Ariel Quirubin, Marine Maj. General Renato Miranda at higit sa lahat, si Senator Sony Trillanes, na ang tanging nagawang kasalanan lamang ay magkaroon ng pagbabago't magtaguyod ng transparency's at good governance.

Isa pang legacy na makakatulong kay Ate Glo ay ang pamamahagi ng mahigit isang daang bilyong pisong Marcos Compensation at damyos pinsala sa mahigit siyam na libong mga (1081 claimants) biktima ng kalupitan nuong panahon ng diktadurang Marcos. Mas lalong bibilib ang taumbayan kung ipagwawagwagan niyang magkaroon ng tatlong taong (3 years) DEPT MORATORIUM sa pagbabayad ng iligal at immoral na UTANG, ang lola ng mga suliranin ng bansa. Kung may buto sa gulugud at magagawang resolbahin ang tatlong isyung ito, aabot nga hanggang 2010 sa pwesto si Ate Glo.

Ayon sa mga kapihan sa gilid-gilid, habang umiinit ang isyu ng katiwalian at suhulan, ang garapalang cover-up ng Glorietta 2 bombing, unti-unting parang sasabog ang pulitikang Bulkang Mayon sa Malakanyang. Kung makukompleto ang mga sangkap at lalala ang bitak sa loob ng political elite (JdV at GMA), tinatantyang bilang na ang araw ng lameduck at sitting duck na pangulo sa Palasyo, meaning mukhang hindi na aabot sa 2009 si Ate Glo.

Ang tanong, sa anong klaseng pamamaraan maibabagsak si Ate Glo, Constitutional / extra/unconstitutional succession; people power, impeachment, withdrawal of military (AFP) support, PALACE COUP o iba't-ibang kombinasyon, malamang alam na ninyo! Paano ang mga presidentiable na maagang naghahanda sa 2010?

Doy Cinco / IPD
October 27, 2007

No comments: