Sa anim na taong nasa poder si Ate Glo, may halos apat na beses na itong ipinanawagan ng mga kritiko at political opposition na lisanin na ang trono at magresign na sa tungkulin. Ang impeachment na dalawang beses na naunsyami sa Kongreso, ang malawakang pagreresign ng 10 gabinete ng palasyo (Hyatt 10) matapos ang "hello Garci controversy" at ang troops withdrawal na may kombinasyong pipol power na pinulot sa kangkungan ng kasaysayan.
Ilang araw matapos pumutuk ang bulkang Mayong pagkaka-exposed ng kalakarang suhulan, "pakimkim o cash gift" ng palasyo ni Gov Among Ed ng Pampanga, ni Bulacan Gov Mendoza, Cong Abante at ilang Kongresista, ilang Linggo matapos yanigin ni Joey de Venecia III ang suhulan ng ZTE Broadband scandal at ipagwagwagan ang katagang “back off ng Unang ginoo at tanging esposong si Mike Arroyo,” muling sumambulat ang panawagang magresign na si Ate Glo.
Inaasahang susundan pa ng ilan o marami pa ang lalantad sa hanay ng mga kongresista't LGUs (LP at NP), na maglalakas loob na isiwalat ang katotohanan ng iskandalong suhulan ang mismong Malakanyang ang may gawa. Mukhang ito na ang pinakamalakas na panawagang magresign na sa tungkulin si Ate Glo ng mga oposisyon.
Ang lamat sa loob ng ruling elite coalition ay lalo pang lulubha lalaki't titindi kung matutuloy magsipagresign ang ilang malalapit na gabinete ni Ate Glo, si Sec Ermita, Neri, Mar Teves at iba pa. (Larawan: masasayang araw nila GMA, JDV,FVR at ilang alyadong pulitiko/ http://www.op.gov.ph/newphotos/ 020407_07rp.jpg)
Matapos ang iskandalong ZTE broadband at pag-iimbistiga ng Senado kung saan nalagay sa alanganing sitwasyon ang Palasyo, agad pinagalaw ng Malakanyang ang makinarya ng kontra-opensiba o “special operation” laban sa napipintong planong impeachment ng mga kaaway nito sa Kongreso. Inunahan agad ni Ate Glo ang mga kaaway ng magsagawa ito ng peke at impostor (Cong San Luis at Atty Pulido) na pagsasampa ng impeachment laban sa sarili o ang “impeach me.” Imbis na gumulong ang pekeng pakana, mas lalong tumagilid ang palasyo at mukhang tutuluyan na siya ng kanyang mga kaaway sa pulitika.
Dahil sa exposay ng astig-palabang anak nitong si Joey de Venecia III at dahil na rin sa patagong plano ng Malakanyang na tanggalin sa pagka-speaker si Joe de Venecia(JDV), mas tumatalim at tumatapang ang mga deklerasyon ng huli at hindi malayong paniwalaang napipinto ng bumitaw sa alyansa't ruling koalisyon si Speaker. Kung hindi maagapan ang bitak, mukhang handang makipagkaisa na si JDV sa mga opposition at kilusan para sa ikakasang ikatlo at pinakamalakas na impeachment complaint laban kay Ate Glo. (Larawan: Joey de Venecia III; professionalheckler.wordpress.com/
Walang dudang nasa "war footing," naghahasa na ng GULUK at nagpupuyat ang magkabilang mga pampulitikang pwersa ng bansa. Unang nananawagan ang United Opposition, sinundan ng ilang senador, si Nene Pimentel, Kiko Pangilinan at Ping Lacson, ilang kilusang progresibong naghahangad mapatalsik sa trono ni Ate Glo at ang pinkamatinding dagok sa mukha ni Ate Glo, ang hanay ng simbahan, ang CBCP. Inaasahang poposisyon na rin si Sen Mar Roxas at ang partidong Liberal. Nababagabag ang business sector sa mga nangyayari at nanawagan itong magkaroon ng "independent" investigation sa nangyaring suhulan sa palasyo. Bakit, wala ba kayong tiwala sa Umbudsman at PAGC?
Inamin rin ni Gen Dolorpino ng Marines na may retiveness na kumakalat sa hanay ng kasundaluhan sa Mindanao at Kamaynilaan. Ganito rin ang binabanggit ni Gen Razon ng may lumalakas na sentiemento ang hnay ng kapulisan – PNP. Ang nakaka-alarma, tulad ng sinasabi ni Gen Dolorpino, baka raw magkaroon ng “civil war” o mas kapani-paniwalang manawagan ng “withdrawal of support” ang ilang mataas na opisyal at junior officers ng AFP.
Ano ang inaasahang galaw ng Malakanyang? Ang isang sigurado't pangkaraniwang taktika, muling gapangin ni Ate Glo ang mga lider ng negosyo, mga bayarang LGUs-ULAP at OBISPONG (CBCP) hindi gaanong hardline upang ipaliwanag at ikumpisal ang iskandalong panunuhol. Hindi malayong paghinalaang mauwi lamang ito sa "cashsunduan at pamimigay ng donasyon at proyekto." Dahil hindi papayag na magresign si Ate Glo, maaring idiklara nito ang "emergency rule" o martial law.
Maaring iwasan ang "civil war" sa tulad ng ipinahahayag ng kanyang mga generals at i- Damage control ang sitwasyon at magkaroon ng malawakang revamp sa hanay ng mga gabinete o ang mapayapang “Constitutional succession," meaning tuluyan ng magbibitiw si Ate Glo't ibigay na kay Vice President Noli de Castro o kay Sen Manny Villar ang trono, bilang OIC na pangulo ng Pilipinas.
Kaya lang, makumbinsi kaya ang ibang political party (LP) at kilusang progresibo sa ganitong klaseng "POLITICAL LINE" at constitutional succession na panawagan ng opposition?
Ano ang posibleng senaryo't "tipping point,” magkaroon ng withdrawal of support ng ilang makabayang AFP junior officers at cabinet members ng palasyo (maramihang resignation), impeachment sa Kongreso at pipol power na pangungunahan ng simbahan?
Kaya lang, ang isa pang matinding tanong, masustini kaya ang panawagang GMA resign, hindi na kaya aabot sa 2010 o tulad ng dati muling misalba't makalusot si Ate Glo? Ang sabi nga ni Bishop Bacani, "where's people's outrage?"
Basahin: Amid warnings of civil war, AFP grumbling ; http://www.tribune.net.ph/headlines/20071018hed1.html
5 PANG SOLONS AAMIN SA SUHOL; http://www.abante-tonite.com/issue/oct1907/main.htm
Lakas boys pinipitik na sa M'caƱang; http://www.abante.com.ph/issue/oct1907/main.htm
Temperature extreme of CBCP quit call; http://www.tribune.net.ph/
Doy Cinco / IPD
October 18, 2007
No comments:
Post a Comment