Sa kanilang PAID AD sa malalaking pahayagan kahapon, nanawagan itong “ihinto na ang pamumulitika at magfocus na sa ekonomyang pangkaunlaran (Stop the Political Noise, Focus on Economic Growth).” (Larawan sa itaas: June 21, 2007) President Gloria Macapagal-Arroyo swears in re-elected Eastern Samar Governor Ben Evardone in cremonies Thursday at the MIP Lounge in Mactan Cebu International Airport, Cebu/ http://www.blogger.com/www.op.gov.ph/newphotos/062107_5es.jpg
Muling pinagwagwagan ng LPP (League of Provinces of the Philippines) ang mainit at patuloy na suporta para kay Ate Glo at "itinanggi ang nasabing suhulan at pamumudmud ng cash gift” sa mga gobernador at kongresman.
Isang araw matapos ang total denial sa PAID Ad, nagsirko ito't inamin na rin ng LPP na sila ang may kagagawan sa nasabing “gift giving” operation ng Malakanyang, kaya lang, itinangging may kinalaman ang pangulo, ang pusakal, ang engot na operador at mersenaryong Kalihim ng DILG na si Sec Puno (mula pa sa panahon ni Pres. Erap estrada). In peranes sa pamunuan ng LPP. si Gov Joel Reyes ng Palawan at Evardone ng Eastern Samar (Lakas), bukud pa sa kapwa nakatago sa saya ng pangulo, sila naman daw ay “nagmamagandang loob lamang, tumutulong lamang sila sa mga neophyte (frat term) na gobernador at walang intensyong masama't manuhol."
Kung matatandaan, may mga nag-leaked out na mga balita na ang naghatag ng mga makikintab na bag na puno ng mga kwarta ay si Rey Roquero, isang mataas na opisyal ng Lakas-CMD. May mga nagsabi na ipinamahagi ito ni Interior Secretary Austere Panadero (DILG), may chismis na galing daw ito kay Speaker JDV at may kumalat na balita na galing sa PAGCOR Vice President ang daan-daan milyong pisong iminudmud sa breakfast meeting. Itinanggi ng lahat mga ito ang alegasyon.
In fairness sa LPP-ULAP, kung hindi sila hahalik sa tumbong ni Ate Glo, "paano na ang kanilang mga constituencies, ang mga proyekto't kaunlaran, alalahaning napakaliit ang pondong inaasahan sa Internal Revenue Allotment (IRA) sa mga probinsya?” Para sa mga LGUs, isang bangungut ang sinasabing konseto't prinsipyo ng LOCAL AUTONOMY, devolution at decentralization sa isinasaad ng Local Government Code.
Hindi na bago ang pangungumpisal, ang damage control ni Gov Evardone at ang LPP, kung baga, alam na ng lahat kung sino ang salarin at puno't dulo ng talamak na “culture of corruption” sa gubyerno't sa Malakanyang. Simula't-simula pa, kilala na kung anong kara't kaluluwa mayroon ang LPP at ULAP (Union of Local Authorities of the Philippines). Bukud sa magkaka-partido, magkakabalahibo't iisang bituka, ang LPP at ULAP, anuman ang mangyari ay bahagi na sa iskimang isalba ang pangulo (political survival) sa kapahamakan.
Una ng napatunayang mapagkakatiwalaan ang LPP-ULAP tandem nuong kainitan ng Hello Garci controversy, ang malawakng Hyatt 10 resignantion at tangkang kudeta't pagpapabagsak kay ATe Glo ng junior officers sa AFP. Sa kinang ng “projects at pakimkim,” unang sinandalan at inatrasan (fall back) ni Ate Glo ang LGUs, partikular ang mga gbernador, ang LPP-ULAP upang makapagkonsolida ng kapangyarihan at kastiguhin ang mga kaaway sa pulitika.
Sa pamumuno ni Sec Puno ng DILG, malaki ang naging papel ng mga Gobernador upang sama-samang isawata ng dalawang beses (2005-6) ang impeachment complaint ng mga oposisyon sa Kamara. Sila rin ang trumabaho para maisulong ang Charter Change sa pamamgitan ng Pipol Initiatives, ang pagpapapirma hanggang sa barangay maisakatuparan at manatili lamang sa poder si Ate Glo hanggang 2013. Hinihinalang may ilang bilyong piso ang winaldas at kinupit sa proyektong Cha Cha sa paraang pipol inisyatib na kinatay ng Supreme Court at CBCP.
(larawan: Sec Ronaldo Puno ng DILG / www.pia.gov.ph/image/
Bilang bayad utang at pasasalamat, sinigurado't itinaga nito sa bato na tutukaan, alagaan at ipriority, ang LGUs-Gobernador bukud pa sa mga Tongresman, na isinama sa kanyang national agenda (2005-6) at halos dalawang beses iprinisinta sa pamamagitan ng Power Point SONA Presentation ni Ate Glo ang bilyung pisong INFRA at mega projects o ang balangkas ng “super region” sa mga probinsya, mula Aparri hanggang Jolo. Tiniyak din ni Ate Glo na ipanalo ang mga gobernador, bukud pa sa sinasabing bahagi sila ng local machinery (ULAP at LPP). Simple lang ang kahulugan, “kamutin mo likud ko't kakamutin ko rin ang sa inyo,” sama-sama tayo sa kasaganahan at kickback, ayon kay Sen Mirian Santiago.
Sa nangyaring insidente ng suhulan at gift giving sa Malakanyang, sinong gago at tgang Pinoy ang maniniwalang sila nga ang namudmud ng pera nuong breakfast meeting?
1. Bakit masyadong late, pinalipas muna ng 11 days ang reaction ng LPP? Dahil ba sa pahayag ni Sec Lito Atienza-DENR na galing sa Office of the President (OP) ang ipinamudmud na pera at para sa kanya, bilang “attendance fee,” normal na kalakaran ang bigayan ng pera sa palasyo? (larawan: DENR Sec Lito Atienza newsimg.bbc.co.uk/.../
2. Kulang-kulang sa dalawang Linggo ang nakalipas at bakit masyadong late ang reaction? Maari rin namang kinausap na lamang ni Evardone si Gov Among Ed at Jon jon Mendoza at sabihing tulong, token, pakimkim at donasyon para sa pagpapapintura ng simbahan?
3. Bakit hindi matukoy ng LPP kung sino-sino ang mga nakatanggap ng pera, samantalang kumalat na sa media sa video (U-tube) na nakitaang bitbit ng mga pulitiko ang maliit na bag habang lumilisan ito palabas ng Palasyo? Inamin din ni Gov Ningning Lazaro ng Laguna na siya rin ay nakatanggap ng kalahating milyong piso.
4. Lapses raw ng secretariat? Bukud sa walang papeles, voucher at mga nakapirma sa bundle ng bag (kung legal ito, dapat si Gov Ynares ang nakapirma sa papeles), hindi rin nito alam ang account no. ng perang nagmula sa Bank of Commerce.
5. Tinatanyang mahigit isang daang milyong piso (P120.0 milyon) ang isinupalpal na salapi sa Malakanyang breakfast meeting. Saan galing ang ganito kalaking pondo? Kung totoong may P20.0 milyon pondo ang LPP, paaano nakalap ang halagang ito, bakit Pampanga at Bulacan ang nilaglagan ng pondo, bakit hindi Jolo,Basilan, Kalinga-Apayao at Northern Samar at iba pang mahihirap na probinsya, bakit hindi nito alam kung sino ang sumagot at magkano ang gastos sa malaking paid ad nito sa major dailies?
Kung inaakusang isang baguhan, bagito at neophyte gobernador si Among ED at Jon Jon Mendoza, ibig bang sabihing nito na ang mga datihan gobernador ay may mga tahig na, propesyunal at beteranong pulitiko. Mas tamang sabihing nasa balangkas ng BAGONG PULITIKA ang dalawa at LUMA o TRADITIOANAL na PULITIKA (TRAPO) ang kalakhang bumubuo sa LPP at ULAP. (Larawan: Governor Among Ed ng Pampga)
Mas maraming katanungan kaysa kasagutan ang dapat linawin ng pamunuang pulitikong TRAPO sa LPP. Ang alam ng lahat, DILG Sec Puno't si Ate Glo ang may pakana ng pamumudmud at suhulan. Anuman ang pagtatangging gawin ng Malakanyang, may maniniwala pa kayang gunggung na Pinoy? Ang sigurado, bahagi lamang ito ng mas malaki't malawak na isyung parang cancer na bumabagabag sa ating lipunan, ang kabulukan ng sistema ng pulitika, ang PATRONAGE POLITICS,ang vulnarability ng gobernador, mayor at kapitan ng barangay sa sistemang padri-padrino.
Read: "Panahon ni GMA, maiksi na-FVR" / http://www.abante.com.ph/issue/oct2607/main.htm
"Governors’ league urged to name names"; http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2007-10-26&sec=4&aid=36534
"The latest version"/Editorial; http://www.manilatimes.net/national/2007/oct/26/yehey/opinion/20071026opi1.html
"Accumulation of manure theory;" http://www.tribune.net.ph/commentary/20071026com1.html
Doy Cinco /IPD
October 23, 2007
No comments:
Post a Comment