Napaka-volatile ang sitwasyon ng bansa, anumang sandali, ika nga ni Sen Trillanes, "sasabog ang gubyerno." Sa nangyaring pambobomba, imbis na humupa ang sitwasyon, lalong lumala ang krisis at political uncertainty at mukhang nadamay pa ang ekonomya't pamumuhunan.
Patuloy ang pagbabasa ng kalagayan, nagtatantyahan, nagbabantayan, bumabalanse, naghihintayan at malamang sa hindi naghahasa na ng guluk ang iba't-ibang grupong politikal. Sa mga inuman, mas matindi ang speculation, iba't-ibang analysis, mga obserbasyon at paghahanap ng A1 info sa loob.
Kung babalikan ang pangyayari, nagsimula ang labanan sa iskandalong sumambulat na ZTE-Broadband scandal, ang suhulan, ang sinasabing “sec may 200 ka rito” na parang lindol na intensity 7 na nagpayanig sa buong bansa, bumalik sa China ang mga suspek at napakiusapang ikansela muna ang ZTE-Broadband at kung saka-sakali, bumawi na lang sa Cyber Ed na halos ganun din ang kickback. Ang problema, paano ang nauna ng naipaluwal na komisyon ng China? Hinihinalang bilyong pisong 20% komisyon ang malamang na ginagamit sa pamumumudmud ng pera sa mga taung involved, may kakayahan at maimpluwensya. Nauwi sa panibagong suhulan matapos ang isang breakfast meeting sa Malakanyanag. Humantong sa isang mega-exposay ni Gov Among Ed at ni Jon jon Mendoza, hanggang sa huling kaganapan, ang pagpapasabog ng prestisyoso-high end at kilalang Mall sa Metro Manila at sentro ng negosyo (CBD) sa bansa. Labing-isa (11) ang patay at mahigit isangdaan ang sugatan na itinuturing "pinakamalakas, kakila-kilabot at pinakamagastos na pinsalang terror attack sa kasaysayan ng bansa."
Sino ang may kapabilidad (capacity), organisado, may koneksyon at may access sa palasyo't armory ng AFP na may kakayahang makagawa ng ganitong klaseng pagpapasabog lalo na sa sentro ng negosyo at sa isang pinakamaunlad na lunsod na sinasabing isang highly secured na lugar sa bansa?
Itinanggi na ng CPP-NPA, grupong MNLF, Abu Sayaff -JI at MNLF ang insidente at ayon sa kanila, “isang gawaing terorista, walang puso't prinsipyo't walang kadahi-dahilan. Ang may motibo't makikinabang lamang sa Glorietta bombing, ayon sa kanila, sa gitna ng matinding political crisis, kontrobersyal at iskandalong kumukubabaw ay ang Malakanyang." Nagbabala rin ang grupong kaMOROHAN (BILLAH ISLAM) sa kinaukulan na lubayan na ang scapegoat na parati na lamang grupong muslim ang palusot na itinuturo sa tuwing may kaguluhan at bombing sa bansa.
Ayon sa mga grupong ito, "ang pekeng destabilization na kinasapitan ng karumal-dumal na krimeng Glorietta 2 bombing ay isang malinaw na diversionary tactics lamang upang iligaw ang buong bansa sa lumalakas na panawagang "magresign na si ate Glo sa pwesto," matinding iskandalo, katiwaliang tunay na destabilization kumukubabaw sa mamamayang Pilipino na ang pangunahing culprit ay ang Malakanyang." (Larawan: Davao International Airport BLAST na ibinintang sa grupong Abu Sayaff at bahagi ng Oplan Greenbase / newsimg.bbc.co.uk/media/
Kung kakayahan, sinabi ng dating RAM (Reform the Armed Forces Movement) na si retired Commodore Rex Robles, "apat (4) lamang na grupo ang papasa at may kapabilidad na gumawa; ang ASG, MILF, MNLF at ang Special Units of the Armed Forces of the Philippines." Para sa grupo ng Magdalo at Sen Trillanes na may sariling pinagbatayang istilo at buluk na iskimang "Oplan Greenbase sa Mindanao," si Gen Esperon, Norberto Gonzales ng NSC at ang Malakanyang ang utak ng pagpapasabog sa Makati.
Bago sabihing isang aksidente ang pangyayari sa Glorietta, unang pinagbintangan ni Sec Norberto Gonzales ng National Security Council (NSC) ang Islamic Terrotist group na malamang ang tinutukoy ay ang matagal ng "in-active" na grupong Rahaj Solaiman Movement (RSM). Ito rin halos ang tinutukoy na salarin ng AFP, ang RSM ang may pakana sa Glorietta bombing. Kaya lang, mukhang hindi bumenta, naging katawa-tawa at suntuk sa buwan sa mata ng marami sapagkat mismo ang PNP, ang naatasang nag-imbistiga sa insidente ay nagduda sa RSM. Mismo ang mass media, lalong-lalo na ang Abs-Cbn, ang nagsasabing peke ang grupong RSM. (Larawan sa baba: ajnorge.0catch.com/.
Sa ngayon, ang pinalalabas na dahilan ay isa lamang "AKSIDENTE" ang naganap na pagpasabog. Batay sa huling pag-iimbistiga, "wala raw bombang nakita at lalong wala raw trace na C4 explosives / RDX na unang nakita raw sa finding." Ito'y dulot raw ng isang "singaw ng bunker fuel," methane gas mula sa septic tank o poso negro na nagleak, may nagsindi ng lighter o posporo at biglang sumabog? Ganito na rin halos ang posisyon, analysis at batikang intelligence na si Sen Ping Lacson na mukhang umurong ang buntut na ituro ang Malakanyang.
Kaya lang, mainit na usap-usapan sa mga inuman sa gilid-gilid na ang Glorietta bombing ay prelude at may anggulong “Palace Coup.” Kung ang capacity na makapagsagawa ng ganitong uri ng aktibidad, halimbawa sa usapin ng access at possesion ng C4/RDX higly capable ang grupong nasaloob at labas lamang ng Palasyo. Ilang malalapit sa dating presidente, mga matataas at MAKA-KANANG mga opisyal ng AFP at ilang mga dating rebeldeng opisyal at ilang gabinete ang malamang na kabahagi sa “palace coup.” Sinasabi rin na ang grupong ito, bukud sa asiwa na rin sa nakaupong pangulo sa Malakanyang ay hindi rin gaanong kumbinsido sa political opposition na nasa kabilang bakod. Para sa kanila, pare-pareho't magkakabalahibo lamang ang nagtutunggalian sa pulitika.
Anuman ang sabihing pahayag ng Malakanyang, ng AFP at ilang malalapit na alyadong pulitiko, aksidente man o kanino man niya ito ibintang ay malamang agad itong hindi paniniwalaan ng madla sapagkat napakababa ang kredibilidad at walang tiwala ang mamamayan sa maraming usaping bumabalot kay Ate Glo, ang anim na taong punong-puno ng cover-up sa katiwalian, ang kaliwa't kanang iskandalo at kontrobersya.
Kung tatanungin ang pangkaraniwang mamamayan, maliban sa ilang media practitioners, si Mang Pandoy, mga taxi driver, vendor, barbero sa kanto, simpleng manggagawa at silent majority, sintido kumon lang ang katwiran, ito may espekulasyon at walang gaanong basihan, "diversionary't upang ilihis ang isyu, ang palasyo ang nasa likod ng pambobomba sa Glorietta Mall 2.”
Sa katanungan kung bakit ang Malakanyang ang salarin, una; iligaw at ilihis ang mamamayan sa nagbabagang isyu ng “culture of corruption,” ang pangungurakot, immoralidad, walang patumanggang panunuhol at katiwalian (ZTE-Broadband at Cyber Education). Pangalawa; maibaling sa iisang kaaway ang atensyon ng ruling elite, imbis na pamumulutika (GMA, JDV at Oposition) at impeachment complaint sa Kamara. Pangatlo; makapag-create ng isang peke at gawa-gawang senaryong terror attack sa bansa, takutin ang populasyon, maijustified ang emergency rule, idiklara ang Martial Law at kastiguhin ang mga kaaway sa pulitika, kilusang progresibo at elite opposition.
Kahit anupang paraan o panlalansing ilihis ang usapin, hindi mawawala sa isipan ng tao na ang ugat at punot-dulo ng Glorieta Mall bombing ay ang Malakanyang. Kaya lang, batid ng lahat na "POWER STRUGGLE, laro lamang ng political elite ang nagaganap at walang mahihitang ganansya ang mamamayang Pilipino."
Click / Read: ‘Kuya’ tells Trillanes to put up or shut up http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view_article.php?article_id=96167
'Anggulong methane-diesel gas blast malabo'
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=96732
"WASAK NA ANG GOBYERNO!" --SALONGA
http://www.abante.com.ph/issue/oct2307/main.htm
"Cover up again?"
http://www.tribune.net.ph/commentary/20071023com2.html
Doy Cinco / IPD
October 22, 2007
1 comment:
great site Chloe Dolabuy click to investigate browse around these guys go to these guys hop over to these guys
Post a Comment