Friday, October 05, 2007

Pilipinas, Burma look alike (re brutal dispersal of Protest Action)

Hindi pa humuhupa ang panunupil sa Myanmar / Burma. Hindi pa lumalamig ang indignation ng mundo, patuloy na umiinit ang labanan, ang laman ng mga pahayagan ng mundo sa matinding pang-aapi ng gubyernong militar ng Burma laban sa mapayapang pag-aalsang mamamayang Burmese. Laman ng print at broadcast media, lokal man at international tulad ng BBC, Aljazeera, German DW at CNN ang karahasan at kalupitan ng diktadura sa Burma.
(photo:
Sinabayan ng rally ng mga guro ang pagdiriwang ng World Teachers Day kahapon kung saan nagmartsa sila papunta sanang MalacaƱang ngunit pinigilan agad ng mga anti-riot police. Iginigiit ng mga guro na ibigay ang mga kaukulang benepisyo para sa kanila. (Carlito Arenas) http://www.abante-tonite.com/issue/oct0607/main.htm)

Copy cat, plakado't kahalintulad sa Pilipinas ang postura't istilo ng gubyernong military Junta ng Burma. Paulit-ulit kong napanuod sa cable-TV at Internet ang walang habas na crackdown, pagbubuwag ng mga rally at demonstrasyon, ang walang awang pamamalo ng truncheon, pamamaril, paninir-gas (teargas) at panghuhuli ng mga nagpoprotesta. Bukud sa may 2,000 libo na ang inaresto at ipinakulong, may 10 ang pinaslang at 'di mabilang na nawawalang mga aktibista ang pinaniniwalaang dinukot ng mga militar, hindi pa nito nalalampasan ang ilang libong biktima ng political killings, pagto-torture at pandurukut sa mga aktibista.

photo: violent dispersal sa Pilipinas, http://www.indymedia.org/icon/2004/06/111359.jpg )

Isang shocking na balita kahapon sa ABS-CBN (Oct 5, 2007) na may ilang grupo ng mga GURO, ang TEACHER'S – INC ang nag-assemble malapit sa Mendiola upang igunita ang pandaigdigang araw ng mga GURO (World Teacher's Day) at ihayag ang abang kalagayan ng sektor ng mga guro sa Pilipinas, meaning buong mundo ang nagdiriwang, hindi lang ang Pilipinas. Tulad ng inaasahan at tulad sa kinahinatnan ng mga MONK sa kamay ng mga militar sa BURMA, ginulo, binulabog, nagkaroon ng crackdown at pinagpapasista ng mga police, ng mga Palo Ng Palong (PNP) mga pulis Manila ang matahimik na rally ng mga GURO , sa ilalim ng isang maka-ERAP, oposisyon at may moralidad daw na si Mayor Alfredo Lim. (photo:http://asapblogs.typepad.com/photos/uncategorized/2007/06/07/shoo_32900708_916.jpg)

Ang nakakalungkot, ito'y mga GURO, hindi mga militanteng mga kabataang estudyante, hindi magsasaka't manggagawa, hindi mga Urban Poor at higit sa lahat, hindi mga COUP plotters, hindi komunista, Abu Sayaff at terorista, sila'y mga Pilipinong Guro, mga iginagalang at kapatid nating mamamayang Pilipino, ang gumagabay sa edukasyon ng ating mga anak.

Ang nakaka-intriga, wala pang isang Linggo ang pagmamayabang at propaganda line ni Ate Glo sa United Nation - General Assembly hinggil sa kaso ng karahasan sa Burma. Ang ipokritong katagang “this is the time for Burma to return to the path of democracy,” she said. By “path of democracy” she apparently meant the Philippines, which she called “the most democratic country in our region,” and specifically her rule, which she pronounced as having “no tolerance for human rights violations at home and abroad.” May naniwala pa kayang head of state sa mundo na may demokrasya sa Pilipinas?

Walang respeto sa karapatang pantao ang gubyernong Arroyo. Ipinakita ito sa halos anim na taong nasa political survival mode si Ate Glo. Sa pamamagitan ng CPR, BP880, 464, emergency rule at iba pang mga kahalintulad na kautusang anti-Pilipino, inilibing ni Ate Glo ang people's democratic exercise of dissent and protest ng mamamayang Pilipino. Habang hayagang pinupuna ni Ate Glo ang kalupitan ng military Junta ng Burma, hindi ito nanalamin at nakita ang kanyang sarili. Tulad sa Burma, walang awang hinahambalos at niyuyurakan nito ang mapayapang pag-aasembliya at pagpoprotesta ng sariling mamamayan.

Kahit ibinasura na ng Supreme Court, walang dudang nananalaytay pa magpahanggang ngayon ang Calibrated Preemptive Response (CPR) policy. Patuloy na pinagwawagwagan ng PNP ang “no permit No rallies,” ang pagbabawal ng mga demonstrasyon at rallies kahit ang mga ito'y mga non-violence na pamamaraan. Kung patuloy na yuyurakan at walang intensyon si Ate Glo, ng mga LGUs at PNP na tupdin ang mandato ng CHR (Commission of Human Rights) at Human Rights DEclaration ng United Nation, na protektahan, irespeto at i-uphold ang Karapatang Pantao sa bansa, lalabas na mas masahol pa tayo sa Burma. Hindi lang ito labag sa alituntunin ng UN declaration of Human Rights, labag na labag din ito sa ating sariling Constitution, partikular ang Article III, Section 4 of the Bill of Rights.

Sagradong karapatan ng bawat mamamayan na malayang magsagawa ng matahimik na mass action, magprotesta, i-assert ang karapatan sa kalayaan sa pamamahayag, mga grievances at peaceful assembly kahit saang lugar o sulok ng bansa, ito ma'y sa Mendiola, EDSA, Camp Crame at iba pa, ika nga ni Senator Joker Arroyo, “with or without permit.”

Hindi maaring tumbasan ng mga nakakatawang mga palusot ng PNP, tulad ng “maximum tolerance,” Traffic Jam, massive inconvenience karapatan daw ng ilan, destabilization at No permit No rally" ang sagrado at universal na karapatan ng mamamayang Pilipino na magpahayag ng mapayapang pagkilos, ang inaasam-asam na demokrasya't kalayaan. Hindi na mabubura ang ala-ala ng Edsa 1, Edsa II at Edsa 3.

Ang nakaka-alarma, kung walang masulingan ang mamamayan upang mai-adres ang mga kahilingan, kung walang mga demokratikong institusyong aagapay at sasalo sa mga hinaing, patuloy na sasagkaan ang mga mapayapang pagkilos ng mamamayan, ingredient, fertilizer ito't itinutulak lamang na mag-underground at magrebelyon ang mamamayan, lalo lamang lalakas ang grupong mga extremista ng country.

Hindi tayo nagtataka kung bakit hindi lumalakas ang panawagang LEGAL na pamamamaraan, ang panawagang REPORAMA ng ilang grupo at sa kabilang banda, hindi humuhupa, nagki-click, hindi mabura-bura ang RADIKALISASYON, ang panawagang pagrerebolusyon at marahas na pagpapabagsak ng mahina at lulugu-lugong estado at gubyernong mapanupil ng kasalukuyan naka-upo sa Malakanyang. Tama ang kasabihan ng marami na, ang “VIOLENCE ay tinutumbasan at tinatapatan lamang ng isa pang Violence.”

Doy Cinco / IPD
October 5, 2007

No comments: