Mula Dipolog, nagsimulang kumislap, umatikabo ang dala-dala kong digital camera-photo ops sa bawat galaw, sa bawat hakbang at sa bawat mga pangyayari't pighati ng makasaysayang yugto ng Kilusang Rebolusyunaryo sa Pilipinas.
Sa ikalawang pagkakataon, dahil hindi type ang pagkain nung unang hinintuang resto, nagpaluto nalang ng ulam ang grupo at nananghalian cum grande beer sa isang videoke restaurant may limang kilometro ang layo mula sa Dipolog, Habang binabaybay ang national highway, nakatanod sa bintana, tamang ngawit ang aming mga paa't kasu-kasuhan. Upang malibang, sa pagpapatawa idinadaan ang lumbay, kanya-kanya kwento theraphy ang ginamit mabalanse lamang ang inip at haba ng biyahe.
Na-obserbahan kong hindi nagkakalayo ang terrain-lugar ng Western Mindanao sa Quezon at Bicol area circa 1970s. Ang mga bahay kubo't kabahayan na maralita ang katayuan, ang walang patid na namatataas na niyugan, maisan at kakayuhan, ang ampaw na kabukiran at palayang gumagamit pa ng manwal na teknolohiya, ang kalabaw. Sa pakuwari ko'y sobrang bagal ang takbo ng pamumuhay ng mga tao sa lugar.
Madalang ang nasasalubong sasakyan, kung mayroon man, pawang mga SUV at Rural transit bus ang kita sa highway. Walang traffic, tumatakbo ng mahigit 70-100 k/hr ang biyahe. Hindi mabilang na check-point ng military at PNP-Comelec ang aming dinaanan. Mukhang nagkaroon din ng kaguluhan sa katatapos na election.
Dahil sa tagal ng biyahe, isinalang ang kaisa-isang oldies music (CD-60s) ng isang kasama na siya namang nagpatulog sa karamihang kasamahan. Dinaanan ang lunsod ng Oraqieta at halos mag-aalas tres (3:00 pm) na ng hapon ng marating ang lunsod ng Ozamiz, Misamis Occidental. Nagcourtesy call at nagcoffee break ang grupo sa isang Human Right NGO na may kaparehong interest at adbokasiyang landas, nakipagkwentuhan, balitaan at inanyayahang humabol sa paghahanap ng mga nawala at nabiktima ng purgahan sa Western Mindanao.
Mag-aalas cinco (5:00 pm) na nung aming marating ang lunsod ng Pagadian, ang kapitolyo ng probinsya ng Zamboanga del Sur. Maluluwag ang daang sementado sa downtown ng Pagadian. Napansin ko ang bagong tayong malaking Mall at malaking palengkeng mukhang malapit ng matapos. Mura ang bilihin, daming DVD pirated at tulad ng Quiapo, baha na rin ng mga Chinese products ang bangketa. May muslim at may kristianong nagco-co-exist sa isa't-isa.
Imbis hanggang Pagadian lang kontrata, nakiusap ang grupo sa driver na ituloy na ang paghahatid hanggang simbahan sa Dumalinao, ang lugar kung saan pansamantalang tutulugan ng grupo at drop of point ng lahat ng involve at nagmamalasakit sa proyekto. Mula sa Pagadian, nagsibabaan ang lahat upang mamili ng kanya-kanyang abubot, kaha-kahang sigarilyo, tubig, makakaing merienda at pagkain. May kakaiba pangitain pinagtrippan ang grupo, ang tricycle, ang nakaka-intrigang nakatingalang trike na mukhang unique, nakakatawa at mahirap sakyan.
Madilim na nung kami'y lumisan ng Pagadian patungong Dumalinao. May walong kilometro pa ang babaybayin upang marating ang nasabing bayan. Dahil nire-rehabilitate ang daan papalabas at papasok ng Pagadian (one way) nabalahuba ng mahigit kalahating oras ang biyahe, stock kami at halos isang malaking parking area ang nakabalagbag sa highway. Halos gabi na nang kami makarating sa Dumalinao. Isang lumang simbahang Katoliko ang aming binagsakan kung saan ang local counterpart at iba pang advance party ng PATH ay ilang oras ng naghihintay sa amin. Umaatikabong pakilalanan sa isa't-isa. May nakilala kaming bagong halal na mayor, isang dating kumander ng NPA, purgahang survivor at mukhang sasama sa grupo, nakikiisa sa adhikain at handang tumulong. Sa katunayan, walang limit niyang pinahiram ang kanyang 4 wheel drive sa grupo.
Masarap ang inihandang hapunan sa parokya, kabisado ng host ang aming kahinaan sa chibug, sea food, pritong isda, gulay at mga sinigang lutuin ang bumulaga. Kasabay na nagpiesta ang napakaraming langaw at lamok. Matapos magsiesta, sinimulan agad ang meeting at inihanda ang agenda. Malalim ang naging usapan, muling nagpakilalanlan, naglinawan, nilatag ang layunin at muling sinigurado ang lokasyon ng "Killing Field," ilan ang inaasahang marerecover na bangkay, ang seguridad at pakikitungo sa kumunidad. Grinupo-grupo sa apat at nagtasking ng trabaho.
Kahit 'di tumitigil ang ulan maalinsangan ang buong kapaligiran. Sinamantala ang pagligo, pagbawas at nang maghahating-gabi, inihanda ang tulugan na nakasalampak sa tiles na flooring, naglagay ng lumang plywood, lumang banig na plastic, nagpalit ng damit at isinagawa ang kanya-kanyang pwestuhan. Dahil sa dami ng langaw, nagkabit ng tent ang isang grupo at ang iba'y nagtalukbong ng mga malong. Dahil sa tindi ng pagod, ingay ng orchestrang paghilik ang sumunod na umalingawngaw sa nakakabinging katahimikan, buong magdamag, halos 'di ako nakatulog.
Ang Dumalinao
Isang 3rd class municipality ang Dumalinao. May labing-isang kilometro ang layo nito sa lunsod ng Pagadian. Dahil sa kanyang lokasyon, kahit paano'y nadamay ito sa laki ng populasyon at “kaunlarang” tinamasa ng Lunsod. Bagamat 'di gaanong kalayuan sa Pagadian, nananating atrasadong Kanayunan ang kanyang katangian. Maliban sa poblacion (maayos na highway mula Pagadian tungong Pili, Zamboanga Sibugay at Zamboanga City), stripping ang development ng bayan, meaning isang tuwid-diretsong komunidad na nabibiyayaan.
Kahit may maayos na highway ang poblacion, lubak-lubak naman ang kalakhang mga interior barangay roads. Nuong taong 2000, mayroon itong 26,030 at nuong 2004 mayroon itong 18,000 rehistradong botante. Talo ang lahat ng oposisyon sa bayan at mismo sa buong probinsya. Anak ni Gov Cerilles ang nanalong mayor sa Dumalinao. Sa tatlumpong (30) barangay na nasasakupan nito, halos dalawa lamang dito ang masasabing may nagaganap na "kaunlaran."
Batay sa mga kwento, nakapaloob sa malawak na sonang guerilla ang Damalinao at ilang pang bayan sa probinsya. Masasabing may batayang estratehikong kalalagayan ito (malapit sa Pagadian) kung ilalapat at pagbabatayan ang mga rekisitos sa tinatawag na pakikidigmang guerilla ng NPA, may dalawangpung taon na ang nakalipas (1980s) . Matatagpuan ang kagandahan ng kalupaan (terrain) at kahirapang tinatamasa ng mamamayan ng Dumalinao kung kaya't sinasabing isa na ito sa pinakakonsolidado at pinakamalakas na guerilla front ng Western Mindanao.
Ayon sa mga dating kasamahan na boluntaryong tumulong at nagbigay inpormasyon sa paghahanap ng mga labi ng mga nawawala nuong 1985-'90s , may tantyang may indirektang sangkot ang ilan sa kanila sa madugong PAGPUPURGA ng mahigit kumulang na ilan daang (200)napaghinalaang mga Deep Penetrating Agent (DPA) ng militar.
Maagang nagsipaggising ang tropa sa isang gusaling adjacent sa simbahan. Matapos ang masarap na almusal, naka-abang na ang mahabang pampasaherong jeep at handa ng lumisan patungong “Killing Fields.” Kasama ang grupong forensic bilang advance party at kanilang sangkatutak na mga bagahe, nagsimulang umarangkada ang makina ng jeep tungong Barangay Matab-ang at Pantad. Full pack ang jeep, mula sa sari-saring klaseng mga tent, pagkain, iba pang parapenalya, gamit sa paghuhukay at mga backpack ng mga ka-team mates, binaybay ang liblib na lugar ng Dumalinao.
Walong kilometrong (8.0 km) lubak-lubak ang aming binaybay. Lib-lib ang lugar patungong Barangay Matab-ang at Pantad. Kung mas kahabag-habag ang kabuhayang nasaksihan sa kahabaang highway mula Dipolog hanggang Pagadian, mas nakaka-awa, mas trumatik at bagsak ang kabuhayan at larawan ang kapaligiran ng halos walong kilometrong haba ng pagbabaybay tungong mga interior barangay ng Dumalinao. Sa tantya ko, kung nasa 1970s ang larawan ng Dipolog hanggang Pagadian, nasa 1960s ang larawan patungong Barangay Matab-ang.
Batay sa kwento, dekada 80s ang kainitan ng pakikidigmang guerilla ng NPA laban sa diktadurang Marcos. Organisado at bilang sa daliri ang mga bahay. Halos walang maayos na daan patungong Matab-ang at tanging mga trail o mga daang kalabaw at kabayong native lamang na may karga sa gilid ng katawan at hila-hila ang pangkaraniwang pangitain sa daan.
May malinis na sapa't ilog kaming dinaanan na nilulubluban ng kalabaw at pinapaliguan ng mga paslit. May maliit na barangay elementary school, basketball court sa gilid malapit sa barangay hall cum bilaran ng copra sa tabi ng bahay ng barangay kapitana. Kapansin-pansin ang pagala-galang mga manok, sisiw, asong payat, mga biik na pagala-gala, kambing at kabayong nakatali sa punong niyog.
Marami ang sumalubong at tumulong sa pagbubuhat ng gamit paakyat sa bundok. Kung 'di man saksi ang ilan sa kanila, mga kaibigan ng mga napaslang aktibista. Nasa mga mukha nila ang kalungkutan at pagtataka kung bakit nangyari ang karumal-dumal na pagpatay at kung bakit binalikan pa ito ng NGO. Panay ang ulan, basa't maputik ang kalupaan at mukhang sinamantala ng mga tao ang pagtatanim ng mais. Sa mga baguhan sa akyatan, hirap, lawit agad ang mga dila, hingal at tagaktak ng pawis. Mga 25-35 minutes o mga 300-400 meters pataas (20-30 degrees slope) ang layo ng aakyatin bago makarating ang site.
Walang 4 wheel drive pick-up o motorbike ang pwedeng may mangahas na umakyat sa bundok. Mula sa ilang kabahayan, may saya't kalungkutang ang basa sa kanilng mga mukha. "Pakikiraan po" ang tanging pagbati sa mga taong nasasalubong at nakadungaw sa bintana.
Marami ang nagalusan sa mga paa at sa binti. Batuhan ang lugar, masukal at madulas ang daan. Para sa pagbabalanse, 'di maiiwasang kumapit sa mga sangang nasa gilid ng daan. Para kaming mga turistang mga taga-Maynila na hindi sanay sa akyatang may kakaibang uri ng terrain. Pahinga muna ng ilang minuto, hingal, sikip ng dibdib, pagod, kakapusan ng hininga at paghawi ng mga halamang gubat-bushes. Ang pakinggan ang naghuhunihang mga ibon sa punong kahoy ang siyang nagpapasaya't nagpapasigla upang hindi tantanan ang pag-akyat.
Ang “Killing Fields”
Batay sa kahulugan, ang “Killing Fields” ay isang lugar kung saan may malaking bilang ng tao ang napatay o namasaker dahil sa iba't-ibang kadahilanan, internal conflict, genocide o may madugong civil disturbaces na nangyari. Kung sa kaso ng Dumalinao, Zamboanga del Sur, may mahigit kumulang na isang daan ang tinorture, pinahirapan at inilibing ng mga salarin hindi ng mga government forces o Estado, bagkus ng mga armadong grupo lumalaban at gustong pabagsakin ang isang nakatayong Estado.
Ayon sa aking nakapanayam, nakapaloob sa malawak na Balondo Guerilla Front ang “Killing Fields,” itinuturing pinakamalakas na baseng guerilla nuong kalagitnaan ng dekada 80s. Bukod sa Dumalinao, pinaniniwalaang ang bayan ng San Miguel, Dinas, Midsalip at ilang isolated barangay ng Pagadian, Zamboanga del Sur ang nasasakupan ng malawak na impluwensya ng guerilla front.
Bulubunduking lugar na sumasakop sa mga magkakatabing mga barangay ng Dumalinao at Napoleon, isang isolated barangay ng Pagadian ang “Kiliing Fields.” Dito tinukoy ang lugar kung saan malagim na naganap ang krumal-dumal na “kampanyang anti-infiltration” o pagpupurga sa mga diumanong mga DPA ng CPP-NPA.
Strategic ang posisyon ng baseng guerilla. Maliban sa paborable ang terrain, ilang kumunidad na naninirahan sa lugar, matatagpuan sa bandang likurang sa Katimogan ang karagatan na maaaring atrasan, ang Moro Gulf (Ilanan Bay). Ang Lunsod ng Pagadian ang maaring magsilbeng suportang kilusang masa para sa demokratikong rebolusyong bayan sa bandang silangan at ang kabundukang may malaking bilang na naninirahang magbubukid sa bandang Hilaga at Kanluran.”
Nang aming marating ang “Killing Fields,” pakirandam ko'y parang nakakailang ang lugar at parang ang hirap mai-imagine kung paano paano nangyaring pinahirapan, nagawang pagpapatayin ang mga kasama sa kamay ng mga kasama sa kilusan at paano naimintina ng matagal na panahon ang baseng guerilla ng CPP-NPA sa lugar? Bukud sa 'di mapalagay ang sarili, nanginginig ang aking mga kalamnan sa pagod at muling tumagaktak ang pawising katawan. May kalaparan, kulang- kulang isang hektarya, napapalibutan ng naglalakihang punong niyog, damong ligaw, punong lubi-banahaw, kakwate at maisan ang itaas ng bundok. Dito isinagawa ang paglilitis at kulungan ng mga biktima.
Matatagpuan ng 'di kalayuan ang Training Camp ng Balando Front. Dalawa halos ang daan papasok at papalabas. Ang isa na na nasa bandang timog at may kasukalan ang daan at ang isa ay nasa hilagang-silangan kung saan sinasabing short cut na ruta patungo sa poblacion ng barangay.
Ang bandang ibaba na may 50-60 metro mula sa tuktuk ay 'di gaanong kalayuan. May apat na malalaking kulumpungang kawayanan na ang layo sa isa't-isa ay halos trenta metros (30 metro). Dito isinagawa ang pagpapahirap (torture chamber) bago pinatay at inilibing ang mga kadre. May isang malaking punong mangga ang matatagpuan sa mga pinlibingan na nagsibling pananda ng mga nakasaksi.
Maliban sa punong mangga na nagsilbing pananda upang matunton ang mga libingan ng mga pinatay sa lugar. Kahit paano'y nakasaksi rin ang ilang bahagi ng mga (organisado) mamamayang sa paglilitis, pagpahirap hanggang sa paglilibing. Nakatulong din ang mga kawayan bilang pananda upang matunton kung saan inilibing ang mga pinatay. Ang mga ito ay sadyang itinanim ng masa matapos ilibing ang mga kasama may dalawangpung taon (20 years) na ang nakalipas ay nagsipaglago na.
Ayon sa mga nakasaksi, sa loob lamang ng tatlo hanggang limang taon (1985-early 90s), may mahigit kumulang na 200 mga kadre, mga professional na cadre ang pinatay sa "Killing Fields." Sa panahon din ito nagkaroon ng lull o pagtigil ng pagkilos ng rebolusyunaryong kilusan. Karamihan sa kanila ay mga nasa pamunuan ng “white area committee sa region.” Ang ilan sa kanila ay mga kadreng aktibistang YS (youth and students) na pinag full time (FT) ng kilusan mula sa Xavier University sa Cagayan de Oro, Ateneo de Davao at Zamboanga at ilang kolehiyo sa Northern at Western Mindanao. Marami rin sa napatay ay mula sa mga pamunuang hanay ng Trade Union at Urban Poor mula Davao at Northern Mindanao.
Ayon sa dating mga kasama, ipinatawag ng Kataas-taasang organo ang lahat ng bumubuo ng mga nasa White Area Committee o mga cadre na nasa Legal front at mula noon hindi na nakabalik at nakauwi. Ang Ozamiz City ang siyang unang dropping point ng mga biktimang akusado. May mahigit kumulang na isang daang kilometro ang layo ng Ozamiz sa Killing Fields. Habang ang iba ay nagtataka o naguguluhan, ang iba ay 'di sumang-ayon sa patakarang iginawad ng nakataas na organo. Iba-iba ang pakirandam ng mga kasama, marami sa kanila'y tinitignang may tunggalian personal relationship lamang ang kaso, ang iba'y sa attitude at ang iba'y pulitikal at ideolohiya ang dahilan. Habang ang iba't naghabol at nag-apila sa kaso, ang iba'y natunugan agad ang masamang balakin ng mga "nakatataas na organo."
Matapos ma-clear ang taas, itinayo ang kampo (camp site) ng mga forensic at mga diggers. Tatlong tent at isang malaking trapal, lutuan, malaking dining area, lamesa at mga upuan sa gilid-gilid ang agarang nagawa. Agad sinimulan ang paghuhukay. Abangan ang susunod na kabanata.
Part II: Ang kwento ni Ka Leling sa hinahanap na labi ng kanyang asawang si Ka Baldo
Doy Cinco / IPD
June 19, 2007
1 comment:
Improbably. It seems impossible.
Post a Comment