Bilog ang buwan, sinumpong na naman si Sen Miriam 'Brenda' Santiago. Muling umarangkada ang mataas niyang IQ, ang kanyang sobrang kaalaman at ang kanyang "kahenyuhan," ang bode-bodegang certifico't diploma, kanyang engliserang english kalabaw na diction at higit sa lahat, ang KABALIWAN sa kapangyarihan.
Tulad din ni siRaulo Gonzales ng DOJ at ilang bayarang nasa media, dapat lang talagang magtagal sa Gubyerno si Miriam, sapagkat bukud sa nagiging katawa-tawa't zarsuela ang Senado, ang mga ganitong klase pananaw ay kadalasa'y binhi, "fertilizer ng destabilization, ng rebelyon at insureksyon." Iisa lamang ang posibleng reaksyon ng mamamayan dito, “may brain damage (Brenda), lumuwag ang turnilyo at piesa sa utak.”
Sa isyu kung saan pinagtatalunan ang kustodiya ni Sen. Trillanes, ayon kay Miriam, "sa ilalim raw ng military court martial dapat lang na mabuluk sa detention si Sen. Trillanes.” Dagdag pa, “wala raw gaanong pinagkaiba ang kaso ni Trillanes at ni Jalosjos kung ibabatay raw ang disiyon ng Supreme Court na kung tawagin ay People of the Philippines versus sa mga kriminal." Umarangkada pa ang Brenda, "sa isang taong na-convict at pending ang appeal at nahalal bilang kinatawan sa Kongreso ay dapat lang daw manatili sa bilangguan kahit ang huli ay nahalal pa ng bayan.”
Sintido kumun lang ang masasabi ni Mang Pandoy kay Brenda; totoo't naniniwala tayo kay Sen Miriam kung sa kaso ni Jalosjos, makatwiran lamang na mabuluk sa rehas ng bilangguan ang isang rapist na katulad ni Jalosjos. Kaya lang, ang katawa-tawa dahil kailangang magbayad utang ang Malakanyang, binigyan ito ng pardon ni Ate Glo, ang kanyang dinidiyos ngayon na presidente.
Kung ihahalintulad naman ito sa kaso ni Trillanes, kumpirmado at mailalagay sa MAY SAYAD ang kanyang patutsada. Una, 'di hamak na milya-milya ang diperensya't magkaibang kulay si Trillanes at si Jaloshos, si Jalosjos, itim ang buto habang si Trillanes ay puti't dalisay. Bagamat parehong may kasong kriminal, pogi points at politikal ang kaso ni Trillanes.
Pangalawa, kasong "unbecoming an officer and a gentleman before the General Court Martial" at kasong politikal, isang kudeta na ikinabit sa rebelyon na non-bailable para sa mga hardcore critics ni Ate Glo. Habang pedopilya't rapist ang kaso ni Jalosjos na binigyan pa ng pardon ng Malakanyang.
Pangatlo, nahalal si Jalosjos bilang kongresista dahil sa TRAPO politics, dagdag-bawas, vote buying at laki ng campaign funds na iminudmud nito sa kampanya at lokal na makinarya, pananakot at utang na loob- padrino. Nahalal si Jalosjos dahil sa Kasal Binyag at Libing (KBL), Guns Gold Goons at Girl (4 Gs) at command votes. Tulad ni Gob Among Ed, popular na nahalal si Trillanes sa pamamagitan ng prinsipyo, plataporma de gubyerno, krusada at boluntarismo.
Naging rebelyon lamang ang kaso ni Trillanes sa simpleng dahilang hindi ito nagwagi sa labanan. Kung saka-sakaling nagtagumpay ang laban ng Oukwood, tulad ni Enrile, FVR, tulad ni Sec Angelo Reyes sa panahon ni Erap, maituturing siyang bayani at malalagay sa pedestal ng rebolusyunaryong kasaysayan ng Pilipinas.
Kahit saan tignan, bali-baligtarin man natin, malayong-malayo ang kaibhan ng dalawa. Akusado, guilty at napatunayan NANGGAHASA si Jalosjos. Isang manyakis, hayok sa laman at isang demonyo si Jalosjos, samantalang nililitis pa rin hanggang sa kasalukuyan si Trillanes, hindi pa naaakusahan, until proven guilty at hanggang ngayon maikukunsidera pang inosente si Trillanes na dapat ng ipardon ng gubyerno bilang pagrespeto't paggalang sa mahigit 11.0 milyong Pinoy na nagtiwala sa kanya.
Hindi mahirap unawain kung bakit nagkakalat ng kahihiyan si Brenda. Balikan lang natin ang kanyang nakaraan. Sagadsaring tuta't balimbing si Brenda, humalik sa tumbong ni President Cory, sa kahuli-hulihan labanan ipinagkulo nito, humalik sa tumbong ni President Erap Estrada, nagdiklara pang magpapakamatay para kay Erap at sa kasawiang palad, pinagkanulo rin nito. Hanggang sa kasalukuyang rehimen, sumipsip at naging tagapunas ng puwet ni Ate Glo at hindi rin magtatagal, aasahang ipagkakanulo rin nito ang presidente.
Sa totoo lang, isang pusakal na pulitiko, sagad na bobo to the highest level, isang sagadsaring hunyango, oportunista-doble kara at traydor si Miriam. Mula ng magpatiwakal ang kanyang anak dahil lamang sa 'di pagpasa sa UPCAT, personal na kinastigo pa si President Dodong Nemenzo at katayin ang budget ng UP. Nagyabang pang “dapat exklusibong mga henyo” ang criteria at pwedeng pumasok sa Senado. Siraulo rin nitong inihayag ang diskontento sa Senado at sabihing “pasasabugin niya” ang Institusyon. Pang-huling pagkakalat nito ay ang isyu ng PORK BARREL. Para kay Brenda, isang gago at katangahan sa isang mambabatas ang 'di tumanggap ng pork barrel? Kaya lang, walang pumatol sa siraulong senadora.
Nawalan na ng moral ascendancy si Brenda. Mula ng magsirko, bumalimbing at nagtago ito sa saya ni Ate Glo. Sa kabila ng lahat, sino pang tangang Pinoy ang maniniwala sa kanya? Alam o hindi alam, manhid o super garapal, ginagamit lang siyang pambala sa kanyon ng mga kaaway sa pulitika ng Malakanyang.
Kung sa bagay, iba na rin ang nagagawa ng pagiging malapit sa kusina, sa Malakanyang, ikaw na ang madalas isama sa foreign trip-junket ni Ate Glo, pork barrel at pwesto ng kamag-anak sa burukrasya't kapangyarihan.
Doy Cinco / IPD
June 21, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
i suggest you go back to school to study so that you can have a better grasp of legal understanding... :) So sounded like a lawyer doing a medical surgery.... :)
Post a Comment