Friday, June 22, 2007

Hindi sapat ang modernisasyon (counting machine)

Hindi ganap na masasawata ng modernisasyon at computerization ng halalan ang malalim na ugat na kabulukan ng sistemang pulitika at election. Ang hirap intindihin ang ilang pulitiko kung bakit ipinipilit ang modernization sa election samantalang naipakita ng 'di umubra ito sa Mindanao noong June 1996 ARRM election. Hindi ganap na malulusaw sa pamamagitan ng modernization at computerization ang Kasal Binyag Libing (KBL) at sistemang padri-padrino ng pulitika.

Hindi dapat malimita't maipokus lamang sa yugto ng bilangan, tulad ng computerization ang pagbabagong nais ng country. Maaaring sabihin makakatulong sa "pagpapabilis ng bilangan, cost effective, mamiminimized ang errors at sinasabing liliit ang chance ng dagdag-bawas." Kaya lang maihahambing ito sa isang "palaka na nasa loob ng lungga." Mga "palakang ang nakikita lamang kalangitan ay kapirasong butas ng lungga" at hindi ang kabuuang lawak ng kalangitan. Kung baga, isang kapirasong kalangitan o dayaan at anomlya lamang ang nakikita ng palaka, hindi ang kabuuang kundukta ng election period at kabulukan ng sistema. Ito ang mga kadahilanan kung bakit sinasabing ang modernization ay hindi makasasapat at makakapaggarantiya ng isang malinis, may kredibilidad at kapani-paniwalang election.


Mas kapani-paniwala ng mahigit isang libong beses na mauuwi lamang sa isyu ng MEGA PACIFIC, pagkakaperahan ng mga tiwali sa gubyerno, sa Tongreso at sa Comelec ang modernization. Bukud sa pangungurakot, napatunayan at napruwebahan na ang computerization sa congressional ARMM areas (automated counting machine) noong March 1996 , sa kasawiang palad, nagpatuloy ang patayan, kaguluhan at garapalang dayaan.

Hindi uubra ang modernization at computerization sa mga Ampatuan ng Luzon Visayas at Mindanao, sa mga warlords at Guns, Golds, Goons at Girls.
Ang dapat tutukan ni Sen Loren Legarda, Dick Gordon at iba pang pulitiko ay ang pagpapalakas ng Partido Pulitikal, proportional representation at pagsasa-ayos ng campaign finance. Ang dalawa ay halos 'di nalalayo sa position ni Ate Glo at ng Malakanyang kung saan mukhang "seryoso't naghahanap na ng LEGACY" sa natitirang talong taong panunungkulan. Para kay Ate Glo, ang pagbabago sa pulitika at election at pagsibak sa lahat ng commissioner sa Comelec, partikular si Abalos ang pinakamagandang LEGACY at relago niya sa mamamayang Pilipino bago mag 2010 presidential election.

Sariwa pa ang madudugo't karahasan sa katatapos na May midterm election. Kung seryoso ang Malakanyang, hindi dapat mapokus at malimita sa pagpapahusay ng pagbibilang ang pagbabago sa election. Dapat mabatid ni Ate Glo na hinding-hindi mawawala ang “hello Garci dagdag-bawas controversy” at ang katiwalian sa Comelec dahil lamang sa modernisasyon ng halalan. Sapagkat ang malaking bahagi ng election period, ang election conduct at proseso ay isang malaking dayaan na.

Paano masasawata ng modernization ang sakit na cancer ng private armies, ang kabulukan ng political clans, political party at plataporme de gubyerno? Hinding-hindi masusulusyunan ng isang modernization at computerization ng pagbibilang lamang ang katiwalian ni Abalos, ang maraming Bedol at Garci sa Comelec. Mas matutuwa pa ang marami kung io-overhaul pa ni Ate Glo ang Comelec (hanggang munisipyo), kasuhan at ipakulong ang mga nakinabang at nagsipagyaman sa katiwalian.


Ang katiwalian sa election ay hindi lamang nagagnap sa bilangan, nobenta porsiento (90%) ng dayaan ay nagsisimula pa lamang sa pre-campaign period, campaign period at canvassing. Talamak ang dayaan sa campaign period, lalo na sa campaign finance, ang sobrang gastusing sa kanpanya, ang vote buying at voter's dis-enfranchisement ng mga botante, ang propaganda campaign hanggang canvassing at proklamasyon.

Sabi nga ni Mang Pandoy, 'wag kayong maliligaw, "sariwa pa ang trahedya't karumaldumal na kaganapan nuong nakaraang buwan election noong Mayo 14." Hindi kayang resolbahin ng modernization at computerization ang problemang ng kabulukan sa pulitika at election.


Doy Cinco / IPD
June 22, 2007

No comments: