Sinasabing nagmamay-ari ng pinakamalaking biggest chain sa Southeast Asia, itinuturing pinakamahusay, pinakamadiskarteng entepreneur at manager, the most profitable, the bigger scale at itinuturing modelo ng pagnenegosyo sa Pilipinas si Henry Sy. Ang tanong, magkano ang ibinayad nito sa buwis?
May asset na P227.0 BILYON ang pinanghahawakang kumpanyang SM Investment Corporation, pinakamalaki kung ikukumpara sa mga Zobel-Ayala at iba pang Taipan. Tumubo ito noong nakaraang taon ng mahigit P15.24 bilyon, tumaas ng 38.7% kung ikukumpara sa nakalipas na taon.
Sa Real Estate business, bumulusok ng P5.7 bilyon ang kinita ng kanyang SM Prime Holdings, tumaas ng mahigit 18.5% kung ikukumpara noong nakaraang taon. Kahit nagsisimula't kababagong pasok pa lang, nadominahan agad ni Henry Sy ang pagnenegosyo sa pagbabangko. May pinagsamang total na asset na P650.0 bilyon ang Banco de Oro at Equitable PCI na siya ngayong nangungunang pinakamalaking pautangan sa bansa. Ang dalawa ay may 14% ng kabuuang market share ng Philippine commercial banking system sa bansa.
Sa larangan ng pagnenegosyo sa RESORT, bumibilis ang asenso nito at parang kabuting itinatayo ang mga condominium at resort sa labas at loob ng Metro Manila.
Ang malaking tanong, sa kabila ng bilyong pisong kinakamal nitong kita sa bawat araw ni Henry Sy at iba pang Taipan, bakit si Kris Aquino, si Manny Pacman Pacquiao at ilang showbiz personality pa rin ang nangunguna sa bansa na may pinakamalaking ibinabayad sa buwis. Ang hamon kay Henry Sy, iba pang Taipan, BIR at LGUs (Metro Manila, Cebu, Baguio at Davao, magkano ang ibinabayad na buwis ng mga ito taun-taon? Sa isyu ng transparency at bilang Public documents, kung ito ma'y nagbayad, magkano ang ibinabayad at wasto ba ang ibinayad nitong REAL PROPERT TAX sa BIR at sa Lokal na Gubyerno?
Sa tindi ng krisis, kakulangang ng pondo, kakulangan ng paaralan at guro, mga serbisyo publiko ng LGUs-national government (maliban sa pangungurakot) at kung paano nito tutugunan ang paparating na bantang natural at man made na kalamidad, epidemyang dengue, malaria, baha, bagyo, hindi maiiwasang magduda si Mang Pandoy at paniwalaang dinuduktor (tax evader) ang tamang babayaring buwis ng mga Taipan lalo na ang share na buwis ng mga Lunsod na kinatitirikang ng kanilang business empire.
Doy Cinco / IPD
June 26, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment