Malaki ang hahabulin upang maibalik ang respeto ng mamamayang Pinoy maging ng buong mundo ang pagpapalakas at pagbibigay "emergency power" sa ating lugmok at tinatarantadong mga DEMOKRATIKONG INSTITUSYON. Ito ang mag-iistabilisa ng normalcy at kapanatagang pampulitika na siyang magbibigay buhay upang sa kahit paano'y magtake off na ang ating ekonomya at marating na ang pinapanaginipang "1st world by 2020" ni Ate Glo.
Una; dahil mahina (weak) at walang tunay na political party, ang oligarkiya, dinastiya at political clan (malalaking pamilya) ang siyang nagpapatakbo't naghahari sa Pilipinas. Pangalawa; palakasin ang isang independent JUDICIARY SYSTEM. Pangatlo; FREE PRESS. Pangatlo; ang reporma ng ELECTORAL at political SYSTEM at panghuli; ang pagpapalakas ng NGO-civil society community sa bansa. Ang kahinaan ng ESTADO ang mga kadahilanan kung bakit nagpapatuloy at hindi matinag-tinag ang "armadong pakikibaka" (Maoist CPP-NPA, MILF at MNLF), banta ng KUDETA at "extra constitutional" na pagbabago ng lipunan. Ang kawalan ng demokratikong institusyon ang abono-fertilizer ng rebelyon at insureksyon.
Big Time KURAKOT lumalakas
Kung “nasawata” na raw ang maliliit na KURAKOT sa gubyerno, ayon sa Transparency and Accountability Network (TAN) mga big-time graft o KURAKOT, mga taung makapanagyarihan nasa Malakanyang ang siyang namimiesta at tumitiba ngayon. Sa panahon ngayon, dapat maging vigilant ang lahat sapagkat, sa taong kasalukuyan daan-daan ang pumpasok na mga kontrata mula sa malalaking dayuhang puhunan.
Kasabay nito, ayon kay Teves, dahil sa inaasahang kakulangang koleksyon sa buwis (BIR). ibebenta ang 60% sapi ng gubyerno sa Philippine National Oil Company's Energy Development Corporation na nagkakahalaga ng P50.0 bilyon. "May 22 power plants ng National Power Corporation (NAPOCOR) ang nakahanda ng ipagbili sa mga dayuhan, nakaabang na ring isubasta (bidding) ng mahigit dalawangpung taon prangkisa ang National Transmission Commission (TRANCO)." Kasunod ding ibebenta ang 24% sapi ng gubyerno sa San Miguel Corporation (SMC) na nagkakahalaga rin ng mahigit P50.0 bilyon. Ang suma total, P100.00 bilyon kumikinang na salapi na malamang na mauwi sa bulsa ng mga galamay ng palasyo. Paldo-paldo na naman ang mga bulsa ng mga taga- Malakanyang.
Halos isanla na ang puri, kaluluwa't kinabukasan ng mga Pilipino sa mga dayuhang mamumuhunan alang-alang sa 10 point agenda at “legacy” projects ni Ate Glo, kahit wala pa itong "emergency power." Mula sa isinasaad ng batas na limitadong 40% na pag-aari, “brinaso't sinang-ayunan” ng Supreme Court (SC) na magkroon ng 100% sapi ang mga dayuhan pag-aari upang tiyaking walang sagabal sa PAGNANAKAW ang mga dayuhang mamumuhunan.
Bunsod ng nasabing disisyon ng SC, naibalik sa world mining map ang Pilipinas at tulad ng inaasahan, agad sinamantala ng mga oportunistang mga investor mula sa Australia, U.S., China, Japan ang nasabing alok at nangakong maglalagak ng puhunang $3.0 billion. Noong 2005, mahigit sa $300.0 million ang agad pumasok na puhunan mula sa bansa at sa 2007 at ayon sa mga nagmamanman, inaasahang may $3.0 billion ang papasok na puhunan mula sa malalaking kumpanyang pagmimina. May natukoy ring 24 na projects na mangangailangang ng $8.8 billion kapital mula sa malaking international mining companies sa South Africa.Ayon kay Ate Glo, “the Philippines is now poised for an economic takeoff based on a reinvigorated mining industry.'' Dagdag pa, "sa pagbulwak ng investments sa mining sector, papawi raw ito sa $82 billion foreign debt at magtutulak upang mawakasan na ang anemic economic growth ng bansa. ''At the end of the day it is the creation of jobs that matter. Tinatanatyang hindi bababa raw sa 200,000 direktang trabaho ang agad na maipapasulpot ng mga minahang itoy,'' ayon naman kay Benjamin Philip Romualdez, presidente ng Philippine Chamber of Mines. (kuha sa: www.candidates.com.ph/
Pakay ng "emergency power"
Isang malaking kalokohan ang sinasabing dahilan ng emergency power ng pangulo ay upang "labanan ang lumalalang tagtuyut ng bansa." Kung babalikan ang kasaysayan, ganitong-ganito ang nangyari nuong panahon ng Diktadurang Marcos na kesyo "lulalakas na raw ang rebelyon at insureksyon sa bansa." Ang totoo, nakopong nito ang lahat ng klase ng mining operation at iba pang malalaking negosyo na pumasok sa bansa ng magkaroon ng "emergency power" si Marcos. Umiral ang kaliwa't kanang cronism at katiwalian sa gubyerno ng abusuhin nito ang “emergency power” o ang martial law. Parang kabuting nagsulputan ang Independent Power Producers (IPPs), mga dayuhang namuhunan nuong panahon binigyan ng “emergency powers” ang dating Presidenteng Si FRV.
Nuong nakaraang taon, inabuso ni Ate Glo ang emergency powers ng gamitin nito ang EO 464, proclamation 1017 at iba pang mapang-aping batas upang pagtakpan, protektahan at kalingain nito ang kanyang mga galamay sa burukrasya.
Hawak na ng mga Arroyo ang mga "minatamis na kakaning" mga komite sa Kongreso. Committee Chair sa Energy si Mikee Arroyo (District 2 Pampanga), Committee Chair naman ng Environment at Natural Resources si Iggi “Jose Pidal” Arroyo, habang hawak ng kanyang masugit na mga tuta ang DENR at DOE, si Atienza at Angie Reyes. (kuha sa: dcmiphil.org/
Kung matatandaan, na-una ng nanalanta ng kalikasan ang Rapu-Rapu Lafayette, isang dambuhalang Kumpanya ng Pagmimina sa Bicol na bukud sa walang habas na 'di iginalang ang Batas sa Kalaikasan, nilabag din nito ang karapatan ng mga tao sa kanilang kabuhayan at "sustainable future."
Ang mga makabagong pagmimina sa ngayon ay lubhang malupit sa tropical rain forest. Bukud sa makabagong malalaking makina, mga kemikal at intensive endeavor kung saan tone-toneladang mga bato't lupa ang hinuhukay at iniaalis upang iproseso sa isang kakarampot na GRAMO ng ginto. Batid ng lahat ang kinahinatnan ng isang bilyong toneladang OPEN PIT-MINING ng Lepanto, Benguet sa Cordillera at Atlas Mining sa Cebu.
Ang unang pipinsalain ng mga mining operations na ito ay ang rainforest ecosystem, ang mga komunidad at ang susunod na henerasyon. Ganito ang kamalasang idinulot ng mga malalaking minahan sa bansa at maging sa South America, Amazon River Basin sa South America at Africa, mga trahedyang pangkaliksang hanggang ngayon ay pasan-pasan parin ng mga tao. Hindi na natuto ang mga pulitikong ito sa kasaysayan.
Nag-oover react, overkill at naprapraning na ang mga galamay sa Kongreso at Malakanyang na gamitin muli ng pangulo "emergency power." Sa kalagayang "lameduck" at wala na itong planong tumakbo sa 2010, ang mga power obssesed executive branch ni Ate Gloo ay nahihintakutan sa political senaryo na inaasahan sa pagtatapos ng termino ni Ate Glo sa 2010. Kung political track record (6 years in power) lamang ng pangulo ang pagbabasihan, maliwanag na BANTAY SALAKAY ang "emergency power." Parang sinasabing "ang magbabantay ng sisiw ay LAWIN, ang magbabantay ng karneng bulok ay sanlaksang mga gutom na buwitre."
Doy Cinco / IPD
August 2, 2007
No comments:
Post a Comment