


Kung sakaling nakulimbat na ang pera o nagkaroon na ng cashunduan ang pamilyang Marcos at Malakanyang, LAGOT si Ate Glo, si Secretary Margarito Teves ng Department of Finance, mga galamay ni Ate Glo sa Kongreso at ang gatasang baka ng Malakanyang, ang Presidential Commission on Good Government (PCGG).
Ang nakakalungkot, mukhang isina-isang tabi at initcha-pwera lamang bilang priority Bill ng Malakanyang at Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang ilang beses na naunsyaming panukalang “Human Rights Compensation Bill” ni Sen Joker Arroyo at Etta Rosales ng Akbayan noon pang 12 at 13th Congress.
Kung totoong kumakalinga, hindi sagabal at naniniwala si Ate Glo sa 10,000 mga biktima ng kalupitan nuong panahon ng diktadurang Marcos, walang dahilan upang patagalin at buruhin ang panukalang nakahain at muling ihahain ni Sen Joker ARROYO sa Senado at malamang ni Riza Hontiveros sa 14th Congress. Halos nangangalahati ng 10,000 Marcos victims ay kundi man uugud-ugud na, may malubhang karandaman, nangamatay na o dili kaya'y umaasa pang makakatanggap ng kakarampot na barya upang kahit paano'y maipang-tawid gutum sa kani-kanilang pamilya.
Kung magagawa ito ni Sen Joker Arroyo at walang dudang seryoso ito, malamang makakadagdag tulong ito sa istabilidad pampulitika sa bansa at higit sa lahat, isang maliwanag na isang "LEGACY" ito ni Joker, mabuhay ka at dumami sana ang lahi mo.
Doy Cinco / IPD
August 15, 2007
No comments:
Post a Comment