Walang dahilan upang magtagal pa sa pwesto si GMA at si General Esperon at dahil sa "command responsibility," isang karumal-dumal na krimen ang naghihintay na KASO sa dalawa. Hindi lang sa itinulak nila tayo sa kumunoy ng karalitaan at political uncertainty, malinaw na utak pulbura't military adventurism ang oryentasyon at direksyong tinatahak ng Armed Forces of the Philipppines (AFP). (kuha sa: http://www.journal.com.ph/)
Ang "nilikha nitong digmaang" ay "bitamina, fertilizer, recruiter at lalong magpapalakas ng insureksyon, rebelyon ng Bangsa Moro sa Mindanao." Imbis na tupdin ang napagkasunduan "1996 Jakarta Peace Agreement" sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at nalalapit na usapang pangkapayapaan sa MILF sa Malaysia, "war of attrition" ang itinatahak ng AFP laban sa mamamayang Moro. (Army troops ride to the frontline in Jolo on a truck. Military operations in Jolo have intensified following the killing of 26 soldiers in an ambush by the Abu Sayyaf last week.Kuha mula sa; http://www.manilatimes.net/)
Bukud sa ilang bilyong piso ang tiyakang mawawaldas na parang pulburang maglalaho lamang sa hangin, kahit saan tignan walang walang kahihinatnan at walang kapana-panalo ang gerang isinasagawa ng AFP sa Mindanao.
Napatunayan na ito sa mahigit 300 taong pananakop ng mga Kolonyalistang Kastila, limang dekadang (50 years) panloloob ng Imperialistang Amerikano at ilang dekada't ilang presidente sa ilalim ng Republika ng Pilipinas. (Kuha mula sa: news.bbc.co.uk/.../jpg/_38849969_truck203afp.jpg "The Philippines army gained rebel territory last week")
Mag-iisang Linggo na ang labanan sa pagitan ng Philippine Army at Marines kontra sa mga "breakaway kuno-lost command" na mga MNLF, MILF at mga "bandidong" Abu Sayaff sa Basilan at Sulo. Kung tama ang datos ng Malakanyang na P25.0 milyon kada araw ang halaga ng gera, nakaka-P175.0 milyon na ang nauubos ng gubyerno. Batay sa ibinabalita ng source (mula pa mismo sa AFP), palaki ng palaki ang casualty ng AFP. Habang ang linya ng propaganda ni Esperon at GMA na "tatapusin, dudurugin at pupulbusin na ang teroristang ASG," kabaligtaran ang nangyayari sa realidad, lalong dumarami ang kanilang kalaban at ang AFP pa ang natatalo sa labanan. Kulang-kulang 60 na ang napapatay at ang 26 dito sa panig ng AFP habang 31 naman ay sa bahagi ng muslim insurgence. Malaking bilang ang sugatan sa magkabilang panig.
Batay sa nakagawian, walang kaduda-dudang DINUTUKDOR pa ng AFP ang datos ng casualty, pinaliliit ang bilang ng patay sa AFP at pinalalaki naman ang bilang na napapatay mula sa muslim insurgence. Ito na nga marahil ang dahilan kung bakit pinigil o may news black out na iginawad ng AFP sa Philippine Media.
Dahil sa kahihiyang inaabot, iniutos ni Gen Esperon na dagdagan pa ng mahigit dalawang batalyon (2 batallion) o 1,000 ang tropa ng AFP sa lugar kung saan mayroon ng kasalukuyang sumasagupang bilang na 4,000 marines. May kutub tayong mukhang ang dating linya ang ikakatwiran ni Esperon, irequest sa Kongreso ang panibagong dagdag na budget ng AFP at mamili ng panibagong high tech na mga armas mula kay Uncle Sam. (kuha mula sa: "The Joannga, a Moro warship of the late 18th century that abounds then in the wide Samal Sea and the Sugod Iranun now the Moro Gulf. Mainly used against the kastilas and the bisayas;
Ang nakaka-intriga, hindi hihigit sa dalawa hanggang tatlong daan (200-300) lamang ang bilang ng "Abu Sayaff group" sa Sulo at Basilan, meaning sa bawat isang ASG, may katumabas na kontrang 15 (1 : 15) tropang sundalo. Hindi pa kasali rito ang tropang panuporta ng US Marines.
Sa kabila ng sinasabing mahina na, lumpo na, watak-watak na, durug na, bilang na lamang sa daliri ang mga kasapi at patay na ang mga pamunuan (Abu Sabaya, Janjalani, Robot-ASG) nito noong unang taong panunungkulan ni Ate Glo (2002-2005) at tatlong beses na pananalumpating "wawakasan na ang insureksyon at dudurugin ang ASG sa loob ng tatlong taon" sa tuwing may State of the Nation (SONA) adres. Ang tanong ni Mang Pandoy, bakit at paano nangyari't ang AFP pa ang natatalo sa labanan?
kuha mula sa: http://www.mnlf.net/History/Photo_Archives.htm and Gen. Sumner's Conference with Sultans of Bayang and Wato, 1899-1902)
Ang kaduda-duda, bakit parati na lamang ABU SAYAFF ang buntungan ng pansin, paninisi at panunuro ng AFP sa tuwing maglulunsad ito ng pakikidigma sa ARMM areas? Alam ng marami at ng mundo na MILF o MNLF ang gumawa, ang may kagagawan at nag-iinitiate ng kontra-depensibang laban kontra sa AFP. Sa kaso na lamang ng Tipo-Tipo, Basilan incidence kamakailan, hayagang inamin ng MILF na sila at hindi ang ASG ang may kagagawan sa inkwentro't pang-aambush sa Marines, pero ang katawa-tawang pahayag ng AFP, "ang Abu Sayaff (ASG) at lost command" kuno pa rin ang sinsisisi't puntirya.
Sa totoo lang, sino ba ang supplier ng armas ng mga rebeldeng muslim? Ang alam ng mga tagaMindanao, ang AFP mismo, ang ilang matataas na pamunuan ng AFP. To cut a long story short, "PAKAWALA ng AFP ang ABU SAYAFF GROUP," kaya't napaghahalatang gawa-gawa lamang ang "kaguluhan" kini-create ng AFP, bigyang katwiran lamang ang pagsasabatas ng Anti-Terrorism law at bigyang rason ang GERANG inilulunsad sa Mindanao.
Ito ba'y dahil ba sa tiklop ang buntut ng AFP sa mainstream MILF, sa MNLF at ASG lamang ang kina-kayanan nito? May on going at paparating na peacetalks ang GRP at MILF / MNLF sa Malaysia at sa Saudi Arabia at kung malalaman ng buong mundo na ang kalaban ng AFP at ang nilulusob nito'y MILF at MNLF, yari ang Malakanyang sa Organization of Islamic Conference (OIC) at mamamayang Moro sa mindanao.
In pera-ness sa AFP, baka simpleng sablay lamang ito sa sistemang nakakalap nitong inpormasyon at prosesong isinasagawang intelligence network sa lugar? Sa kabila ng bilyung-bilyon pisong modernization at procurement ng mga makabagong armas, WALA PA RING IBINUBUGA ang AFP sa mga "kaaway" nito. SIMPLE LANG ANG SAGOT, wala sa AFP at gubyernong GMA ang simpatya't hearts and mind ng mamamayang Moro. Para sa kanila, ang AFP ang OCCUPATION FORCES o NANLOLOOB, NANGHIHIMASOK sa kanila, ang AFP ang nan-teterrorized sa kanilang komunidad at pamayanan.
Batay sa haba ng kasaysayan at karanasan ng pakikidigmang guerilla sa buong mundo, anuman klaseng armas, moderno man, supistikado't high technology ng armas kung wala ka sa panig ng mamamayan at ang tingin sayo'y nanloloob at walang kredibilidad, gaano man kahusay ang propaganda mo (anti-terorismo) kung wala sa katotohanan at ikaw mismo ang pangunahin salot at lumalabag sa karapatang pantao, walang dudang MATATALO ka sa labanan.
Lola ng mga kalamidad ang nangyayari sa Mindanao at walang dahilan upang magtagal pa sa tungkulin si General Esperon at si Ate Glo sa Malakanyang. Hindi kakayanin ng AFP ang isa pang war front sa pakikidigma, isang front mula sa NPA at sa MILF/MNLF.
Kung sa kaso ng Basilan na kung saan ang MILF ang nakabangga, "ginamit ang kidnapping ni Fr Bossi" at ang pagkakapaslang sa isang IMAM na nauwi sa pugutan ng ulo. Sa kaso ng Sulo, pumasok sa teritoryo ang AFP at diumano'y pinatay ang isang municipal chairman ng MNLF na pinagmulan naman ng isang ambush at ikinamatay ng mahigit dalawampung sundalo.
Kung ako si Secretary Gilbert Teodoro ng AFP at pamangkin ni Danding Cojuanco, magbibitiw na siya ng tungkulin sapagkat hindi pa nag-iinit sa pwesto, inutil na, nagmumukhang tanga at wala sa kanya ang command at decision making ng kagawaran. Hindi malayong paniwalaang magiging tau-tauhan at sunud-sunuran si Sec Teodoro. Kung ako naman si Pres Bush at US State Department, dahil nagsasayang lamang ng resources, panahon at dahil 'wa effect, bara-bara bay ang kondukta ng gera at incompetent ng mga generals na nasa larangan, aalisin ko na sa pwesto si Ate Glo't si General Esperon.
Matuto na sana sa kasaysayan ang Malakanyang at ang AFP. Hindi kailanma'y isang military solution o pag-aastang reaksyunaryo ang susi sa kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao. Madurug man ng AFP ang MILF o MNLF kahit imposibleng mangyari ito, may panibago hahalili upang ipagpatuloy ang pagnanasang hustisya, pagsasarili't pagdedetermina ng sarili. Simple lamang ang kahilingan ng Moro pipol, tupdin ng walang bahid at walang pangloloko ang mga nauna na at napagkasunduang mga agreement, ang pagtatayo ng genuine "Bangsa Moro Autonomous Government" at buwagin na ang peke, tiwali at minamanipula ng Malakanyang na Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) na pinamumunuan ng mga AMPATUAN.
Anuman ang kahinatnan ng gera, habang maaga pa, IPATIGIL NA MUNA ng SENADO, ni Sen Kiko Pangilinan at Biazon PANSAMANTALA ANG KABALIWAN at KAPRANINGAN ng Malakanyang at ni Gen Esperon, isalang ang mga ito sa Senate hearing at isapailalim sa masusing imbistigasyon.
Doy Cinco / IPD
August 12, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment