Monday, August 06, 2007

PORMASYON ng AFP sa BASILAN, TRAHEDYA

Kumita na, sikat pa.” Ito ang sabi ng isang nakilala kong taga-lokal na gubyerno sa napipintong pagtugis ng tropang militar laban sa MILF sa Basilan. Nagsimula sa "kidnapping" kay Fr Bossi sa Zamboanga Sibugay, hinanap sa Basilan si Bossi maski alam ng lahat wala duon si Bossi, nakoryente at na-enkwentro ang MILF, nailantad sa madla ang mga supot at dispalinghadong mga kagamitang pandigma ng Marines at pagsablay ng radio frequency equipment para sana sa rerespondeng Airforce at Navy at sa kahuli-hulian sa pugutan ng ulo.

Isa rin sa pinagtatakhan ng marami ay ang "pagbabalik lakas" daw ule ng grupong Abu Sayaff na alam ng mga tagaBasilan at
Sulo, gatasang baka't military assets ng AFP. Marahil ito ang mga kadahilanan kung bakit inililihim (news blackout) sa media ang labanan sa Basilan, mahirap ng magkabistuhan at maulit ang "Lamitan Siege."

May kabuuang limang batalyon o
mga 2,500 haggang 5,000 Philippine Marines ang sa ngayo'y nakabalagbag sa Basilan. Hindi pa kasali rito ang bata-batalyong pormasyon ng Philippine Army, one Scout Ranger Company at Intelligence Unit mula sa Philippine Navy's Special Warfare Group, na ayon sa AFP, tututuk daw sa pagbibigay assistance sa panahon ng combat operion. Labas pa rito ang clandistine o sikretong military operation ng mga tropang Amerikano na alam naman ng lahat ay nasa likud ng AFP sa Basilan at Jolo. Kaya lang, kung tama ang propaganda ng AFP nuong 2005-6, "mahina na ang ASG, napatay na ang mga lider nito at wala pa sa 100 ang natitira rito." Ang nakakatakot sa lahat, tulad sa nangyayari sa Iraq at Afghanistan, posibleng magka-breakdown ng rules (Geneva Convention) on internal armed conflict ang labanan.

Walang dudang mahina sa P1. 50 bilyon ang wawaldasin ng AFP at ilang ahensya ng gubyerno sa ilang raw na military operation laban sa mga "teroristang" namugot ng ulo ng 10 marines. (kuha sa: ww.defenselink.mil/.../060223-F-2114K-008a.jpg, www.malaya.com.ph/feb28/images/index.jpg, www.cooperativeresearch.org/events-images/491...)
Hindi lamang mga batang paslit ang maapektuhan ng gera, titindi pang lalo ang paglabag sa karapatang pantao at lalong ma-agravate ang karalitaang ilang dekada ng dinaranas ng muslim community sa lugar.

The ekonomya ng gera
Totoong marami ang naniniwala na
nakakatulong sa ekonomya ang gera, tulad sa kaso ng US sa maraming kinasangkutan nito sa gera, pero mahirap pa rin majustified ito kung sa dahilang ilang daang milyong piso ang masasayang at masisirang infra at business stablishment, bagkus ang physical resources na mawawala sa gera, ilang pamilya ang mababalo, ang magdurusa at iiyak? Wala pa rin kapalit o mas mainam pa rin kung ang mga resources na ito'y mapapakinabangan sa mga produktibong bagay.

Kung itutuloy ni Ate Glo't AFP ang labanan
sa Mindanao sa kabila ng kakapusan sa pananalapi na ipangtustus sa “P 1.0 trillion legacy projects” dahil sa shortfall na malilikom na buwis, paano na si Mang Pandoy? Hindi pa nga nakakabawi sa krisis na idudulot ng tagtuyot, ang ginastos nuong nakaraang may midterm election at pagputuk ng bulkan sa Sorsogon, eto na naman ang bilyung piso para sa gera ng Mindanao na alam naman ng lahat ay mga General lamang ang makikinabang.
Nung sumiklab ang katindihan ng gera laban sa MNLF noong 1970s, panahon ng diktadurang Marcos, tinatanyang may P18.0 milyon kada araw ang ginastos ng gubyerno. May ilang taon humupa ang gera at ang tanong, sino ang nanalo at sino ang natalo, WALA, parehong talo. Ayon kay Fr. Eliseo Mercado OMI at presidente ng Notre Dame University at Chair ng KUSOG MINDANAO, "ng pumutuk ang gera noong dakada 90s, umabot sa 600,000 ang mga nadisplaced na mamamayan at ang mga ito ay isiniksik sa mga dilapidated na mga paaralan at tent “cities” sa Cotobato, Maguindanao at Lanao del Sur."

"Inamin ng gubyerno na habang P23.0 million kada araw ang nagastos nito sa gera sa Mindanao, isang
milyon piso kada Linggo lamang ang inilaan sa mga evacuees. In contrast, gumastos ng P2.0 milyon kada Linggo naman ang isang NGOs-Tabang Mindanao sa mga evacuees." Kulang-kulang 200 ang namatay sa loob ng evacuation center. (kuha sa: images.wri.org/photo_refugee_print.jpg
Kung tatagal ng ilang Linggo o buwan at mag-ispill-over ito sa ilang karatig probinsya, walang kaduda-dudang may mahigit kumulang na isa't kalahating bilyong piso (P 20.0 million / day x 60 days = P 1.20 bilyon) ang masasayang lamang sa walang kapararakang operasyong militar laban sa mga “terorista.” In the first place, sino nga ba ang tunay na terorista, para sa mga muslim, occupation forces o terorista ang tingin nila sa AFP.

Ang tanong ni Mang Pandoy, maliwanag na isang “man made calamity” ang idudulot ng gera at tulad
sa LAMITAN siege, ilang pamunuan, ilang General problem na naman ang kikita at kokomisyon, ang kikita sa gera. Hindi malayong matulad tayo sa Pakistan kung saan sunud-sunod ngayon ang mga suicide bombing, Iraq at Afghanistan. Kung sa bagay, “gastos-salapi naman ng US ang ginagastos ng AFP laban sa Abu Sayaff-MILF.”

Ayon sa National Disaster Coordinating Council (NDCC), kung matutuloy ang labanan, may kulang-kulang na 5,000 pamilya (20,000) o mga internal refugee ang aasahang lilikas at malamang sa hindi, kundi Taguig, Quiapo o Culiat sa QC, sa Sabah ang takbuhan ng mga ito. Walang dudang mag-iscalate ang labanan sa kalakhang Autonomous Regions for Muslim Mindanao) ARMM areas at kung mangyayari ito, kulang-kulang na isang daang libong mag-aaral ang mahihinto sa pag-aaral at kalahating milyong (500,000) mamamayan ang madi-displace. Ganito kalaking bilang ng mamamayan ang aarugain ng DSWD, nga Taung Simbahan, NGOs at Local Government Units kung pag-uusapan ang malakihang ebakwasyon at relief operation. Hindi pa pinag-uusapan dito ang epekto ng trauma sa mga bata at klase ng kulturang ikikintal sa kanilang isipan. (kuha sa: www.geocities.com/.../Thinktank/3964/v150212.jpg at www.eurus.dti.ne.jp/~freedom3/AMX-13-1.jpg
Magkano ang magagastos sa military operations? Tilad-tilarin natin; Huey attack helicopter - $1.1 million/each o P 45.0 milyon ang bawat isa. Katumbas ng isang District Hospital. Isang M 16 - P 25,000.0 / isa. Katumbas ng isang one year scholarship fund
1. Multi-purpose attack crafts (P145.44M) - katumbas ng 3 public market
2. Squad Automatic Weapons (P103.55M) - katumbas ng 50 km concrete road
3. Global positioning system (GPS) devices (P103.55M) - katumbas ng isang sports complex para sa mga taga Lamitan
4. Scout watercrafts for the Philippine Army (P70.90M) - katumbas ng 100 fishing boat para sa mga mangingisda
5. 1 ¼-ton trucks (P1.53B) - katumbas ng 2 irrigation projects para sa palayan ng Lanao del Sur at Norte
6. A digital aerial digital camera (P62.85M) - katumbas ng 6 na post harvest facilities sa Basilan at Jolo
7. Handheld radios (P400M) - katumbas ng tatlong taong (3 years) pansweldo ng mahigit 1,000 teacher at 10 duktor
8. Armored Personnel Carriers (P144M) - katumbas ng mahigit 10,000 low cost housing units
9. Night Flying System (NFS) for the Air Force and the Navy (Lot 1-2, P617.12M) - katumbas ng 3 taong farm input subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda
10. NFS for the Philippine Navy (Lot1-4, P326.50M) - katumbas ng mahigit 100 km farm to market roads
11. Night capable attack helicopters (P1.21B) - katumbas na halaga upang bilhin ng gubyerno ang mga armas (M16, M14, M 1) na hawak ng bawat isang muslim. Tinatantyang may kalahating milyon mga high powered fire arms sa ARMM areas
12. 40MM grenade launchers (P160.60M) - katumbas na halaga para makapagtayo ng 100 mga small scale industry sa Basilan
13. Bomb suits (P82.35M) - katumabas ng 1,000 latest model na desk top PC (personal computer - lap top) para sa mga paaralan.
14. Upgrade of MG 520 attack helicopters (P240M) - katumbas na halaga para sa mga libro at pagsasa-ayos ng library ng mga colleges and universities ng buong ARMM areas
15. Engines, airframes, power trains, fuel cells, lighting systems, radio equipment, and other basic instruments for UH-1H helicopters (P400M) - pagtatayo ng tulay at electrification.(mula sa: Arroyo: "Bidding for P7-B military supply contracts to start" http://joelguinto.wordpress.com/2007/01/31/arroyo-bidding-for-p7-b-military-supply-contracts-to-start/
M
agkano ang ilang daang 81 mm mortar na pakakawalan ng AFP? Ilang libong piso kada isa ang isang bala ng mortar, magkano ang isang bomba na ihuhulog ng OV-10 aircraft para sa aerial bombardment, mahina ang sampung libong piso kada isa? Noong dekda 90s, kulang-kulang 10 APC ang winasak ng mga MILF. Magkano ang isang bala ng .50 caliber machine gun, .30 caliber machine gun, M 14 at M 16 na bala, bala ng bazooka at 105 mm howitzwer kada isa? (kuha sa: www.sundalo.bravehost.com/Pictures/bgen.%20da...)
Ang inaasahang isang bilyon at kalahating pisong gastos (P1.50 bilyon) ay sapat-sapat na o katumbas na PROYEKTONG PANGKAUNLARAN at pag-iistabilisa ng kapayapaan sa ARMM areas.

Maliban sa isyu ng KURAKOT , may internal krisis na kinakaharap sa loob ng kasundaluhan (AFP). Kung ganito kabigat ang suliranin ng AFP, mas mainam na unahin muna sigurong asikasuhin ang sigalot sa loob (factionalism), ituloy ang repormang naudlut sa panahon ni Sec Nonong Cruz ng AFP, resolbahin ang "pagdukut at malamang dedbol na" ang aktibistang si Jonas Burgos, ang isyu ng political killings na ang alam ng buong mundo ay AFP ang may kagagawan at isulong ang peacetalks sa muslim at maoist insurgents. Ito ang priority at unahing gawin ng bagong Kalihim at Kongresman na si Teodoro at ng Malakanyang bago maglunsad ng gera sa Mindanao.

Doy Cinco / IPD

August 5, 2007

No comments: