(kuha mula sa: www.british-filipino.com/
Sa loob ng ilang dekadang pamamayagpag sa pulitika, bilang mga “kinatawan, representante,” may bilyong pisong "pork barrel" na pwedeng idispatcha at may mandato sa ilalim ng batas na estratehikong matugunan at resolbahin ang BAHA. Isang halimbawa, sa pamamagitan ng mga panukalang magkaroon ng isang efficient, epektibong mga programa at mekanismo para sa maisaayos ang solid waste disposal, ang sistemang sewerage at flood control projects sa kalakhang Maynila. Magkaroon man lang ng sustinidong panawagang "clean and green," estratehikong mga proyekto na magtitiyak at magpapalaganap ng proteksyon para sa ating mga watershed at punung kahoy at pagsasapasa ng panukalang "total log ban?"
Panay pansarili't pamumulitika, (mare-elect muli) na lamang ang kanilang inatupag, Kasal-Binyag-Libing, pagpapatayo ng wala sa kalidad at mamahaling highway at tulay, overlay (pulpul na pagpapa-ispalto), “Mega projects,” airport, waiting shed na pawang pangungurakot. Dahil sa taglay nitong kapangyarihan at tungkulin, nagawa sana nitong maging katuwang o alalayan (pondohan) ang mga organisasyon ng mamamayan sa komunidad sa tungkuling at papel bilang aktibong kasapi ng mamamayan (civic oriented), ano ba ang mai-aambag o counterpart ng taumbayan sa ika-aayos ng pamayanan upang maresolba ang walang katapusang suliraning pagbaha sa Metro Manila? (KUha mula sa: newsimg.bbc.co.uk/.../
Kinagisnan na natin ang BAHA sa panahon ni Marcos, sa panahon ni Cory, ni FVR hanggang sa kasalukuyan, sa panahon ni Ate Glo, may baha. Turuan ng turuan kundi DPWH, LGUs, MMDA, mamamayan ang palagiang palusot na buntungan ng hininga. Halos apat hanggang tatlong DEKADANG (3 – 4 decades) walang nangyari sa problemang baha. Kung naresolba na ito sa ibang lunsod sa Asia-Pasipiko at iba na ang antas ng kanilang suliranin nireresolba, sa Pilipinas nananatiling basic at simple ang problema.
Sabihin na nating totoo na dahil sa mga basura na bumara sa mga drainage system, mga maralitang lungsod na dahil sa kawalan ng matitirikang tahanan ay napilitang magtirik ng barong-barong sa mga estero, ilalim ng tulay at tabing ilog at paggamit ng talamak na plastic na ginagamit bilang supot sa mga supermarket, grocery at tindahan.
Ang tanong ni Mang Pandoy, bilang mga "lider," nagsagawa ba sila ng edukasyon o kampanya kontra BAHA sa kanilang mga constituencies? Bakit hindi inasahan, na foresight ng ating mga “KINATAWAN” ang paulit-ulit na baha, irehabilitate ang mga drainage system, nagawan ng batas o provision para mairelocate at bigyan ng masisilungan ang ating mga kababayan kapos palad at ganap na ipagbawal ang paggamit ng plastic (Bio non-degradable na bagay) ?
Masyadong reactionary, ura-urada, bara-barabay ang istilo ng mga pulitiko. Ang dapat na regular na tungkulin at gawain ng isang Punong Bayan o Tongresman, ibig sabihin hindi nakailangan hintaying ang tag-ulan o bumaha. Ang sistema, karaka-rakang biglaang may demolisyon (iligal pa't wala pang malinaw na relokasyon), biglaang anunsyong magsasagawa ng dredging ng mga estero't mga ilog at biglaang kaliwa't kanang paghuhukay ng wala sa tayming sa mga lansangan na siya namang nagke-create ng matinding trapiko.
Dahil sa BAHA, malaki ang nasasayang salapi, buhay, resources at panahon ang kinaukulan baha. Ilang eskwelahan ang napaparalisado, nahihinto sa pag-aaral ang mga bata dahil sa baha. Ilang bata ang naapektuhan ng kalidad ng edukasyon at pagkakasakit, libu-libong kawani ng pamahalaan , mga manggagawa sa pabrika ang naapektuhan, ilang daang libong commuter at mga motorista sa lansangan ang nai-istranded dahil sa baha, ilang libong palayan at tanim ang nawawasak dahil sa baha at higit sa lahat, ilang buhay ang naibubuwis dahil sa landslide, nalulunud, nawawasak na tirahan at inprastruktura dahil baha?
Doy Cinco / IPD
August 18, 2007
No comments:
Post a Comment