Sa kabila nito, sila pa rin ang bida, sikat, sila pa rin ang pinapupurian, ipinagmamalaki, itinuturing “political machinery, pag-asa ng bayan at katuwang” ng Malakanyang sa kapangyarihan. Sila ang bumubuo ng halos karamihan (170) sa Kongreso na nasa ilalim ng Partidong Lakas-CMD, KAMPI, NPC, NP at LP. Sila ang mga pusakal, talamak na mga pulitiko, sila ang tumatabo buwan-buwan sa anyo ng pork barrel, cash gift, pakimkim, token at good-will mula sa Malakanyang, sa mga Chineses TAIPANs, mula sa gambling Lord at Drug Lord.
Mula ng maitatag ang Kongreso sa Pilipinas sa ilalim ng gubyernong kolonyal (Amerika, 1907), may halos isandaang taon na ang nakalipas, landed elite ang malaking bilang o halos kabuuang bumubuo rito, meaning, mga casique na kung tawagin ng Kaliwa ay mga malalaking panginoong maylupa. Mayroon na ring paksyon ng elite noon, may kunya-kunyariang partidong nakatayo na kung halimbawang kaaway ng CLAN ang nasa kabilang panig, dito ka sa isang panig o partido'; ang Federal Party, Nacionalista Party. Dalawang partido pulitikal ang nagtunggalisapulitka bago hanggang matapos ang Ikalawang Pandaigdigang Digmaan (WW2).
(Larawan sa taas: Philippine Assembly 1907 and 13th Congress, www.pcij.org/.../06/
Kung ganyan noon, ganito pa rin ngayon. Kung noon ay naimintina sa two party system (2 factions of elite) ang pulitika, mas lumaki at sumikip ang paksyong pulitikal ngayon. Mga luma at recycled na Partidong LAKAS-CMD, KAMPI, Nationalist Peolpe's Coalition (NPC), kabilang ang LP at NP, ang partidong nagdomina ng halos ilang dekada sa politika ang namamayani sa kasalukuyan.
Kung may Kumprador, warlordismo at clan politics noon, nananatili ito sa ngayon. Kaya lang, ang pinagsamang kayamanan at kapangyarihan, bukod sa nakagawiang RENT SEEKING sa gubyerno ay nagmumula na sa kakaibang dagdag na RAKET ng pulitiko; REAL ESTATE developer, Mining, Bangkero, mga malalaking stocksbroker, mga bigating professionals at negosyante at malalaking kontratista.
Noon at ngayon, parehong may ibinubuwis na buhay tuwing halalan. Kung walang nabago sa political mainstream, may ilang umeksenang bagong political players ngayon na nakapag-impluwensya sa takbo ng pampulitika sa bansa, ang implewensya ng malalaking negosyo (Taipans-Danding Cojuango, Lucio Tan, Henry Sy, Gocongwei at ibapa), media (ABS-CBN,GMA 7, PDI) simbahan (CBCP, Iglesia ni Kristo, Protestante), gambling lord (Bong Pineda) at drug lords. Sila ang mga proxy, mga nasa likod ng mga nailulukluk na pulitiko, sila ang mga financier at padrino ng mga nasa Kongreso, Senado, maging ang mga nasa Malakanyang at Judiciary.
Track record ng Kongreso
Kung susumahin ang mahigit isang daang taong pamamalagi ng Kongreso, mas ang sari-sarili nila ng mga nasa kapangyarihan ang nakinabang at maaring sabihing naging anti-Pilipino pa ang Kongreso sa kasaysayan.
Imbis na legislation o gawaing pagsasa-batas na may impak sa pangkalahatan lipunan at oversight, mas ang pangunahin binigyang pansin ang public services ng mga kinatawan. Kaya't ang lumalabas, mas kinumpetensya nito ang papel ng ehekutibong lokal sa kanyang distritong nasasakupan. Mababaw at napaka-Parokyal ang interest at pansin ng mga pulitiko. Tulad ng gawaing sa LGUs, gobernador, mayor at barangay na pawang mga horizontal-infra projects; kalsada, waiting shed, basketball court/solar drier, scholarship, pagpapalit ng pangalan ng paaralan at iba pa ang sentrong tutok ng mga Kongresman.
Dahil mga sarili nila ang tatamaan at puntirya, wala itong nagawa upang maisareporma ang sistemang electoral at pulitika sa bansa at mapatigil ang political killing, dukutan ng mga aktibista't mga mediamen. Hindi nito nabigyang pansin upang palakasin ang industria't ekonomya ng bansa at buwagin ang anti-Pilipinong AUTOMATIC APPROPRIATION o ang patuloy na pagbabayad sa mahigit anim na trilyong pisong utang (P6.0 trilyon) na 'di napakinabangan ng bansa. Mas ang itinulak ay mga panukalang privatization at deregulation, ang pagtalima sa globalization, ang pag-eengganyo ng mga dayuhang mangangalakal.
Walang inatupag ang Kongreso, kundi man kinontra pa nito ang matagal ng inaasam-sam na reporma sa pulitika, "ang PROPORTIONAL REPRESENTATION o ang paglaki ng sistemang Party List, pagpapalakas ng POLITICAL PARTY at partisipasyon ng mamamayan, pagpapalakas ng pampulitika't demokratikong institusyon (Comelec). Wala siyang trinabaho upang unti-unting gibain at i-dismantle ang political clan, dinastiya, personalidad at TRAPO politics."
Sa loob ng ilang dekada at anim na taon sa ilalim ng rehimengni Ate Glo, bayad utang at pagtalima sa political survival ng pangulo ang naging trabaho ng mga KAWATAN o kinatawan sa KONGRESO. Wala silang ipinasang panukala na magpapaunlad sa country at magbibigyang hustisya sa mga biktima ng kalupitan ng diktadurang Marcos (CLAIMANT 1081). Kung sa bagay, dahil mga padrino ang nag naglukluk sa kanila, padrino rin ang kanilang pinaglilingkuran. Nailukluk sila ng MAKINARYA, command votes-VOTE BUYING, PADRINO, political clan at pananakot.
Dalawang beses itong nanawagang ipatigil ang barangay at SK election, sa dahilang "magastos at walang katuturan, sasayangin lamang daw ule nito ang bilyong pisong pondo, magiging magulo't madugo, marumi't dayaan lamang ang nasabing ehersisyong politikal." Dahil sa pagsasayang daw ito ng panahon, para sa Kongreso, “sana maidivert na lamang daw ang pondo sa ibang mga importanteng adhikain.”
Sa utos ng Malakanayang, katuwang ang ULAP at LPP, kahit napaka-unpopular sa mata ng mundo at mamamayan, garapal pa ring itinulak ng Kongreso ang Cha Cha, sa paraang Constitutional Assembly o Con As. Naging kasangkapan sila sa pipol initiative, ang pagpapirma hanggang sa barangay.(Larawan sa baba: newsimg.bbc.co.uk/.../
Sa utos at panunuhol ng Malakyang, upang isabatas ang ANTI-TERRORISM BILL o ang Human Security Act, nirail road ito sa Kongreso, bilang pagtalima sa pandaigdigang panawagan ni Uncle Sam sa "War on Terrorism." Wala silang ginawa upang sawatain ang EO 464, ang emergency power at higit sa lahat ang dalawang impeachment complaint na isinalang sa Kongreso.
Nakinabang at nabalatuhan ang Kongreso sa walang katapusang suhol sa bawat mga batas na itinulak ng Malakanyang; mula sa pagsasabatas ng E-VAT, EPIRA LAW, ang Jose Pidal (unang ginoo at tanging esposong si Mike Arroyo), ang cashunduang $2.0 milllion (P 95.0 milyon) Impsa power plant ng dating kalihim na si Hernani Perez, si Abalos sa P 1.3 billiong Mega Pacific Comelec Computerization SCAM at $600.0 million o P20.0 bilyong kickback sa bagong ZTE at Cyber Education contract, ang Hello Garci Dagdag-Bawas controversy at pekeng digmaan sa Mindanao, ang P728.0 million Joc joc Bolante ng Fertilizer fund scam, Piatco Naia 3 scam, ang P 1.1 billion overpriced na Macapagal blvd, ang P 28.0 billion Northrail projects at iba pa.
Sa kasalukuyan, kaparte ang Kongreso sa sunud-sunod at kaliwat kanang katiwalian at pangungurakot, "backoff" at suhulan sa ZTE Broadband, LGUs, sa mga Kongresman, ang Glorieta 2 bombing-diversionary tactics, pardon sa dating Presidenteng si Erap Estrada at ikatlong impeachment complaint na kadalasa'y dead on arrival sa mga komite sa Kongreso. Malaki ang pananagutan ang Kongreso sa lumalalang krisis pang-ekonomyang idudulot ng pagtaas ng presyo ng langis at patuloy ang pamumudmud ng atik, kurakot, mismanagement o bad governance ng Malakanyang.
Dahil sa buluk at inaamag na sistemang pulitika, hindi tayo nagtataka kung bakit ilang dekada ng WEAK at vulnerable sa political uncertainty ang estado. Isang "banana republic ang Pilipinas, isang bansang may palagiang insureksyon, rebelyon at banta ng KUDETA." Kadalasa'y kung kanino nakasandig ang military, nasa kanya ang pampulitikang poder ng kapangyarihan.
Nakagawian na ang pandarambong sa gubyerno't sa Kongreso. Mula pa noong panahon ng kolonyalismo hanggang sa panahon ng republika, hindi na bago't nakagawian na ang pangungurakot sa gubyerno, ito may sa maraming ahensya, sa Tongreso, sa Malakanyang at sa lokal na gubyerno. Ang cardinal rule, rekisito't usapin na lamang ay dapat "huwag pahuhuli at everybody happy."
Segunda sa ranking ang Pilipinas sa Asia sa pangungurakot, ayon sa pamantayan ng Transparency and Accountability Network (TAN), isang pandaigdigang institusyong nagmomonitor at nagsusuri ng katiwalian sa mundo.
Kung sa Thailand kamakailan lamang (bagamat may debate sa hanay ng progresibo), sa basbas ng Monarkiya't gubyernong militar, upang agarang masawata ang papalalang pangungurakot at pandarambong sa gubyerno, pinatalsik ang Prime Minister, pansamantalang ipinasara ang inaamag na kongreso, TRAPONG mga partido politikal at mga pahayagang kontrolado't impluwensya ng mga pulitiko. Mukhang irereporma't io-overhaul ang Konstitusyon, kasunod ang pagbabalik sa normalcy ng politika at pagkakaroon ng election.
Ang TRAHEDYA at ang malungkot sa atin, hinahangaan, ibinoboto ng marami, ginagawang ninong at ninang sa binyag at kasalan, iniimbitahang magsalita sa graduation rites ng mga paaralan at resource person sa mga pagtitipon at mga parangal, aktibo sa mga civic action at kawanggawa, pinakamalaking magbigay ng donasyon sa simbahan, abuloy sa patay, at higit sa lahat, tinutularan at ginagawang modelo.
Doy Cinco /IPD
November 7, 2077
No comments:
Post a Comment