Friday, November 23, 2007

Bagyong MINA, pagpipiestahan ule ng mga buwitreng pulitiko

Ang babalang ito ay hindi para mangutya at mag-insulto sa mga pulitiko at sa mga Kinatawan (Tongresman) raw ng mamamayan, bagamat may ilan ding seryoso o bilang sa daliring matitinong pulitiko, sa panahon ng pananalasa ng Bagyong Mina sa bansa, ang kalakhan dito ay asahan nating "gagawa ng kababalaghan at magga-grandstanding, magyayabang (photo ops) o magkokonsolida't mamumulitika para sa nalalapit na 2010 election." (Larawan: Soldiers carry children from a military truck which arrived at an evacuation center in Legazpi, Albay yesterday. Photo by EDD GUMBAN /http://www.philstar.com/ )

Bukud sa may ilalaang daang milyong pisong (P100.0 milyon) pondo ang Malakanyang na pararatingin sa kanyang mga lokal na makinartya, sa probinsya hanggang munisipalidad, atin imonitor at bantayan ang daloy ng pondo, lalong lalo na ang RELIEF at REHABILITATION na karaniwang tulong na nangagaling sa mga mayayamang bansa, na isasagawa't papapilan ng mga pulitiko.

Tulad ng mga nagdaang panahon (Bagyong Milenyo), ang mga RELIEF GOODS tulad ng naggagandahang mga TENT ay kakangkunginng mga pulitiko, itatago ang marami at ilan lamang ang ipamamahagi. Ang mga naggagandahang makakapal na KUMOT na karaniwa'y gawa sa SILK, ay piyadong papalitan ng mumurahing telang galing sa Divisoria. Ang mga matitinong mga damit ay pinapalitan ng mga UKAY-UKAY na nagkakahalaga lamang ng tatlo-isang daang piso. Ang mga inported na karnenorteng mga dilata at Maling ay papalitan ng mga mumurahing sardinas at noodles. Ang mga masasarap at first class na dinorado at sinangdomeng na bigas ay sasalisihan ng pipitsugin kundi man lumang NFA rice.

Ganito ka garapal ang ating mga pulitiko, ang ating mga kinatawan sa Kongreso, ganito kalungkot ang nangyari matapos pumutok ang Mt Pinatubo, Mayon sa Albay at Bulusan sa Sorsogon. Ganito palagi ang nangyayari at posibleng mangyari sa tuwing may natural na kalamidad; bagyo, lindol, landslide at baha sa ating abang mga komunidad at man made calamity (counter insurgency sa Mindanao). "Doble knock-out ang inaabot ng ating mamamayan; biktima na nga ng kalamidad, pagnanakawan, pagkakaitan, gagamitin, pagsasamantalahan at pagkakakitaan pa ng mga pulitiko."

Nangyayari ito hindi lamang sa Pilipins, maging sa ibang maralitang bansang tulad ng Peru, sa Africa at Bangladesh.


Accountable ang mga Pulitiko
Dahil sa tindi ng karalitaan, napaka-imposibleng mangyari ang inaasam-asam na "ZERO CASUALTY" ni Ate Glo. Hindi naman tayo kasing unlad ng mga mayayamang bansang tulad ng Hapon at Amerika. Ang tinitirikang mga kabahayan ng mga maralita (urban man o rural setting) ay napaka-vurnerable sa natural na kalamidad; nasa mga baybayin (Parola sa Tondo), tabing ILOG (Pampanga at Bulacan) at nasa ilalim ng tulay, nasa tabi o nasa paanan ng bulkan at kabundukang nakakalbo (prone to landslide), barong-barong o mga light materials ang istruktura ng mga kabahayan at relatibong hindi gaanong naisasa-ayos ang zoning at density.


Bukud sa abang kalagayan, aasahang lalaganap ang looting (tansong kawad ng kuryente) ng mga mapipinsalang mga transmission o poste-tower ng NAPOCOR/Meralco. Malaki ang pananagutan ng mga pulitiko sa mga killer billboard na matagal ng pinaplanong alisin na nananatiling nakabalagbag sa kahabaan ng EDSA. Ang paglilinis ng mga barado, luma at maliliit na drainage system sa ating mga lunsod at ang pagbabawal sa paggamit ng plastic (supot) ng mga supermarket at department store sa bansa. (Larawan: Billboard sa ESDA: http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=100199)

Malaki ang naging pagkukulang ng mga pulitiko na paghandaan ang pananalanta ng mga paulit-ulit na kalamidad sa ating bansa. Ang DISASTER PREPAREDNESS (hanggang barangay level) na kahit paano'y magmiminimized sa impak ng kalamidad sa mga komunidad na dapat pangunahan ng mga pulitiko ay halos wala o wala sa guni-guni ng ating mga pulitiko, dahil ba'y sa walang mahihitang dilhensya sa programang ito?

May mga panahong mas malaki ang nagiging papel ng mga NGOs, ng simbahan at media na direkta ng makipag-engaged sa gawaing relief and rehabilitation sa bansa. Para makasiguradong makakaabot sa mga biktima ng kalamidad, malaking bilang ng mga FUNDING AGENCY mula sa ibayong dagat o sa mga International Relief organization ng mundo ay diretsa ng ichini-channel sa non-government organization at hindi na sa mga ahensya ng gubyerno o sa mga LGUs.

Kaya lang, sa kabila ng kalunos-lunos na kalagayan ng ating mga komunidad, ang mga buwitre at mga magnanakaw na nahalal at nailukluk sa Kongreso at lokal na gubyerno ay lalabas na siya pang bida, sikat at hulog ng langit na dinidiyos at tinitingala ng ating mga kababayan.

Doy Cinco / IPD
Nov 24, 2007

No comments: