Thursday, November 22, 2007

Nuns call for Arroyo's resignation

Nakakabilib naman itong mga kamadrehang ito, hindi lang masarap ang UBE nila, aktibistang astig pa, solid, consistent, may political impak, dinaig pa ang mga kaparian sa CBCP, maralitang taga-lunsod, sektor ng manggagawa at magsasaka. Mukhang ito na lamang grupo ang hindi nasusupalpalan at nasusuhulan! Kaya lang, baka sa kamakalawa, baka isa-isahing gapanganing sila ng mga operador (Sec Puno) at ahente ng Malakanyang.

“Masuerte” lang talaga itong si Ate Glo. Sa gitna ng katindihan ng krisis pangkabuhayan at pulitika, tiempong mahina ang dolyar at lumalakas ang Piso, lumalaki ang remitances mula sa OFW , "lumalago ang klima ng negosyo" sa Asia at walang nakikitang alternative na pwedeng humalili sa kanya. Kung nangyari ito sa Africa, sa Latin Amerika at maraming bansa sa Asia, tulad ni Erap Estrada, matagal ng siyang pinulot sa kangkungan. Kaya lang, mukhang sinuswerte lang, bukud sa "mahina ang political opposition, naka tingala sa 2010 ang karamihan, umalagwa't nawala sa sirkulo ang panggitnang pwersa (abala sa pag-aalsa balutan at economic survival), nasa malubhang ideological crisis ang pwersang kaliwa, dis-oriented at nanghina't watak-watak.

Kung sakali
ng ipagkanulo at traydurin (sa pammagitan ng mga Amboy na General sa AFP) siya ni Uncle Sam, ipitin siya ng malalaking negosyong kapital ng mga Amerikano at kanluraning bansa, may mahihingan siya ng saklolo, may tiyak siyang tatakbuhan, ang makapangyarihang Chinese Mainland, ang negosyo't kapital na handang umagapay at kumalinga sa Malakanyang.
-Doy Cinco / IPD
Nov 23, 2007

Source: http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=100081
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=100077

Nuns from the Sisters of Good Shepherd are calling for President Arroyo's resignation following issues that continued to hound her administration.

The Sisters of Good Shepherd were conducting their provincial assembly Nov. 12 to 14 when the bomb attack at the Batasan Pambansa Complex that killed four people including Basilan Rep. Wahab Akbar occurred. (Larawan: Mga Kamadrihan ng Sisters of Good Shepherds, Philippines)

The incident prompted them to hold discussions on the country's situation and decided to craft and sign a declaration asking President Arroyo to resign.

"Moral bankruptcy of the government na parang wala na siyang karapatang mag-lead sa mamamayang Pilipino lalo na ang ating gubyerno ay hindi na natin maasahan na sila pa talaga ang nai-involve sa mga bribery, graft and corruption,"
said Sr. Maureen Catabian, Chairperson
of the W-JPIC, Sisters of Good Shepherds, Philippines.

(Moral bankruptcy of the government that says that she no longer has a right to lead the Filipino people especially that we can no longer rely on the government which is involved in bribery, graft and corruption.)


Reports said the nuns of the Sisters of Good Shepherds were active participants against martial law during the 70's.

The nun portrayed by actress and now Batangas Gov. Vilma Santos in the movie "Sister Stella L" was the story of Sister Christine Tan and Connie Ledesma of Good Shepherd.


In the light of the divided opinion of the Catholic Church on the issue, some priests still admired the sisters' bravery for the declaration.


"Sana magkaisa ang simbahan doon sa pag-condemn o pag-denounce doon sa moral bankruptcy (We hope that the church would unite to condemn or denounce moral bankruptcy)," Sister Catabian said.


The nuns were also shocked with Mrs. Arroyo's statement during the Association of Southeast Asian Nations Summit condemning the violation of human rights in connection with the military junta in Myanmar.

"Tingnan niya muna ang sariling bakuran sa Pilipinas na ano ba ang ginagawa doon sa mga sunod-sunod na issue [na] mga scandals and scams iyung extrajudicial killings di ba na internationally na-condemn na tayo ng community. Pinapaalam na sa gobyerno natin na hindi tama iyung nangyayari pero parang hindi ganoon kasigasig iyung gubyerno para
tutukan ito," added Sister Catabian.

(She should look at her own backyard Philippines on what is being done on the successive issues of scandals and scams, extrajudicial killings which have been condemned by the international community. The government was being put on notice that what was happening was not right but the government seems not intent on focusing on these.)

No comments: