Wednesday, November 28, 2007

Alston report: AFP behind killings. Report rejects RP claim of Red purge

Nanatiling kontrolado't aali-aligid ang anino ng Martial Law sa bansa. Kung matatandaan, buong yabang at hayagang ibinandila ni Ate Glo na "bago magtapos raw ang kanyang termino sa 2010, wala na ang CPP-NPA, wala na ang MNLF at MILF," anya, "buburahin at dudurugin nito sa loob ng tatlong taon ang lahat ng klase ng rebelyon at insureksyon sa mapa ng Pilipinas." Ito ang mensaheng binitiwan ni Ate Glo sa harap ng mga Generals sa AFP may halos isang taon na ang nakalipas. Upang ganap na magkabisa ang nasabing programa, naglaan ito ng mahigit isang bilyong piso (P1.0 billion) para pursigidong ipatupad ang kampanya laban sa insureksyon at rebelyon (anti-insurgency campaign).

Naghudyat ito upang ang mga pasistang Generals sa AFP ay magsimulang upakan ang mga kaaway at kritiko ng Malakanyang. Bagamat nahati sa ilang FACTION ang AFP, isa sa masugit na tumugon sa kampanya ay ang palpak na berdugong si General Palparan. Ang resulta, ayon sa Amnesty International (AI), tumindi ang extra-judicial killings sa buong kapuluan at dahil dito, nakilalang mas matindi pa sa Burma, sa North Korea, sa Afghanistan, bilang pinakamalalang sumusuway at 'di gumagalang sa karapatang pantao ang Pilipinas. (Larawan sa itaas: Gen Palparan, amadeo.blog.com/repository/40432/646976.jpg)

Ang problema, hindi ito natututo, hindi nito tinutumbuk ang ugat ng rebelyon, ang demokratization sa bansa, ang political, electoral reform at ang karalitaan. Pati ang mga lehitimong mga People's Organization (POs-NGOs), mga aktibistang media practitioners, mga demokratikong kilusang pwersa (moderate-Rep Riza Hontiverosng Akbayan) na kritiko ng CPP-NPA ay idinamay nito.


Hindi pa nakontento, may tendensiyang gusto pa nitong ibalik ang paghaharing militar, kundi
man, ang pagpapanumbalik ng “anti-subversion law,” na isa ng kasaysayan at ganap ng inilibing nuong panahon ni Presidente Ramos.

Kaya lang, sa halip na humina ang rebelyon (ideological crisis sa loob), mas sumigla, naging bitamina, fertilizer pa sa mga kaaway ang nasabing kampanyang militarisasyon laban sa CPP_NPA. Tulad ng inaasahan, total denial si Gen Esperon sa report
ni Philip Alston ng UN Human Rights Council.

-Doy Cinco / IPD
Nov 27, 2007
Inquirer
MANILA, Philippines--"STRIKINGLY UNCONVINCING" IS HOW A United Nations special rapporteur has dismissed the claim of Philippine authorities that the extrajudicial killings of leftist activists were a result of internal purges in the communist ranks.(Larawan: Philip Alston, http://www.extrajudicialexecutions.org/reports/dialogues/hrc_second_session/img/alston.jpg)

Philip Alston, an Australian academic assigned by the UN Human Rights Council to look into the executions that have drawn international outrage, said in his final report released on Monday that the Armed Forces of the Philippines had killed leftist activists as part of a campaign against communist insurgents.

"In some parts of the country, the Armed Forces have followed a deliberate strategy of systematically hunting down the leaders of leftist organizations," said Alston, a professor of law at New York University. He said the executions had "eliminated civil society leaders, including human rights defenders, trade unionists and land reform advocates, intimidated a vast number of civil society actors,and narrowed the country's political discourse."

The complete piece is at: http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view_article.php?article_id=103513

No comments: