Wednesday, November 14, 2007

CONGRESS BLAST: Gawa ng iba't-ibang POLITICAL FACTION within the RULING ELITE

Isang matinding dagok sa mukha ng ESTADO ang atakeng pagsabog sa Kongreso na ikinamatay ng apat na katao, kabilang si Cong Wahab Akbar, ang kontrobersyal na pulitiko ng Basilan at sampu (10) pang mga sugatang kinabibilangan ng mga kawani sa Kongreso. Ang atakeng pagsabog ang "kauna-unahang insidente sa kasaysayan ng Kongreso (100 years) sa ilalim ng gubyernong bangkang papel ni Ate Glo."

Ang Kongreso,
bilang sentrong institusyon politikal ng estado, ang isa sa sinasabing pinaka-secured na central government building sa bansa at ang atake rito ay isang maliwanag na "political statement" laban sa tumutuligsa ng sistemang pulitika, sa Malakanyang o sa ibang grupong nagtatangkang magsamantala at mang-agaw ng kapangyarihan, meaning, ano mang oras, tulad sa kaso ng Pakistan at mag-alaMarcos, maari nitong idiklara ang emergency power o Martial Law at kitlin ang karapatan ng demokratikong pwersang kilusan sa Pilipins. Kung kayang isagawa ito sa Kongreso, sa Glorietta 2, walang dahilan kung bakit hindi nito kayang atakihin ang ano mang mahahalagang gusali at ilang pulitikong personalidad sa bansa.

Isa itong palatandaan
na lubhang malalim at malala na nga ang kabulukan, ang hidwaan sa hanay ng political ELITE, "sa pagitan ni Ate Glo at JDV-FVR at iba pang maimpluwensyang paksyon sa loob ng Malakanyang" at kung hindi mareresolba, maaring humantong sa paglubog ng barkong pulitikal na lahat sila'y pare-parehong damay.

Kaya lang, para sa k
araniwang mamamayan, ang Malakanyang at Kongreso na siyang sentro ng kapangyarihan ay larawan ng inaamag na sistemang pulitika sa bansa, simbolo ng kabulukan, katiwalian, suhulan, pork barrel. Sabi nga ni Neal Cruz ng Inquirer; "Now I am ready to believe that the Batasan blast was caused by methane gas."

Why? Because of three things:

1. Methane is produced by rotting garbage. The Batasan is full of dirt and trash, di ba?
2. Methane is produced by shit, and members of the Batasan are full of shit.
3. Methane is produced in a septic tank. The Batasan is one big septic tank.

Hindi pa nga tapos ang inbistigasyon sa Glorietta 2 Blast noong nakaraang buwan, na iniugnay sa isang aksidente, sa katawa-tawang POSO NEGRO theory, ang atake sa Kongreso ay mas lalo pang nagpalala at nagpatindi ng political uncertainty sa bansa.

Ayon sa inisyal na inbistigasyon ng Philippine National Police (PNP) at Kalihim ng Department of Interior Local Government (DILG) na si Sec Puno, political assasination plot kay Cong Wahab Akbar at hindi isang terror attack ang motibo ng pambobomba.” “Ang pagsabog ay nagmula sa mga nakaparadang motorsiklo sa entrada ng South wing ng Kongreso at sa pamamagitan ng isang controlled cell phone, naitrigger ito't pinasabugan ang mga target.” Pati ang walang kamuang-muang na TIANGGIAN-talipapa sa loob ng Kongreso ay pinagsuspetsahan. Sa ilang mga nakakita, “ang pagsabog ay mula sa bungad, sa may entrada-main entrance-lobby ng South Wing ng Congress at pinabulaanang galing sa motorsiklo at sa sasakyang SUV ni Cong Wahab Akbar."

Naglabas agad ng pahayag si Ate Glo at “nanawagang iwasan muna ang mga haka-haka, paratang at sabi-sabi na maaring makalikha ng kaguluhan takot at hidwaan,” Ayon sa ulat ng PNP, mukhang palalabasing isang “simpleng assasination plot o personal na away” kay Cong Wahab Akbar ang nangyari at ang direksyong tinutumbok, tulad ng dati, Abu Sayaff Group (ASG).

Bago pumalaot sa pulitika, isang dating komander ng MNLF si Cong Wahab Akbar na kalauna'y naging maimpluwensyang pinuno ng Abu Sayaff Group (ASG). Siyam (9) na taong hinawakan ang gobernatorial position sa probinsya, naipasa nito ang trono sa isa niyang asawa. Mayor ng Isabel, Basilan ang isa pa niyang asawa, habang ang ikatlong asawa ay kamuntikanang nanalo sa bayan ng Lamitan, Basilan noong katatapos na 2007 election.

Tulad ng mga Ampatuan ng Maguindanao, malapit sa mga General (Esperon)at sa matataas na pulitiko sa Malakanyang si Cong Wahab Akbar. Sa loob ng ilang taong sa kapangyarihan, naitayo nito ang mahigit kumulang na ilang libong miembro (para-mility) ng private army sa Basilan, isa sa pinakamalaki sa bansa. Karaniwang supplier ng kanyang armas-armory ay ang koneksyon nito sa matataas na opisyal ng AFP.

Ang kampanyang kontra terorismo ng US at Malakanyang na kadalasa'y nabubuhay at binubuhay tuwing ikatlong taon ay hinihinalang gawa-gawa lamang ni Cong Wahab Akbar at ilang may utak pulburang mga Generals sa AFP. Layon ng pekeng digmaan na makapag-create ng senaryong lumalakas ang ASG kahit 'di totoo. Pangalawa, engganyuhin ang bansang Amerikang mas itaas ang military aid nito sa AFP, hilinging maitaas ang budget (share) ng AFP sa national budget, maliban sa promosyon, sumikat at pagkakitaan ng ilang tiwaling General sa AFP ang pekeng GERA.

Maaaring magkaka-ugnay ang pagpapasabog sa Kongreso at Glorietta 2. Kung babalikan, bukud sa “helo garcis controversy" at impeachment complaint (3 beses), ang iskandalong ng ZTE-Broadband (Sec may 200 ka rito at backoff ni Mike Arroyo) at ang panibagong P120.0 milyong suhulan sa breakfast meeting sa Malakanyanag na humantong sa isang mega-exposay ni Gov Among Ed ng Pampanga. Kung ang Glorietta 2 ang sentro ng negosyo sa bansa, ang Kongreso ay sentrong gusali naman ng pampulitikang kapangyarihan sa bansa.

POSIBLENG ANGGULO
Tulad ng Glorietta 2 , diversionary tactics na naglalayong guluhin, ilito't pagtakpan ang lumalalang isyu ng katiwalian, kurakot at bad governance ni Ate Glo at ang nagdisenyo't utak (Glorietta 2 blast) nito ayon kay Sen Trillanes ay ang sabwatan ni Gen.Esperon at Sec Norberto Gonzales.

Walang dudang may kaugnayan ang Glorietta 2 blast sa pagbomba sa Kongreso, bilang diversionary tactics at destabilization effort sa loob ng kampo at hidwaan sa pagitan ng iba't-ibang faction ng RULING ELITE
ng Malakanyang; Nataon ang pagsabog sa umiinit na isyu ng ZTE broadband, gift giving sa Malakanyang, ang muling pagbubukas ng investigation sa Senate, ang impeachment complaint sa Kamara, ang kaliwa't kanang panawagang “SNAP at RESIGN GMA-Noli de Castro" at ibang mga popular na bersyong on line petition kontra sa Malakanyang.

Napabalitang may nilutong "Palace Coup (ala-Pakistan)" ng ilang matataas na opisyal ng AFP at maimpluwensyang personalidd sa Malakanyang upang siguruhing magtutuloy-tuloy sa kapanangyarihan ang isang paksyon ng ruling elite beyond 2010 sa Malakanyang. Bukud sa hidwaan ng mga dating AFP generals na malapit kay Ate Glo sa Malakanyang, si General Esperon na malapit ng magretiro sa pagkaka-AFP chief of Staff (February, 2008) ang diumano'y siyang malapit-lapit na pasimuno, tumitimon at promotor ng "Palace Coup".

Bagamat remote, isang anggulong kinukunsidera, lalo na ng mga kaanak ni Cong Wahab Akbar ay ang tunggalian sa local politics. Maliban kay Garcillano at ng mga Ampatuan (Central Mindanao), kilalang operador ng Western Mindanao si Cong Wahab Akbar para sa partidong malapit sa Malakanyang at ang sunud-sunod na asasinasyon ng ilang opisyal na Comelec kamakailan ay malamang may kinalaman sa dagdag/bawas special ops ng mga operador.

Ang insidenteng pamumugot ng sampung (10) marines resulta ng enkwentrong paghahanap raw sa nakidnap na si Fr. Bossi ay isang tipikal na halimbawa ng pagkakakitaan (milyong dolyar na ransom). Sa kapabayaan o sa diumano'y utus ng ilang mataas na General sa Malakanyang, pinagpupugot ng mga grupong kabilang sa private army ni Cong Wahab Akbar ang tropang marines sa Basilan.

Hindi rin maisasa-isang tabi ang lakas ng pwersa at paksyong kinabibilangan ni Sec Ronaldo Puno ng DILG / PNP. Bihasa ang mersenaryong si Puno sa kiskisan at maniubrahang politikal at pinatunayan niya ito nuong panahon ni FVR, Erap Estrada hanggang sa panahon ni Ate Glo. Marami ang naniniwala na ang P120.0 milyong suhulan (governor at Kongresman) sa "breakfast meeting sa Malakanyang at ERAP pardon" ay gawa ni Sec Puno. Para kay Puno, isang paraan ito upang mapalakas ang ang kanyang grupo sa Malakanyang sa anyo ng “god save the queen.” Ito'y pagpapalakas ng baseng lokal (LGUs) bilang estrehiyang kontra-opensiba laban sa mga kaaway at laban sa isang paksyong (Sec Eduardo Ermita) malapit kay Ate Glo sa Malakanyang. Hindi maipagkakailang may malalim na hidwaan ang grupo ni Puno sa grupo nila Ermita, JDV at FVR. Hindi masamang isiping maaaring isa sa maaaring pagsuspetsahang utak ng pagpapasabog sa Glorietta 2 at Kongreso.
Ang nakakalungkot, tulad ng "POSO NEGRO THEORY," aasahang "damage control at cover up" na naman ang kalalabasan ng inbestigasyon.

Ang sigurado, ang pagpapasabog sa Kongreso ay isa lamang iskima o sustenidong paraan (power struggle) upang siguruhing malakas ang isang paksyon laban sa isa pang paksyon sa loob ng Malakanyang at babala sa mga kaaway sa pulitika ng Malakanyang.

Ang malungkot, kahit sino sa kanila, ano man ang mangyari, walang ganasya't pakinabang ang isang ordinaryong Pinoy. Maliwanag na tunggalian, hidwaan at political survival lamang ito ng isang elite faction sa loob ng RULING ELITE, ng mga dambuhala't may malalaking political at economic interest sa bansa.

Dahil sa kawalan ng pagtitiwala't kredibilidad ng ating mga kababayan, lalo na ang mga nasa paligid ng palasyo't ni Ate Glo, ano mang pahayag at pagsusuring gawin ang PNP, DILG o ang Malakanyang, walang NANINIWALA.


Doy Cinco / IPD
November 13, 2007

No comments: