Friday, November 16, 2007

Local Politics at ASG daw?

Tulad ng inaasahan, “matapos” ang tatlong araw na “pag-iimbistiga,” naibaling sa Local Politics at Abu Sayaff Group (ASG), hindi raw ito nakapatungkol sa KONGRESO at lalong wala raw itong kaugnayan sa lumalalalang krisis pulitikal na kumukubabaw sa country. Ayon sa PNP, bagamat sinasabing SOLVED na raw ang kaso, “di pa raw tapos ang kaso, wala pa raw kongklusyon.” Ang sigurado, nasa tatlong nahuling suspek na Abu Sayaff Group-ASG (raid sa Payatas) na lamang nakasalalay at ikatatagumpay ng kaso. Parang sinasabing, “may ginahasa, pero walang RAPIST.” Mukhang matutulad na naman ng Mega Pacific Automated Counting Machine SCAM ng Comelec, “may anomalya, may kumita, may katiwalian, pero walang nangurakot.” (larawan sa itaas: http://www.pacificnewscenter.com/clients/pacificnewscenter/11-14-2007-5-24-38-PM-4245769.JPG)

Halos ganito rin nagtapos ang inbistigasyon sa Glorietta Blast, "parang solve na, pero wala pang linaw, may kinukunsidera pang ibang anggulo at may magtutuloy-tuloy pang independent investigation.” Kung ating susuriin, papansinin, parehong alanganin, parehong open ended, parehong playing safe.

Nakakapanibago sa bilis ng resulta ang pinagsamang inbestigasyon ng PNP/AFP dito sa pagbobomba ng Kongreso. Habang nakatiwang-wang ang araw-araw na insidente ng carnapping at carjacking sa Kamaynilaan, ang asasinasyon ni Atty DALAIG,Comelec Legal officer, habang ginagago sila ni Atty Lintang Bedol (Comelec Chair ng Maguindanao) na 'di pa rin mahagilap ng PNP, blank wall sa mahigit anim na buwang kasong pagdukot kay Jonas Burgos, isang prominent activist, sa dalawang taga-UP students na dinukot sa Bulacan, sa ilang daang media practitioners at aktibistang pinaslang (political killings), ilang taong binilang sa kaso ni Nida Blanca, Bobby Dacer, ang bombahan sa Airport ng Davao at LRT may ilan taon na ang nakalilipas.

PLANTED
Sa huling insidente ng dalawang pagpasabog, KADUDA-DUDANG kompletos rekados ang ebidensyang mga nakalap sa raid sa Payatas, Quezon City. Kung POSO NEGRO ra
w ang Glorieta, ABU SAYAFF GROUP naman daw ang sa KONGRESO?

Dahil ba sa ito'y may P7.0 milyong reward, dahil ba sa nanggagaling sa itaas, sa mga bosing ang command, kay Sec Puno ng DILG, dahil ba sa may anggulong political survival ng pangulo ang nakasalalay sa insidente o dahil ba sa gustong magpalapad ng papel sa Malakanyang ang PNP/AFP?
(Photo:
Photo shows a congressional license plate, a deed of sale for a motorcycle, ID cards and other evidence seized from a house in Payatas, Quezon City where three alleged members of the Abu Sayyaf were killed during a police raid. Photo by AFP / http://www.philstar.com/)

Dahil daw sa "inaalis nito ang helmet sa tuwing dumadaan sa chek point ng Complex ang salarin, nakilala't natukoy ng security guard ng Batasang Complex ang dalawang motorsiklong ginamit sa pambobomba. Ang motorcycle bomb ay nagtugma sa lahat ng mga detalyeng mga dokumento na natagpuan sa numero ng chassis nito. "

Nakuha rin daw ang ID ni Indama na nagpakitang staff daw ito ng Deputy Speaker para sa Mindanao, kay Cong Gerry Salapuddin. Nakita ang ID card sa safehouse na niRAID kamakailan ng pinagsamang PNP at Militar sa Payatas, QC. Sa isinagawang RAID, narecovered daw ang 2 cal. 45 pistol, green Toyota Corolla (JBP-878) nakarehistro sa nagngangalang Fevalin P. Egipto, ng Candido st., Tetuan, Zamboanga City; isang deed of sale ng Honda XRM motorcycle na may chassis number XRM-13-066-203339 at may plakang IE-2549; cellphones; an iron file; special license plates na galing sa congress na may numero 8; isang black jacket na may tatak na House of Representatives seal; a white HoR t-shirt; isang itim na motorcycle helmet; at higit sa lahat, isang mga remote control na mga laruan.

Tulad sa karaniwang ginagawang mga raid at pagtatanim ng SHABU, Damo at armas, wakang kaduda-duda, mas may ilang libong mas kapani-paniwala na ang mga nakuhang mga detalyeng ebidensya sa raid ay PLANTED.

Masyadong mabilis at maagap ang "conclusion" ng PNP/Military na ASG nga talaga at nakapatungkol lamang kay Cong Akbar ang motibo ng pagpapasabog ng Kongreso, "parang mas dinaig pa ng PNP-SOCO (Scene of the Crime Operatives) ang CSI (malalim at scientific na klase ng pag-iimbestiga) ng Amerika, FBI, CIA, Mussad ng Israel at Scotland Yard ng UK. "

Sa totoo lang mahina na ang ASG sa Pilipinas at dahil sa ang PNP-AFP ang nag-aalaga rito, pinalalabas na malakas, kahit tiguk na.
“Bukud sa walang kasinti-sintido kumon ang rason at report ng PNP, na ang ASG nga ang may kagagawan at tinutukoy na salarin sa pagpaslang kay Cong Akbar, mas lumikha ito ng sandamak-mak na katanungan kay sa kasagutan. Kung totoo ito ang alegasyon at espekulasyon ng PNP, bakit sa Batasang Complex at bakit hindi sa Basilan isasagawa ang operation, kung saan daw matatagpuan ang balwarte ng ASG.” Sa isang urban "guerilla warfare, na sa taktika ang ruling na matapos ang isang operasyong militar, bukudsa maglilinis ka ngposibleng ebidensyanggrupo, logical lamang na iwas ka't magbago ka ng lokasyon (change location), kahit paano'y minimum na 10 kilometers mula sa Kongreso (atras sa Bulacan o Laguna area) at hindi ka tangang mananatili sa Payatas na wala pang dalawang kilometro ang layo mula sa pinangyarihan ng labanan, na kinukurdon na ng mga awtoridad."

Mas maraming iniwang katanungan sa kasagutan ang kalalabasang ng ulat ng PNP.

Bukud sa isang GURO, isang founder ng ASG si Cong Akbar, ilang taong kinanlong, prinotektahan at tinulungan ni Cong Akbar ang grupo (ASG), maliban pa sa mga RAKET, iligal na gawain at employment, sa kulturang Pinoy, utang na loob ang mangingibabaw.

Sa dinami-daming nakausap kong mga ordinaryong mamamayan, bicycle shop owner, security guard, taxi driver, kapitbahay, istambay sa kanto, barbero at mga vendor, natatawa na lang, WALANG NANINIWALA. Ultimo ang sektor ng Simbahan ay nagdududa. Kaduda-duda rin sa bahagi ng ilang Senador.

Ang persepsyon ng marami, “ang bombahan sa Glorietta, ang asasinasyon ni Dalaig at ang matinding pambobomba sa Kongreso ay walang dudang hindi magkahiwalay at walang kinalaman sa isa't-isa (magkakaugnay). Kung sinasabi ng PNP, sa utus ng kanilang bosing, ang mersenaryong si Sec Ronaldo Puno ng DILG na aksidente at POSO NEGRO theory ang Glorietta at Abu Sayaff Group (ASG) naman ay may kagagawan sa pambobomba sa Kongreso, mas may isang libong beses na kapani-paniwalang ang mga operdor ng MALAKANYANG ang may kagagawan, kung 'di si Sec Puno (DILG) at ilang matatas na general sa AFP."

Kung susundan ang background at galaw ni Sec Puno mula nuon at ngayon, mula sa pagiging operdor sa panahon ni FVR, ng Erap presidency, 2004 at 2007 presidential election, Cha Cha, People Innitiatives at pagpapapirma, ang pamumudmud ng P120.0 milyong suhulan sa Malakanyang breakfast ULAP-LPP-Congressmen , hanggang sa Erap Pardon, walang dudang siya ngayon ang pinala-sentro, pinakakontrobersyal at pinaka-maimpluwensyang operador ng Malakanyang.

Related stories/Click here for full article...: “Blaming Abus was convenient for probers”
http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view_article.php?article_id=101746

KONGRESO WALANG TIWALA SA PNPni Bernard Taguinod: http://www.abante-tonite.com/issue/nov1907/main.htm

Doy Cinco / IPD
November 17, 2007

2 comments:

Anonymous said...

Good fill someone in on and this post helped me alot in my college assignement. Thank you seeking your information.

Anonymous said...

Easily I assent to but I think the post should prepare more info then it has.