Doy Cinco/December 29, 2008
Mas komplikado, explosibo at delikading ang sitwasyong sa 2009 kung ikukumpara sa 2008. Ang mga posibleng senaryo; ang tensyonadong lagay ng pulitika at ekonomya. Sa isa't kalahating taong nalalabi sa kapagyarihan, "aasahang patuloy na aambisyun ng Malakanyang ang Cha Cha-Con As o pagpapalit ng sistema ng paggugubyerno na alam ng lahat na isa lamang deterent sa pagiging lameduck president, term extension at forever Constitution ni GMA." Kung matagumpay na mailalatag ang kondisyon, planong idiklara ang emergency power at martial law upang pahinain ang mga kaaway sa pulitika.
Mas magiging garapal, hayagan ang pangungurakot at insidente ng election related violence papalapit ang 2010 election. Kung sinasabing hindi tayo masyadong tinamaan ng pandaigdigang resesyon nung 2008, sa unang quarto ng taong 2009, mararandaman na ang nagbabadyang tsunaming RESESYON sa Pilipinas, "tutumal ang negosyo, mangunguluntoy ang export, maraming malulugi't magsasarang kumpanya, patuloy na malalagay sa alanganin ang sektor ng Banking at Finance, foreign trade at pamumuhunan. Dadami ang mawawalan ng trabaho, uuwing luhaang migrante, lalaki ang bilang ng nagugutom at karalitaan. Dodoble ang dami ng street children, prostitusyon, kriminalidad at kawalan ng matitirhan ganti ng inang kalikasan at iligal na demolisyon. Aasahang “huhupa” ang dollar remitances bunsod ng lumalalang resesyon ng mauunlad na bansa."
Magpapatuloy ang pananalaula sa mga demokratikong institusyon at imoralidad sa paggugubyerno. Sa tulong at suporta ng ilang grupong tinatawag na "LIBERATORS" sa loob at labas ng gubyerno, may posibilidad na maisakatuparan ang inaasam-asam na "moral recovery" at radikal na pagbabago sa pulitika, ekonomiya at panlipunan na matagal ng ina-advocate ng pitong Bishop ng CBCP at grupo ng civil society.
Kung may naka-angkla sa kampanya't kilos protesta laban sa Cha Cha at iba pang isyu, abala ang marami sa paghahanda't partisipasyon sa 2010 presidential election at local politics. At para hindi na maulit ang 2002-2003 at 2006 na katiwalian at pangngulibat sa kabang yaman ng bansa, mayroong grupo ng civil society ang handang magbantay at magmonitor sa kung paano gagastusin ni GMA ang P1.4 trilyong LUMP SUM scheme ng 2009 national budget. Maagap din babantayan kung sino-sino ang mga itatalagang mahistrado sa Korte Suprema at paggalaw ng Comelec.
Partikular ang budget sa DPWH, Infra projects, ang procurement sa AFP at P5.0 bilyong subsidyo o conditional cash transfer (CCT) ng DSWD sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (P4), ang P10.039 billion ng DA-OSEC (Dept of Agriculture) “GMA (Ginintuang Masaganang Ani) Rice” program; ang P1.49 billion para sa DA-OSEC “GMA Corn” program; ang P2.72 billion para sa DA-OSEC “GMA High Value Crops” program at ang P944 million for the “GMA Livestock” program.
Marami ang naniniwalang matitiguk ang Cha Cha-GMA Forever Constitution. Maaring makaligtas sa pampulitikang kapahamakan ang administrasyong Arroyo sa kaliwa't kanang banta, kaya lang, kung wala itong winnable na mamanukin o walang mangangahas na magpa-indorsong presidentiable candidate sa 2010 dahil sa takot ng "halik ni Hudas" (kiss of death) at nalalapit na kamatayan ng partidong KAMPI, LAKAS at NPC sampu ng kanilang pamunuan sa yugto ng pre-campaign (3rd quarter ng 2009-1st quarter 2010), ganap na guguhong parang kastilyong buhangin ang walong taong pampulitikang kapangyarihang ipinundar ng administrasyong Arroyo.