Monday, August 07, 2006

BUWANG ng Wika

IN 2004, Rep. Eduardo Gullas drew up a proposed law to make English the medium of instruction at all levels in schools. His proposal still gathers dust in the House of Representatives.

With Philippine electronic media at the forefront of unwitting•maybe dimwit or nitwit yet unrelenting•efforts to emasculate and bastardize both Filipino and English tongues, Pinoys find themselves and the human body’s strongest muscle turning as barukbok sa Pilipino while broke in English.

Gullas finds that pathetic. He reasons that the rapid decline in language skills would inevitably “erode the competitiveness of the country’s human resources, both here and abroad in an increasingly globalized village.”

He worries over the stiff competition from China and India•pretty soon employment of Filipinos overseas will soon be taken over by these strong competitors. For instance, Pinoy engineers in the Middle East risk being nudged off by Indian and Chinese engineers who not only speak better English, but analyse and write reports in English better, he adds.

The European Chamber of Commerce shares the lawmaker’s worries. It was found that 75% of the country’s annual 400,000 college graduates have “sub-standard English skills.”
On top of that, local teachers in English and mathematics are leaving the country in droves for better paying overseas jobs. The symptoms of such overseas exodus of the country’s mentors pop up like worry warts on the educational system: in all international achievement tests, Philippine students wallow near the bottom in all subjects.

Official achievement tests plied out to high school seniors in the 2004-2005 school year showed that a mere seven of every 100 students could read, speak, and comprehend English well enough to enter college. 44.25% had no English at all.

The popularity of fractured prose and butchered grammar in text messaging has infected millions. Too, popular soap operas and anime have been dubbed in the existing vernacular tongue, a hybrid of sorts that has become the norm rather than an atrocity•millions soak up that contagion.

Meanwhile, human resource managers gripe that only 6% of people interviewed for jobs in call centers had the required skills in English. Ipagdiwang natin ang Buwang ng Wika. Yes, buwang is gone bonkers, loco, deranged.

Peoples Journal
8/7/2006 17:21 PM
--------------------------------------------------...............

Ayon sa ating Konstitusyon, nakasaad sa Seksyon 6 hanggang 9, Artikulo 14 Edukasyon, Science and Technology, Arts, Culture at Sports ng 1987 Constitution;

SEKSYON 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

SEKSYON 7. Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.

SEKSYON 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.

SEKSYON 9. Dapat magtatag ng Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili.

Tanggap na natin ang hamon ng rumaragasang globalisasyon, ang global competitiveness at paggamit ng English o ang bersyon ng English kalabaw. Patuloy na pinatatag at ayaw bitiwan ang (Pilipinas) trono bilang pinakamahusay na OFW-skilled, entertainer, domestic helper, care giver at prostitutes ng mundo at pinalalakas, pinagtitibay ang ranking nitong IKATLO tayo daw sa mundo na mahusay magsalita ng English. Maaring sabihin nating positibo, maaring trahedya rin.

Sa kasalukuyan, mahigit kumulang na 10 milyon Pilipino ang nag-alsa balutan/ nagmigrate o nagtatrabaho sa labas ng bansa; Australia, Japan, Italy, Saudi Arabia, Hongkong, Germany, UK, at iba pa. Sa Amerika at sa Canadoa na lamang (matatagpuan ang mayorya ng dollar remitances ng bansa), halos mayroon nang 2 milyon at patuloy na dumarami pa. Halos malagpasan na natin ang mga Intsik doon kung bibilangin lamang pati yung mga TNT (tago ng tago). Sa tingin ko, hindi habang panahon ay OFW na lamang tayo!

Apat na siglong nilooban tayo ng mga dayuhan. Noong panahon ng Kastila, ginamit ang wika upang ikintal sa utak natin ang mensahe ng kabanalan at pagiging masunurin. Sa ilalim ng Kano, sa loob lamang ng kalahating siglo at ilang dekada matapos “ibigay ang kasarinlan”, isinubo ang wikang English bilang opisyal na lengguwahe.

Mula sa sistema ng ating edukasyon bilang medium sa pagtuturo (matagal ng ipinatupad yan - well in place na yan Tong Gullas), gamit ang English sa gubyerno’t lehislatura at pakikipagtransaksyon sa negosyo. Mula sa aklat at iba pang reference materials, magazines, research manual at script ay pawang nakasulat sa dayong wika.

Kung gusto mong maging pulitiko kailangang English ang gamit mo, kung gusto mo ng may mataas na pinag-aralan at modernong pamumuhay wikang English ang dapat na gamit mo. Sa simpleng paghahalintulad, ginamit ang English sa pangungulimbat. Yung salitang commission, under the table, standard operational procedure (SOP), sovereign guarantee at “substantial compliance” ay walang iba kundi suhol, lagay at pangungukurakot.

Ginamit ang English sa pagbibiyahe sa abrod o jungket. Ginamit ang English sa land grabbing at malakihang pagnanakaw. Ginamit ang English upang sang-ayunan ang mga batas at tratadong kontra Pilipino. Ginamit ang English upang supilin ang kilusang makabayan. Ginamit ang English, upang baluktutin ang hustisya't paburan ang mga malalaki’t mga dambuhala.

Kung ang wikang English ang mag-aahon sa karalitaan at mataas na antas ng ating pamumuhay (Nipongo, Korean, Mandarin, Bahasa, Scandinvian, Russian at iba pang mauunlad na sibilisasyon, identity at kultura), kung ang English ang magpapawi ng katiwalian at pangungurakot, kung ang English ang magpapalago ng industriya’t teknolohiya at empleyo, kung ang English ang papawi sa pagiging busabos ng Pinoy sa mata ng mundo, kung ang english ang bubura sa paninging mga UTUSAN, chimay at PROSTI (domestic helper at caregivers) ang Pinoy sa mata ng mundo, kung ang English ang magdadala ng maraming gintong medalya sa tuwing may palaro sa Olympic at kung ang English ang siyang daan sa pagkakaisa, baka siguro NUMERO UNO NA TAYO SA LAHAT NG BAGAY SA MUNDO!

Para sa'yong kabatiran Tong Gullas (TANGA, ngayon ka lang ba isinilang?), mahigit limang (5) dekada na nating hawak ang tronong ikatlo tayo sa mundo na nagsasalita ng English. Pinipilit gayahin, sabayan, tapatan ang diksyon ng mga Englishman sa England (ang orihinal na nagsasalita ng English sa mundo), kaya lang, sa ayaw man natin o sa gusto, dahil siguro sa klase, sa porma, kapanguan at disenyo ng ating BIBIG, ipagmalaki't tanggapin na nating hanggang english kalabaw tayo!


Doy Cinco / IPD
August 7, 2006

1 comment:

deso said...

e2p23i1n01 g8w03u1r01 h0u22p7o24 d9v52c4r03 o2w58y7l75 u0z69k5k71