Sunday, July 09, 2006

Bad English, bad education?

ENGLISH TO BE FULLY RSTORED AS MEDIUM OF INSTRUCTION

CLARK FIELD, PAMPANGA, JULY 18, 2006 (STAR) By Ding Cervantes - Incoming Education Secretary Tarlac Rep. Jesli Lapus said here yesterday he will fully restore English as the medium of instruction in the country to upgrade the quality of education and make it "market-driven."

"We have to put English back on the frontline," he said, adding that laws have been passed in Japan requiring that English be taught at the grade school level. Lapus, who is set to assume his new post at the helm of the Department of Education (DepEd) next month, lamented the deterioration of the quality of education in the country.

He also cited findings that Filipino students rate among the lowest 10 percent in mathematics and science proficiency in Asia and below the passing 75 percent in mastery achievement tests. He said books in math and science are written in English and are difficult to translate into Filipino.

Lapus also cited the need to strengthen the "technical orientation" of high school students to make the system more "market-driven." He said high school students’ "infatuation" with white-collar jobs cause many students to take white-collar courses, though many of them end up jobless. Meanwhile, there is a growing demand for skilled technicians who can command salaries even higher than that of a vice president in a corporation.

"We will fully support the ladderized curriculum of the TESDA (Technology and Science Development Authority) that offers short-term technical courses — especially for high school dropouts," he said.

Lapus also said his priority as education secretary is to improve the quality of education by providing more training for teachers. "Most math and science teachers have masteral degrees in other fields," he said, adding that the help of the private sector will be tapped for these teacher-training programs.

With a reenacted 2005 budget of only about P102 billion budget, the DepEd is short by some P7.5 billion for programs meant to be implemented this year, Lapus said. "I plan to ask the Department of Budget and Management (DBM) for some flexibility in this by allocating some savings for education needs," he said.

"Our student population grows at an average rate of 2.7 percent, while the education budget grows only at about two percent," Lapus said. "We can’t catch up with backlogs with inflation rates also rising. Even if education gets an increase of 7.5 percent in its yearly budget, it would be able to catch up only with the (student) population increase."

He said that, in 2000, the national budget’s allocation for education was set at 14 percent, but this year’s allocation is only 11 percent of the total budget appropriation. Lapus also said that with the huge problems confronting the education sector, the DepEd should be "spared from the political crossfire."

He said the DepEd covers about 30 percent of the government bureaucracy, with 92 percent of its budget allocated for payroll. He said that while "I will be the first to advocate fair compensation" for teachers, any pay increase for mentors depends on the availability of funds.

Adequate salaries, he said, would boost the morale of teachers and lead to upgrades in the quality of public education.Lapus said he will try to work out "new standards" for teachers’ salaries — similar to the standards applied for members of the police and military services.

In Congress, Lapus authored bills that sought to improve the welfare of public school teachers, including one that established ceilings on how much could be deducted from their salaries to pay for loans and another imposing a maximum of 18 percent interest, instead of the then prevailing 70 to even 100 percent interest on loans they obtained from various sources, including loan sharks.

-------------------------------------------------

Mukhang wala talaga tayong maaasahan aangat pa ang sistema't kalidad ng ating edukasyon. Wala rin tayong mahihitang magagaling, matino at makabayang mambabatas na lubusang magtatanggol, dedepensa, magpapalakas at magtataguyod ng makabayang-angkop na kultura at kaunlaran ng ating kabataan, partikular sa Science at Math.

Ayon sa ating Konstitusyon, nakasaad sa Seksyon 6 hanggang 9, Artikulo 14 Edukasyon, Science and Technology, Arts, Culture at Sports; Tignan ang "Wika", section 6 hanggang 9, Article 14 ng 1987 Constitution;

SEKSYON 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

SEKSYON 7. Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.

SEKSYON 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.

SEKSYON 9. Dapat magtatag ng Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili.


Ayon kay House Deputy Majority Leader Eduardo Gullas (isang astig na spokening dollar ng Cebu), ang isa raw sa panguning dahilan kung bakit bumagsak, nanglumo ang mayorya ng ating mag-aaral sa Math at Science ay dahil daw sa “poor English”, may kulang at hirap sa pag-intindi't pagsasalita ng English!

Sa ulat na pinagbatayang isinagawa ng DepED, “wala raw kaduda-dudang may kinalaman ang pagiging handicapped sa Math at Science ng mga mag-aaral sa inadequate nito sa pag-intindi sa English!"

Sa resulta ng huling National Achievement Test sa Elementarya, ipinakitang mayroon na lamang 26.4% mag-aaral ang sanay umintindi sa English. Sa magkaparehong pagsasanay, 14.7% at 30% lamang ang pumapasa sa Math at Science. Mas malala raw ang sa High School level kung saan, sa 6.6% na nakakaunawa sa English, mayroon lamang 1.75% ang pumapasa sa Science at 16.4% sa Math.

Ayon kay Gullas, ang kakulangan ng kasanayan sa pagtutro ang nagpalala ng problema. Sa ulat ng Deped, sinabi ni Gullas na walang required specialization sa pagtuturo ng Math at Science ang 23,866 total na public secondary school teachers sa bansa. According sa report, 58 percent ng General Science teachers or 5,073 ay non-majors; 56 percent of Biology teachers or 4,237 ay non-majors; 66 percent of Chemistry teachers or 4,566 ay non-majors; 73 percent ng Physics teachers or 4,687 ay non-majors; and 20 percent ng Math teachers or 5,303 ay non-majors.

Kung di ba namang sanglaksang may katangahan kayo lahat diyan sa pamunuang Dep Ed at mismo ang gubyernong Macapagal Arroyo. Paano ba naman mauunawaan, huhusay ang ating mag-aaral sa Math at Science subject kung ang ginagamit nating resource at reference materials (pawang mga aklat na English at Math and Science manuals) ay pawang nakasulat sa English! Bakit hindi ninyo i-translate sa wikang Pilipino ang mga manwal, instruction materials at ang mga module na yan!

Ano ang kinalaman ng ating Konstitusyon o ang nakasaad na "ang Filipino ang siyang magiging wikang Pambansa" sa deterioration (panlulupaypay) ng Math at Science ng mag-aaral sa mababang paaralan ng bansa?

Dagdag ni Gullas, “To begin with, Math and Science manuals and most other books for that matter are in English, so learning becomes extremely difficult if the student has deficient English,” Gullas pointed out. “Obviously, a student who cannot easily understand English will have difficulty solving a Math or a Physics problem that is couched in English.” Sa kanya, kailangang ibalik daw sa English ang medium ng pagtuturo sa bansa!

Sa isinagawang pag-aaral ng Third International Math and Science (TIMSS) noong dekada 90s sa mahigit kalahating milyong kabataan ng mundo, pang-labing pito (17th) at pangdalawangput walo (28th) lamang ang USA sa agham at matematika. Nangunguna ang bansang Singapore, S. Korea, Czech Republic, Japan, Bulgaria, Netherland, Hungary, Austria at Belgium.

Ngayon, batay sa datos, English ba ang medium of instruction sa Korea, sa Japan, sa Czec Republic, sa Belgium, sa Netherland at marami pang bansang maunlad, na magaling, excellent sa Math at Science, na hindi naisama sa survey (China, Russia at Cuba).

Kalahok dito ang Pinoy kaya lang hindi ito naisama sa opisyal na talaan sa kadahilanang nasa kulelat ang ating mag-aaral.

May sinirang mga “alamat” ang TIMMS. Una, wala sa laki ng badyet ang kahusayan sa pagtuturo sa agham at matematika. Hamak na ang liit na ginagastos ng Czech Republic at South Korea sa edukasyon ngunit ungos na ungos ang mga ito sa malalakas gumastos na bansang gaya ng Germany at Great Britain. Hindi rin nakukuha sa liit ng klase at haba ng oras sa pag-aaral.

Pangalawa, Maliliit lamang lagi ang bilang ng mag-aaral sa klase sa France, United State at Great Britain. Samantala’y laging doble ang laki ng mga klase sa mga bansa sa Asia, kahit sa Singapore at Hongkong, ngunit matataas ang marka kaysa sa nabanggit na mayayamang bansang Europeo at AMerika.

Kung ang wikang English ang mag-aahon sa karalitaan at mataas na antas ng ating pamumuhay, kung ang English ang magpapawi ng karalitaan, kung ang English ang magpapalago ng industriya’t teknolohiya at empleyo, kung ang English ang papawi sa pagiging busabos ng Pinoy sa mata ng mundo, kung ang English ang magdadala ng maraming gintong medalya sa tuwing may palaro sa Olympic at kung ang English ang siyang daan sa pagkakaisa, baka siguro numero uno na tayo sa lahat ng bagay sa Asya! (dahil limang (5) dekada nating hinawakan ang tronong ikatlo tayo sa mundo ang nagsasalita ng English, english carabao nga lang)

Mahalagang magkaroon ng independent, tapat at masusing imbistigasyon ang Senado, kasama ang DepEd at mga ilang mga dalubhasang akademiko sa unibersidad kung bakit KULELAT na tayo at nagkakanda-leche-leche ang ating mga mag-aaral sa Math at English at pabulusuk na kangkungan ang sistema ng edukasyon sa bansa?

Kung hindi magbabago ang trend, mukhang kumaklarong “Call Center, DOLYAR at pawang pagluluwas na lamang ng mga manggagawang Pinoy sa ibayong dagat (OFW-caregiver, teachers, nursing, skilled labor) ang pangunahing direksyon at patunguhan ng ating edukasyon, industria't ekonomya. Kung ako kay Gullas, manirahan na lang siya sa Amerika at “wag na siyang babalik (awit ni Chikoy Pura ng The Jerks)!”


Doy Cinco / IPD
July 9, 2006

No comments: