Saturday, October 28, 2006

Hindi lang Pangkatulong, Pang-basurahan pa (JPEPA)…..

Hindi ko alam kung paano ilarawan ang ating naghihingalong ekonomyang pinipilit palabasing maunlad at nasa tamang landas, modelo at nasa wastong economic fundamentals. Paulit-ulit na ipinopropagandang gumaganda raw ang ekonomya dahil lamang sa "lumalakas na Piso at stock market".

Ang paglakas ng Piso kontra sa dolyar ay walang kinalaman sa paggugubyerno (kredito) ni Ate Glo at hindi sa kadahilanang dahil sa panloob na kaganapan, ito'y dahil sa panglabas (external factor) na sitwasyong dinadaanan krisis ng Amerika. Sa totoo lang, humihina (ang palitan) ang US dollar sa lahat ng currency ng mga bansa sa Europa at Asia. Pangalawa, nagsisimula ng bumubuhos sa Pinas ang dolyar na ipinadadala ng mga OFW.

Halos ganun din ang paglakas ng stock market. Gumaganda rin ang stock market sa halos mayorna ng mga bansa sa Asia! "Kaya't wag n'yo kaming gaguhin, hindi lang ang bansang 'Pinas ang nakararanas ng paglakas ng local currency at stock market. Ang paghina ng dolyar ay resulta ng patuloy na paghina ng US economy, low interest rates at ang lumolobong US government deficit.

'Di ko alam kung ano ang pwedeng itawag o saang patungo tayo, kung 'di man Junk Shop economy, swak din sabihing patungo sa ukay-ukay economy, super maid economy, japayuki economy o bugaw economy sa ilalim ng gubyernong gigiray-giray ni Ate Glo.

Puro KATANGAHAN na lamang, wala ng inisip na mabuti't katinuan para sa country. Sa dalas ng kuryente't kahihiyan; mula sa People Initiatives (PI) at Cha Cha, pagsususpinde kay Binay, Nursing Testing at NoKor Nuke Testing, Thaksin Ouster, 1017, CPR at ang pinakahuling pinagka-abalahan ay itong TRATADO mula sa bansang Hapon. Kailangan na sigurong i-recall o dili kaya'y chugiin na ni Ate Glo ang kanyang mga spins, Tongsultant, mga galamay, mga asungot sa gilid-gilid.

Ayon kay Mike Defensor, dating Environment Secretary at kasalukuyang tumatayong presidential chief of staff, "dalawang beses n'ya raw tinutulan ang cashunduan at tungkol sa tratado, “mukhang hindi raw nabasa ni Ate Glo ang buong detalye”. Inperaness kay Mike, kay daling unawain maging 'apoligetic' sa anumang puna ng country sa presidente. Kaya lang, ang sigurado, may tatabo't kikita at hindi malayong paniwalaang bahagi ito ng "resource move" na kakailanganin para sa political survival ni Ate Glo hanggang 2010.

Matapos ipagmalaki't ipagmayabang nai-closed nito ang deal, ang tratado sa Gubyernong Hapon at iprinopang sasagana, uunlad at makikinabang raw ang ating mga kababayan, ang bansa at ang ating ekonomya. Resulta, mukhang nalagay sa alanganin. Sa akalang maitatago't makakalusot sa Senado, magkasabay na pinirmahan ni Ate Glo at ni Prime Minister Junichiro Koizumi ng Hapon noong Setyembre 9, ASEM conference sa Helsingki ang cashunduang Japan-Philippine Economic Partnership Agreement (JPEPA).

Sa tindi ng kaliwa't kanang batikos na inabot, napilitang kumambiyo ang Malakanyang at mukhang balak na raw iriview ang super kontrobersyal na provision ng tratadong JPEPA. Ito'y matapos mabisto, madiskubre ng mga environmentalists-GREENPEACE na naloko ang taumbayan, maaring na-onse si Ate Glo ng Hapon, nautong payagang gawing dumping site, gawing tambakan ng toxic materials, gawing Payatas ang ating pamayanan, ating komunidad, ating baybayin, ang ating karagatan at ang buong Pilipinas.

Kung sabagay, hindi na ito balita. Sa totoo lang, dahil sa KAHINAAN ng ating mga institusyon (seguridad ng 2,000 km coastline), ilan dekada na tayong pinagtatapunan, nakakatanggap ng mga basura, lasong kemikal, industrial waste mula sa mayayamang bansang tulad ng Hapon, Amerika at Australia. Mga ilang taon lang ang lumipas ng masabat ng mga taga-Custom ang ilang malalaking container na punong-puno ng mga medical waste, pasador ng babae, heringgilya, mga basura ng hospital na galing sa Hapon. Dahil sa nagkahiyaan na, ipinabalik ng BoC ang nasabing basura sa Japan. May mga basura, chemical waste na nasabat rin ng mga mangingisda (somewhere in Manila Bay) na itinapon ng barkong Australia. Mula sa “reyna ng mga Katulong-alila ng mundo, tayo na ngayon ang pangunahing BASURAHAN ng mundo ng mayayamang bansa.

Diyos por santo, nagkakanda-uga-ugaga na nga si Bayani Fernando ng MMDA kung saan-saan itatapon ang milyon-milyung toneladang basura ng Metro Manila kada taon (hanggang ngayo'y walang probinsyang gustong tumanggap bilang dump site), kung anong gagawin sa oil spills ng Guimaras, dadagdgan pa ng problema ni Ate Glo ng ilang ulit ang volume ng basura sa bansa.

Maliban sa 'abuloy' na Official Development Assistance (ODA) ng gubyernong Hapon, nasaan ang pagiging magkaiban, pagtutulungan, pagkakapatiran, partnership ng isang mahirap at isang super yaman, makapangyarihang bansa? Hindi na tayo iginalang, trinatong parehas ng bansang Hapon. Nananalaytay pa rin sa dugo ng Bansang Hapon ang imperial character, pangLALAMANG, ang pagiging dorobo't mapagsamantala. Kinakasabwat at sinasamantala ang kahinaan sa gubyerno ng mga bansang tulad ng Pilipinas.

Kahit saan anggulo tignan, napaka-isahang panig, mapang-api, 'di makatarungan, TUSO, dorobo't manyakis ang nasabing mga probisyong nilalaman ng tratado. Imbis na negosyo, pantay na palitan ng kalakalan, pagpasok ng puhunan at produkto ('di Ukay-ukay na sasakyan), teknolohiya't serbisyo, lasong kemikal, mapaminsalang basurang magdudulot ng masamang karandaman at kalusugan ng ating kababayan ang ibinalagbag sa ating ng mga Hapon.

Tratadong magdudulot raw ng Trabahong OFW, dolyar, super KATULONG, kapalit ng LAMAN, ng alindog ng ating kababaihang mga NURSES at caregivers. Ibig sabihin, lumalabas na hayagang IBINUBUGAW na ni Ate Glo ang ating mga KABABAIHAN, ating kababayan. Hindi lang sell-out ng bansang Pilipinas, isa itong krimen, katrayduran, pagtataksil at paglabag sa ating batas at pandaigdigang proteksyon ng kalikasan.

Ayon sa probisyon ng TRATADO, tayo ang magiging aliping sagigilid (caregivers), maninilbihan bilang katulong, aarugain ang mga matanda, baldadong Hapon upang lumakas, maging malusog, tumagal ang buhay, sila (ang Gubyernong Hapon) ang HARI, sila ang may SAY kung ano ang dapat kapalit. Sila ang magsasabing “payag silang papasukin ang mga ALIPING SAGIGILID KUNG gagawing TAMBAKAN, gagawing Payatas ang Pilipinas”? Ang malungkot, giginhawa't masasarapan sila, habang perwisyo, delubyo't kamatayan ang mararansan ngmga Pilipino ang nakasalalay na kapalit.

Hindi maaring palampasin ng mamamayang Pilipino ang karumaldumal na krimeng tratadong ito sa pagitan ng Malakanyang at Gubyernong Hapon. Tayong lahat ay apektado maging ang mga susunod na henerasyon. Mayaman, mahirap, komunista, pasista at repormista, bata, matanda, lalaki, babae, gay and lesbian, propesyunal at taung simbahan (anumang relihiyon) ay walang dudang damay sa masamang epekto't idudulot ng TRATADO.

Maliban sa kilos protesta, umaasa tayong agad na maibabasura ito sa Senado.


Doy Cinco / IPD
Oct 28, 2006

Tuesday, October 24, 2006

8 : 7 PI, Cha Cha, dinedbol ng Korte Suprema, kaya lang...

Deadbol na ang PI-Cha Cha!! Isang malaking dagok, sampal sa mukha ni Ate Glo, ULAP at Sigaw ng Bayan ang makasaysayang pagkakabasura ng SC sa panukalang PI at Cha Cha, pakanang No election at plebisito.

Meaning, tuloy na ang 2007 election. Sayang ang daang milyong pisong nagastos ng Malakanyang sa pagpapapirma, sa mga soundsbites na propaganda-Ad ng Sigaw ng Bayan para sa PI! Sino ngayon ang hahabulin, mananagot dito?

May mukha pa kayang ihaharap ang mga proponent ng Cha Cha at garapalang tangkain pa uling isunud ang PLAN B, ang Con Ashole sa Tongreso o ang martial law (defacto)? Suntuk sa buwang makakakuha pa ng 3/4 sa Tongreso si Tainga at lalo na sa Senado. Mukhang alanganin na't ilang buwan na lamang ang nalalabi't paghahanda, gahol na sa panahon at ang lahat ay nangangampanya na't nakatingin na sa 2007 election.

Alam ng Malakanyang na tapos na ang boxing, tapos na ang maligayang araw ng Cha Cha. Alam na rin ng Malakanyang na mananatili ang sistemang presidential hanggang 2010 at tuloy na tuloy na't dapat paghandaan ang 2007 election.

Maraming nalito't napaniwala rin sa inilutang ng Malakanyang (Macalintal, ULAP) No Election. Habang ipinopropa ang No-El, tusong inihahanda naman ang istratehiya, makinarya't lohistika sa 2007 election. Dalawang magkasabay na iskimang psy ops na kung saka-sakali ay parehong magbibigay sakit ng ulo sa oposisyon at mga kalaban nito pulitika.

Pakunwaring may kanya-kanyang pusisyunan sa kung ano talaga ang direksyon at plano ng Malakanyang sa susunod na taon? Kaya lang, kung tatahiin, susuriin ng malaliman, malinaw na may sabwatan, koordinado at may nagdidirehe kung saan mahina't may kakulangan ang mga kalaban. Kung matatandaan, magkaiba ang posisyon ni Macalintal, ang tunggak na abogado ng Malakanyang, si Sec Bunye, iba rin ang kara ni Tainga't Kilay at maging ang mga kupal na pro-administrasyon sa Tongreso.

Ang tiyak at walang kaduda-duda, may isang taon ng nakahanda't preperado ang Malakanyang sa anumang kahihinatan sa magiging disisyon ng Korte Suprema (SC), ibasura man ang PI o hindi. Kasado ang Malakanyang sa 2007;

Una; maagang pangangalap ng pondo-lohistika, pangangampanya, special Ops at dirty tricks ng palasyo. Titiyakin nitong dadaan sa butas ng karayom na makalusot o sa minimum, maneutralisa ang sinumang mga warm bodies, kaaway sa politika ni Ate Glo sa 2007, sa Kongreso, sa Party-List hanggang sa Lokal.

May P3.5 bilyong pondong paniguro sa “feeding program” ng Dep Ed. Si Tongresman Jesli Lapuz na isang pulitiko't (Lakas-CMD) sagadsaring pakawala ang bagong itinalagang kalihim sa Dep Ed. Walang dudang magiging bagong fertilizer fund at Philhealth card na naman na maaring gamitin upang ipanalo ang kanilang mga kandidato. Maliban sa botong convertion na maititiyak sa mga magulang ng mga bata, malaki rin ang makakalap na komisyon, kurakot sa importasyon ng bigas (bahagi sa feeding program)ng National Food Authority.

Pangalawa; isa ring sinyales (war footing) ang isinagawang pagbabalasa, revamp na sinimulan kamakailan lamang. Mula sa Presidential Management Staff, muling itinalaga si Arthur Yap sa Department of Agriculture (DA). Muling inihahanda na ng Malacañang ang kakaibang tipong fertilizer funds SCAM na ipangsusuhol at ipamimili ng boto,"

Binusisi rin ni Ate Glo sina Elena Bautista ng Land Transportation Franchising at Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Anneli R. Lontoc na parehong itinalaga bilang undersecretaries ng Department of Transportation and Communication (DOTC). Bukud sa “road user's tax” na napapakinabangan ni Ate Glo nuong 2004 (mga naka-blue uniform sa barangay na naglilinis sa highway), ang DOTC ang isa sa may pinakamaraming pork barrel fund at government projects na ipamudmod ni Ate Glo sa kanyang mga kaalyado upang maipanalo ang mga ito. Balikan natin ang "campaign speech" at propaganda ni Ate Glo nuong nakaraang SONA kung saan ang mga “super regions” ay lalagakan niya ng sangkatutak na bilyung pisong mga mega-projects.

Pangatlo; Isang special ops ang on-going na ipinatutupad ng Malakanyang na tigbakin ang mga sagabal at siguraduhing kachokaran ang mga incumbent Mayor, Gobernador at Punong Barangay. Ginapang at tinatakot ang mga alanganin (DILG) mga LGUs, inimbistiga't inalam ang mga political profile (pro/anti) sa lokal at kung matutuklasang anti-GMA, pasirkuhin, hilutin, suhulan, laglagan ng proyekto at iba pa, at kung nagmamatigas, nandiyan ang Ombudsman upang mahanapan ng isyu, kasuhan at isuspinde, gaya ng nangyari sa Makati, Lemery, Batangas, Santa Rosa, Laguna at Pasay City.

Dumadalas ang mga assembly meeting ng mga Liga sa Lokal na ehekutibo kung saan si Ate Glo mismo ang siyang tumitiyak, nagbeberipika at nagvavalidate kung ito'y nahamig na. Siya na rin mismo ang direktang pumipirma sa SARO ng mga na-aprubahang proyektong infra (DPWH).

Pang-apat; kasama sa plano ng Malakanyang na 'wag palusutin, “pilayan at lumpuhin ang mga kaliwa't militante sa hanay ng Party List”. Maagang inupakan ang kaliwa, mga CPP led- influence na Party List, isusunod at gigibain din Akbayan at ninuetralisa ang ilan sa mga nauna ng pumirmang Kongresman sa impeachment.

Panglima; kung usaping dayaan, ang Comelec ang isa sa maasahan ng Malakanyang. Si Abalos na isang pusakal na pulitiko't dating Lakas-NUCD ay nananatiling isa sa pinakamasugit na kaalyado ng Malakanyang. Hindi dapat ipawalang bahala ang balaking Poll Automation na pilit na inihahabol sa 2007 election. Ang mga sindikato, mapia at salarin sa “hello garci” ay patuloy na namamayagpag at handang gumawa uli ng magic sa 2007.

Pang-anim; kinangkong ng Partidong KAMPI ang Lakas-CMD sa Tongreso't maging sa lokal. Sa pamamagitan ng kampanyang PI-Cha Cha ng ULAP at Liga ng mga lokal na Ehekutibo, nakapag-palawak, nakapag-konsolida't lumakas ng ilang ulit ang KAMPI, ang partidong kontrolado ni Ate Glo. Maliban sa weteng money, marami sa kanila (LGUs) ang nakinabang, nabiyayaan at napangakuan ng proyekto at ayuda ni Ate Glo.

Nakakamada ang Malakanyang sa halos lahat ng Vote rich Corridor (mula Pangasinan hanggang Quezon) at malalaking rehiyon ng bansa. May mga kasong pawang mga kaalyado't patron na lamang ng Malakanyang ang mukhang maglalaban-laban at siyempre pareho itong lalaglagan ng campaign funds. Kung sinuman ang lumabas, ika nga, walang katalo-talo ang Malakanyang.

Magsaya man tayo sa makatarungang pagkakabasura ng SC sa PI at Cha Cha, hindi tayo nakasisiguro sa mga kasunod pang pananabutaheng gagawin ng Malakanyang lalo na sa 2007 election. Asahang magiging marumi't madaya, madugo't magulo ang eleksyon at walang dudang hindi papopormahin sa 2007 election ang oposisyon!


Doy Cinco / IPD
Oct 25, 2006

Sunday, October 22, 2006

Pati brgy TANOD gagamitin na rin sa ANTI-INSU! Taran....!!!

Nabubulagan na, PRANING, 'di nag-iisip, naBUBUANG na't PUNOng-PUNO ng kabobohan, nalasing na sa kapangyarihan itong mga galamay ni Ate Glo partikular sa Dept of Interior of Local Government (DILG-PNP) at AFP. Kung sa bagay, tulad ni siRAULO ng inhustiya, ang karaniwang sakit nung mga nasa tuktuk, lumuluwag ang turnilyo't nasisiraan na, nawawala ang inobasyon at imahinasyon.

Ayon sa kanila, “lumalala” raw ang insureksyon at rebelyon sa ating bansa. Talaga? Kaya't ang pormula, ang kasagutan at solusyon ay TANOD? Layunin daw ng mga TANOD at Civilian Volunteer Organization (CVO) na "sa loob ng dalawa hanggang apat na taon (2-4 years time frame deadline), makatulong sa kampanyang anti-isnurgency operation na bubura't sasawata sa NPA at MILF?

Maniwala??? Ang totoo, ang tunay at mas kapani-paniwa ng mahigit isang libong beses, ayon sa track record ng mga kupal, dorobo na ito, pera-pera lamang at sa panahon ng paghuhusga, magsisirkuhan sa kabilang bakod ang mga kurakot na ito.

Suntok sa buwang masulusyunan ang rebelyon at insureksyon. Mahigit isang daang taon na ang rebelyon ng bansa. Isa na tayo (third world country) na maibibilang sa buong mundo na pinakamayaman sa insureksyon at pagrerebolusyon. BAKIT tayo nagkakaganito? Paulit-ulit, pabalik- balik, hindi nalaLAGUM at hindi natuto ang ating mga pekeng namumuno sa kung ano ang ugat at puno't dulo ng problema ng bayan.

Ang doktrinang "rule of Glo" at political survival ang kasalukuyang umiiral na batas. Ayon sa kaibigang kong si Edwin Tabora ng Akbayan!, halos plakado ang kahulugan ng demokrasya sa ilalim ng pekeng pangulong si Ate Glo at demokrasayang umiral nuong panahon ng diktadurang Marcos; " Buy the People, Off the People, Poor the People!"

Mahina't walang buto sa gulugud ang ating gubyerno-estado poder (weak state). Kung 'di man paralisado, nasalaula't na sodium ang ating mga demokratikong institusyon ng mga nasa kapangyarihang iilan.
Una; kinubabawan na ng Malakanyang, mga dorobo sa DILG, Sigaw ng bayan at ULAP ang desentralization at local autonomy ng Local Government Code.
Pangalwa; nawalan ng kredibilidad at pagtitiwala sa Comelec at electoral process ang country.
Pangatlo; Fake, walang maituturing na tunay, palaban na Partido Politikal na siyang dapat gumiya sa daan patungo sa kaunlaran at demokratisasyon ng bansa. Pinatatakbong parang isang family affairs (political clan) at negosyo-korporasyon ang mga bogus na partidong ito. Sila ang kumukontrol hindi lamang ng politika ng kapangyihan, pati ang inpluwensya at kayamanan mula taas hanggang baba.

Malubha na't sari-saring krisis ang tinatamasa ng mamamayang Pilipino. Ang krisis sa representasyon at partisipasyon, ang matinding crisis sa accountability, responsiveness at transparency.

Muling nabuhay at lumakas ang OLIGARKIYA, Casique, Politikang ANGKAN (political clan), ang “guns-gold-girls and goons (4Gs)”, patronage politics at padri-padrino- TRAPO. Dominado nito ang Kongreso at hindi matapos-tapos ang isyu ng katiwalian at pangungurakot. Sila ang mga political elite na nagpariwara, namayagpag, gumahasa't, kumopong ng institusyon ng estado, ng ating bansa.

Sa ganitong kalagayang, imposibleng mareresolba sa pamamagitan ng armas at militar lamang ang insureksyon at rebelyon. Kahit pondohan ng ilang triple, ng isang daang bilyong piso ang counter insurgency campaign ng AFP at DILG, tambakan ng isang daang batalyon (100), tapatan ng kung anu-anong makabagong armas at tangke de gera, gamitin ang barangay TANOD, buhayin sa libingan ang BSDO, CHDF at CAFGU, kahit magtawag at humingi ng saklolo't re-inforcement kay Bush o mag-import ng ilang libong US Marines ang AFP, gumamit ng missiles-satellites, modernong air at sea power at kung anu-anong klaseng pamuksa sa tao, hanggang nananatili ang kabulukan sa pulitika, hindi masusugpo ang rebelyon at insureksyon!

"Kung ang pinagbubuhatan, pinanggagalingan (hal. kung sa dengue-lamok, ang kanal at pusaling pinaggagalingan) ng rebelyon, insureksyon, ang ugat ng recruitement; karalitaan, inhustiya't karapatan, bad governance, crisis of legitimacy, kumpyansa't katotohanan, demokratisasyon, people empowerment, pundamental at radikal na pagbabago ng sistemang pulitika. Ang suma tutal, ang USAPING POLITIKAL at KAPANGYARIHAN".

Matuto sa kasaysayan, kung politikal ang problema, Politikal rin ang dapat maging solusyon.


Doy Cinco / IPD
Oct 23, 2006

Friday, October 20, 2006

Tulad ng Ombudsman, Korte Suprema yuyuko sa Malakanyang?

Kung sa bagay, tama si Executive Sec. Eduardo Ermita at ang Malakanyang ng sabihin nitong normal lamang na tinatapik-tapik, pine-pressure, binablack mail, ino-offeran ng palasyo ang Korte Suprema. Ipinapakita lamang na PRANING na, nahihintakutan na't NATATARANTA na ang Malakanyang, lalo na nung muling nasupalpalan ito't napahiya sa kasong pagsususpinde kay Binay.

Kamakailan lamang, naiulat na nakipaglandian-nego-trade off ang Malakanyang sa limang senior associate justices na kung mailulusot nito ang Peolpe Initiative ni Gloria (PIG) ng Sigaw ng Bayan at ULAP ay isa rito ang maaring maging Punong Mahistrado o Chief Justice pagkatapos mag-retiro ni Chief Justice Panganiban sa Dec. 6, 2006. Tinangka ring suhulan ni Ate Glo sina senior Justice Reynato Puno at Leo Quisumbing na maghati na lamang sa termino ni Puno na pipiliing Chief Justice kung mapasa ang People’s Initiative.

Ang alok, "tutal malapit nang mag-retiro si Puno (70year old), papalitan ito ni Quisumbing." Dahil alanganin si Ate Glo kay Quisumbing, lumalabas na isa ito sa malamang na kumontra sa petisyon ng Sigaw ng Bayan. Sa Global Forum na inilunsad ng SC sa Shangri-La Hotel noong nakaraang linggo, halos "manikluhod at magmaka-awa" si Tainga-Kilay sa mga mahistrado para pagtibayin ang petisyong PIG ng Sigaw. Umasa ka pa, Tainga, bangungut na maging unang Prime Minister ng country ikaw noh?

Walang masama, walang bago, sa dinami -dami ng mga kontrobersyal na usaping legal na may kaugnayan sa katatagan ng palasyo ay palagiang ginagawa, normal practice na ito ng palasyo tulad ng;

1. EO 464 o ang pagbabawal sa lahat ng mga government officials na dumalo sa Senate hearing
2. Ang Proclamation No. 1017 o ang garapalang State of Emergency
3. Calibrated preemptive response (CPR) o ang 'no permit no rally'
4. Ang pinakahuli ay ang Executive Order No. 1 na ipinaglalaban ng mga opisyal ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa imbistigasyon ng Tongreso at Senado.

Sa apat na nailahad, bagamat laging napapahiya'tsupalpal ang palasyo sa SC, hindi mahirap paniwalaang hindi gumagamit ng panggigipit, pagtatangkang mag-impluwensya ang Malakanyang. Hindi rin mahirap paniwalaan maaring hahantong sa cashunduan, suhulang MILYON kada pirma, magagandang pwestong iaalok lalo na sa mababakanteng posisyon sa panguluhan ng SC.

Hindi tayo magtataka kung papaburan ng SC ang isinusulong na pekeng People's Initiative ng ahente't galamay ng palasyong Sigaw ng Bayan at ULAP. Alam ng mundo na mayorya ng mahistrado sa SC ay itinalaga't nakapwesto sa panahon ni Ate Glo. Ayon sa mga inuman at bulung-bulungan, magiging mahigpit, unanimous ang kalalabasang resulta ng botohan sa SC (8 : 7).

Buhay o kamatayan, iwas Thaksin sa bahagi ng Malakanyang ang nakataya at nakasalalay sa kahihinatnan ng magiging desisyon ng SC sa PI at Cha Cha. Political survival para kay Ate Glo ang pakay ng Cha Cha at kung maibabasura ito ng SC, pinapangambahang hindi aabot at matitigok si Ate Glo bago mag- 2007 o sa 2010.

Mas kay daling paniwalaan ng mahigit isang libong beses na kasakiman sa kapangyarihan, magtagal sa pwesto hanggang 2010 at tuluyan ng burahin sa kasaysayan ang dayaan, ang bastusan, ang lokohan, ang linlangan, pangungurakot at katiwalian, krimen sa country ni Ate Glo at kanyang mga alipores ang pakay ng PI-Cha Cha.

Batid ng SC na isang iligal na ehersisyo ang PIG at Cha Cha sa kadahilanang io-overhaul, rerebisahin nito (hindi ammendments) ang Constitution. Wala itong enabling law, nilabag nito ang jurisprudence, ang naunang desisyon ng SC sa Santiago vs Comelec nuong dekada 90s kung saan hindi pinahintulutan, hindi kinilala at itinapon sa kangkungan.

Kung sakaling bumigay ang SC, mahuhubaran at lalo lamang makukumpirmang isang tuta, nabayaran ng Malakanyang ang SC at lalabas na tunay, tama, korek ang balitang prinessure nga talaga ito ng Malakanayang kaya bumigay, kaya nagsirko.

Kung gusto niyang mapanatili ang kasagraduhan at pagiging independent, respeto at kredibilidad ng SC, kailangan nitong patunayan na sila'y may tapang, prinsipyo't lakas ng loob na ibasura ang PI. Mas malaking kahihiyan, tornado'tlindol ang pinsala, kaguluhang maidudulot ng pagpabor nito sa PI, kumpara sa pagbabasura.

Kung babasttusin ng SC ang mamamayan at garapalang papaboran nito ang PI , hindi malayong magkaroon ng Constitutionl crisis at ang maaring kahihinatnang politikal na senaryo ay, una; baka sumambulat ang pagdadalamhati ng taumbayan, specially ang paggitnang pwersa at hindi maisasaisang-tabi ang posibilidad na maulit ang mabagsik na Pipol Power. Pangalawa, tulad sa Thailand, baka tuluyan na ngang magsipag-aklas, ma-challenge ang isang paksyon ng kasundaluhan, kung saan sa isang KUDETA cum mass movement ang bumulaga sa mukha ng Parliament sa pangunguna ni Thaksin.

Sa ngayon, nakaabang sa anumang eventualities ang country. Sa bahagi ng demokratikong kilusan, maliban sa ligal, nananatili ang option sa extra- constitutional na pamamraan ang pakikibaka, hindi bumibitaw at tangan ang kumpas na kampanyang "oust GMA". Sa kabilang banda, naka-antabay at pinaghahandaan ang electoral combat, ang pagpapanalo ng ilang makabayang kandidato sa 2007, (senatoriable, party-list, congressional at lokal).

Muling nanunumbalik ang kasaysayang may pakirandam ang karamihan, pananaw, persepyon-mood ang mamamaysang Pilipino na KUMONTRA sa lahat ng kagustuhan, sa anumang galaw, sa anumang naising magtagal sa kapangyarihan ang diktadurang Marcos. Isang malaking pagkakataon sa bahagi ng malawak na kilusang progresibo na makatuklas ng wastong timpla, tamang ingredient, tamang taktika't estratehiya.

May senaryong kahalintulad ang nagaganap ngayon nuong (Martial Law ng Diktadurang Marcos) at ngayon kung saan ang political climate at political uncertainty ay halos iisa ang katugunan, ang PAGTUTOL.

Kaya lang, ang nakakalungkot, hindi makabawi't maka-bwelo ang ilan sa mga KILUSANG ito, kung 'di man mateo-teorya't, hardline, hindi maintindihan ang lengguahe't pinagsasabi nitong kasulatan, elitist, sectarian, all knowing, maggugulang at higit sa lahat ipokrita. Hindi masisisi ang country kung bakit tumatagal, lumalabo at walang pinatutunguhan ang pakikibaka. Ang nauulinigan natin sa tabi-tabi, mga pagdududa, kung bakit watak-watak, kung bakit sila-sila, kayo-kayo, kami-kami at kanya-kanya.


Doy Cinco / IPD
Oct 20, 2006,

Thursday, October 19, 2006

After Ramadam, labanan na sa Mindanao?

Ang hirap aruking na muling magbabakbakan ang MILF at Gubyerno sa Mindanao. May larangang digmaan na nga sa NPA, may imminent “pipol power” pa na ikinakasa sa Makati (kung 'di man bawiin ang suspensyon kay Mayor Binay?), walang puknat at tuloy-tuloy pang political killings.

'Di pa nga nakakabawi sa pinsalang idinulot ng bagyong Milenyo at dengue epidemic, may paparating at didisisyunan ang Supreme Court na bagyong signal number 4, ang Cha Cha sa susunod na Linggo, may lindol, tsunami at tornado pang nakaabang sa Mindanao. Ang tanong, ito ba ang “STRONG o nanlulumong REPUBLIC”?

Nakakalungkot isipin at walang maaring walang sisisihin sa katangahan, sa kagaguhang, sa mis-management at gawang taong trahedyang ito kung 'di ang gubyerno ni Ate Glo. Ang gubyernong gigiray-gira at ang tanging pinagkaka- abalahan na lamang ay ang political survival ng kanyang poder.

Sino ang matutuwa, sino ang makikinabang kung saka-sakaling muling sumambulat ang labanan sa Mindanao? Papalakpak sa salpukang ito ang mga nagsu-supply ng armas, mga nagsasanay (war games) at atat na atat nang mapasabak, mga nanggagatong na makapangyarihang Amerika, si Bush, ang US State Department, si Blair ng UK at tropang Australiano. Sapagkat sila'y naka-abang na, preperado na't parang mga buwitreng handa ng manlalapa ng biktima, nakaKASA na sa anumang putukang maaring maganap mula ngayon hanggang sa mga susunod na Linggo.

Gaganansya rin ang mga taung nakapaligid kay Ate Glo, mga taung hindi na niya mahawak-hawakan at mga taung hindi na niya kontrolado't mga astig na “utak pulbura”, ang mga Heneral sa loob ng AFP! Mabibiyayaan din ang CPP-NPA, sapagkat ang grabidad ng atensyon sa counter insurgency ay kahit paano'y maibabaling sa Mindanao.

Kasalukuyang may "impasse" sa tigil putukang inisponsor ng Gubyernong Malaysia. Walang malinaw na mandato, hindi makapag-balangkas, makakagawa ng mga mahahalagang desisyon at patakaran magdidirehe sa tunay na kapayapaan at kaunlaran ng Mindanao ang Nego PANEL na itinalaga ng gubyerno.

At the end of the day, ang mga Heneral at hindi mga CIVILIAN pa rin ang may huling salita. Obvious ba, "kung ika'y militar, kailangan mo ng maraming GERA." Naka- balangkas sa "position of strenght frame" ang gubyerno't militar sa impasse ng tigil putukan. Tulad ng mgnagdaang karanasan, ang "peace talks ay ginagamit lamang bilang taktika sa kabuuang kontra-insureksyong" istratehiya ng mga matataas na Heneral sa AFP.

Upang sirain ang negosasyon, ginagamit at ikinukubli ang balangkas ng Constitution. Isang hlimbawa ay ang isyu ng “eminent domain”. Lihitimo ang ipinaglalaban (ilang dekada) ng ating mga kapatid na Moro, ang pangarap na magkaroon ng "Kalayaan at Self-determination" ng kanilang lupang tinubuan. Gusto ng MILF na bukud sa existing Muslim autonomous region, palawakin ito ng hindi ipinapako sa limitasyon ng Constitution.

Bakit palagiang isinasangkalan ng Nego Panel ang Constitution? "Wag nilang sabihin na mahal na mahal nila ang Constitution? Sobrang kaplastikan na'yan at over-over- ipokrita. Kung ang habol ay kapayapaan sa Mindanao, maaring gumamit ng extra- Constitutional o executive order ang Malakanyang for the sake ng hindi matuloy ang putukan, patayan. Akala ko ba buwisit na buwisit ang gubyerno sa Constitution?

Kung matatandaan, nagsimula ang tunggalian nung nag-alsa ang Moro National Liberation Front (MNLF) sa pangunguna ni Nur Misuari nung panahon nadiktadurang Marcos. Nagkaroon ng kasunduan (truce) at nagkaisang ipapatupad ang “Tripoli Agreement”. Dahil sa lokohan, goyoan at pulitikahan, walang pinatunguhan at kinahinatnan ang usapan. Alam ng gubyerno ang isyu at kung seryoso ito sa kapayapaan, kaya nitong i-nego, ihatag ang dinedemand ng MILF.

Sa kabila ng pagtatanggi ng MILF, pinagbintangan pa ito ng AFP bilang pangunahing promotor ng terorismo sa Mindanao, kinakalinga daw nito ang Abu Sayyaf Group at JI sa kanilang teritoryo at ang matindi, may pakana sa apat na insidente ng pagpapasabog sa Gitnang Mindanao.

Imbis na hanapan ng lunas, mag-usap-usap at pag-isipang magkasalubungan, mukhang pagbibintang, paghahamon, devide and rule tactics at pag-iintriga patungo sa Gera ang ipinamumukha ng Malakanayang at AFP sa MILF.

Mukhang may kahirapan ng maawat at nakahanda ang magkabilang panig sa girian. Matapos ang RAMADAM, inaasahan at malamang sumiklab ang gera sa Mindanao. Habang may iilang nagdiriwang, nagluluksa ang country, maraming mapipinsalang sibilyan at ari-arian. Ilang daang milyong piso kada araw ang magagastos ng gubyerno sa ilulunsad na gera na dapat sana'y magamit sa kaunlaran, kalusugan at edukasyon ng mga kabataan.

Kung matuloy ang putukan, dapat mag-resign at panagutan ni Ate Glo at buong pamunuan ng AFP ang karumal-dumal na krimeng kahihinatnan ng digmaan sa Mindanao. 'Di ka ba maluoy, sa batang Pinoy!


Doy Cinco / IPD
Oct 19, 2006

Monday, October 16, 2006

Mayorya ng mga LGUs (mula Appari hanggang Jolo) ay may “ghost employees”!

Halatang-halata't may kulay pulitika ang motibo ng Malakanyang sa pagsususpindi at pagpapatalsik kay Mayor Binay ng Makati. Naunan ng sinuspindi ang isa ring oposisyon si Mayor Peewe Trinidad ng Pasay City, ang kanyang Vice Mayor at 10 mga councilors.

May isang taon ding prinoyekto ng Malakanyang si Binay (ang kaisa-isa na lamang balwarte ng oposisyon sa Kamaynilaan) at ang tanging kasalanan lamang nito ay; kaaway sa pulitika ni Ate Glo, siya ang pangulo ng United Opposition (UNO), ang pangunahing tinik at sagka ni Ate Glo sa 2007 at 2010. Si Binay ang kumatay ng People Initiative ni Gloria (PIG) at Cha Cha. Isang "teroristang" banta sa katatagan ng Malakanyang at political survival ni Ate Glo hanggang 2010 si Binay.

Ano ngayon ang palusot at ikinakaso kay Binay ng Malakanyang at DILG? “Pangungurakot, accountability ng public officials?” 'Trntado, gawain ng halos lahat ng pulitiko yan, mula Malakanyang hanggang lokal! Repleksyon lamang na kung ano ang sistema't ginagawa sa TAAS ay siya ring nakagawian at kalakaran sa baba, sa LOKAL!

Ang nakakapanglupaypay, nagkaroon ba ng maayos na proseso at parehas na inbistigasyon sa kaso (maliban sa ang alam ng lahat ay Malakanyang ang trumabaho't nag-iimbistiga rito) ng “ghost employees at overprizing" sa Makati?

'Wag n'yo nga kaming pinagloloko!! Ang kalakaran at isyu sa Mega Pacific (Automated Counting Machine), PIATCO, Macapagal Highway, IPPs (independent power producers), ang procurement, subastahan at SCAM sa Dep-Ed, sa AFP at DPWH na pawang mga "legal na overprizing" ay kagagawan at kinukunsinti ng Malakanyang. Alam ng lahat na bilyun-bilyong piso kada buwan ang naibubulsa sa ala-Mafiang sistema ng procurement procedure at subastahan isinasagawa sa gubyerno!

Bigo't wala ng kredibilidad ang Ombudsman sa kampanyang kontra-korupsyon. Ang World Bank na mismo ang nagsasabi na ang bawat proyektong ipinatupad ng gubyerno, may 40 hanggang 60% ang naibubulsa, nakukurakot sa anyo ng komisyon, suhol, lagay at ito ang sanhi kung bakit triple sa tunay na halaga (overprizing) ang mga mega-projects ng gubyerno. Hindi itinatanggi ng Malakanyang ang ganitong kalakaran!

Alam ng mundo na bahagi ito ng teroristang kontra-opensibang atakeng pinaiiral ng Malakanyang sa kanyang mga kaaway sa pulitika. Layon nitong durugin, tirisin, i-all out war, i-marginalized at all cost ang political opposition sa nalalapit na 2007 election.

Sinong naniniwalang seryoso ang Malakanyang sa panawagang linisin ang burukrasya sa gubyerno (lokal at nasyunal)? Bakit si Binay lang? Bakit hindi magalaw-galaw ng Ombudsman si Mayor Echeveri ng Caloocan, Mayor Lito Atienza ng Manila, Mayor Jaime de la Rosa Fresnedi ng Muntinglupa, Mayor Sonny Belmonte ng Quezon City na nakatengga rin ang kaso sa Ombudsman at marami pang mayor at gobernador sa bansa? Kung tototohanin ang kampanya, baka maubos at walang matira sa LGUs?

Nasa mind set ng isang local executive na legal at 'di bawal ang "ghost employees", mga casual employees na naka-payroll! Ang totoo, mula Appari hanggang Jolo ay talamak na pinapairal ang “ghost employees”. Kung di man lahat, mahigit walong pung porsiento (80%) ng mga Mayor at Gobernador sa buong bansa ay may "ghost employees"!

Hindi na bago't hindi na balita 'yan. Saksi't buhay na karanasan ko ito nuong ako'y nagtrabaho't nakipag-network sa mga LGUs (IPD projects) nuon sa Bataan, sa Bohol at sa Negros. Marami rin akong kaibigang nagpapainum na "ghost employees" na ipinasok ng mga pulitiko sa Quezon City at hindi kayo maniniwalang maging sa Non Governmental Organization (NGOs) ay uso rin, may raket na ghost employees rin.

Nakagawian ng kalakaran sa mahigit limang (5) dekadang sistema ng lokal na paggu- gubyerno ang ghost employees. Kung susuriin, tatanungin at pag-aaralan kung bakit nag-eexist ang mga'to, KULTURA'T utang na loob.

Pangkaraniwan ng itinatalaga, pinupwesto, bilang kontraktwal ang mga bata-bata ng Lokal na Ehekutibo ang ghost employees. Hindi malayong paniwalaan na pati ang opisina sa Presidente sa Malakanyang ay hindi rin ligtas at nagpapatakbo ng sari-sariling bata-batalyong mga "ghost employees"!

Bayad utang sa mga “OPERADOR, kaibigan, ka-brod/sis, kabalahibo't kamag-anak”, mga tumulong sa election, sa pagkakapanalo ng Mayor, Gobernador, ni Tongresman at Presidente! Kaya nga imbis kastiguhin ang mga Heneral at mga commissioner sa Comelec na sangkot sa "hello Garci" ay prino-promote pa ni Ate Glo. Simpleng bayad UTANG lang 'yan! Kaya't, kung ika'y ka-alyado, walang problema para sa'yo ang katiwalian at ghost employees, kaya lang, kung ika'y kalaban ng Malakanyang, ni Ate Glo, kara- karakang hahanapan ka ng butas para mawala ka!!

Ito ang nagdudumilat na katotohanan sa buluk na sistema ng ating pulitika, ang padri-pdrino o “patronage politics” at ang nakakalungkot, alam at 'di pwedeng magmaang-maangan ang Malakanyang sa isyung ito.


Doy Cinco / IPD
Oct 17, 2006

Citizen armed militia, binuhay uli ni Ate Glo!

Dahil sa lumalalang kalagayang seguridad ng bansa, ibabalik na naman ng gubyerno ni Ate Glo ang kinamuhiang citizen armed militia. Nabubuang na talaga ang mga nasa Malakanyang, hindi na nag-iisip, PRANING na't wala na sa hulug.

Nuong panahon ni Magsaysay hanggang kay Marcos, Barrio Self-Defense Unit (BSDU) ang ginamit. Dahil sa mabantot at unpopular sa mamamayan, binago ang pangalan at ginawang Civilian Home Defense Unit (CHDF) nuong kasagsagan ng insureksyon nuong panahon ni Marcos. Ang tanong, nasugpo ba ang rebelyon at insureksyon?

Civilian Armed Forces Geographical Units (CAFGUs) naman sa panahon ni Tita Cory at Ate Glo . Ang tanong ule, nabura ba sa mapa ang rebelyon at insureksyon? Mas lumawak pa nga ang saklaw, nakisangkot na rin pati mga junior officers.

Sa panahon ni Ate Glo, mula sa CAFGU, Civilian Volunteer Organization (CVO) ang kanyang naging bagong pangalan. Karamihan sa bumuo nito kung 'di man mga goons, mga lumpen, adik, mga bumaligtad na rebelde at police character sa kumunidad. Marami rin sa kanila ay nasa mababang saray ng ating lipunan, kung 'di man magsasaka, manggaggawang bukid, istambay o mga walang permanenteng trabaho-un-employed.

Wala nang kadala-dala, hindi na natuto at imbis paabante tayo, mukhang papaatras ang direksyon tinatahak natin. Balikan at matuto sa kasaysayan. Gusto pang ibalik ni Ate Glo ang dati ng iwinaksing fertilizer, pabrika, pinagbubuhatan ng lamok na insureksyon ang armed milisya. Ayon sa mga nagsuri't nagsuma-tutal, nagmistulng “MONSTER-Frankestien” ang mga inarmasang milisyang ito. Kinastigo ito hindi lamang ng mamamayang Pilipino kundi maging ang Pandaigdigang public opinion na kumakatawan at nagsusulong ng Karapatang Pan-tao.

May time frame si Ate Glo at AFP na, bago matapos ang termino sa 2010, "burado na sa mapa ang CPP-NPA, MILF at lahat ng insurektos sa bansa." Sa kautusang Executive Order 465, muling pakikilusin ang mga goons, ang mga militia bilang mga police auxiliar yunit bilang pambala sa kanyon, pantapat at panagupa sa lumalala raw na banta ng terorismo sa bansa lalo na sa Mindanao. Mahigit siyam na libong (9,000) CVO ang binabalak recruitin at pakilusin ng AFP. Sa kasalukuyang may mahigit 53,000 ang bilang ng CAFGU na sumasahod ng below the minimum wage ng P60.00 kada araw. (maliit na nga, nakangkong pa ang kalahati?)

Walang problema sana sa itatayong CVO kung gagamitin ito upang USIGIN, sawatain, durugin ang WETENG. Pwede rin gamitin ang mga para-military na ito upang sugpuin ang Illegal Logging, Dynamite fishing at paglaganap ng DROGA. Pero, kung gagamitin ang mga ito upang sikilin, supilin ang karapatang pantao ng mamamayan at gamitin ito upang pag-away-awayin tayong mga Pilipino, siguradong SABLAY.

Bukud sa marami na namang kikita ditong pulitiko, ang mga armadong milisya ay walang dudang gagamiting private armies ng mga lokal na trapitong bayan, casique at mga lokal na warlord. Upang matiyak ang panalo ng mga galamay ni Ate Glo sa Tongreso at ULAP-LGUs, hindi malayong paghinalaang gagamitin sa 2007 local election ang CVO.

Kaya lang, sa anyo ng operasyong pagdidis-arma ng mga insurektos, sa kahuli-hulihang labanan, ang CVO ang siya pa mismong magiging supplier ng armas at bala sa MILF, NPA, iba pang armadong grupo sa bansa.


Doy Cinco / IPD
Oct 16, 2006

Friday, October 13, 2006

May Hustisya pa ba? Umasa ka pa!!!

Tulad ng inasahan, kinasuhan nga ng rebelyon ang mahigit 50 kataong civilian at militar na sangkot raw sa nabigo at pinagsususpetsahang “walk in the park” activity sa Edsa nuong February' 2006.

Ano ba naman 'yan? Kung matatandaan (Jan-Feb '06), putak ng putak ang Malakanyang, Gen Esperon tagapagsalita ng AFP na ang bantang Kudeta raw, kung mayroon man ay pangungunahan, kagagawan at sabwatan daw ng mga Magdalo-Junior Officers at CPP-NPA. Ito raw ay resulta A-1 info na nakalap ng AFP sa pagkakatimbog ng isang Magdalo officer at isang abogado sa Batangas at sinundan ng pagkakatakas ng apat na junior officers sa military detention.

Kung anu-anong propaganda at kasinungalingan; “may pagtatagpo't pagkakaisa na raw ang mga Komunista at mga Coup plotters' upang pabagsakin ang gubyerno ni Ate Glo. Ang tanong ngayon, maliban sa inaping Batasan Five (5), mga Komunista ba, CPP-NPA ba ang mahigit 50 taong kakasuhan ninyo ng rebelyon? Kudeta ba talaga ang plano o ang nabigong "walk in the park" at "withdrawal of support" lamang sana ni Gen Senga, Danny Lim, Gen Miranda at iba pang kalahok na pwersang demokratiko.

Dapat pa ngang magpasalamat ang Malakanyang sa mga "coup plotters" at hindi mga UTAK PULBURA'T ginagaya't inspirasyon lamang nila ang dating Heneral na si Angelo Reyes nuong panahon ni Pres Erastrada, "magwi-withdraw lamang ng support" ang mga aktibistang Heneral! "Sila pa nga raw ang dahilan kung bakit walang putukan, walang ibubuwis na buhay at hindi ia-asault-lulusubin ang palasyo ng Malakanyang", ito ang mahinahon na pahayag ni Gen Danny Lim sa isang interview ng isang magazine.

May hustisya pa ba? UMASA KA PA!!! Kung kakasuhan at maipapakulong si Ka Dodong Nemenzo (dating Presidente ng UP at ito naman ang kanyang pinaghandaan at ikaliligaya) at iba pang mga kasamahan sa kasong "tumulong, kumalinga, umaruga sa mga junior officers," maging parehas, patas sana ang HUSTISYA!

Ang nakakalungkot, bakit hindi magalaw-galaw, pinatatakas, itinatago ng Malakanyang ang mga may kagagawan, may sala at sangkot sa maanomalyang fertilizer scam na si JocJoc Bolante, ang bilyong scam sa PIATCO, ang bilyung scam ng Comelec at ni Com Benjamin Abalos sa Automated Counting Machine. Ang dagdag-bawas ni Emilio Garcillano ng “hello Garci” controversy kung saan kinalinga, prinotektahan ito ng Malakanyang sa Congressional hearing at ang ma-anomalyang transaksyon at money laundering ni Sec Nani Perez.

Kung may piring ang hustisya, bakit wala sa listahan si Novaliches Bishop Antonio Tobias? Hayagang inamin nito ang naging papel niya sa mga junior officers! Signal na ba ito sa Simbahan na manahimik muna, mag laylo o dahil ba'y may damage control na kinukunsidera't iniingatang maaring may negatibong epekto sa hanay ng CBCP at Vatican?

Isa pang katawa-tawa, muntik pang masuhulan (pwesto sa gubyerno), magkaroon ng cashsunduan sa pagitan ng Malakanyang at ni dating ambassador Roy Señeres (kasama sa 49 na kinasuhang rebelyon). Lumalabas, kung tatanggapin mo ang OFFER, kung babaligtad ka, kung magsisirko ka, kung oportunista ka, kung maghuhudas ka sa masang Pilipino, kung mababaw ang prinsipyo mo, burado't MAWAWALA ang KASO mo, aalisin ka sa listahan at bibigyan ka pa ng posisyon sa Malakanyang!!

Lantay, istilong buluk at maliwanag na political harrashment, Martial Law ala Diktadurang Marcos ang ganitong tunguhin. Gusto ng Malakanyang na makabawi't makaganti sa mga kritiko't kaaway sa politika, pilayan, tiris-tirisin, pahinain ang Kilusang Demokratiko na nagnanais ng pagbabago sa gubyerno.

Kung maipapakulong ang 50 katao (handa namang makulong ang mga ito), lalo lamang titindi ang labanan, lalong mara-radicalized, mapo-polarized ang country at fertilizer ito, inspirasyon ito sa panibagong larangan ng mataas na pakikibakang politikal.

Ayon sa bersyon ng HUSTISYA ni Sec siRAUlo Gonzales, "weder wader lang yan, PUPWEDE kung sana'y nagtagumpay ang "rebelyon (nung Feb 2006)-withdrawal of support-walk in the park", ngayon ay hindi na pupwede, NATALO kayo, sa kangkungan kayo!"


Doy Cinco / IPD
Oct 13, 2006

Tuesday, October 10, 2006

US, UK , Australia, AFP: teroristang atake sa Pinas, paparating na?

Talaga? Kailan pa'yan, saang mga lugar, Abu Sayyaf at JI na naman? Hanggang kailan at anong oras ipapatupad? Korek, may apat ngang sumabog sa Mindanao! Mukhang alam na alam n'yo't maraming Pinoy at broadcast media ang napapaniwala?

Kaya lang, sino ang matino't kritikal mag-isip at magsuri ang kakagat sa balitang ito? Dito nga lang, araw-araw tayong tiniterorized ng Malakanyang at dahil sa political survival at isyu ng ilihitimong pangulo, ang terorismo ng panunupil, ang kagutuman, karalitaan, katiwalian, panlilinlang, kasinungalingan, bastusan at imoralidad ang siyang nakagawian ng hagupit ng buhay.

'Wag n'yo kaming pinagloloko, 'wag n'yo kaming GULUHIN, takutin at paki-alamanan! Imbis na dapat tumutulong ang US, UK at Australia upang magsulong ng kapayapaan at kaunlaran, parang ini-intriga't ginagatungan pa! Tularan n'yo ang Sweden at Norway na patuloy na nagbabandila't tumutulong para sa kapayapaan at kaunlaran, lalo na sa mga bansang kabilang sa Ikatlong Daigdig.

Gusto ng mga dayuhang ito' kasama ang mga kasabwat na mataas na opisyal ng Malakanyang na sirain ang pagkakaisa at magkawatak-watak (devide and rule) ang mga Pinoy. Gusto nilang gawing lunsaran ng larangang pakikidigmang anti-terorismo ng mundo ang 'Pinas, gusto nilang itulad sa Afghanistan at Iraq ang Mindanao.

Negosyo't hanapbuhay ang GERA. Alam ng mundo na pinagkakakitaan ang gera at walang dudang may interest at agenda ang US, UK at Australia sa Mindanao. Isang dahilan ay ang kayaman-natural resources na taglay ng Mindanao. Gusto nitong panatilihin naghihikahos ang lugar, ang status quo, ang patuloy na pagsasamantala, paghahari't kontrol nito sa rehiyon Timog-Silang Asya at Pasifiko.

Matagal ng ipinagmalaki ng AFP na humina't todas na ang grupong Abu Sayyaf Group, kasabay na may kumukulong tensyon namamayani sa pagitan ng Malakanyang at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na sa anumang sandali (ilang araw, ilang buwan), malamang mabalewala ang ipinapatupad na Tigil Putukan. Kung ganito ang kauuwian, panigurong matutuwa't papalakapak ang mga may utak pulbura, buwitre sa palasyo at US State Department, UK at Australia!

Kung dati-rati'y ang grupong Abu Sayyaf (AS) at JI ang palagiang itinuturo, sa magkakasunod na apat (4) pagpapsabog sa Central Mindanao kamakalawa ay biglaang ikinakambyo na sa grupong MILF, ang kinikilalang ka-peace talk ng gubyerno.

Alangang maging terorista ang grupong MILF. Malabong paghinalaang may kaugnayan din ito sa ASG, lalong-lalo na sa CPP-NPA at Jemaah Islamiyah (JI), ang pinagsususpet- sahang mambobomba at pangunahing banta ng seguridad sa nalalapit na ASEAN Summit sa Cebu.

Ayon sa libro ni Maria Resa ng Abs-Cbn at reporter ng Cable News Network (CNN) ng US, sa kanyang maka-US State Department na pananaliksik, "mga grupong may kaugnayan sa Al Qaeda, tulad ng JI ang siyang may kakagawan sa pambobomba sa Bali, Indonesia at sa Pilipinas at ito'y nakapenetrate na, nagsasanay, nagre-recruit at nagpapalakas sa Gitnang Mindanao!" Ano ang batayan, sino ang sources dito, si Bush at Central Intelligence Authority (CIA)?

Mas kapani-paniwala ng mahigit isang libong beses kung sasabihing ang CIA ang tunay, ang orihinal na terorista ng mundo. Ito ang karanasan at pinatotoo ni Hugo Chavez, ang Presidente ng Venenzuela, Evo Moralez ng Bolivia, ni Lula ng Brazil at mismo sa Pilipinas. Maraming bansa sa mundo ang napariwara dahil sa panunulisan, pananabotahe ng CIA, lalo na nuong kainitan ng cold war, alang-alang daw sa "demokrasya".

Manhid na ang mga kapatid nating Moro sa ilang dekadang digmaan at karalitaan tinatamasa. Sawa na sila sa walang katapusan at palagiang pagbabanta, pananakot hindi lamang ng mga Dayuhan, maging sa mga ahente nito mula sa Malakanyang, kay Sec Norberto Gonzales.

Sa mga nagdaang kaganapan, nadiskubre, natuklasan ng ating mga kapatid sa Mindanao, mula sa ilang makabayang junior officers ng AFP, Taong Simbahan-Claretian order at dating Commander ng MNLF, na mismo ang gubyerno, matataas na opisyal ng AFP ang siyang promotor, utak at pasimuno ng gera't pambobomba (Davao Mosque, time ni Gen Angelo Reyes).

"Gumagawa ng gera o enkwentro" ang militar sa lugar para makakurakot! Maraming naiulat na nawawalang M-16 at truck-truck na bala ang militar na natatagpuan sa kampo ng MILF (pinagbibili ng mura). Ito ang ikinapuputuk ng butsi ng mga junior officers, na "ang kinamamatay nila ay mga armas at bala na galing sa mga ksamahan namin , sa gubyerno- AFP".

Kung may "ghost project" ang pulitiko, may "ghost war-encounter" din (set-up na kunwaring encounter) sa AFP. Malaki ang perang (milyon) involved sa tuwing may GERA. Bukud sa kurakot, may pakinaban at kaakibat na promosyon-medalya agad ito sa Malakanyang. Paano mai-inpliment ang isang anti-terror campaign-bill kung ganun katindi, kalupit ang pangungurakot sa loob ng AFP?

Maraming nahihiwagaan sa "paparating na terorismo-digmaan sa Mindanao na itinatambol ng US, UK, Australia at AFP.
Una; ang timing ng pagkaka-anunsyo, may on-going debate sa Senado hinggil sa nabuburong panukalang batas na Anti-Terrorism Bill ni Bush, ah si Sen Enrile pala.

Pangalawa; ang patuloy na "pagtugis at military operation" sa Jolo at paghahanap kay Kumander Kadhafi Janjalani (most wanted terrorist). Sinundan din ito ng isang DRAMANG pagkaka-aresto at "pangungumpisal" daw ng isang asawa ng "bomb expert" na si Dulmatin, isang kasapi raw ng JI. "Scripted masyado", huwag n'yo nga kaming pinagloloko!!!

Pangatlo; maliban sa may mobile force at aktibidad ang mahigit 7,000 tropang Amerikano sa bansa, may isinagawang joint military war exercises ang AFP at pwersang Australia sa Mindanao. Nalalapit na ang Association of Southeast Asian (ASEAN) Summit na gaganapin sa Cebu itong Disyembre at isa sa tatalakayin at pagdidisisyunan ay ang pang-rehiyong usapin ng anti-terorismo.

Ang isang maaring pagdudahan, pagtakhan sa nasabing pagbabanta ng US, UK at Australlia ay kung bakit mukhang alam na alam nito ang buong larawan at kaganapan sa Mindanao? Nakakalungkot isipin na sa kabila ng napakahirap na kalagayan ng ating bansa, ang Mindanao ay isa pa ito sa maaring targetin ng mga tinatawag na Muslim exremesit-terorista ng mundo.

Kung ikukumpara sa bigat ng kasalanang nagawa ng US, UK at ibang makapangyarihang Kanluraning Bansa sa Daigdig sa mga Islam-Kamusliman ng mundo, wala tayo ni katiting na kasalanan sa mga Muslim. Ang alam ko lang na maaring isumbat sa atin ng Al Qaeda, JI ay ang pagiging masunuring bata ng gubyerno, pagiging burikak sa foreign policy ni Bush at ni Uncle Sam. Sa kabila ng pagiging "super maid" ng mundo ang 'Pinas, ang hirap paniwalaan ng ilang libong beses na isa tayo sa maaring targetin ng mga sinasabing mga Islamic fundamentalist- extremistang Muslim groups sa mundo.

Hindi natin malilimutan ang sinabi ni Sen Pimentel at ilang mapagkakatiwalaang mga dating Kumander ng MNLF na, "may mahigit 20 taon na ang nakalipas ng itatag, inorganisa at pinakilos ng AFP ang grupong Abu Sayyaf sa Mindanao. Meaning, mga pekeng guerilla, mga bandidong grupo na ginawang military asset ng AFP ang Abu Sayyaf. Maliban sa pagkakakitaan, layon ng grupong ito na bulabugin, guluhin at sirain ang kredibilidad ng mga tunay na Samahan-Kilusang nagnanais ng tunay na pagbabago sa Mindanao.

Ang tunay na "terror attack" kung mayroon man, ay wala ng anu-anunsyo. Sino ang nakahula, sino ang naka-predict sa dalawang beses na atake ng pambobomba ng mga terorista sa Bali, Indonesia (na wala man lamang nasawing ni-isang Amerikano), sa 9/11 sa New York na kagagawan raw ng grupong Al Qaeda (na pinabayaan lamang ng US na makatakas ang mga kamag-anak ni Bin Laden sa US), mga pagpapasabog sa Madrid, Spain at ang pinakahuli ang pagpapasabog sa London, Great Britain sa Europa.

Sa ganang akin, maaring paghinalaan, pagdudahan ang mga banta't mga pananakot ng mga makapangyarihang bansang ito. Kasamang nakikipaglaro rito ang ilang mga traydor, taksil na lokal na ahente sa Malakanyang. Ang mga demonyong ito ang siyang punu't dulo, ang sponsor, ang ugat ng kaguluhan at fertilizer ng terorismo sa Pilipinas at sa mundo.

Ayon sa kaibigan kong Muslim, maibabalik lamang ang tunay na katahimikan sa Mindanao kung aalisin ang mga tropang dayuhang at AFP na patuloy na naghahasik ng takot at pangamba sa kanilang lupang tinubuan. Matatamo lamang ng Mindanao ang katahimikan kung maaalis ang mga malalaking private armies na kontrolado ng malaling ANGKANG pulitiko na kinukunsinti ng Malakanyang at partidong Lakas-CMD (hal. Gov Ampatuan).

Dagdag pa niya, "hindi solusyon ang batas na Anti-Terrorism bill, bagkus ito'y mitsa pa ng kaguluhan at digmaan." Tatahimik lamang ang Mindanao kung tunay na maipapatupd ang lokal na awtonomiya at sistemang federal na kung saan, sila-sila mismo ang siyang manggasiwa't maggugubyerno, sila-sila mismo ang uugit, tatahak ng landas tungo sa demokratisasyon at kaunlaran.

Magkakaroon lamang ng tunay na kapayapaan sa Mindanao kung papairalin ang tunay na representasyon (hindi mga TRAPO't malalaking pulitikong angkan) at partisipasyon ng mamamayang Muslim, Katutubo man o Kristiano.


Doy Cinco / IPD
October 11, 2006

Monday, October 09, 2006

Ate Glo, NoKor NUKE testing ito hindi Nursing Testing !!!

Buong yabang na kinondena kahapon ni Ate Glo ang nuclear test na isinagawa ng North Korea. Ayon sa kanya, "isa raw itong banta sa estadong pulitikal, seguridad at pang-ekonomiya ng buong Northeast Asia. Idinagdag pa n'ya na 'wag maging pasaway ang NoKOR, itigil ang nuclear testing at tumalima sa umiiral na Non-Proliferation Treaty."

Malabong pakinggan si Ate Glo ng bansang North Korea! Kung papatulan, marahil ito ang posibleng response ng NoKOR, “sino ka, isa ka lang “super katulong” at burikak ni Uncle Sam noh! "Kung si Bush nga hinahamon namin ng away, ang Hapon, So. Korea dinededma, ang mayayamang Kanluraning bansa sa Europa hindi namin ginalang," 'kaw pa na may kaparehong binabagabag na pang-loob na suliraning seguridad mula sa CPP-NPA, ang comrade nitong insurektos sa South-East Asia!

Kaya Ate Glo, tumamimi ka muna, "wag kang magpasikat kay Uncle Sam na concerned ka sa seguridad ng REHIYON, 'wag kang padalos-dalos at tatanga-TANGA, NoKor Nuke testing ito, hindi ito Nursing testing! Yung panloob na suliranin (political survival) ang una mong asikasuhin!!

Si Pres Bush at pamunuang SAKANG (Japs) ang dapat sisihin kung bakit nag-armas nuklear ang bansang NoKOR, kung bakit "nagsisilbing banta ng istabilidad sa Silangang Asia ang NoKor." Kung matatandaan, may limang taon ng nakalipas nang bansagan ni BUSH ang NoKOR, Iraq at Iran bilang mga “AXIS of EVIL” ng mundo.

Dahil nga mga “demonyo” ang turing, nakaisip ng (istupidong) dahilan ang US upang LOOBAN at sakupin ang Iraq, may itinatago raw itong “weapon for mass destruction-nukes” (WMD), may ugnayan raw si Saddam Husein sa grupong Al Qaeda at higit sa lahat, mga “diktador, reppresive raw ang mga gubyernong ito!” Kaya lang, ang nagdudumilat na katotohanan, PAGNANAKAW lang pala ng LANGIS ang tunay na pinakay ni Bush sa labanan.

Dahil sa panloloob sa Iraq, naalarma ang Iran at NoKOR dahil sa tantya nila, next na silang uupakan ni Bush. Ano tuloy ang naging epekto ng bantang pananalakay ng US sa Iran at NoKOR, nag-armas nuclear ang dalawa! Sino ngayon ang dapat sisihin dito? Si BUSH, ang kaututang dila ni Ate Glo! Siya ang fertilizer at kanal na pinanggagalingan ng lamok ng terorismo at pag-aarmas nuklear ng mga bansang ang balak lamang ay protektahan at idepensa ang sariling soberanya mula sa mga KAWATAN.

Ang problema, iba ang Iraq at NoKOR. Sa NoKOR, walang ganansya't manankaw ang US, naghahanap na lamang ng damay ang NoKOR at handa itong makipagpatayan. Kung totoo ngang naghahanap si Bush, si Rice ng WMD at pangangtawanan nito ang pagiging pulis ng mundo, eto ang NoKOR.

Bakit hindi magalaw-galaw tulad ng pagtrato sa Iraq at Afghanistan ang NoKOR? Hayagang inamin ng may Nukes sila, may malinaw na ebidensya, may 2 taong ng nag-missile testing malapit sa Karagatang Hapon at kamakalawa, nagsubok ng magpasabog ng bombang NUCLEAR, ang tanong ule, bakit hindi makaporma si Uncle SAM?

Wala tayong kinakampihan dito, pare-pareho lamang silang mga dorobo, magugulang at napapraning!
Para kay Ate Glo, may dalawang paraan ang pinakamabuting gawin; Una, ang tumahimik na lang muna, baka mapikon ang NoKOR at biglang suportahan, bigyan ng armas ang NPA, lalong nalintikan ang Malakanyang. Kung sa bagay, matagal ng "nag-aassist" ang NoKOR sa CPP-NPA.

Pangalawa, ang China at Rusya ang daan, ang dapat kausapin, kumbinsihing upang manduhan ang NoKOR na tumalima sa “Non-Proliferation Treaty,” isang kasunduan napagkaisahan sa United Nation, sapagkat ang dalawang makapangyarihang bansang ito ang siyang pinapakinggan, iginagalang at masugit na kaalyado ng bansang NoKor.


Doy Cinco / IPD
Oct 10, 2006

Paglakas ng Piso't ekonomya, isa lamang PROPA!

Ang hirap arukin, tanggapin at sikmuraing paulit-ulit, ang hirap paniwalaang ng ilang libong beses na gumaganda ang ating ekonomya dahil lamang sa lumalakas ang Piso. Ayon kay Ate Glo at sa propaganda nito, tumikas ng P49.88 ang Piso kontra Dolyar. Hindi lamang yan, sa taong kasalukuyan, umunlad daw ng mahigit 5.3% ang ating Gross Domestic Product (GDP).

Tumaas din daw ang per capita income ng mga Pinoy, mula $1,000.oo nung 1990, umabot daw daw ito ngayon sa $1,400.oo. Dahil dito, nagPROPA na naman si Ate Glo,"nakahanay na raw ang Pilipinas sa Ikalawang Daigdig (2nd world), wala na tayo sa Ikatlong Daigdig?" Haaaaaaaa, true?

Na-upgrade din daw ang credit rating at sa susunod na taon, inaasahang magiging positibo raw ang rating ng 'Pinas sa pandaigdigan labanan sa UTANGAN. Tumaas din daw ang gross international reserves ng bansa nuong Agosto, umabot na ito sa $21.54 B. Ayon sa Central Bank, "ito na raw ang pinakamataas na reserba sa loob ng ilang taon at kung magpapatuloy ang ganitong tendensiya ng Piso, hindi mangingiming mamili na ito ng dolyar sa palengke."

Binanggit din ang umiiging larawan ng ating pananlapi (fiscal). Malaking tulong daw ang dalawang porsientong (2%) karagdagang isiningil sa buwis ng VAT nung unang quarto ng taon, maliban sa 10% naunan ng pinangpataw nito nung nakaraang taon. Pinagyabang ni Finance Sec Gary Teves na P120.0 bilyon ang posibleng makulekta ng gubyerno sa taong kasalukuyan. Ito raw ang mga kadahilanan kung bakit lalakas ang loob ng mga dayuhan na namuhunan sa bansa.

Bukud sa matutuwa ang mga importer, makikinabang daw ang gubyerno sa mga pinagkakautang natin (IMF-WB) sa labas dahil liliit ng ilang bilyon dolyar ang mga ito (hal. mula sa dating $53.0 bilyon na utang, magiging $49.0 bilyon na lamang). Ayon sa Malakanyang, pinapatunayan lamang na "wasto't epektibo ang patakaran at direksyong pang-ekonomiyang ipinatutupad nito."

Maliban sa barya-baryang pagbaba ng halaga ng gasolina kada litro, hindi feel ng tao ang paglago ng ekonomya't paglakas ng Piso. Sa totoo lang, napakataas pa rin ang presyo ng gasolina, pamasahe't mga bilihin. Sa aking karanasan bilang ordinaryong mamamayan, tatlong beses sa isang linggo ko na lamang ginagamit ang kakarag-karag na sasakyan at paparaming bilang ng sasakyan ngayon ang nakikita kong mga nakatengga't nakagarahe, 'di ginagamit, nagtitipid!

Mas regular na akong nagco-commute patungo't-pauwi sa opisina. Lumiit ang bilang ng grocery bags at prequency ng bilang na aming pamamalenge. Kung dati-rati'y 6 na grocery bags, ngayon ay 4 na lamang. Kung dati-rati'y isang beses kada linggo (once/weekly) ang pamamalengke, ngayo'y isang beses na lamang kada buwan (once/ monthly). Para lubusang makatipid ng kuryente at LPG, mas regular ng bumibili at nagpapabalot (take out) ng ulam, pagkain sa karinderia o resto.

Paminsan-minsan, nag-uukay ng ilang damit at bumibili ng pirated DVD. Isa pang palatandaan, mas dumadami na ang nagigipit at nangungutang (P500 – 1,000) kumpara nuong mga nagdaang ilang taon.

Paano na si Mang Pandoy at yung mga walang trabaho? Sinong sira ulong magsasabing umuunlad na ang country, gumaganda ang ekonomiya ng country, dahil lamang sa “lumalakas na ang Piso”?

Noodles na maraming sabaw nga lang ang kinakain sa araw-araw, papaniwalain n'yo pang nakikinabang kami sa paglago ng ekonomiya ng bansa! Saang hinayupak na lugar matatagpuan ang libreng gamot, libreng hospital, libreng primary education, bagong kalsada-tulay at farm to market road, pabahay sa maralitang taga-lunsod at tumataas na kita ng magbubukid?

Ang pinagmamalaking mega-projects-infrastructure ng gubyerno tulad ng MRT 5 at 7 (Quiapo-Quezon Av-Commonwealth-San Jose del Monte), kung 'di man super delay na ng isang dekada, mukhang bangungut, drawing at panaginip na lamang maipapatupad. Gusto pa tayong engganyuhin at goyoin nung SONA power point presentation ng super regions!

Kahit bumaybay tayo sa timog at hilagang Manila, wala tayong nakikitang may mga bagong itinatayong industriya-pabrika't matataas na gusali. Ang alam natin, nagsisi- likas sa Vietnam, China ang mga industriya sa Pinas. Ang sigurado, ang totoo, walang kaduda-dudang humina at naghihingalo ang industria at manufacturing output ng ating ng bansa. Kung ikukumpara sa mga karatig bansa sa Asia, kulelat ang 'Pinas sa larangan ng pag-aatract ng mga mamumuhunan at pagke-create ng CAPITAL mainly mula sa industria at pag-eexport.

Ang nakikita natin ay mga pulu-pulutong na batang paslit (street children) sa lansangan, dumaraming pick-up girls, mga di mabilang na taung grasa- pulubing namamalimus, mga 'di na mabilang na barung-barong sa estero, sa ilalim ng tulay, nagsisiksikang tulugan sa bangketa, mga kabataang istambay sa kanto, walang trabaho, nag-aadik, lasing at nagpuputa.

Mahigit apat hanggang limang libong Pinoy/pinay (4-5,000) ang kapit sa patalim lumilisan araw-araw upang maging OFW. Pangatlo tayo sa Asia na may pinakamataas na singil sa kuryente! Mga bagong graduate (engineer, nurse, duktor, propesyunal) na walang mapasukan ay nagtyatyaga na lamang sa Call Center. Iyan ba ang sinasabi n'yong kaunlaran?

Ang insidente ng Karalitaan ay lumagpas na sa 50%, ang average family income ay patuloy na bumubulusuk, lalampas na sa 10% ang unemployment rate at inflation rate! Patuloy na nabibinbin at kinukurakot ang mahigit P17 bilyong pension ng mga retiradong sundalo at empleadong gubyerno.

Totoong lumalakas ang Piso vis-a-vis sa dolyar, ito'y dahil, humihina ang dolyar sa pandaigdigang palitan ng lahat ng currency ng mundo. Dahil pa sa panloob na supply at demand, meaning may kaunti tayong itinatagong reserbang dolyar at mahina ang demand at pangangailangan sa dolyar. Ito'y sa kadahilanang mayroon tayong walong milyong OFW na nagreremit ng $15.0 billion kada taon.

Kung totoong gumaganda ang ekonomiya, bakit matumal ang bentada at inbentaro ng ating mga retailers at whole saler. Magmasid ka sa SM at bubulaga ang tunay na katayuan ng palengke-shoping mall, ng mamimiling Pinoy, ang kalagayang walang pambili at pamamasyal, tumatambay ang pakay.

Mas makakasira pa nga sa ekonomya ang paglakas ng Piso lalo sa hanay ng mga nag-eexport, sa industriyang Pinoy at OFW. Dahil sa tindi ng kompetisyon sa karatig bayan, ilang bilyong dolyar ang nanganganib na masawata at malugi dahil bukud sa hihina at magmamahal ang ating inululuwas na produkto, magmumura naman ang mga ini-import nating mga yaring produkto mula sa ibang bansa.

Wala ring katotohanan ang sabihing tayo'y na sa Ikalawang Daigdig (2nd world) na o nasa middle class na kategorya ng pag-unlad sa mundo. Ang alam ko lang, mga dating sosyalistang bansa ang bumibilang sa Second World na ang karamihan ay matatagpuan sa Silangang Europa. Sila ang mga bansang may centrally planned economies kung saan ang gubyerno, ang estado ang siyang nagmamay-ari ng MEANS of Production. Kabaligtaran ito sa ipinatupad na sistemang "free market" sa 'Pinas kung saan kinatigan at niyakap nito ang privatization, liberalization at deregulation na patakaran sa ekonomya.

Hindi na nahiya sa China, S. Korea, sa bansang Brazil, Taiwan, Malaysia at India, bukud sa napaka-unlad at patuloy na umiinit sa pag-unlad, hindi man lang nagmayabang na umakyat na sa middle class (2nd world) na kategorya, ang kapal talaga ng gubyernong 'Pinas!

Ang sigurado, itinuturing at ipinagmamalaki ni Ate Glo na isang super maid, super katulong ng mundo ang Pinas, 'di lang yun, sikat tayo sa pagiging magna cum laude sa Asia sa larangan ng pangungurakot!

Ang Pilipinas ngayon ang pinaka-baog na bansa sa Asia (ukay-ukay economy). Simple na lamang, wala man lang tayong maipakitang maayos na bangketa at bicycle lane. Tayo ang may pinaka- maduming public toilet sa Asia. Tayo na ang may pinakamalaking squater's colony sa buong Asia (QC) at pinakamalaking bilang ng child labor sa buong mundo! Tayo na ang sumasapo ng basura (scrap) ng Japan, Australia at ilang mayayamang bansa. Tayo na ang numero-unong bagsakan ng mga itinapon-pinagsawaang damit ng mga kapit- bahay nating bansa (ukay- ukay economy).

Wala tayong maipagmamalaking STEEL INDUSTRY na sana'y magbibigay daan upang makagawa ng makina na magpro-produce ng panibago pang makina, tools/ gamit pambahay at kasangkapan, barko't katawan man lang ng eroplano! Buti pa ang Malaysia may sasakyang Proton na, tayo hanggang ngayon wala pang sariling gawang Pinoy na automobile. Puro na lang abuloy ang barko de gera ng Phi. Navy at eroplanong pandigma't helicopter ng Phil. Air Force.

In terms of science, technology at mathematics, milya-milya na ang agwat sa'tin ng China, Japan, S.Korea, India, Pakistan, Singapore, Taiwan at Malaysia, maski pa sinasabing ang huhusay nating mag-ENGLISH. Pang-world class na ang kanilang napro-produce na estudyante habang tayo'y nagyayabang na COMPUTER HACKERS at CALL CENTERS! Pumapang-anim (6th) ang South Korea sa produksyon ng automobile sa buong mundo at ang Taiwan ay pumapang-walo (8th) sa dollar reserves!

Habang ang Metro Manila ay may tatlong dekada ng binabagabag sa traffic (tatatlo palang ang linya ng MRT), agad naman itong naresolba sa Bangkok, kilalang pinakama- traffic sa buong mundo. Paano nangyari yon? Subway lang naman, dobleng ulit na linya ng MRT at ilang mahahabang skyway (fly over) mula airport hanggang downtown Bangkok.

Mas kapani-paniwala pa ng ilang libong beses si dating NEDA Sec. Cielito Habito ng sabihin nitong , "malabnaw" at abnormal ang paglaro't kalagayan ng ating ekonomiya. Wala siya sa hulog, hindi balansyado o hindi pantay ang naging mga economic gains ng ating bansa. Umuunlad nga daw ang ekonomiya at lumalaks ang piso pero tuloy ang kawalan ng trabaho, kaso ng gutom, at kawalan ng sigla sa pamilihan. "An economy of contradictions" ang lumalabas na larawan ng ekonomiya ng ating country ngayon.

Doy Cinco / IPD
Oct 9, 2006

Saturday, October 07, 2006

''When the Imposition of Western Democracy Causes a Backlash''

"Careful attention must be paid to each country in question, taking stock of its historical, social and cultural developments. Democracy, as the world is finding out after the end of the Cold War, can come in many shapes and sizes. Supporting the right course of development, tailoring U.S. policies to each particular country, will be the best course of action for the present and future American administrations that seek to promote democracy and the rule of law abroad."

----------------

23 February 2005
''When the Imposition of Western Democracy Causes a Backlash''

As U.S. President George W. Bush criticizes the Russian Federation for its inability to effect fully democratic changes in its society, the world is watching the progression of Western values across the globe. Bush's clearly outlined policy of spreading democracy and supporting the freedoms of individuals around the world is reverberating in Ukraine, Georgia, Lebanon and Iraq. However, even the best intentioned foreign policy -- as Bush's is often called -- must take into consideration the obvious and discreet political, social and cultural conditions that would either allow Western-style democracy to take root or block its further growth for an indefinite period of time.

"Russia's Experiences with Western Democracy"

Russian-style democracy is by no means unique in the pantheon of countries that have made a democratic transition, or have attempted to do so, since the early 1990s and the end of the Cold War. What made Russia so unique from the start is the solidification of the presidential form of democracy, where all power and major decision-making is concentrated in the strong executive branch that eclipses in importance other branches of government, be they parliament or the judicial system.

Russian President Vladimir Putin's consolidation of power can be viewed as either a necessary series of steps to strengthen the internal mechanisms of government following a series of deadly terrorist attacks on Russian soil, or as the executive usurpation of powers and rights that belong to others in a truly democratic establishment. While the criticisms of the Russian leader have been mounting over the last several months, he can retort Bush's comment with a historical overview of how democracy -- in whatever way it now manifests itself in the Russian Federation -- has been growing over the last 15 years.

Russia -- and most of Soviet society -- was woefully unprepared for the democratic changes that were slowly imposed from the top by the weakening Soviet leadership in the late 1980s. While the population desired much needed reforms that would revitalize social and economic development in a country that had been stagnating for more than a decade, no major social education took place to prepare the populace for the eventualities of democracy and the consequences of societal changes that would inevitably take place.

As a result, the government swiftly began to lose its authority in large parts of the country, ceding its former powers to the rapidly-developing local authorities that sought to "even the score" for past decades of abuse by the Communist state. The result was the rise of ethnic strife in the Caucasus, Central Asia and the Baltics. While many of the grievances on behalf of some local populations were legitimate, the Soviet government, fearing a general countrywide uprising against its rule, responded with force. That further galvanized local forces bent on maintaining their policies, resulting in massive outbreaks of ethnic conflict in the Caucasus and in other parts of the country.

The Soviet economy, unable to meet the demands of both the government and its people for nearly two decades, began to disintegrate, opening the way for organized crime to begin materializing as a legitimate, parallel institution. And while many truly democratic, liberal forces, backed by large strata of the population, gained significant advantages in Soviet society during the last three years of the U.S.S.R. from 1988 to 1991, their future outlook of the country as a liberal market economy clashed with the extreme difficulties of accomplishing such goals on the ground, where the state-supported planned economy was convulsing in inadequate attempts at readjustment.

There were many other significant developments that took place that served to either promote the cause of democracy in the U.S.S.R. or contribute to the growing chaos in the country, but the Soviet state was in a low-level condition of disintegration halfway through 1991. Then, the first backlash against what was viewed in the West as growing democracy took place. In August 1991, a group of high-level government officials attempted to seize power from Soviet President Mikhail Gorbachev, placing him under house arrest and seeking to impose emergency rule on the country. While their attempts were half-hearted and, evidently, poorly planned, their newly governing body addressed the country, seeking to gather support from the embattled, confused, upset or angry population.

Western countries, and other democracies around the world, decried the event as an attempt to turn back the clock on the inevitable democratic changes sweeping the globe. President George Bush viewed the spread of democracy in the Soviet Union in a similarly crucial tone as his son now views the establishment of democracy in Iraq and the Middle East. The new Soviet leadership, which governed for less then ten days, gave the following as its reasons to slow down "democratic" and "market" changes that were then taking place in the country: deteriorating living conditions, disrespect of the fellow human being, the seizure of power by the "demagogues" disguised as the "new democrats," growing crime and corruption in the country, and the coming disintegration of Soviet society as a whole with undetermined consequences for millions of people. In their eyes, it was necessary to reverse many of the poorly applied changes and policies in order to save the state from collapse. The Western states promptly condemned the coup, and President Boris Yeltsin emerged as the new leader capable of leading Russia in the new democratic future.

Unfortunately, almost all the predictions of the August "putchist" politicians and generals did come true following the collapse of the U.S.S.R. in December 1991 -- the state did fall apart, civil wars took place, tens of thousands were killed in the resulting ethnic and intra-state clashes, the economy tumbled, living standards fell disastrously, crime rose to levels previously unheard of -- all the while as new democratic, liberal forces were supposedly leading the state. While the resulting chaos in the Russian Federation cannot be considered as the fault of democracy -- since there were so many other complex reasons involved -- they were viewed negatively by many as a direct result of the imposition of democracy on what remained of the Soviet Union.

By 1993, the Russian president and his government were on opposing sides in the debate on the now unpopular liberal reforms. In September 1993, Yeltsin dissolved the Russian Parliament. The Parliament refused to obey, deemed Yeltsin's presidency unconstitutional and appointed Russian Vice President Alexander Rutskoy as acting president.

On October 2 and 3, 1993, massive street uprisings against Yeltsin erupted in Moscow, as the Parliament members, under leadership of Rutskoy, barricaded themselves in the parliament building. By October 8, after vicious fighting, the army, Interior Ministry troops and K.G.B. forces seized the parliament building by force, killing and wounding hundreds. This second backlash against Russian democracy resulted in strengthened executive rule, which continues to this day.

The West acquiesced to President Yeltsin's rule, which began to morph from populist-democratic to stronger executive with major authoritarian trends. The 1993 Parliament revolt was against the poorly-planned -- and as it turned out -- poorly executed liberal economic reforms. Like their predecessors in 1991, the rebellious parliamentarians wanted to slow down the pace of reform to prevent further disintegration of Russian society and the economy.

From 1993, as the West supported Yeltsin and his democratic and market reforms, the Russian executive power grew, overtaking and diminishing other powers in the state. President Putin ascended to the presidential post on the already established principles of powerful executive rule that would preclude any open revolts against the government with the purpose of slowing down or reversing democratic and liberal economic reforms put in practice since 1991. Putin, with his strong executive rule, now represents the perfect "bulwark" against such opposition. The Western fear of anti-democratic forces in Russia eventually gave rise to the man President Bush now criticizes as not "democratic enough."

Incidents of Backlashes to Western Democracy

While Russia now occupies one of the central positions in President Bush's European agenda, there have been other, no less powerful, backlashes against Westernization and democratization in other societies. In these societies, just like in Russia, the U.S. and its allies supported the imposition of policies that seemed to further greater openness and liberalization that was deemed as a necessary prelude to full-fledged Western democracy.

Throughout the 1970s, the Iranian Shah sought to impose Western liberal values by force, going so far as to have his security services forcefully remove religious headscarves from women's heads in public, proclaiming that such a policy was necessary to preserve the secular nature of the state. This often over-the-top imposition of certain secular Western values clashed with religious principles in Iranian conservative society.

The overthrow of the Shah's regime in 1979 and the imposition of theocratic rule in the country were no doubt accelerated by this push towards Westernization and democratization of the society. Such sets of policies that supported any forces that sought to impose U.S.-friendly principles resulted in the emergence of the strong authoritarian government firmly in control of the Iranian legislature, the army and the courts.

Today's Iraqi rebellion against U.S. forces and their Iraqi and international allies is in itself a powerful backlash against Western-imposed democracy on a society that has never known democratic values the way America understands them. Many elements of what is generally perceived as democracy are present on the clan and tribal levels in Iraqi society, where certain decisions are taken by consensus after all sides to a dispute or a problem are presented.

However, democracy on a national level where more than half of the population represents one religious affiliation that has major grievances against another segment of the population can be effectively translated as the "tyranny of the majority," and the latest election confirmed that Muslim Shi'a are now overwhelmingly powerful in the new democratic government. This fear of the tyranny of the majority is one of the reasons behind the disintegration of British India, since British Indian Muslims feared that they would be a permanent minority in the new democratic Indian state. While many of British India's Muslims eventually ended up in a Muslim-majority Pakistan, Iraq's Sunni Arabs do not have the ability to secede from the new Iraq.

While the insurgency is no doubt stoked by certain international terrorist participation, the Sunni Arabs' fight is against the new democratic Iraq and their future in it as the minority with the checkered past. It is possible for such anti-democratic forces to be brought into the "democratic" fold, as the United States did with Moqtada al-Sadr and his Shi'a militia. There are currently rumors of talks between U.S. forces and Sunni Arab rebels that could potentially culminate in the cessation of hostilities and the re-introduction of Sunni Arabs into the new government. However, the nearly two-year old military opposition to the democratic principles that are now taking hold precluded the United States from much-needed reconstruction of the country and its eventual military withdrawal. Moreover, there are indications that such imposition of democracy created mass support for anti-Western and anti-U.S. forces in the Middle East with yet uncertain, but worrisome, implications for the future.

Nor does the United States, itself the "beacon of democracy," necessarily disagree with certain backlashes against democracy in other countries. The 1992 elections in Algeria would have brought to power a party with strong Islamic affiliation. In the end, the Algerian military decreed the election invalid, and prevented the winning party from assuming control in the parliament and the government. The result was a civil war that took the lives of tens of thousands of people. The U.S. and the West did not object to the forceful subversion of purely democratic principles since the winning party was believed to have values contrary to open Western-style secular society. The Algerian civil war was a major destabilizing factor in Northern Africa for nearly a decade.

In present-day Pakistan, a key U.S. ally in the "war on terrorism," the democratically-elected civilian government was overthrown in a bloodless coup by General Pervez Musharraf, the present head of state. Just like in Algeria, the military's seizure of power did not clash with U.S. interests in the region, but contributed to a series of international incidents with India which pushed the two states to the brink of nuclear war. The current chronic instability in Jammu and Kashmir, under influence of both India and Musharraf's Pakistan, has the further potential to push the two states into a war.

Does every backlash against Western democratic values eventually lead to war or the potential for civil instability? Turkmenistan seems to disprove that assertion -- it is a society where a strong executive decreed that his society was not ready for democratic reforms and imposed a Stalin-like personality cult in place of free elections and public debate. Today, protest against the government is virtually unthinkable. Belorussia is another post-Soviet country where powerful presidential authority keeps in check the entire society, and where an all-powerful security apparatus enjoys Soviet-style discretion.

Conclusion

Peaceful massive protests can bring authoritarian states to heel, as Georgia did in 2003, followed by Ukraine a year later. However, there is a potential that anti-democratic forces in other parts of the world may ignite civil unrest that can easily grow into a civil war. In 1997, the Iranian population elected a parliament where a majority of ministers ran on a more liberal platform that called for greater openness of their strict society. The parliament entered a bitter political struggle with the ruling clerics, a fight which they would eventually lose. Several years after the 1997 elections, mass student protests took place on the campuses of major Iranian universities, with students calling for liberalization and an Iran that is more open to the world. These protests were brutally crushed by the police. The United States did not act in both cases, issuing only cautious statements that it supports the will of the Iranian people.

Some African states are perilously close to civil wars as a result of anti-democratic executive behavior, as the current events in Togo unfold. There are countries around the world where the imposition of Western-style democracy may either precipitate unwelcome consequences for the societies in question, or result in the growth of powerful, authoritarian executive governments as "keepers of the democratic order." While President George W. Bush's policy of spreading and aiding the development of democracy abroad certainly carries long-term benefits to the United States and the West as a whole, it is important to remember that not all societies where democracy is imposed or influenced by the U.S. are countries where peace, stability and respect for human rights necessarily prevail.

Careful attention must be paid to each country in question, taking stock of its historical, social and cultural developments. Democracy, as the world is finding out after the end of the Cold War, can come in many shapes and sizes. Supporting the right course of development, tailoring U.S. policies to each particular country, will be the best course of action for the present and future American administrations that seek to promote democracy and the rule of law abroad.

Report Drafted By:
Yevgeny Bendersky

Friday, October 06, 2006

'Di na balita yan: Palace boys admit funding Sigaw’s Cha-cha

Hindi na balita yan! Maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi taumbayan, hindi PIPOL at lalong hindi kagustuhan ni Mang Juan ang Cha Cha at Pipol Inisyatib, ito'y kagagawan, pasimuno ng mga pulitiko at palasyo, meaning PALACE INITIATIVE o Pipol Inisyatib ito ni Gloria (PIG)!

Alam ng Malakanyang na tapos na ang boxing, tapos na ang kwento, tapos na ang maliligayang araw ng Cha Cha. Alam rin ng Malakanyang na mananatili ang sistemang presidential at tuloy na tuloy na't dapat paghandaan na ang estratehiya't taktika sa 2007 election.

Sa katunayan, ayon kay Comelec Chairman Abalos, hindi na sila umaasang magagamit pa sa 2007 ang inaamag, ang pinagdududahan Automated Counting Machine ng Mega Pacific. So, imbis na computerization, MANU-MANONG PAGBIBILANG ang mangyayari sa 2007 election. Dagdag pa ni Abalos, "kasalukuyang nag-iimprenta na sila ng mga electoral parapenalya para sa 2007 election. Paano ngayon 'yan mga trapito sa ULAP, Liga ng mga lokal na erehekutibo at Tongresman? Ihanda n'yo na ang mga ninakaw n'yong milyon-milyon piso para sa electoral machinery at pamimili ng boto, tuloy na tuloy na ang 2007 election!!

Kaya Sen. Drilon, matagal ng alam ng country na ang PI o PIG (People's Initiatives ni Gloria) ay walang kaduda-dudang PALACE INITIATIVES at isang ILIGAL na ehersisyo!! Ngayon, paano mare-recover ang Daan-daang milyong pisong nawaldas sa kampanyang PI? Anong say rito ng Ombudsman, sino ang mananagot at masasampahan ng kaso?

Kawawa naman ang Sigaw ng Bayan, ULAP at Liga ng mga Lokal na Ehekutibo, matapos paasahing mananatili sa poder (No-El), matapos suhulan at paamuyin ng TUYO, pinangbala sa kanyon ng Malakanyang. Hindi oposisyon ang umupak, ang trumaydor sa ULAP at Sigaw ng Bayan, bagkus ang mga galamay mismo ni Ate Glo sa partido, ang KAMPI at mga asungot sa Malakanyang. Tulad ni Mike Defensor, lumalabas na hindi pala seryosong-seryoso ang KAMPI sa planong Cha CHa. Parang inuto't pinaniwalang LANGIT, PARAISO ang sistema ng Parliamentaryo pero HINDI NAMAN TOTOO !

Political survival para kay Ate Glo ang pakay ng Cha Cha, hindi economic and political reform, hindi rin ito survival ng mamamayang Pilipino o pipol sa tulad ng ipinopropaganda ng Malakanyang. Konsolidasyon ito ng mga dambuhalang pulitikong elitista't oligarkiya. Iwas Thaksin ito ng Thailand.

Layunin nitong durugin, tirisin, i-all out war, i-marginalized ang political opposition sa 2007 at 2010. Disenyo ito upang hadlangan at all cost ang posibleng landslide victory ng opposition sa 2007 election at makontrol muli ang Tongreso.

- Doy Cinco / IPD
Oct 7, 2006

------------------------------------------------------

Senators: Confession is proof PI is gov’t move
Palace boys admit funding Sigaw’s Cha-cha

By Angie M. Rosales
http://www.tribune.net.ph/headlines/20061007hed1.html
10/07/2006

It never was a people’s initiative, only an Arroyo government initiative, to ram through Charter change (Cha-cha) for a shift to the parliamentary system and the proof of this was the admission elicited from Malacañang media officers on the government funding by the senators during a budget hearing yesterday.

And the figure could go as high as P150 million for the propaganda and the printed materials and even more, if the budget hearings are to reveal more.

Senators yesterday succeeded in blowing Malacañang’s cover, which was its “indirect” financing of the needed funds to the Sigaw ng Bayan group of Palace frontman, lawyer Raul Lambino for their controversial and questionable signature drive on a “People’s Initiative (PI).

During yesterday’s budget hearing focused on the budget of the Press Secretary, senators succeeded in extracting from government media officers a confession that close to P10 million had been poured in from government funds for this year’s Cha-cha advocacy while new allocations to boost their propaganda have been included in the P1.13 trillion proposed 2007 national appropriations.

Obviously prepared for the scenario that took place during the budget hearing of the Office of the Press Secretary presided over by Sen. Franklin Drilon, Palace officials who attended the proceedings came prepared, armed with a ready answer: That the funds were properly used and could be accounted for.

In further justifying the funding for the people’s initiative, despite the lawmakers objections in their use of public funds for such a project is unauthorized under the law, Palace officials maintained they can do so because “this is an advocacy of President Arroyo.”

Palace Spokesman and Press Secretary Ignacio Bunye who was at the forefront in defending the Executive over the issue of financing the Cha-cha campaign, was on the defensive, saying he and concerned officials had managed to explain fully the programs of the government related to this move.

“We’re not saying that the expenses cannot be properly accounted for. That’s not the point. The point is that, in fact, government funds are being spent for this. That this is legitimate. We are not saying here that the funds are improperly spent. We are saying that government funds are being used for the Cha-cha campaign because it is an advocacy of the President, as simple as that?”Drilon retorted.

Bunye countered by saying: “That is correct but we have to qualify the circumstances under which the funds were used,” Bunye said.

“And right now, we have identified already nearly P10 million of government funds being used,” the senator immediately noted, enough to silence the Palace official.
Alongside this development uncovered by the Drilon-led finance committee, was uncollected receivables of the National Printing Office (NPO) amounting to almost P124 million.

The NPO figure is more than enough to fund the agency’s operations next year, even exceeding by P2 million the budget it is seeking before Congress for 2007.
NPO, it can be recalled, has been enmeshed as well in the Cha-cha controversy, having been reported several months ago that this agency was allegedly involved in the printing of some of the campaign paraphernalia of Sigaw and Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP).

NPO chief Felipe Evardone happens to be the brother of ULAP leader Eastern Samar Gov. Ben Evardone.

Drilon pried into the OPS items in its budget related to Cha-cha, in an attempt to scrutinize the legitimacy of the use of funds and in the process, managed to entrap the government media officials into the situation that these efforts were disguises in assisting Sigaw and ULAP’s moves to push the Arroyo’s people’s initiative.

“It is not a secret that the President is in favor of political reforms through Charter change….Not specifically Cha-cha, but we can promote programs that will explain the Charter change. For example, in the case of the national government television, there are specific programs that deal with the discussions on the Charter,” Bunye explained.

“Are you saying that devoting government funds to push Cha-cha which the President herself has openly declared as a policy would be improper? I don’t think so. So the President can, through the OPS, include for example the CoA (Commission on Audit) audit expenses incurred for Cha-cha, because this is an open policy,” said Drilon.
“That is line with the thinking of the President,” replied Bunye.

When asked to detail the expenses devoted in this year’s budget on Cha-cha, Bunye passed the buck to government media executives who all admitted being engaged in promoting Mrs. Arroyo’s advocacy.

Based on the officials’ explanations, close to P10 million has already been spent for this and P4.5 million had been allotted by the government television station NBN-4 in terms of production cost for Cha-cha-themed programs.

NBN general manager Joey Isabelo told Drilon that they plan to spend another P2 million pesos next year while the Philippine Information Agency (PIA) meanwhile has spent P3 million pesos.

Isabelo gave the impression that the government intends to go full-blast in the remaining months, appropriating P4.5 million for their TV program aired every Wednesday night, that has a projected income of P500,000 for every season or 13 episodes.

“For this (second) season (now ongoing), we will bring this program to the provinces, so we will be needing more and we’re allotting P4.5M for the program up to December this year,” he said.

“But you’re asking for a subsidy of a P50M…the people have the right to know how this budget will be utilized as every office in this government would make public in these public hearings how they propose to spend government money,” Drilon said in grilling Isabelo.

The NBN executive said the P50 million will cover the station for capital outlay and program development. “And program development could include Cha-cha?” Drilon asked to which he received an affirmative reply.

When asked for proposed funding for programs intended to promote Cha-cha, Isabelo estimated some P2 million in expenses. “If you already spent P4.5M for less than one year, why should I believe you when you say P2M only?” asked Drilon.

“For this (second) season, we’ll be on remote mode but for next year, since we have finished visiting all the provinces, we can do it in the studio,” Isabelo said, explaining that the high cost would also cover broadcast and transmission expenses.
The PIA claimed it had no role in the advertising placement of ULAP and Sigaw ng Bayan, but media and advertising sources said it was the PIA that they dealt with.

Drilon was quick in pointing out to them that a Palace-created commission which reviewed the feasibility of undertaking Cha-cha, happens to include among its panel members, Sigaw’s Lambino and Romela Bengzon.

The said body crafted the proposed Cha-cha advocated by Mrs. Arroyo, the senator said, adding that Lambino is also a petitioner before the SC on the matter of people’s initiative.

“That is on record. Lambino is espousing the Cha-cha as advocated by the President and for which government’s funds are being spent, would you agree with that?…I hear a deafening silence….according to Sen. (Juan Ponce) Enrile, the deafening silence comes because the question is unanswerable,” he remarked.

It can easily be deduced from the facts presented by them, Drilon said to reporters in an interview, that the OPS’ budget clearly funds the activities of Sigaw ng Bayan.
“At least to the extent of P10 million as admitted by the OPS through various expenses for the advocacy of the Cha-cha…In the forefront of which is the Sigaw ng Bayan. It is quite obvious that the Sigaw ng Bayan is funded, insofar as its information drive is concerned, as admitted by the OPS and its attached agencies, to the extent of about P10 million,” he said.

The senator emphasized what he insinuated as the illegality on the acts of Malacanang saying that “when the framers of the Constitution included the people’s initiative as a means of proposing amendments to the Constitution, it was contemplated that it will be a people’s initiative not a government initiative.

“We are withholding approval of the budget of the National Printing Office because of the cavalier attitude of the head of that office. There are receivables amounting to P124 million and the budget for this office for 2007 is P122 million. In other words, if he just exerts effort to recover these receivables, this could fund his budget for next year. But the cavalier attitude that he has shown would prompt this committee to withhold approval of this budget until he could submit a program for the collection of this P124 million in receivables for his office.

“I am prepared to do that if I do not see any serious effort to collect these receivables and liquidate these advances. We are not saying that we will withhold approval if they cannot liquidate or collect. What we are just looking for is a serious effort to collect receivables and liquidate these advances,” Drilon said.

Transaksyon sa LTO, makupad, MASALIMUOT, ubus ang araw mo!

Kamakailan lamang, binalak kong i-renew ang aking driver's licence sa LTO (Land Transportation Office). Dahil magpahanggang ngayon ay wala pa ring kuryente sa opisina nito sa D Tuazon, Cubao, idinerehe kami ng isang babaeng staff na inilipat na raw sa 3rd floor Farmer's Market LTO office, Cubao ang transaksyunan.

Unang bumulaga sa'kin ang kahabaan (hanggang pasilyo) ng pila sa LTO. Sa obserbasyon ko, iba't-ibang klase ng tao ang nakabalagbag dito, kasama na ang mga fixers, may mukhang middle class at working class. Nagtanong-tanong ng kaunti sa mga nakapila at sinabing “kumuha na kayo ng FORM sa bintana. Finil-uppan ko agad ang form at sinabihan rin akong magtungo sa katabing opisina na kung saan nandun naman ang Drug Testing.

Nakaunipormeng parang nurse (maroon) ang mga nangangasiwa sa Drug Testing. Nang ipakita ko ang driver's licence at ang LTO form na aking nasagutan sa counter, sabay singil ka ng P300.00 bilang kabayaran sa drug testing. May nakapaskel na poster sa dingdin na nagbibigay GIYA, anunsyo-assistance kung paano ang buong proseso, 5 step ang susundin. Kada bigay mo ng dokumento (na aking nasagutan) ay may karampatang paghihintay at tatawagin na lamang ang pangalan mo. Inabot ako ng siyam-siyan na oras sa drug test.

Para hindi maiinip ang mga tao, naglagay sila ng malaking TV na local programming ang pinalalabas. May 15 minutos din ang itinagal nung tawagin ang pangalan ko. “Ay sa wakas” buntung hininga ko, idinerehe kami sa isang room na kung saan maghihintay ka uleng tawagin ang pangalan mo para bigyan ka lamang ng isa pang dokumentong sasagutan ule at isang maliit na boteng plastic na paglalagyan mo ng jingle.

Nang tawagin ang pangalan ko (3 x na), laking tuwa ko't inisip na malapit na akong matapos. Idinerehe kami ng isang staff na pumasok na raw ako sa comfort room upang jumingle. Bawal isirado ang pinto hbang jumijingle, kailangang transparency, nakikita ka ng isang staff. Bawal ding magdala ng bag sa loob ng CR, kailangan mong iwan ang iyong bag sa shelve. Ginagawa daw nila ito para “makasiguradong wala kang dalang jingle na hindi iyo.”

Matapos matandaan, malagyan ng pangalan at pirma na ididikit sa plastic na bote ng isang staff, palalabasin ka na sa CR at pauupuin ka ule sa waiting area. Maghihintay ka uleng tawagin ang iyong pangalan para sa isang verification naman, pagsusuri ng mata at makuwaan ka ng litrato (kodak). Napansin kong, tinatanong ng isang staff na babae ang ilang naunang sa akin ang; “saan ho kayo nakatira at ilang taon na kayo?” Anong klaseng tanong naman yan, nasa dokumento na yan, tignan n'yo na lang noh?

Nang tawagin ang pangalan ko, hindi na nagtanong ang babae staff sa'kin. Kinuhaan ako ng kodak at pagkatapos pinalipat ako ng upuan para naman sa testing ng aking mata. Maliliit na letra na pinbabasa sa'yo. Ay sa wakas, nakaraos din. Ilang oras din ang binuno ko sa drug testing, sana pala, sinamantala ko ang panahon para mag-lunch sa isang resto.

Nung matapos ang lahat ng 5 step sa drug testing, lilipat ka ngayon sa LTO office at isusumite ang papeles, resulta, resibo ng drug test at form ng LTO sa Window 2. Ang problema, sa pagsusumite pa lamang ng papeles, mahabang pilahan ule. Napansin kong may mga debateng nagaganap sa window 2 na kung saan mga staff ng LTO (mga may idad na rin) at mga tao ang involve. Ang isyu pa la ay “kung iiwan mo o hindi ang driver's licence” dahil matatagalan pa raw maiproseso ang mga ito. Ang sabi ng isang MAMA, “hindi pwede, dahil magmamaneho ako ngayon at hindi pwedeng wala akong dalang driver's licence.

Kulang-kulang isang oras (mga 4 pm) ang inabot ko bago makalapit sa Window 2. Nang isumite ko ang dokumento sa Window 2, laking bad trip, laking malas ang kinahinatnan ko. Sa tagal ng paghihintay, inip sa pila, pagdating sa Window 2 ay sasabihin ng ALE (staff) na “bukas na lamang daw ito mapoproseso, dahil natambakan na raw sila ng trabaho”. Haaaaaa.....

So madalit sabi, parang closed na ang opisina at transaksyon. Paanong nangyari 'yon? Sana hindi na pinaasa ng LTO staff ang mga taong nag-tyagang pumila sa window at sana naglagay na sila ng isang paskel na CLOSED na, para mag-uwian na lamang ang mga tao.

So, dahil bukas na ako babalik, lumalabas na late ng isang araw ang renewal ng driver's licence ko. Magkakaroon tuloy ako ng penalty P30.0 saking transaksyon sa LTO na hindi ko naman kasalanan.

Bumalik ako sa LTO, the other day. Kamalasan ule ang inabot ko. Pagdating ko sa Window 2, inabot ako ng TANGHALIAN (3 min) at pinababalik na lamang ako mamayang ala Una (1:00 pm) ng hapon. Sinabi ko sa babae na may pasok ako sa trabaho at kailangang kong bumalik agad sa opisina, naki-usap, nego ako sa ALE, “dahil late lamang ako ng tatlong minuto, baka pwedeng ikunsider ?

Naki-usap akong sana tanggapin ang papeles ko, kaya lang kunuyog na ako ng isa pang babaeng mukhang bossing, “dapat inagahan ko raw.” Bakit sa pribado, lalo na sa BANKO, tuluy-tuluy ang transaksyon kahit sa oras ng break-tanghalian? Kung kailan computerized ang LTO, dun pa bumagal, usad pagong, makupd at masalimuot.

Kung tunay na ngang seserbisyo at seryosong dapat maatim nito ang target koleksyon sa pananalapi, sana mas maraming naiproseso, mas malaki ang kita sa gubyerno. Parang ang dating mga perwisyo ang turing sa mga tao. Dahil mga mamamayan ang nagpapasweldo sa kanila, dapat pagsilbihan nila ang mga ito.

Umuwi na lamang ako at bumalik sa opisina na walang nangyari sa buhay ko sa LTO. Ilang oras din ang nasayang, nawala sa'kin. Sana gumamit na lamang ako ng “FIXERS” na naglilipana't naghihintay sa labas.

Kailan tayo uunlad. Kailan bibilis ang transaksyon sa gubyerno. LTO pa lang yan at alam kong halos pare-pareho ang sitwasyon sa iba pang ahensya ng gubyerno (DFA-passport), permit sa LGUs at iba pa. Kailan kaya mangyayari ang isang mabilis, masigasig, masinop na serbisyo publikong transaksyon sa gubyerno? Pwede kayang i-on line, LTO Internet access, gawing electronic, e-mail ang maging paraan sa transaksyon?


Doy Cinco / IPD
Oct 6, 2006