Ang hirap aruking na muling magbabakbakan ang MILF at Gubyerno sa Mindanao. May larangang digmaan na nga sa NPA, may imminent “pipol power” pa na ikinakasa sa Makati (kung 'di man bawiin ang suspensyon kay Mayor Binay?), walang puknat at tuloy-tuloy pang political killings.
'Di pa nga nakakabawi sa pinsalang idinulot ng bagyong Milenyo at dengue epidemic, may paparating at didisisyunan ang Supreme Court na bagyong signal number 4, ang Cha Cha sa susunod na Linggo, may lindol, tsunami at tornado pang nakaabang sa Mindanao. Ang tanong, ito ba ang “STRONG o nanlulumong REPUBLIC”?
Nakakalungkot isipin at walang maaring walang sisisihin sa katangahan, sa kagaguhang, sa mis-management at gawang taong trahedyang ito kung 'di ang gubyerno ni Ate Glo. Ang gubyernong gigiray-gira at ang tanging pinagkaka- abalahan na lamang ay ang political survival ng kanyang poder.
Sino ang matutuwa, sino ang makikinabang kung saka-sakaling muling sumambulat ang labanan sa Mindanao? Papalakpak sa salpukang ito ang mga nagsu-supply ng armas, mga nagsasanay (war games) at atat na atat nang mapasabak, mga nanggagatong na makapangyarihang Amerika, si Bush, ang US State Department, si Blair ng UK at tropang Australiano. Sapagkat sila'y naka-abang na, preperado na't parang mga buwitreng handa ng manlalapa ng biktima, nakaKASA na sa anumang putukang maaring maganap mula ngayon hanggang sa mga susunod na Linggo.
Gaganansya rin ang mga taung nakapaligid kay Ate Glo, mga taung hindi na niya mahawak-hawakan at mga taung hindi na niya kontrolado't mga astig na “utak pulbura”, ang mga Heneral sa loob ng AFP! Mabibiyayaan din ang CPP-NPA, sapagkat ang grabidad ng atensyon sa counter insurgency ay kahit paano'y maibabaling sa Mindanao.
Kasalukuyang may "impasse" sa tigil putukang inisponsor ng Gubyernong Malaysia. Walang malinaw na mandato, hindi makapag-balangkas, makakagawa ng mga mahahalagang desisyon at patakaran magdidirehe sa tunay na kapayapaan at kaunlaran ng Mindanao ang Nego PANEL na itinalaga ng gubyerno.
At the end of the day, ang mga Heneral at hindi mga CIVILIAN pa rin ang may huling salita. Obvious ba, "kung ika'y militar, kailangan mo ng maraming GERA." Naka- balangkas sa "position of strenght frame" ang gubyerno't militar sa impasse ng tigil putukan. Tulad ng mgnagdaang karanasan, ang "peace talks ay ginagamit lamang bilang taktika sa kabuuang kontra-insureksyong" istratehiya ng mga matataas na Heneral sa AFP.
Upang sirain ang negosasyon, ginagamit at ikinukubli ang balangkas ng Constitution. Isang hlimbawa ay ang isyu ng “eminent domain”. Lihitimo ang ipinaglalaban (ilang dekada) ng ating mga kapatid na Moro, ang pangarap na magkaroon ng "Kalayaan at Self-determination" ng kanilang lupang tinubuan. Gusto ng MILF na bukud sa existing Muslim autonomous region, palawakin ito ng hindi ipinapako sa limitasyon ng Constitution.
Bakit palagiang isinasangkalan ng Nego Panel ang Constitution? "Wag nilang sabihin na mahal na mahal nila ang Constitution? Sobrang kaplastikan na'yan at over-over- ipokrita. Kung ang habol ay kapayapaan sa Mindanao, maaring gumamit ng extra- Constitutional o executive order ang Malakanyang for the sake ng hindi matuloy ang putukan, patayan. Akala ko ba buwisit na buwisit ang gubyerno sa Constitution?
Kung matatandaan, nagsimula ang tunggalian nung nag-alsa ang Moro National Liberation Front (MNLF) sa pangunguna ni Nur Misuari nung panahon nadiktadurang Marcos. Nagkaroon ng kasunduan (truce) at nagkaisang ipapatupad ang “Tripoli Agreement”. Dahil sa lokohan, goyoan at pulitikahan, walang pinatunguhan at kinahinatnan ang usapan. Alam ng gubyerno ang isyu at kung seryoso ito sa kapayapaan, kaya nitong i-nego, ihatag ang dinedemand ng MILF.
Sa kabila ng pagtatanggi ng MILF, pinagbintangan pa ito ng AFP bilang pangunahing promotor ng terorismo sa Mindanao, kinakalinga daw nito ang Abu Sayyaf Group at JI sa kanilang teritoryo at ang matindi, may pakana sa apat na insidente ng pagpapasabog sa Gitnang Mindanao.
Imbis na hanapan ng lunas, mag-usap-usap at pag-isipang magkasalubungan, mukhang pagbibintang, paghahamon, devide and rule tactics at pag-iintriga patungo sa Gera ang ipinamumukha ng Malakanayang at AFP sa MILF.
Mukhang may kahirapan ng maawat at nakahanda ang magkabilang panig sa girian. Matapos ang RAMADAM, inaasahan at malamang sumiklab ang gera sa Mindanao. Habang may iilang nagdiriwang, nagluluksa ang country, maraming mapipinsalang sibilyan at ari-arian. Ilang daang milyong piso kada araw ang magagastos ng gubyerno sa ilulunsad na gera na dapat sana'y magamit sa kaunlaran, kalusugan at edukasyon ng mga kabataan.
Kung matuloy ang putukan, dapat mag-resign at panagutan ni Ate Glo at buong pamunuan ng AFP ang karumal-dumal na krimeng kahihinatnan ng digmaan sa Mindanao. 'Di ka ba maluoy, sa batang Pinoy!
Doy Cinco / IPD
Oct 19, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment