Nabubulagan na, PRANING, 'di nag-iisip, naBUBUANG na't PUNOng-PUNO ng kabobohan, nalasing na sa kapangyarihan itong mga galamay ni Ate Glo partikular sa Dept of Interior of Local Government (DILG-PNP) at AFP. Kung sa bagay, tulad ni siRAULO ng inhustiya, ang karaniwang sakit nung mga nasa tuktuk, lumuluwag ang turnilyo't nasisiraan na, nawawala ang inobasyon at imahinasyon.
Ayon sa kanila, “lumalala” raw ang insureksyon at rebelyon sa ating bansa. Talaga? Kaya't ang pormula, ang kasagutan at solusyon ay TANOD? Layunin daw ng mga TANOD at Civilian Volunteer Organization (CVO) na "sa loob ng dalawa hanggang apat na taon (2-4 years time frame deadline), makatulong sa kampanyang anti-isnurgency operation na bubura't sasawata sa NPA at MILF?
Maniwala??? Ang totoo, ang tunay at mas kapani-paniwa ng mahigit isang libong beses, ayon sa track record ng mga kupal, dorobo na ito, pera-pera lamang at sa panahon ng paghuhusga, magsisirkuhan sa kabilang bakod ang mga kurakot na ito.
Suntok sa buwang masulusyunan ang rebelyon at insureksyon. Mahigit isang daang taon na ang rebelyon ng bansa. Isa na tayo (third world country) na maibibilang sa buong mundo na pinakamayaman sa insureksyon at pagrerebolusyon. BAKIT tayo nagkakaganito? Paulit-ulit, pabalik- balik, hindi nalaLAGUM at hindi natuto ang ating mga pekeng namumuno sa kung ano ang ugat at puno't dulo ng problema ng bayan.
Ang doktrinang "rule of Glo" at political survival ang kasalukuyang umiiral na batas. Ayon sa kaibigang kong si Edwin Tabora ng Akbayan!, halos plakado ang kahulugan ng demokrasya sa ilalim ng pekeng pangulong si Ate Glo at demokrasayang umiral nuong panahon ng diktadurang Marcos; " Buy the People, Off the People, Poor the People!"
Mahina't walang buto sa gulugud ang ating gubyerno-estado poder (weak state). Kung 'di man paralisado, nasalaula't na sodium ang ating mga demokratikong institusyon ng mga nasa kapangyarihang iilan.
Una; kinubabawan na ng Malakanyang, mga dorobo sa DILG, Sigaw ng bayan at ULAP ang desentralization at local autonomy ng Local Government Code.
Pangalwa; nawalan ng kredibilidad at pagtitiwala sa Comelec at electoral process ang country.
Pangatlo; Fake, walang maituturing na tunay, palaban na Partido Politikal na siyang dapat gumiya sa daan patungo sa kaunlaran at demokratisasyon ng bansa. Pinatatakbong parang isang family affairs (political clan) at negosyo-korporasyon ang mga bogus na partidong ito. Sila ang kumukontrol hindi lamang ng politika ng kapangyihan, pati ang inpluwensya at kayamanan mula taas hanggang baba.
Malubha na't sari-saring krisis ang tinatamasa ng mamamayang Pilipino. Ang krisis sa representasyon at partisipasyon, ang matinding crisis sa accountability, responsiveness at transparency.
Muling nabuhay at lumakas ang OLIGARKIYA, Casique, Politikang ANGKAN (political clan), ang “guns-gold-girls and goons (4Gs)”, patronage politics at padri-padrino- TRAPO. Dominado nito ang Kongreso at hindi matapos-tapos ang isyu ng katiwalian at pangungurakot. Sila ang mga political elite na nagpariwara, namayagpag, gumahasa't, kumopong ng institusyon ng estado, ng ating bansa.
Sa ganitong kalagayang, imposibleng mareresolba sa pamamagitan ng armas at militar lamang ang insureksyon at rebelyon. Kahit pondohan ng ilang triple, ng isang daang bilyong piso ang counter insurgency campaign ng AFP at DILG, tambakan ng isang daang batalyon (100), tapatan ng kung anu-anong makabagong armas at tangke de gera, gamitin ang barangay TANOD, buhayin sa libingan ang BSDO, CHDF at CAFGU, kahit magtawag at humingi ng saklolo't re-inforcement kay Bush o mag-import ng ilang libong US Marines ang AFP, gumamit ng missiles-satellites, modernong air at sea power at kung anu-anong klaseng pamuksa sa tao, hanggang nananatili ang kabulukan sa pulitika, hindi masusugpo ang rebelyon at insureksyon!
"Kung ang pinagbubuhatan, pinanggagalingan (hal. kung sa dengue-lamok, ang kanal at pusaling pinaggagalingan) ng rebelyon, insureksyon, ang ugat ng recruitement; karalitaan, inhustiya't karapatan, bad governance, crisis of legitimacy, kumpyansa't katotohanan, demokratisasyon, people empowerment, pundamental at radikal na pagbabago ng sistemang pulitika. Ang suma tutal, ang USAPING POLITIKAL at KAPANGYARIHAN".
Matuto sa kasaysayan, kung politikal ang problema, Politikal rin ang dapat maging solusyon.
Doy Cinco / IPD
Oct 23, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment